Chapter 14
Pagkatapos no’ng araw na ‘yon ay naging palaisapan sa akin kung paano nagkakilala si Gwyn at Reeve. Something is bothering me, but I refuse to entertain them. I just remember what was Drew said to him the last time.
Were they ex-lovers? Kasi no’n kung may gustong sabihin sa akin Drew. . . hindi niya masabi-sabi dahil kay Reeve. It seems like Reeve didn’t want to open it up. It was like a sensitive topic to him. I tried opening it to him once pero agad niya ring niliko ang usapan.
I also remember on how he stares at Christoph the last time he saw me together at my apartment. . . and how he was mad when I talk to him. I know that he already knows Christoph but I am still waiting for his clarification. He said to me that he will tell me soon so, I will wait.
Kaya ba siya galit dahil alam niyang ikakasal na ang kaniyang ex-girlfriend? Pero kung mag ex na silang dalawa dapat ay naka move on na siya at maging masaya na lang para kay Gwyn.
If you keep holding on to the past, you won’t be able to see the beautiful things that await you in the future. The future is much beautiful than in the past. Your future holds something and the past holds nothing.
Ang maging miserable at makulong sa nakaraan ay walang ma-idudulot sayo. Ganito ang natutunan ko pagkatapos naming mag-usap ni Christoph no’n. I keep holding onto bad things that happen in my past to the point I didn’t see that there is a future await on me.
“May naging ka relasyon ba si Gwyn no’n bago siya umalis ng bansa?” I asked my friends to clarify if Gwyn was in a relationship before.
Kasi, sa pagkaka-alam ko walang ibang kaibigan si Gwyn dito sa Pilipinas kung hindi kami lang. At mas lalo na sa mga lalaki. Si Christoph lang ang kilala kong malapit na kaibigan niya na lalaki. . . She told us before, that she was once a victim of bullying when she was in Grade school the reason why she is not sociable. Mas ilap din siya sa mga lalaki.
Kaya nakakapagtaka kung may naka relasyon siya bago pumunta sa New York.
“No, I just remember that she was head over heels to your Ex,” Zenneth answered.
Naipilit siya ni Hannah na sumama sa amin dito ngayon. Apat na araw niya kaming hindi pinansin at sa apat na araw na ‘yon kinukumbinsi na siya ni Hannah na sumama sa amin. At first, she declined but Hannah keeps on convincing her non-stop to the point that she agreed and came with us. Hindi ata pwede na aalis kami ng hindi kompleto.
Kasalukuyang kaming nasa biyahe papunta sa lugar kung saan gaganapin ang kasal ni Gwyn at Christoph bukas. Sa Saranggani Highlands daw ‘yon and I’ve never been there before. Mga kaibigan ko pa lang ang naka punta doon kaya medyo na excite ako nang malaman kong doon gaganapin.
We used Renaissa’s car and Althea is the one who’s driving. Nasa passenger seat naman naka-upo si Zenneth at kaming tatlo nila Renaissa ang nandito sa likod.
“Why? Is there something bothering you?” si Renaissa.
“Yup,” I honestly answered.
See, wala siyang ka relasyon before so. . paano sila nagkakilala ni Reeve?
“Ano ‘yon?” Renaissa spoke.
“I think Reeve and Gwyn know each other. Nakita ko kasi no’ng isang-araw na nag text si Gwyn kay Reeve. . . cause I was the one who holds his phone,” pag-aamin ko sa kaibigan.
“So?”
“So, that’s it.” Dahil wala na akong masabi. Hindi ko rin alam kung bakit ito ang iniisip ko.
Nagtatakang tiningnan ako ni Renaissa at si Hannah naman ay biglang nag salita. “Wala namang nakaka-bother do’n Henzy, ah.”
“What?”
“I mean. . . ano ngayon kung nag text si Gwyn kay Reeve?” Hannah implied.
“Oo nga Henzy, ano ngayon kung nag text nga?” si Renaissa na may halong ngisi, tila inaasar ako.
“Eh ano kasi—“ hindi ko maituloy ang sasabihin ko dahil walang lumalabas na salita sa dila ko. Parang kanina lang ang daming tanong sa isipan ko. . . ngayon na-uubusan ako dahil sa pang ko-corner sa akin ng mga kaibigan.
At ngayon lang din sumagi sa isipan ko na. . .bakit ko ba sila iniisip?!
“Eh, ano Henzy? Ohh. . . Don’t tell me kaya mo tinanong kung may naging boyfried si Gwyn dito. . .dahil akala mo may relasyon sila?!” kagat labing iniwas ni Renaissa ang tingin niya sa akin at binaling kay Hannah ang tingin. Pinipigilan niyang tumawa sa harapan k kaya’t binaling niya sa iba ang kaniyang tingn.
Imbis na may sasabihin pa ako ay iniwas ko na lang din ang tingin ko sa kanila. Nasa may bintana ako ng sasakyan naka-upo kaya’t doon ko na lang ibinaling ang attention.
Bakit ko nga ba iniisip ang relasyon nilang dalawa? Kung mag ex nga silang dalawa, eh ano ngayon? May ma i-aambag ba ako kapag nalaman ko ang totoo? Gosh. . I’m overthinking and it’s not good. Kailan pa ako nagkaroon ng interes sa mga ka-relasyon ni Reeve?!
Narinig ko ang tikhim ni Renaissa bago nagsalita. “Henzy, here’s the thing. . . You’re overthinking things that are not good. Ano naman ngayon kung may relasyon na namamagitan kay Kyzyr at Gwyn no’n?”
“You’re not Kyzyr’s girlfriend Henzy to think like that. You sound like a jealous girlfriend when in fact you’re not. Isipin mo, you’re overthinking non-sense thing about Kyzyr and yet Kyzyr doesn’t even think about you,” she added
Renaissa’s words were right. It somehow pains me, when she said that Reeve doesn’t even think about me. I know she’s right that I sound like a girlfriend to be clouded like that. Bakit ko nga ba iniisip ang relasyon nilang dalawa?
Ano naman ngayon kung malaman kong naging sila nga? Will my attitude towards Reeve will change? May magbabago ba? Nalaman ko lang na nag text si Gwyn sa kaniya ay kung ano-ano na ang iniisip ko.
“Isa na lang at i-isipin kong may feelings ka na d’yan kay Reeve. Tinanong kita no’n kung may gusto ka na, ang sagot mo sa akin hindi. Pero sa pinapakita mo ngayon parang may namumuo na d’yan sa loob mo,” ani niya sa akin.
Her words struck me again. Am I?
I have this uncertain feeling inside that I’m afraid to show. I’m scared to acknowledge to myself. . . those feelings that have been bothering me. And I know this feeling will somehow explode if I keep hiding it.
“Were already here,” Althea announced. She just showed the invitation and the guard let us enter. Christoph and Gwyn's family were influential so I’m pretty sure that they rented this whole place.
Pagkababa ko galing sa sasakyan ay agaw pansin agad ang puting fountain na nakatayo mismo sa gitna ng lugar na ‘to. The fountain design looks like a model from an ancient time—it was a circular one with three layers above. The sound of water dripping from it makes it alive and pleasing. It gives me a pleasing sound to my ears.
What makes it more attractive is that it was surrounded by green flowers makes it more satisfying to the eyes. Lively green plants have always been pleasing to my eyes. Nature makes me peace and calms my mind. The wooden signboard—states the name of the place—Saranggani Highlands.
I close my eyes to feel the fresh air blew over me. My dress immediately follows the air direction making me hold the hem of it. It’s been a while since I inhale this kind of air. Hindi ko napagtanto na mayroon ‘din palang malalanghap na sariwang hangin dito.
Sa likod ng fountain ay mayroon dalawang light house. I’m pretty sure that this place will shine brightly at night because of the lighthouse supporting it. The trees behind this are dancing when the air hardly brushed again.
“Wow! I can’t believe that this place exists here in Gensan,” I said amused to Hannah who is behind me.
Sabay kaming naglalakad papunta sa designated room na pina-reserved sa amin ni Gwyn.
“It’s my first time also being here and, I can say that this place is for those people who need to meditate with their life,” she told me.
True enough. Ang lugar na ‘to ay tamang-tama sa mga taong gustong makalma ang kanilang mga sarili or gustong maging payapa ang kanilang isip. Ang mga berdeng halaman at magagandang na bulaklak na nakapa-libot sa lugar na ‘to ay nakaka-eng-ganyo at masarap sa mata.
They will surely liked this kind of place and they can find peace here.
“Yup, ang mga halaman pa lang na nakapalibot ditto ay naka-kalma na ng sarili. This place is surely a perfect one for them.”
“I didn’t know that Gwyn likes garden wedding. The place she chose was perfect for them,” I informed.
“Wedding church is still the best for me. Pero mas maganda pa rin magpakasal kung mahal n’yo talaga ang isa’t-isa,” Hannah unconsciously told me still admiring the place.
“Wala ng i-kakaganda kung magpapakasal kayong mahal n’yo ang isa’t-isa.”
“Marriage is sacred. Kaya naniniwala ako na bago nila ma-isipang magpakasal ay siguraduhin muna nilang dalawa na mahal nila ang isa’t-isa.” I added.
“Pero ngayon hindi na nila nakikita ang totoong kahulugan ng kasal. Ginawa na nila itong negosyo. They marry for convenience not because there were feelings involved but the money that they will get. Then in the end they will end up divorcing because of a failed marriage.” Makahulugang ani niya sa akin.
Kaya ayaw ko ng arranged marriage. They are forcing their child to marry the people they don’t know – worst they didn’t even love. Then, in the end, it will become a failed marriage resulting in annulment or divorce. Ginawa nilang laruan ang pagpapa-kasal, hindi nila i-n-i-intindi ang totoong kahulugan nito.
Hindi ko pa rin maiintindihan kung bakit gagawin nila ‘yon sa kanilang sariling anak. Na mas pipiliin ang pera kesa sa sariling kasayahan ng anak.
Gano’n na ba talaga ang nasa-isip ng mga tao ngayon? Na lahat na kukuha sa pera? Na lahat ng bagay ay nabibili ng pera. Pagkatapos no’n, masaya na ba sila? Were they able to find happiness when they get what they want? Were they able to live peacefully knowing that their children live miserably?
Malapit na kami sa kwarto na pina reserve sa amin ni Gwyn nang huminto si Hannah sa harapan ko at may bahid na lungkot sa kaniyang mga mata.
“I have something to confess.” Napakunot ang noo ko dahil sa kaniyang seryosong boses.
Tiningnan ko ang iba ko pang mga kaibigan na nakapasok na sa kwarto namin. Ako na lang at si Hannah ang na-iwan dito ngayon.
“What is it?” I asked, curious about what she’s going to tell me. Minsan lang maging seryoso si Hannah sa aming magkaka-kaibigan. At kung nag se-seryoso na siya, lahat ng iyon ay may kahulugan.
“Gwyn and I already talk. Hapon no’n ng sinabihan mo kami tungkol dito,” pag-aamin niya sa akin.
“Ako pa lang ang naka-usap niya tungko do’n sa nangyari sa ating pagka-kaibigan. Henzy, I am hoping that you will listen to her side and understand her,” dagdag niya pa.
I know very well to myself that I am ready for her confession. Hindi naman ako nag tanim ng sama ng loob sa kaniya. All I want now is the closure between us. At alam kong ma-ibabalik namin ulit ang aming pagka-kaibigan.
I smiled at her, “Whatever it will be, I promise I will listen to her.”
Hindi na naming na-isipan na kumain dahil lahat ay pagod sa biyahe kahit kalahating oras lang naman ang layo nito. Hindi naman kami nagsiksikan sa kwarto dahil malaki itong hinanda ni Gwyn. Merong tatlong malalaking kama para sigurado lahat kami ay makakatulog nang mahimbing ngayong gabi. She really prepared this for us.
I saw Zenneth seated in the small vanity table in the corner of this room. Kaharap niya ang isang libro sa Pharmacology, inilabas niya rin ang kaniyang iba’t-ibang kulay na highlighters. I smirked, hanggang dito dala-dala niya pa rin ang mga aralin. I can’t blame her though the exam is on Friday already.
“Wow! Ang sipag Zen ha.” Agaw pansin ko sa kaniya dahil masyado siyang seryoso. Napatingin din ang iba sa gawi namin ng bigla akong nagsalita.
“Zen, pa kopya na lang ako sa exam ha, katamad kasi mag-aral,” Hannah teased.
“Truth, lalo na ‘yang ina-aral mo Zen nahihirapan ako d’yan eh,” Althea joined teasing Zenneth.
“Gaga. Ano tayo, highschool na pwedeng magkopyahan. Pwede rin naman basta ‘wag ka lang papahuli,” pang-sasabay niya rin sa asar nila.
“Naks. Ngayon ka pa hindi naging madamot sa mga sagot kung saan hindi na tayo pwede mag kopyahan. . . Pero no’ng nasa highschool tayo ang damot mo sa sa mga sagot!” pagmamaktol ni Hannah sa kaniya.
“Aba! Ikaw lang ‘tong malabo ang mata kaya hindi mo nakikita ang mga sagot na binibigay ko sayo!”pangbabara naman niya.
“Kasalanan ko ba na ang li-liit ng sulat kamay mo!”
“Aba! Sa akin mo pa isisi ang katamaran mo sa pag-aaral ah. Bakit nga naging nurse ulit?” she tease Hannah again.
Natawa na lang ako sa kanilang pag-babalik tanaw sa nakaraan namin. We’re not perfect students who always follow the rule. We also cheat at the exam but that was just in the past. We both grew and mature not in life but in academics also. Hindi lahat ng tao ay mananatili sayo para ikaw ay tulungan.
At some point in life, you need to stand with yourself – only. You don’t need others to lift you. Your friends are just your companion, cause the battle you must face in your journey, are your battles alone.
Pagkatapos ng munting bangayan nila kanina ay nagsitulog na sila. Zenneth and I were the only one who remains awake. Hindi ako dinapuan ng antok kaya’t nag-aral na lang kaming dalawa, kahit pa tapos ko naman lahat ng dapat aralin.
“Are you ready to talk to her?” I asked her in the middle of our discussion.
Napatigil siya kaniyang ginagawa at ibinaling ang tingin sa akin. “I think so,” she answered.
Hindi na lang ako nagpumilit na kausapin siya tungkool do’n dahil ramdam ko pa rin na hindi pa siya komportable. We study together until the clocks strike at five pm. Tinatamad pa rin bumangon ang mga kasama ko kaya’t nag pa room service na lang kami sa dinner.
Pagkalabas ko sa kwarto naming ay agad na sumalubong sa akin ang malamig at malakas na simoy ng hangin. This place will be one of my favorite place now. I liked how the fresh air brushed my skin that it was comforting. Feeling ko, may humihile sa akin dito.
Agad akong nagtungo sa kung saan kami magkikita ni Gwyn. The lighthouse and some lights hanging around the flowers were already lighted giving the place more satisfying in the house. Halos lahat ng mga modernong nipa house ay napaplibutan ng mga mahahalimuyak na bulaklak.
This place was a garden indeed, all over this place you can see the beautiful flowers and some landscape to be satisfying in your eyes. And I’m pretty sure the overview tomorrow which will be the wedding takes place will be much more beautiful.
Hindi ko namalayan na nandito na pala ako sa isang kubo kung saan kami mag-uusap ni Gwyn. Nag-iisa lang ang kubo na meron dito, malayo sa ibang kubo. Like the other nipa house, there were also lights and flowers hanging around and one bougainvillea standing in the entrance.
Napayakap na rin ako sa sarili ko dahil sa malamig na simoy ng hangin at dala na rin siguro sa kaba na nararamdaman ko ngayon. Hindi naman ako kinakabahan no’ng nag-usap kami ni Christoph pero ngayon kay Gwyn kinakabahan ako.
Huminga ako ng malalim para kalmahin ang sarili. Hindi rin nag-tagal ay dumating na si Gwyn. Suot ang puting simpleng bestida ay napansin ko ang pagbabago sa kaniya.
Naging mas matangkad siya ngayon ‘di gaya no’ng umalis siya. Her wavy black hair grew longer which highlighted her face and her protruding eyes. Mas naging klaro din ang hugis sa kaniyang katawan na mas lalong nag papa-attract sa kaniya.
All I can say in her all overall physical appearance was a perfect one. She changed. . . a lot.
“Sige Ky, salamat sa paghatid sa akin dito,” nabalik lang ako sa aking ulirat ng bigla siyang nagsalita kasama ang lalaking naghatid sa kaniya.
Biglang napatingin sa gawi ko ang lalaking kasama niya. Napalunok ako ng malaman ko kung sino ang lalaking naghatid sa kaniya. Dali-dali kong iniwas ang tingin at itinoon ang attention sa mga halaman. Nararamdaman ko ang pani-nitig nito sa akin kaya’t hindi ko pa ibinabalik ang tingin sa kanila.
Was my hunch earlier were right? Kung hindi tama ang hinala ko kanina, bakit siya nandito ngayon? Bakit niya kasama si Gwyn?
The nervousness that I was feeling earlier changed with curiosity again. Ano ba talaga ang namamagitan sa dalawang ‘to?
“Sige na pwede ka nang bumalik do’n sa kwarto mo. Sorry sa istorbo.”
“Neve,” he suddenly called me. I darted my eyes on him who is now looking intently at me.
“Hi!” pakunwaring bati ko sa kaniya.
“Oh, magkakilala pala kayo?” Gwyn asked.
I was about to answer Gwyn pero inunahan na niya ako, “We’re classmates and friends.”
Friends. Wala namang problema sa kaniyang sinabi dahil ‘yon ang totoo, ngunit may kung anong kirot ang tumama sa puso ko na kahit ako ay hindi ma-intindihan. Oo nga naman Henzy. . . he’s just your friend. Period.
“Wow! Glad to know that, but I’m sorry Ky, I need time alone with her,” Gwyn made a face to Reeve that makes him chuckle.
She made him smile. Pero ni kahit minsan hindi ko narinig ang tawa ni Reeve. Kahit na magkasama kaming dalawa hindi ko narinig ang mga mumunting halakhak niya. And here I am now witnessing how my old friend makes him smile in just a simple way.
Sabay naming pinanood ang pag-alis ng Reeve. Gwyn faced and look at me. Ang laki na talaga ng pinagbago niya, ang layo niya sa dating siya.
“It’s been a while Henzy,” she smiled.
“How are you?” pangangamusta ko sa kaniya at sabay na umupo.
“Well, I think I’m good,” she replied without any hesitation.
“Hindi na ako magpapa ligoy-ligoy pa Henzy. I’m sorry for what happened to our friendship years ago,” she apologetically told me, bringing back the past.
Hindi muna ako nagsalita at hinintay pa ang sasabihin niya sa akin.
“I’m sorry if our friendship was tainted because of a man. Sorry if I leave y’all without saying a proper goodbye. Sorry for all the pain I’ve caused in your lives Henzy. God knows how much I regret everything. How much I blame myself for hurting my friends,” she sincerely apologizes, looking me at my eyes.
“Na-iintindihan ko kung hindi mo ako mapapatawad dahil alam kong wala namang kapatawaran ang ginawa ko sa inyo. But I want to explain my side Henzy. You know that me and Christoph were friends right? Before anything that happens to the both of you. I am friends with him since childhood Henzy,” she continued.
Gulat akong napatingin sa kaniya. Hindi ko inakala na mag-kaibigan pala silang dalawa mula pagkabata. Christoph didn’t mention it to me!
“I didn’t know that you’re friends with him since childhood, Henzy,” pag-aamin ko.
“It’s okay, Christoph must have ashamed of having me as his friend,” she chuckled without humor.
“What do you mean?” I asked confused. Why would Christoph ashamed of her? Gwyn is a great friend.
She didn’t answer me instead she looks away.
“Since then Henzy, I liked him. I liked him ever since our childhood. Kinimkim ko ‘yon ng ilang taon sa sarili ko. . . kasi nandito ‘yong takot na baka mawala siya sa akin, na baka mawalan ako ng kaibigan. Dahil no’ng mga panahon na ‘yon ang hina-hina ko Henzy. Hindi ko kayang ma-ipaglaban ang sarili ko sa mga taong humuhusga sa pagkatao ko. And he was there to protect me from the bullies and all of judgemental people,” Iniwas niya ang tingin niya sa akin ngunit hindi nakatakas sa paningin ko ang mga luhang nag babadyang tumutulo.
Pinunasan niya ang luha sa kaniyang mata at ibinalik ang tingin sa akin. “You’re friends with Ky, right?”
I only nodded at her. “Ky and Christoph were cousins and he was mad at Christoph until now.“
“What?!” nanlaki ang aking mata sa nalaman. Kaya pala. . . kaya pala kung bakit sa tuwing makikita niya si Christoph ay agad na nag-iinit ang kaniyang ulo.
“Yes, they were cousins. Galit si Ky kay Christoph dahil sa akin. Ky, wanted to protect me from being hurt. He always warned me about my feelings towards Christoph yet I didn’t listen. I am a slave of my own heart Henzy.”
“I made a promise to myself that when I am in college, I will confess my feelings toward him. That day, I finally dare to confess. . . I made myself ready only to find out that you and him were dating. I felt like my world stops when the news spread all over in our university. Bakit hindi ako?! Na ako na matagal ko na siyang gusto. Bakit hindi niya ako nakita na matagal ng nasa harapan niya? Handing ibigay ang sarili sa kaniya! Bakit sa’yo pa siya na punta? Sa kaibigan ko pa,” she burst out, tears rolling down on her cheeks.
Hindi ko alam kung ano dapat kong sabihin. I didn’t know that she suffered like this. I can’t find any right words to utter. . . we love the same man and I didn’t know that she loved him first. Kung alam ko lang. . . kung alam ko lang na ganito pala ang nararamdaman niya no’n, nagparaya na lang sana ako. Gwyn suffered more than this. She doesn’t deserve the pain she was suffering.
Huminga ako ng malalim at tumingala. Naging mabigat ang bawat paghinga ko dahil sa nagbabadyang luha na pinipigilan ko. “You should have told me, Gwyn,” I finally said.
Umiling siya sa akin at ngumiti pero hindi umabot sa kaniyang mga mata. “No, I never wanted to take his and your happiness. I saw how Christoph happy being with you. I saw it with my own eyes cause I always follow you around. Kaya, kahit kating-kati na akong agawin siya sayo. . . hindi ko magawa dahil masaya kayong dalawa. “
“Pero bakit ka umalis? Bakit ka na lang biglang nang-iwan sa amin? Na-iintindihan kong galit sa akin. . . pero sana hindi mo dinamay ang mga kaibigan natin.”
“I never wanted to left in the first place, but I made a big mistake. Wala akong mukhang ma-ihaharap ng malaman mong mahal ko rin siya. At lalo’t na. . .I was the one who break our rule. Pero masisisi mo ba ako? Henzy, nagmahal lang naman ako! Pero bakit ngayon, hindi pa rin ako mahal ng taong mahal ko?! Ilang taon na ang nakalipas pero bakit hindi niya pa rin nakikita ang halaga ko?!” she cried harder this time.
Agad akong lumapit sa kaniyang pwesto ay pinulpot ang mga kamay sa kaniyang leeg. She immediately leaned herself to me. . . at naramdaman kong basa na damit ko dahil sa iyak niya.
“Ganito ba ako ka malas sa pag-ibig na kahit isang kasiyahan man lang. . . hindi ma-ibigay sa akin?!” she cried harder while I was hugging her.
Oh ghad. . . I didn’t know that she suffers a lot. She carries a lot of baggage that’s been hiding in herself.
“Am I not worthy to love?”
“Shhhh. . . You are Gwyn, you are. Don’t ever think of that.” Pagpapatahan ko sa kaniya habang yakap-yakap siya.
“Pero bakit hindi niya pa rin ako makita? Bakit bulag pa rin siyang sa katotohanang ikakasal na kami bukas?”
“What do you mean?”
Hindi nag tagal ay kumalma na rin siya at agad na pinunasan ang mga luha. “He never loved me. I will marry him with loved and he will marry me. . . not because he wants to but because of f*cking business.”
“And yes, I was a victim of arranged marriage.”
Before I could even say a word she suddenly stood up and cleaned herself. Mugto na ang kaniyang mga mata dahil sa pag-iyak .
“Again. I’m sorry for the pain I’ve caused you. Sorry sa lahat ng kasalan ko at na-iintindihan ko kung ayaw mo na akong maging kaibigan ulit.” Akmang aalis na sana siya ng bigla kong tinawag ang pangalan niya.
“Gwyn. I want you to know that I never hated you. Maybe I did but that was because my mind and heart were still young. I’d still considered you as a friend and as a sister. Thank you for letting me heard your side and I fully understand now. Always remember that you’re still welcome in our squad. Hindi ka naman nawala sa puso namin Gwyn eh. You will always be our friend, our sister and little bunso.”
One thing that every people should know. You can’t judge others just because you hate them. Hindi mo alam ang istorya sa likod ng kanilang tinatagong buhay. Every person has a story to tell, whether it’s happy or not. Everyone deserved to be respected and not to be judge.
She suppressed her smile and hug me tightly. “Thank you, Henzy.”
True friends will still accept you wholeheartedly despite of any problems that comes in the way, despite of challenges tha tested you. They will never give up on you, and if you did—they will still accept you no matter what you did.
Forgiveness and acceptance is the key to build again the friendship you’ve lost.
“Always, Gwyn,” I said tapping her back.
Siya ang unang bumitaw sa aming yakapan at hinarap ako.
“Can I asked for a favor?”
“Sure.”
“Kyzy. Can you comfort him after this wedding?”
“What? Why?” nagtatakang tanong ko sa kaniya.
Bakit kailangan niya ng comfort? May nangyari ba? May hindi ba siya ma sabi-sabi?
“He’s hurt.”