"Mmmmlexx!!!" Pat pushed Alex's chest away from her. When he didn't release her, she bit his lower lip.
"SHIT!" mura nito but finally stopped the kiss.
She felt guilty ng makita niyang dumudugo ang labi nito.
"Sorry! Sandali! Wait here!" tarantang sabi niya as Alex touched his torn lip.
She ran towards the kitchen. Kumuha siya ng yelo and inilagay niya sa bowl. She also grabbed some paper towel.
"Pat! Aanhin mo yan?" takang tanong ng mama niya na kasalukuyang nag-aayos ng pantry.
"Basta ma!" she hurriedly got out of the kitchen.
She saw Alex still seated on the couch. Tinakpan nito ng panyo ang bibig. Nakakunot ang noo nito as he looks at her.
"Patingin." she huskily said. She gently removed his hand with hankie from his mouth.
She bit her lower lip as she saw what she has done. Titig na titig lang si Alex sa kanya. Kumuha siya ng isang cube ng yelo with a paper towel. She rubbed the ice on Alex's torn lip.
"Sorry." she apologized again.
Walang reaction si Alex .He is just staring at her. Walang mabasang emosyon si Pat sa mga mata nito.
"Hindi mo kasi ako dapat hinahalikan! I am not your girlfriend so don't ever kiss me again!" sabi niya as she changed the ice with another one .She is trying very hard not to look at him. No reaction pa din ang binata.
"You were deliberately seducing me." he said suddenly.
"Of course not!" she denied.
"I am only human Patricia! So stop teasing me kung ayaw mong hinahalikan kita!" iritableng sabi nito.
Pat stopped rubbing his lip with ice. Ibinalik niya ang yelo sa bowl. She stared at her hands on her lap. Hindi niya matagalan ang titig ni Alex.
"S-Sabi mo liligawan mo ako ng maayos but you keep on kissing and touching me!" she accused then she heard him cursed.
Inangat niya ang mukha niya para tignan si Alex. Lukot pa din ang guwapong mukha nito.
He touched his nape then look up. Napansin ng dalaga that he does that pag bad trip ito or a little nervous.
"Patricia, sabi ko sayo hindi ako sanay sa ganitong ligawan .I even apologized that I may not do this the right way. But for Pete's sake, I am trying very hard! It's just pisses me off knowing na ang daming nanliligaw sayo, fuck it!" galit na sabi nito.
Medyo natigilan si Pat but she quicky recovered. "Is that your excuse kaya mo ako palaging hinahalikan?" inis na tanong niya.
"I am kissing you because I fucking want to! Isn't it obvious that I am crazy about you? That I want us to be a couple??"
Speechless na naman si Pat.
"Patricia hindi ba pwedeng tayo na? Promise ,I will still woo you kahit tayo na. Ang hirap kasi ng ganito na sa dami ng may gusto sayo baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko na hamunin na sila ng pisikalan!" he admitted angrily.
"You make it sound as if may gusto din ako sayo .Hindi ka naman masyadong assuming niyan?" she asked him while she has her left eyebrow raised.
Hinawakan nito ang baba ng dalaga and looked her straight in the eye. "Wala ba?" mahinang tanong nito.
Gusto na sanang sabihin ni Pat na wala pero masasayang ang mga plano niya pag minadali niya ang lahat. The longer na paaasahin niya si Alex, the more it would hurt him pag binasted niya ito. She removed his hand from her chin.
"Basta be fair! How do you think they will feel if alam nila na you always kiss me and..and.. " Hindi matuloy si Pat ang gusto niyang sabihin. She saw na ngumiti ng malapad si Alex na nagpalabas na naman ng dimples nito. Nainis siya lalo sa nakita niya. Ibang klase talaga ang confidence nito. Nakaisip siya ng pang-asar sa binata.
"Ikaw, how would you feel if they do that to me too?" tanong niya.
Alex's expression darkened. He grabbed her wrist then twisted it a little to bring her closer to him.
Sa gigil na gigil na boses he asked ," Have you done that with any of them?!!"
Parang tumalon sa lalamunan ni Pat ang puso niya. Alex is furious. Napailing na lang siya.
His grip didn't loosen, " Don't even think of letting any of those assholes touch or kiss you!" banta nito.
Sasagot sana si Pat ng marinig nilang bumukas ang sliding door. Alex released her then stood up.
"Tita Cora, mauuna na po ako." paalam nito sa mama niya. Na parang walang nangyari sa kanila. Normal na normal ang boses nito.
"Ganun ba Alex? O sige salamat ha? Naku buti na lang dumating ka kung hindi baka palpak na naman yung minarinade ko na karne. Salamat din sa cake." nakangiting sabi ng ina ni Pat.
"Basta tawagan niyo lang po ako tita kung may kailangan kayo or may gustong itanong." Alex said politely.
Tumango ang mama ni Pat. "Thank you ulit .Drive carefully iho .Pat,ihatid mo sa labas si Alex."
Kung hindi nagpigil, padabog na tatayo sana si Pat.But she needs to keep her cool. Bago tuluyang lumabas ng gate si Alex, "Huwag mong kalimutan ang pinag-usapan natin Patricia."
Hinapit nito ang likod ng ulo niya then he sucked her lips three times. Tinulak ni Pat ang binata away from her, "Alex! Di ba nag-usap na tayo?"
"That's not a kiss, baby." pilyong sabi nito. "Sige pasok na baka matukso na naman ako." akmang lalapit na naman ito sa dalaga.
"You sick perv!" sigaw ni Pat as she closed the door on his face. She heard him chuckled.
***
"Sir Alex, may naghahanap po sa inyo sa labas." One of the waiters told Alex. Nasa maliit na office ito ng Anilla Cafe.
"Sige lalabas na ako,salamat Ellie."
"Alex Llamarez!" bati ng isang lalake na medyo chubby .Nakaupo ito sa maliit na couch pagpasok ng cafe.
Lumapit si Alex tinitigang mabuti ang kaharap.
"Namputsa pare! Ang guwapo mo lalo at ang laki ng katawan mo ngayon! Artistahin ka na talaga champ!" sabi nito habang malapad ang ngiti.
Nang marinig ni Alex ang tinawag sa kanya ng lalaki..." Anak ng.....ANTON! Antonio Cortez!!" sabay nag hi-five at man-hug ang dalawa.
"Pare, halika dun tayo sa opisina ko. Di kita nakilala! Ang laki ng pinagbago mo." Biro ni Alex.
"Namputsa pare wag mo akong aasarin! Kahit malaki ka sa akin, papatulan kita! " ganting biro nito.
"Upo tayo pare! Ano ba gusto mo? Papakuha ako sa labas." tanong ni Alex.
"Babae pare meron? Yung vavavoom ang wangkata? " kumindat na sabi nito.
"Anak ng....hanggang ngayon manyak ka pa din pare!" natatawang sabi ni Alex.
Ka-batch niya si Anton sa highschool. Actually tatlo sila yung isa si Mike. Sa kanilang tatlo, si Anton dati ang pinaka-matinik sa babae. Nagulat nga siya kasi ibang-iba ang hitsura nito. Skinhead ito ngayon and may beer belly.
"Kumusta na pare? May asawa ka na?S i Mike pare?" Alex asked.
"Naku bukas uuwi si Mike galing Singapore. Kita-kits tayo .Bakit kasi hindi ka na active sa sns pare? Wala tayo tuloy communication. Nawala ka na lang parang bula after graduation." may hinanakit na sabi nito.
"Pasensiya ka na pare. Puro kalokohan lang kasi laman ng utak ko nun. Hindi ko na naisip na dapat hindi ko pinutol ang communication natin. Pagdating ko kasi sa America naging abala na ako.Nag working student ako dun eh. Paano mo nga pala nalaman tong coffee shop na to?"
"Nasa America ngayon ang tita ko. Aksidente silang nagkita ng mama mo. Hayun nakumusta ka. Alam kasi ng tita ko dikit tayo nung hasykul. May pinagtataguan ka yata pare!" Anton joked.
"Sira! Bakit naman ako magtatago?" naiiling na sabi ni Alex.
Ewan ni Alex basta nung umalis siya sa Pilipinas dati, naisip niya na gusto niyang baguhin ang buhay niya. Magseryoso, hindi gaya nung highschool days.
"Di naman kaya pinagtataguan mo si Kate?" biro nito.
Kumunot ang noo ni Alex.
"Pare kalimutan mo na yung nangyari dati. Tayo-tayo lang naman nakakaalam nun eh! Di naman kumalat sa school!" sabi ni Anton. "Tsaka pare,alam mo ba? Nung iwanan mo si Kate nag-iba na siya !Hindi na siya yung dating Kate mo! Pero pare, champion ngayon sa katawan!!"
Si Kate ang unang niligawan at first gf ni Alex. Ito din ang unang babaeng naka-sex ng binata. Gaya niya, virgin din ito ng may nangyari sa kanila .In short, si Kate ang first niya sa lahat.