IN YOUR ARMS (MED SERIES#1) Chapter 10

CHAPTER 9

"Reeve," I whispered.

Nakita ko siya hindi kalayuan kung saan kami nag-uusap kanina ni Christoph. Nang akmang papasok na ako may nakita akong pigura sa di kalayuan.

It was Reeve looking intently at me. Akmang tatalikod na siya at aalis nang sinigaw ko ang pangalan niya.

"Reeve!" I shouted tama lang ang lakas para marinig niya. Dali-dali akong pumunta kung saan siya nakatayo kanina.

I am standing a few steps away from him. He is wearing a beige khaki pants and white polo sleeve. Nakatupi ito hanggang siko. Kung dati ang kaniyang buhok ay hindi nahahagilap ng suklay ngayon naman naka ayos ito. Naka-ayos ito patagilid at ang ilang bahagi ng kaniyang buhok ay kumakalat sa kaniyang noo.

While me, I am still wearing our uniform. How come na naka bihis na siya?

I can also smell his scent hindi masakit sa ilong at mabango kung lalapitan mo pa siya ng maigi.

"Anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya.

Impossible namang dito siya nakatira kasi puro apartment lang naman ang naka hilera dito.

"Bakit? Bawal ba may nakasakbit ba na karatula na bawal ang pumunta dito?" Pamimilosopo niya sa akin pero hindi pa rin nagbabago ang emosyon ng kaniyang mata.

The coldness is evident on his eyes. Halata rin na wala siya sa mood.

"May sinabi ba akong bawal? Nagtaka lang naman ako kasi hindi ka naman namamalagi dito eh."

"Tsaka, bakit ang sungit mo ha? Nakita lang naman kita na nakatingin sa akin eh."

Agad na kumunot ang noo niya at nagtatakang tiningnan ako, "What?"

"Ah, hindi ka na suplado ngayon kun'di bingi na?" Natatangong parinig ko sa kaniya.

Now he is annoyed.

"Alam ko naman na narinig mo ang sinabi ko nag bibingibingihan ka pa d'yan," bulong ko sa sarili ko.

Hindi ako nag angat nang tingin sa kaniya ang pinanood ko ang mga sasakyan at mga estudyante na dumadaan dito malapit sa amin. Hindi rin naka takas sa pandinig ko ang mga babaeng kinikilig marahil ay dahil dito sa katabi ko.

"Why are you with him?" He suddenly asked.

I laid my eyes on him. Halata sa mga mata ko ang pagtataka dahil sa tanong niya.

"Who?"

"Iyong kausap mo kanina," he answered still looking at me.

Mas lalo akong nagtaka kung bakit niya tinatanong sa akin kung bakit ko kasama si Christoph. Did he know Christoph?

"Do you know him?"

Agad siyang nag-iwas nang tingin sa akin pagkatapos kong itanong sa kaniya 'yon. He wouldn't asked me that question if he didn't know him. Are they bestfriend or something?

Hindi niya sinagot ang tanong ko at kusang nag-iwas. There was something in his eyes when he asked me.

"Reeve do you know Christoph?" I asked again hoping that he would answer me.

But when I mention Christoph name his eyes turned into a dark and his aura is suddenly unbreakable. There was something in him that I couldn't figure out.

His palm unexpectedly turned into a fist like he was ready to punch someone. Ang mga ugat niya sa kaniyang mga braso ay halos nakikita ko na dahil tindi ng pag pwe-pwersa sa kamao niya..

Basi sa kaniyang inaakto kilala niya si Chritoph.

Hindi ko gusto ang Reeve na nakikita ko ngayon. Hindi ako sanay na makita siyang galit na galit. I always see him as a cold yet calm person. Ako lang naman ang nagpapa-inis sa kaniya. Pero ngayon sa nakikita ko ibang Reeve ang kaharap ko.

"Reeve," pagtatawag ko sa pangalan niya at hinawakan ang kaniyang mga kamay. Pinasadahan niya nang tingin ang kamay ko na naka-hawak sa kaniya at agad na tumingin sa aking mga mata.

Nakipagtitigan din ako sa kaniya. Hindi ko inalis ang tingin sa kaniya dahil ang mga mata ko mismo ang nagkusa na. We were staring at each other eyes like there is no one could destroy us.

Kung kanina galit at poot ang nakikita ko sa mga mata niya ngayon naman ay isang maamong mukha at mga mata.

His stares made my heart race again. Whenever I look at him there is something about myself that I couldn't found out. I feel comforted.

The way he looks at me makes my heart flutter so much and at the same time, it's quite tempting for myself.

"That bastard," he uttered still clenching his fist pero kumalma na siya nang hinahawakan ko ang kamay niya.

I don't know what's gotten into me but I didn't let go my hand to him. I am still holding it as if we were a couple. He didn't seem to mind it pinabayaan niya lang ako na hawakan ito.

So he knows him, he looked like mad to Christoph. There is something about them that made Reeve like this.

"Why are you talking to him?" Matigas na pagkakatanong niya sa akin.

Nag dadalawang isip ako kung sasabihin ko sa kaniya ang totoo. That Christoph is my ex. I don't know why I'm still thinking to answer him when in fact hindi naman naging patago ang relasyon namin noon.

It feels like I just want to keep it to myself. Pero kung ano ang iniisip ko ay siyang salungat nang sinabi ng bibig ko.

"He's my...my.." Damn. I'm struggling to utter a word.

"You're what?" Inip na tanong niya sa akin. Magkahawak pa rin ang mga kamay namin pero parang wala ata kaming balak na tanggalin ito.

Besides I'm comfortable holding his hands. Hindi ko alam kung bakit. Siya rin naman hindi pa niya inaalis ang pagkaka hawak ng mga kamay namin.

"He's my...ex.." Halos pabulong kong sabi. Hindi ko alam kung narinig niya iyon.

Pagkatapos kong sabihin 'yon ay hindi na ako naka tingin sa kaniya ng maayos. I feel guilty kung bakit hindi ko sinabi sa kaniya.

Parang dapat kailangan sinasabi ko sa kaniya lahat ng gawain sa buhay ko.

I don't know why I feel this.

Wait what? Bakit naman ako ma gu-guilty eh ngayon ko lang naman nakilala si Reeve. Pero iba 'yong pagiging komportable ko sa kaniya kapag mag kasama kaming dalawa.

"So, you're the reason," makahulugang saad nito sa akin. Na parang pinagbibintangan ako.

"Anong ako?" Why I am the "reason" of all sudden?

"Wala you don't need to know."

"Edi h'wag," inis kong kinuha ang kamay ko sa kaniya at nag lakad palayo.

Isa sa mga kina-iinisan ko sa lahat ay 'yong sinasabihan ako na parang may mali sa akin tapos kung tatanungin ko kung ano hindi sasabihin.

Duh? Paano ma-itatama ang mali kung ganoon? Kung wala naman palang balak sabihin. Mas lalo niyong pina pa curios ang tao.

Better shut up your thoughts.

Pero bago pa ako maka rating sa apartment may humablot ng kamay ko at pinaharap sa kaniya.

"I'm sorry," he softly apologized while looking directly in my eyes.

Gulat akong napa- angat nang tingin sa kaniya. Did I hear it right? He's saying sorry. Hindi ko akalain na hihingi siya ng sorry.

"Why are you saying sorry?" Pagtataray na tugon ko sa kaniya. I want him to at least explain if ano ang ikana sorry niya.

"I shoudn't have said that." Parang aso si Reeve ngayon na sunod-sunoran sa amo.

"I'll tell you soon but for now don't mind it," he stated.

Okay. Madali lang naman akong kausap. Tatalikuran ko na sana siya nang pinigilan niya ako.

"What?" I asked

"Aren't you mad?"

"No. Madali naman akong kausap."

Sa di kalayuan may nakita akong usok. Usok ng mga nagtitinda ng barbecue. I smiled matagal na akong hindi naka kain ng barbecue at pastil!

Tiningnan ko si Reeve na mariing nakatitig sa akin. I cutely smiled at him. "Gusto mong sumama?"

"Where?" Kunot noong tanong niya.

"Doon!" Tinuro ko sa kaniya ang pinangalingan ng usok. Mula dito na aamoy ko na ang bango ng barbecue.

Hindi ko na hinihintay ang kaniyang sagot at hinatak na ang kamay niya. Malapit lang naman ang Pioner Avenue, kung saan pagpatak ng alas sais ay marami ng naka linya na mga upuan at lamesa. Nakahilera rin ang mga nagtitinda ng barbecue at pastil.

Bago kami makarating doon madadaanan pa mismo ang Plaza Heneral kung saan may mga lights na naka sakbit para maging maganda ito kung kagabi. Pero mas maganda ito kapag umaga. Makikita mo ang mga berdeng puno at mga halaman na siyang nagbibigay ng preskong hangin.

Kung gusto ko maka langhap ng preskong hangin dito ako pumunta. I am admiring the beautiful view of Plaza Heneral. Merong mga palm trees na nakahilera pagkapasok mo doon. Green grasses tall trees na mas lalong nagpapaganda sa tanawin. Syempre hindi mawawala ang estatwa ni General Paulino Torres Santos sa unang pagpasok mo ayon agad ang makikita mo.

May mga vendor pa rin na nagtitinda dito ng kung ano-ano kahit gabi na. Mga street foods at iba pa. May mga bata at matatanda rin na nanglilimos. Minsan may bumibigay sa kanila pero minsan inaatchupwera lang sila.

Someday, if I will become successful I will help these people. Sila 'yong mga palaboy laboy sa daan. Sa daan kumukuha ng pangkain para pang tustos sa pangangailangan nila araw-araw.

Not only being a doctor is my dream. I dreamed also to help those poor people. To help those people who is victim of poverty. Poverty is one of the major problem here in our country but our government doesn't do anything about it.

Imbis na tulungan mas piliin pa na isisi sa kanila ang kahirapan. Kung hindi sana corrupt ang mga nakatayo sa matataas na posisyon edi sana natulungan na sila.

Kaya walang usad ang pilipinas eh dahil rin naman sa kanila. Dahil din sa mga pagnanakaw nila ng pera sa mga tao.

"Bago ka lang ba dito sa Gensan?" I asked Reeve while we're walking. Nakahawak pa rin ang mga kamay namin kaya agad ko na itong kinuha.

Nakakahiya parang inaabuso ko na.

At parang may kuryente na dumaloy sa aking katawan at napalayo sa kaniya. Oh My Ghad. Ganoon rin siya, huli niya na napagtanto na magkahawak pa pala kami ng kamay.

"Nope. We're here always for a vacation." Naiilang saad nito sa akin.

"So before ka nag transfer dito taga saan ka?" Magkatabi at magka-klase kami pero hindi ko man lang natanong sa kaniya kung saan siya nanggaling.

"New york," he simply said.

Tango-tango na lang ang response ko sa kaniya.

So he's from New York. Kaya pala kapag nag eenglish may accent.

Nakarating na kami sa Pioner at agad na amoy ng barbecue ang nalalanghap ko. Nagugutom tuloy ako.

Usok agad ang unang bumungad sa amin dahil pinapay-payan ng mga nagtitinda ang kanilang barbecue.

Hindi pa rin naman ganoon karami ang mga taong nandito dahil alas sais palang. Mas dumadagsa dito kapag alas syete o als otso. Karamihan ay mga estudyante at mga galing sa trabaho na mga tao ang pumupunta dito.

Tiningan ko ang aking kasama baka hindi siya komportable dito dahil anak mayaman pa naman ito. Pero wala akong nakitang reaksyon sa kaniyang mukha.

"Ok lang na kumain ka dito?" Paninigurado ko baka hindi pala kumakain ng barbecue at pastil ito.

"Yeah. I want to try I've never been here before." He is amazed by the place. Nasa gilid lang kasi ito ng daanan. May mga sasakyan pa rin na dumadaan dito.

"Halata naman kasi anak mayaman ka," natatawang sabi ko sa kaniya.

Agad akong nagtungo sa kung saan palagi akong kumakain. Iyon kasi ang paborito kong kainan dito dahil masarap ang pastil at barbecue niya. Although lahat naman na naka hilera dito ay masarap pero mas lamang ang sarap doon.

"Doon tayo!" Turo ko sa kung saan si Aling Linda nag pa paypay ng barbecue at ang anak niya na tumutulong sa pag serve ng mga pagkain sa customer.

"Hello Aling Linda!" Masayang bati ko sa kaniya.

"Ayy jusko! Henzy ngayon ka lang ulit naka punta dito!" Nakangiting ani niya.

"Oo nga eh busy kasi sa pag-aaral eh." Pumipili na ako ng barbecue para kakainin namin ni Reeve.

Napansin ko naman namamangha pa rin siya dahil palipat lipat siya ng tingin sa mga nagtitinda.

"Boyfriend mo?" Makahulugang tanong ni Aling Linda sa akin.

"Naku! Hindi po!" Agad na tanggi ko na napalakas kaya binalik ni Reeve ang attention niya sa akin.

"Aysus kayong kabataan talaga ang hilig mag deny."

"Nako hindi po talaga magkaibigan lang po talaga kami." Tanggi ko nanaman sa kaniya.

"Oh siya kung 'yan ang sabi mo." Nakahinga naman ako ng maayos dahil hindi na siya nang- usisa uli.

"Pero iho. Alagaan mo ito si Henzy ha. Ang bait ng batang ito palaging tumutulong sa mga taong nangangailangan. Bihira ka na lang makakahanap ng babae na ganiyan dahil karamihan ngayon ang arte-arte na pero itong babaeng ito? Hindi hindi siya ganoon."

Pinamulahan ako ng mukha dahil sa sinabi ni aling Linda kay Reeve.

"Yes po. I will keep her." Mas lalong naging pula ang aking mukha dahil sa sinabi niya kay aling Linda.

Tiningnan ko siya pero mas lalo lang ako na hiya dahil naka tingin rin pala siya sa akin. Agad kong iniwas ang tingin ko ang nagkunwaring busy sa pagpili ng barbecue.

Karne ng baboy at pakpak ng manok ang inorder ko agad na inabot kay aling Linda para ihawin ito.

Pagkatapos noon ay pumunta kami sa bakanteng lamesa at umopo. I am avoiding his stares at me dahil nahihiya pa rin ako.

Nararamdaman ko pa rin na nakatitig siya sa akin at hinihintay ako na tumingin sa kaniya. Hanggang ngayon pulang pula pa rin ang mukha ko.

Nagkunwaring busy na lang ako sa pagtingin sa mga taong pumupunta dito dahil marami rami na rin ang mga tao dito.

"You're blushing."

Nanlaki ang mga mata ko at mas lalong nag iinit ang aking pisngi. Alam ko pulang pula na ito ngayon.

"H-hindi ah! Mainit lang." Tanggi ko at pinaypayan ang sarili ko.

"Wohh! Ang init." Pagpaparinig ko ang mas lalong pinaypayan ang sarili gamit ang kamay ko.

I heard him chuckled, "You're cute."

"Bolero!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tinugon na siya.

Mabuti na lang at dumating na ang pagkain namin. 4 na pastil at 'yong barbecue na ulam.

Walang kutsara at tinidor dito dahil kakain ka gamit lang ang kamay mo. May plastic gloves naman para sa mga taong gusto magsuot nito.

Agad ko nang nilantakan ang pastil. Hindi talaga ako nagkamali na kumain dito dahil masarap talaga. Worth it! Ang mura pa at hindi gusot sa bulsa.

In my peripheral vision I saw him also eating using his bare hands with gloves. Akala ko hindi rin siya marunong magkamay eh pero it turns out na marunong pala siya.

"Bakit mo 'yon sinabi?" Biglang tanong ko sa kaniya.

Napatigil siya sa pagkain at tiningnan ako. "What?"

"Bakit mo 'yon sinabi?" Pag-uulit ko.

"Bakit mo sinabi na 'you'll keep me'." Kasi sa totoo lang umaasa ako. Na sana totoo ang sinabi niya. Na sana totoo 'yon na na he'll keep me. Kahit walang dahilan.

"Why not? You're worth keeping for."

We stared on each other eyes again. Na parang kami lang dalawa ang nasa paligid. Hindi inalintana ang mga taong dumadaan at napapatingin sa amin.

In the moment my heart race so fast again. Ngayon ko lang naramdaman muli ito. After everything that happens to me. Siya lang siya lang ang nagpatibok ng ganoon ka lakas sa puso ko ulit.

I think.. I think I let my guard down for him. But I don't want to be hurt again. I am still afraid.

Ako ang unang nag iwas nang tingin sa kaniya. Hindi ko kaya ang paraan ng pagtitig niya sa akin. Mas lalo lang nagkakarera ang puso ko sa pagtibok nito.

Pag-alis ko nang tingin sa kaniya napadpad ang mga mata ko kay aling Linda. She is breathing heavily na hirap hirap sa paghinga. Makikita mo rin ang butil ng mga pawis sa na tumutulo sa kaniyang mukha. Hinihilot-hilot niya ang kaniyang likod marahali ay masakit ito. Parang nanghihina ri ang kaniyang katawan dahil hindi na niya ma ipaypag ng maayos ang kaniyang barbecue na iniihaw.

"Does he have a heart condition before?" Si Reeve. Hindi ko namalayan na naka-tingin rin pala siya kay aling Linda ngayon na hirap na rin sa paghinga.

"Oo. Meron kasi narinig ko dati na pinagsabihan siya ng kaniyang anak na mag pa check up kasi palagi na lang daw sumasakit ang puso niya kaso ayaw ng matanda dahil dagdag gastuhin ito." Pagpapaliwanag ko sa kaniya.

I overheard them one time na nagtatalo dahil ayaw mag pa check up ni aling Linda.

"She's showing the symptoms Myocardial Infarations," he stated.

Hindi ako tanga para hindi malaman ang ibig sabihin niya. Agad akong tumayo para lapitan si aling Linda ng bigla na lamang siya humandusay sa lupa.

Dali-dali akong pumunta doon. Ang kaniyang anak ay sigaw nang sigaw maraming mga tao na rin ang nakiki-chismis kung ano ang nangayari.

Lumuhod ako at agad na chineck ang kaniyang paghinga. It's not responding after that ang kaniyang pulso naman. Tumitibok ito pero hindi normal.

I quickly did Cardiopulmonary Resuscitation (CPR) to bring back her heart that stops beating and the blood flow.

Pinagpatong ko ang dalawang kamay and intertwined my fingers. I keep compressing her chest.

Nakita ko naman si Reeve na pinapaalis ang mga tao na nagkukumpulan dito dahil bawal ang maramin tao! Ma susuffocate ang pasyente!

Walang tigil sa pag CPR ako sa kaniya. Kahit ilang minuto na ang naka lipas. I need to save this patient.

CPR is the only first aid than can possibly bring back the patients life when the ambulance is not here.

Naririnig ko ang pagtawag ng kaniyang anak sa kaniya na umiiyak.

Ilang minuto pa rin ang naka lipas pero wala pa rin!

Hindi pa rin ako sumuko I can make it. I can make this patient live!

Laking pasalamat ko ng nagising si ulit si aling Linda. Ang mga tao na nag papanick ay nakaramdam ulit ng ginhawa.

Napaupo ako sa lupa at hinihingal tumutulo pa ang butil ng pawis nagmula sa noo ko.

Reeve offer his hand to me and flashed his genuine smiled.

"You save the patient." Kasaboy noon ay ang pagdating ng ambulansya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.