In Love With The Rain Chapter 8

Pinagkatiwala ni Sevein ang mga gamit ko sa isang lalaking kumuha nito kanina. Himala lang dahil ni wala man lang nagtanong kung sino ako. Hindi ko rin naman iniisip na kilala ako ng mga tao rito dahil bihira lang ako isama ni tito kapag lumalabas siya ng bansa. Umayos lamang ako ng tayo habang ang aking kamay ay nakapasok sa siko ni Sevein. Wala akong ibang ginawa kundi ang ngumiti at tumango sa mga negosyanteng nadaraanan namin na ilan sa mga malaki ang pangalan.

Sa pasilyo pa lamang ay magaganda na ang mga disenyo, ang mga babaeng nakasuot ng mukhang mamahalin na damit at mga alahas na kumikinang sa kanilang mga katawan. Sa pagpasok namin sa bulwagan kung nasaan ang malawak na patag na bahagi ng barko ay mas marami pa ang mga tao. Rito nahagip ng aking paningin ang mag-asawang Fornacier na gumawi sa kanan kaya hindi nila kami napansin.

"Good evening Mr. Roux and Ms. Ficarro," anang ng isang lalaking napadaan sa aming harapan.

Agad akong ngumiti sa lalaking kaibigan ni tito at ng pamilya ni Sevein. Walang pasabi na hinalikan nito ang aking kamay at saka kumindat na ikinangisi ni Sevein.

"Good evening Mr. Lincoln," bati ni Sevein kaya dahan-dahan niyang binitawan ang aking kamay.

"Enjoy your time here. Oh! Hmm, you have to choose between bussines and love, before I le—"

"Well, I must prefer the first one, that bussines," pagpuputol nito sa sinasabi ni Mr. Lincoln, kaya tumaas ang kilay nito.

Napatingin ito sa akin at saka umiling.

"He rejected you, tsk! Has no class," iiling-iling na bulong niya saka tumalikod sa amin.

Parehas kaming napatingin ni Sevein at saka natawa. Nasanay na lang ako dahil gano'n siya madalas sa akin, lalo na kalag may kasama akong lalaki. I don't have to worry about because I knew him. Iba't-ibang tao ang bumabati sa amin at tinatanong kung ako ba ang Azusa o ang Cazue. They are always confused between Veron and I. Madalas kasing isama ni Tito si Veron sa ganitong okasyon dahil ako rin ang tumatanggi.

Hindi ko maiwasang mamangha nang matanaw sa itaas ang mga tumutugtug ng violin, banayad at sobrang sarap sa pandinig. Kung hindi ko pa naramdamang lumakad si Sevein ay hindi pa ako matitinag sa katititig doon. Nawala ang ngiti ko nang may isang babaeng huminto sa aming harapan. Mas matangkad ito kumpara sa akin at mas maganda, tumingin lang ito sa akin na nginitian ko, ngunit nagbalik ang tingin niya kay Sevein, bahagya itong gumilid, at saka bumulong ng kung ano. I gradually averted my sight with them and pretend that I didn't notice it.

Naramdaman ko ang pagbaba ng bisig ni Sevein, kaya nawala ang kamay ko sa kanya. Ngunit mabilis niyang hinawakan ang aking mga daliri. Nakangiti itong tumingin sa akin at humarap.

"Caz, sorry, we have something to talk about. Babalikan kita mamaya," sinserong bulong nito at inayos ang aking buhok.

Lumingon ako sa babaeng mukhang naiinip na sa kahihintay, tumango na lang ako at ngumiti bilang pagsang-ayon.

"Okay lang, pupunta ka rin ako sa kwarto ko para makapagpahinga. Thanks for your time."

"Thank you! Take care yourself, Caz."

Isang paghalik sa pisngi ang natanggap ko saka niya ako tinalikuran. Tiningnan lamang ako ng babaeng hindi ko kilala at saka rin tumalikod. Naiwan akong nakatayo sa gitna ng maraming tao na nilalagpasan at sumasalubong sa akin. Wala akong nagawa kundi ang maglakad ng mag-isa upang hanapin ang elevator.

Nang makita ko ang pasilyong marami rin ang tao ay nagpasya akong umatras dahil mukhang pinipilahan nila ang elevator na iyon. Minabuti ko na lang na gumamit ng hagdanan. Ilang minuto rin ang tinagal bago ako makarating sa kwarto ko dahil sa pagtatanong, at mabuti na lang ay may tumulong na staff sa akin. Hindi ramdam na lumalayag na ang malaking barko, dahil bukod sa malaki ang aming sinasakyan ay mabagal lang din ang pag-usad nito.

"Nandito na kaya siya?" bulong ko habang inaalis ang aking sapin sa paa.

Natitigan ko ang aking repleksyon sa salamin na nasa aking gilid. Sa tuwing tinitigan ko ang aking mukha ay may kung anong bigla itong ngumingiti na para bang si Veron ang kaharap ko, at ang walang buhay na mga mata ni Nikasha. Am I tired? Wala pa naman akong ginagawa.

I dialed Fred's number but he didn't answer.

Ala-syete na, ni hindi man lang siya tumawag o nag-text sa akin. I know he's busy, he's an engineer in other company and he's working with us. I don't know how he managed his time, but he's really a professional.

Maya-maya pa ay natanggap ko na ang pagkaing sila mismo ang nag-aasikaso, sa pagkakaalam ko ay libre kami rito dahil si Mrs. Aiva ang nag-imbita sa amin.

Maya-maya pa ay isang mahinang pagkatok ang aking narinig, nag-dadalawang isip pa ako kung bubuksan ko iyon dahil hindi ako nakaayos.

Nagsuot na lamang ako ng cover up, saka binuksan ang pinto.

Isang lalaking pormal ang suot at may hawak na brown envelope. Pamilyar siya sa akin pero hindi ko ito kilala.

"Good evening Ms. Ficarro," bati nito na nginitian ko at lumabas nang kaunti sa kwarto.

"H-Hi, good evening. How may I help you?" tanong ko, at saka niya inabot sa akin ang envelope.

"Here's the other detail for tomorrow's meeting with Mrs. Aiva. She wants to see you at conference area. We will guide you Ma'am, tomorrow," pagbibigay alam nito sa akin habang tinititigan ang papel na nasa harap ko.

"Sure! We'll be there. Thanks for approaching me."

"No problem Ma'am. Thank you."

Umalis na ito sa aking harapan at saka ako muling bumalik sa kama. Mamaya ko na lang siguro ito babasahin. I already reviewed the details for the nth time. Nag-shower na lang ako at nagsuot ng night dress, ito ang sinabi sa akin ni Veron, hindi naman siya gumagawa ng bagay na ikakapahamak ko. Nakakahiya, pwede pa.

I like my room. I think it is an Art Deco. Combination of light brown and white, with bold patterns, opulent fabric and eye-catching mirror. Tanaw ko pa ang karagatan sa mismong balcony. I really love it.

Habang tahimik na pinagmasdan ko ang mga alon mula sa gilid ng aking kama ay nakarinig ako muli ng pagkatok, dali-dali akong tumayo at hindi na nag-abalang mag-suot ng kahit anong pamatong.

"Yes?— oh! Hi!" Kaway ko isang lalaking hinihingal at naka-alis ang dalawang butones sa kaniyang polo na naka tuck in.

Ngumiti ito sa akin at saka bahagyang lumayo sa pinto.

"Sorry ngayon lang. Nagkaroon kasi ng emergency kanina. Nagpapahinga ka na ba?" tanong nito.

Umiling ako at saka binuksan lalo ang pinto. Wala namang problema kung mag-usap kami sa mismong hallway dahil maluwag naman iyon, pero nakakahiya dahil sa suot ko na naka-pantulog.

"Would you mind if we just talk inside?" ngiting tanong ko.

Bahagya itong sumilip sa kwarto at saka ako tiningnan, bumaba pa ang tingin nito saka bumalik sa aking mata.

"Hindi na siguro, magpahinga ka na lang. Sasabihin ko lang sana na bukas ng hapon makikipag-kita si Mrs. Aiva."

"Oh, kaya nga e. Okay, good night. See you tomo— wait, where's your room?" tanong ko agad at saka siya umatras at itinuro ang kabilang kwarto.

Tumango ako bilang pagsang-ayon. Magkatabi lang pala kami.

"Pasensya na ulit sa abala. Good night."

Ngumiti lang ako at saka dahan-dahang sinara ang pinto, sumilip pa ako sa nang kaunti at saka lang siya umalis sa harap ng aking kwarto. Something wrong with him. I don't know if he has a problem.

Pagka-upo ko sa kama ay bumungad agad sa akin ang text message mula kay tito.

Tito:

Enjoy your work. Sevein told me that you are here. Rest for now and do your work tomorrow. I love you.

Sandali akong napangiti. I was about to text him back, but he suddenly text again.

Tito:

Fred will never let you down. Do your work together.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.