I'm His Destiny Chapter 20

"Labas tayong dalawa mamaya pare! Tapos bukas ng gabi tayo naman nila Mike!" suhestiyon ni Anton na nagpabalik sa isip ni Alex sa kasalukuyan.

Ngumiti si Alex. "Sige! Kaso baka magalit ang asawa mo! Pwede ka pa bang lumabas labas?" pang-aasar nito sa kaibigan.

"Namputsa pare! Mukha lang akong may asawa pero single pa to hoy!" sabi nito habang nakangisi.

Natawa si Alex. "Sabagay pare sa hilig mo sa babae malamang hindi ka pa din makuntento sa isa. Tama lang na huwag ka na munang mag-asawa. Kawawa naman ang mapapangasawa mo. Sasakit ang ulo sayo!"

"Galing mo ding mang-alaska champ! Eh ikaw ilan ang gf mo ngayon?" hirit naman nito.

Medyo sumeryoso ang mukha ni Alex. "Nanliligaw pa lang pare." amin nito kay Anton na nagpahalakhak dito,

"Anak ng dota pare! Sa gandang lalaki mong yan nanliligaw ka? Akala ko kay Kate ka lang nanligaw nun? Tsaka hindi pa talaga ligaw yun ha? Nakuha mo nga si Kate sa cheeseburger at fries eh! Hindi na ikaw si champ niyan pare! Tigilan mo ang ligaw-ligaw na yan.Sa ating mga gwapings hindi uso yan! Sakto! Mamaya pag-usapan natin yan! Mambababae tayo! Ewan ko lang if hindi mo makalimutan yang pinopormahan mong yan!" nakangising sabi ni Anton.

***

"Angel, napagisipan mo na ba yung sinabi ko sayo? About sa pagpapanggap natin na mag-nobyo?" asked Matt while he's driving.

Sabay silang pupunta sa gym tapos ihahatid siya nito.

"Matt,hindi ba awkward? I mean, sabi mo you want us to be more than friends tapos gusto mo ituloy pa natin yung plano mo."alanganing sabi ni Pat.

Bumuntung-hininga si Matt. "Masyado na kasing makulit si Ella. Baka one of these days mapikot na ako ng babaeng yun .I desperately need your help, angel." nagsusumamong sabi nito.

Napaisip si Pat. Ngayon lang naman naghingi ng pabor si Matt. Besides, hindi naman si Matt ang tipo ng lalake na magtatake advantage. "Sige na nga!" she finally said.

Parang nagulat si Matt sa biglang pagpayag niya. He didn't react for a few seconds. Nang maintindihan yata nito ng maayos ang sinabi niya, he pulled over on the side of the road.

"Angel? Totoo? Payag ka na?" paninigurado nito. His handsome face looks a little worried .

Pat laughed quietly, "Oo. I can be your mock gf. But don't forget na kunwari lang ha?" she reminded him.

Matt grinned. " Thank you angel .I owe you big time! Hayaan mo, pipilitin kong hindi lakipan ng totoong pagnanasa para walang malisya." biro nito kaya inirapan niya.

"Actually angel may konting kasalanan ako eh." He said habang pinaandar na ulit ang kotse nito.

Pat frowned. "What did you do?"

"Dahil nakukulitan na ako kay Ella, I told her and my mom na tayo na. Kaya kailangan bukas isama kita sa bahay." he looked sideways at her. May pag-aalala na naman sa mukha nito. She just sighed. Ano pa ba ang magagawa niya?

"What did your mother say?" she asked.

He smiled as he glanced at her, "She's delighted .You know she likes you. There's nothing about you that is not likeable,angel." he said the last part throatily.

***

Nagkita sila Alex at Anton sa isang bar sa Makati Ave.

"Champ! Kala ko mang-iindian ka pare! "

Alex sat on the chair. "Sorry pare. Sinilip ko pa kasi yung coffee shop namin ng kaibigan ko."

"Namputsa pare! Na sayo na ang lahat !Macho, gwapo, masipag at mayaman!"palatak nito."Nababakla na yata ako!" halakhak nito.

"Siraulo ka Anton!" natawang sabi ni Alex before he looked around. Madami-dami na ding tao kahit past 8 pm pa lang.

"Ano pare ang iinumin mo? " tanong ni Anton.

"Beer lang pare.Magdadrive pa ako."

Kung hindi lang nakakahiya sa kaibigan nito hindi na sana ito sisipot. Gusto niyang mag-gym para makita si Pat. Si Ron na lang ang sinabihan na ireport sa kanya kung nasa gym ang dalaga.Mamaya tatawagan niya ang kaibigan.

"Anong pulutan pare?"

"Kaw ng bahala." Alex said.

"Pare may sasabihin ako sayo." kumindat pa ito bago tinawag ang waiter and binigay ang order nila.

Inabot ni Anton ang isa sa limang beer na nasa lamesa. Naka dalawa na ata ito. Alex got it and gulped a little. "Ano yun pare?"

"Pare, actually kanina tinanong mo ako if may asawa na ako. Wala pare. Ka-live in meron. Bata pa tayo pare, 31 pa lang. Wala pa sa isip natin ang pag-aasawa di ba? Kaya libre pa naman ako he he he."

Tinaas ni Alex ang beer sa kaibigan. "Good for you pare!"

"Pare," tawag ni Anton bago lumagok ng beer, "di ka ba intresado kay Kate? Hindi mo man lang ba tatanungin kung kumusta na siya?"

Kanina pa kinapa ni Alex ang sarili. Kung hindi nabanggit ni Anton si Kate hindi na naman niya maaalala ito. What they had was probably just puppy love and highschool lust.

He is positive na kay Pat lang siya intresado dahil ito lang ang gustong-gusto niya. But out of curiosity magtatanong na din siya about Kate. "O sige pare,kumusta na si Kate?" tanong niya bago uminom ulit ng beer.

The waiter came with additional beer and a platter of different types of sliced sausages.

"Pare, nung iniwan mo halos gabi-gabi lumalabas. Ewan ko if totoo nga na ang daming na-syota pare. Iba ang kamandag mo champ !Na-broken hearted yata sayo. Basta mo ba naman iwanan na lang tapos mong patikimin eh. Kaya hayun nagwala! Alam mo bang pati si Mike naka-iskor dun? Nag-alala nga ako na baka magalit ka eh. Siyempre ex mo tas siyo-siyotain ng ka-tropa di ba?" sabi ni Anton bago pumalatak.

"Anton!" tawag ng isang babae na kakapasok ng bar. Kayumanggi ito pero may hitsura. May kasama itong mestisahin naman. Parehong naka mini-skirt ang dalawa.

"Gina!" bati ni Anton.

Tumayo ang dalawang lalake para paupuin ang mga babaeng dumating.

Tumabi kay Anton yung Gina then sa tabi ni Alex umupo ang isa.

"Nga pala Ginam ,ito si Alex, kaklase at barkada ko mula highschool. Pare si Gina at si Che. Kasama ko dati sa trabaho." pakilala ni Anton.

Nag hi ang dalawa kay Alex. Gumanti naman ng ngiti ang binata.

***

Mga after isang oras nagpaalam na si Alex kina Anton. Sabi nito maaga pa ito bukas. Mukha ngang na-disappoint yung Che. Nailing na lang ang binata pag naalala niya ang reaction nito. He has no desire to meet or date other women. Basta for him,si Pat lang.

Nakahiga na ito pero hindi pa din maalis sa isip nito ang sinabi ni Anton about Kate. Parang nakonsensiya siya . Siya ba talaga ang may kasalanan kung bakit naging ganun si Kate?

Maybe he needs to see her one of these days. Wala nga silang closure. Though it's long overdue, he feels that they need to have it so he won’t be guilty anymore. Bigla tuloy niyang naalala ang highschool days nila....

Kahit payat siya dahil sa chinito at guwapo, madaming nagkakagusto sa kanya. Siya lang ang ayaw pumatol. Sabi nga ni Anton once makatikim daw siya sigurado magkakahilig na siya sa babae.Sayang naman daw ang gandang lalake niya.

Palibhasa puro lalake sa eskwelahan nila, kapag may mga events like JS prom, yung katapat nilang exclusive for girls school ang naiimbitahang maging partners ng mga schoolmates niya. Pinsan si Kate ng isa sa mga gfs ni Anton dati. Pinakilala sa kanya bago mag JS prom. Hindi siya nag-attend ng prom nung nakaraang taon. Pero since graduating na sila, nabuyo siya ni Mike at Anton na umatend na. Sila daw ang bahala sa date niya.

His first meeting with Kate was in a fastfood chain. Kasama sina Anton and Mike with their girlfriends na schoolmates ni Kate. Humiwalay ng table ang apat para daw mas lalo nilang makilala ang isa't-isa.

Tahimik at simple si Kate.Maputi na payat pero maganda din naman. Ang nagustuhan sa kanya ni Alex ay yung pagkainosente nito. Yung tipong masyadong naive for a 16 year old. Lahat dapat ituro.Laki sa lola kaya palaging hinihigpitan.

Naputol ang pagnunumi-muni niya ng mag-ring ang phone niya. Naunahan siya ni Ron sa pagtawag.

"Pare! Anong balita?" tanong ni Alex. Umupo ito sa gilid ng kama niya.

"Pare,sigurado ka ba na magkaibigan lang si Patricia mo tsaka yung Matt?" naniniguradong tanong ni Ron.

Napatayo si Alex. "Anong ibig mong sabihin pare?" kunot-noong tanong nito.

"Hanep yung Matt! Palaging nakadikit tsaka may pahawak-hawak pa. Parang siyota eh.Tanungin mo ng maayos si Patricia mo pare."

"Fuck it!" galit na mura ni Alex.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.