IN YOUR ARMS (MED SERIES#1) Chapter 5

CHAPTER 4

Drunk Text

It's a Friday night and my friends decided to came here on my apartment. Hindi pa kami masyadong tinatambakan ng requirements kaya, napag desisyunan nilang mag chill-out.

My apartment is not that small nor big. Pero tamang-tama lang sa aming lima at nagkasya kami.

Gusto daw nilang mag sleepover sa apartment kasi matagal-tagal na ang last na sleep over. Kaya ayun, napag-isipan nila kanina lang.

Zenneth and Hannah were busy playing ML. Si Renaissa at Althea lumabas bumili ng alak. Kaya nag-aya matulog dito eh para maka- inom ng alak.

We're not that type of people who wants to enjoy in a bar. Mas na e-enjoy namin kapag nasa bahay lang kami and besides walang maghahatid sa amin kapag malalasing kami sa bar. In the end, Renaissa will take care of us.

Di nagtagal naka balik na ang dalawa. Si Renaissa bitbit ang mga alak, si Althea bitbit niya ang mga pulutan. Kumain muna kami bago magsimula sa pag iinom.

Renaissa and Althea prepared the drinks and food. May nakalagay na table sa gitna at kami ay naka pabilog.

Althea started drinking non-stop. Tuloy tuloy lang ang pag tungga niya sa baso na binibigay sa kaniya ni Zenneth.

I looked at Hannah. Sila ang magkasama palagi ni Althea. Althea seems to have problem again. Kasi tinatanggap niya lang ang binibigay sa kaniya ni Zenneth.

"What happened to her?" I whispered at Hannah since magkatabi lang kami.

"Same problem," she answered then drink her drink from the glass.

"Na naman?"

"What do you expect? Head over heels ang kaibigan natin kay Marc. Isa na lang, at iisipin kong ginayuma siya ni Marc."

I chuckled, "Paano gagayumahin kung mismo si Marc ay hindi interesado sa kaniya."

"Hey. That hurts ah!" Napabaling ang amin tingin kay Althea na ngayon ay pulang-pula na ang mukha at masama kaming tini-tigan.

Renaissa beside me offer another drink, and I drank it. Ilang minuto palang kami dito pero nangangalahati na ang isang bote ng alak dahil kay Althea.

She's drunk now. Pulang-pula na ang mukha niya at hindi na maintindihan ang mga pinagsasalita niya.

"Where do broken hearts go," pagkakanta ni Althea na wala na sa tono. Halatang lasing na.

Wala na. . . Tinamaan na ng alak ang kaibigan ko.

"Sa sementeryo sis, ilibing mo," sagot ko na siyang ikinatawa ng lahat.

Kakanta siya tapos minsan magsasalita nang kung ano-ano.

Zenneth keep on laughing because of the words that Althea uttered. It is all about Marc na naman.

Umiling na lang ako at uminom ulit. Kung ano-ano na ang pinag-uusapan namin. Minsan pinagtitripan namin si Althea. Zenneth keep on taking pictures of her drunk state, para may pang blackmail siya kay Althea.

Hindi na namin namalayan ang oras at paubos na ang alak. Tumayo ako para kumuha ng tubig pero pagkatayo ko malapit na akong matumba at mabuti na lang inalayan ako ni Renaissa.

"Lasing na ba ako?" I closed my eyes and laughed without nothing to laugh of.

Damn. Umaalon na ang paningin ko at pagewang- gewang na lumakad papunta sa kusina. Kumuha ako ng tubig sa refrigerator at sinalin sa baso ko. Hindi ko alam kung pumapasok ba talaga ang tubig sa baso, dahil umaalon na talaga ang paningin ko.

"Oh. Damn, lasing ka na?" Renaissa said as she is approaching near me. Kinuha niya ang pitsil sa aking kamay at siya na ang nagsalin sa baso ko.

Hindi ata pumapasok eh. Ano ba iyan, ang tanga naman. Binigay sa akin ni Renaissa ang baso na may tubig at agad na ininom.

Bumalik na ako doon sa lamesa nang pagewang-gewang ang lakad at nababangga ko pa ang mga upuan.

Oh shit. . . That hurts.

Pagbalik ko, nagsalin ulit ako sa baso ko at deretsong ininom. Hannah beside me is talking to her boyfriend over the phone with her slurry words. Lasing na rin. Samantalang si Althea ay nakataob na ang ulo sa lamesa, at may alak pa na hawak sa kamay.

Zenneth taking advantage of the situation, she keeps on taking picture and video. Pulang-pula na rin ang mukha niya.

"Oh, Beshtie! Inom ka pa. Ang duga! Ikaw lang ata hindi lasing dito eh." Inabutan ko ng shot si Renaissa.

She's talking something and I can't understand her words.

Sumimangot ako sa kaniya. Ayaw niyang tanggapin eh. Ako na nga nag offer ehh. . .

I pouted and glared at her, "Don't you love me anymore?!"

"What?"

"You won't accept my offer!" Hindi ko na talaga alam ang pinagsasabi ko dahil sa tama ng alak sa sistema ko.

Sa ayaw niyang tanggapin ako na lang ang uminom noon. Nakita kong napasapo siya sa kaniyang noo, at umiling. Problemado at hindi alam kung ano ang gagawin.

"Mabuti na lang at dito tayo uminom. Kung sa bar pa, jusko! Di ko kayo kayang bitbitin lahat!" Renaissa protested and started cleaning our mess.

"Hey," I hold Renaissa's hand and she stopped cleaning.

"Hmmm?"

"What if. . . What if I followed my heart before, would I be happy now?" pikit mata kong ani sa kaniya. Nahimigmigan ko ang lungkot sa boses ko.

I don't care what I am talking about. . . All I know was I just let my thoughts voice out.

It's been hidden here in my heart for a long time.

Many questions were running on my head that was left unanswered because. . . of him

"No, I think not. He doesn't deserve you. . . And you." Umupo siya at nilagay ang mga kalat sa gilid. Hinaplos niya ang aking likod at pinaharap sa kaniya.

I look at her with my drowsy eyes and smiled at her, "What?"

"Let go of the past and move forward. There is someone better out there that was waiting for you," she stated, making me comfortable.

I only nodded at her. Maybe someday. I can find the love that I deserve. I can find my way back in his arms.

Nakita ko pa na may laman iyong isang bote at hindi na nag dalawang isip pa na tunggain 'yon.

Sa deretsong-deretsong pag tungga ko ay agad na umikot ang paningin ko at bumabaliktad ang sikmura.

I immediately went to the sink to throw up all the alcohol that I had intake. Damn. It's never been good to get drunk, but it's good to taste the alcohol.

Tawang- tawa si Zenneth na lasing na rin at agad na pumunta dito para i video akong sumusuka. Agad kong tinakpan ng kamay ang camera to stop her from taking videos.

Hilong hilo na ako at babalik na sana ako sa lamesa pero dahil sa kalasingan ko ay malapit na akong matumba.

Renaissa immediately caught me and guided me again.

I giggled, "Thanks."

"Tsk. It's hard to deal with your drunk state friend! Bakit kasi ang taas ng alcohol tolerance ko!" she ranted while guiding me back on my seat.

Inisa-isa na rin ni Renaissa na akayin ang iba paakyat sa kwarto. Dahil tulog na tulog na si Althea inuna niya na ito.

Hindi ko na kayang maglakad kaya umupo nalang ako sa sofa at hinilot hilot ang ulo ko habang naka pikit.

Hindi nagtagal, akay-akay na rin ako ni Renaissa. Nilagay niya ang kaniyang kamay sa bewang ko at pinatong niya ang kamay ko sa leeg niya.

Pikit mata na ako nang paakyat na kami sa hagdan. Renaissa was having a hard time carrying me because I can't even lift myself up.

Binuksan ni Renaissa ang kwarto ko at agad na isinalampak ako sa higaan. I groaned. My vision was spinning and my head hurts.

Damn. Alcohol. I saw my phone on the side table. Kinuha ko iyon at agad na binuksan ang messenger ko kahit blurry na ang vision ko nahanap ko pa rin ang pangalan ni Reeve. I smiled.

I click the camera and I take a video of my drunk face.

"Heyow! Rock & Roll." and I clicked the sent button without thinking twice and do not know what will happen tomorrow.

I woke up with a hangover. Agad kong hinilot-hilot ang aking ulo dahil sa sakit na dala nito.

I am trying to remember things that possibly what last night because of my drunkiness. Hindi ko pa naman na pipigilan ang mga ginagawa ko kapag lasing ako!

Tinignan ko ang kalagayan ng aking nga kaibigan. Katabi ko ata natulog si Zenneth at Renaissa sa kama. Pero si Zenneth na lang ang nakita ko.

Si Althea at Hannah naman ay nasa isa pang kama. Dalawa ang kama ko dito sa apartment para in case na dito sila matulog, hindi sila sa sahig.

Damn, my head hurts so freaking damn much.

Agad akong nag tungo ng banyo sa kabila. Dalawa ang banyo dito sa apartment iyong isa nasa baba para sa mga bisita at iyong isa dito sa taas katabi ng kwarto ko, para naman sa akin.

I did my usual routine in the morning. I still smell alcohol so I immediately shower.

Hindi pa gising ang mga lasing, kaya hinaan ko na lang sila. I went downstairs only to see that Renaissa is already preparing our food.

She prepared coffe, hotcake and some pasta for our breakfast. Agad niya akong nakita kaya napahinto siya sa pag gawa.

"Kamusta ang mga lasing?" she asked us while preparing a coffe.

"Masakit ba mga ulo niyo?" pang-aasar niya pa.

Alam naman niyang obvious bakit magtatanong pa.

Umupo ako sa upuan at agad na nilantakan ang hotcake na ginawa niya.

"Hindi ka ba na lasing kagabi?" I asked her while busy eating the hotcake she prepared.

She rolled her eyes on me, "Duh? Palagi naman akong di na lalasing pag nag iinuman tayo, dahil ginagawa niyo akong taga akay at taga ligpit niyo ng mga kalat."

I chuckled at what she said. It's the truth though. Pag nag iinuman kaming mag babarkada Renaissa is always on the rescue. Siya ang may pinaka mataas na alcohol tolerance sa amin, kaya hindi siya madaling malasing.

Since tulog pa ang iba at kami ang na-unang kumain ni Renissa iniwan na lang namin iyong mva natiran niluto niya para sa kanila mamaya.

Pumasok ako sa kwarto at na abutan kong tulog pa nga sila pero si Hannah na lang ngayon ang nasa isang kama. Si Athea katabi na si Zenneth.

Kinuha ko ang cellphone sa bedside table. Nagtaka ako dahil nakita ko ang pangalan ni Reeve sa notification ko.

OMG! What I have done?! I felt the warm on my cheeks when I saw what I've sent to Reeve!

Nag drunk chat,text or whatever you call it ako kagabi kay Reeve! OMG! What have I done again this time?!

"Shit!" I cursed.

Henzy napaka bobo naman eh. Sa susunod na iinom ka 'wag ka ng humawak ng cellphone.

I literally whined right now because of what I just sent to him! And it's totally an embarrassing one! Napakamot na lang ako sa ulo ko dahil sa sariling kagagahan na ginawa ko!

I just sent him a video of me, who was red as roses and my hair blows up—na parang isang wicked witch ang aking buhok!

It's totally embarrassing!

"You're drunk."

"Di ko alam na lasinggera ka pala."

"Drunk chat ha."

Napasapo na lang ako sa noo sa mga reply niya sa akin. Kagagahan ko talaga, di lumulugar eh.

"Ahhhh!" tili ko kaya nagising sila galing sa pagkakatulog.

"Anong nangyari sayo," Zenneth said still weary. Pinupokpok niya pa ang kaniyang ulo, dahil sa hangover.

"May ginawa na naman akong kahihiyan," nilagay ko ang mga palad sa aking mukha at umiling.

All of people why Reeve?!

Biglang napa balikwas si Zenneth sa sinabi ko at agad na kinuha ang kaniyang cellphone. Parang may kahihiyan din siyang ginawa.

Napakunot ang noo ko dahil halatang problemado siya pagka bukas niya ng kaniyang cellphone.

Lumapit ako sa kaniya at akmang titingnan ko na sana kung ano ang pinapanood niya, pero di pa ako nakaka lapit masyado sa kaniya ay agad na niyang ito pinatay at tinago.

Bumukas ang pintoan sa kwarto ko at nakita si Renaissa na tawang-tawa sa kaniyang pinapanood. Nagising si Hannah at Althea sa biglang pagpasok nito dito sa kwarto ko.

Hawak hawak ni Renaissa ang kaniyang tiyan na tila wala ng bukas sa kakatawa niya.

"You guys should have seen this!" she told us laughing and waving her hand with her phone.

"What?" I implored

Lumapit agad si Hannah at Althea sa pwesto ni Renaissa. Zenneth beside me is cursing. I saw Althea blushed and Hannah, also Renaissa keep on laughing.

Out of curiosity I walked towards them. Agad na namilog ang mga mata ko at agad binalingan si Zenneth.

Kinuha ko ang pinakamalapit na gamit sa akin na pwede ibato sa kaniya.

"Zenneth!" I screamed at the top of my lungs.

Naghabulan kami dito sa kwarto hanggang sa maabutan ko siya at agad kong sinabunutan ang kaniyang buhok.

At ang bruha tawa nang tawa. Mas lalo ko pang nilakasan ang pagsabunot sa kaniya.

"What did you do, huh?" pinaningkitan ko siya ng mata ko.

Zenneth laughed so hard she held her stomach because of laughing. Ang bruhang to..

"It wasn't me, it was the alcohol running to my system," still laughing.

Damn. Wala na bang mukha akong maihaharap kay Reeve? Nakakahiya talaga! First nag drunk chat ako sa kaniya. Second, nilagay ni Zenneth sa myday niya iyong mga ganap kahapon. Iyong mga lasing na kami.

Iyong susumusuka ako sa sink. Pati iyong video ni Althea na umiinom tapos iiyak tas maya-maya tatawa, at marami pang iba.

At ang na una sa nakakakita ng mga pangyayari na iyon ay si Reeve pa! Simula ata nong dumating siya puro kahihiyan ang ginagawa ko sa harap niya.

"Next time talaga pag iinom tayo, ilayo niyo iyong mga cellphone niyo para ma iwasan ang drunk text, drunk call at kung ano-anong kabalustugang ginagawa niyo kapag lasing kayo," Renaissa instructed us. Pero hindi pa rin maalis ang tawa sa kaniya.

Kung wala lang sana ako diyan sa video na iyan . . .matatawa pa ako. Pero kasi. . .Arghh! Okay lang sana kung hindi nakita ni Reeve eh. Wala sanang problema.

Teka? Bakit ba ako nag wo-worry sa kaniya? Tsk. Buhay ko naman ito eh. I can just say na wala ako sa sarili. Halata naman. Kasi naman hindi ko ma control ang sarili ko kapag lasing ako.

After that embarrassing moment of ours I turned off my phone. Everytime na makikita ko ang cellphone ko na aalala ko mga kagagahan ko.

Hannah was scolded by her boyfriend—Kendrick. The funny thing is wala siyang pakialama kahit panay na ang pa nenermon ni Kendrick sa kaniya.

The guts of my friend.

We're here in the living room watching a k-drama—medical k-drama perhaps. Pareho kaming lahat na mga nursing student and watching medical dramas and videos were normal for us.

What I like about the korean medical drama is not the medical words you will get there. But the lesson. . . The lesson that each doctor should possess.

There are some doctors out there— they only care about money, fame and reputation. They don't really care about their patients. Basta makuha ang tatlong iyan ayos na sa kanila, kahit mamatay na ang pasyente nila.

Iyong iba naman, they only care for their reputation. Pinipili ang mga pasyente na gagamutin. Kaya walang unlad iyong mga hospital dito eh, dahil sa kagagawan nila.

Doctor sila they are born to save lives, not to gain fame, money or what. They should help those people who seek medical attention. Hindi iyong pababayaan lang.

That is why I wanted to be a doctor someday. I wanted to change the perspective of some people about doctors. I wanted them to see that doctors are really born to save life, not to gain fame,money and maintain reputation.

Being a doctor is indeed a great responsibility because you're dealing with the life of people. . . but that responsibilities should be worth it. . . you need to make it worth it. You need to do your best—not try your best to save the patient.

Kung may tsansya pa 'wag mong susukuan.

Ubos na ang pringles na kinakain namin at last stock ko na lang iyon sa ref. Mukhang hindi sila ma istorbo sa panonood dahil tutok na tutok sila sa scene na kung saan marami ang dumadating na mga trauma patients. Nagpaalam na lang ako sa kanila para bumili pa ng makakain at stock ka rin sa refrigerator ko.

"Junkfoods, Henzy salamat!" bilin ni Renaissa sa akin.

Malapit lang naman ang convenience store dito so less hassle. I just wore fitted maong shorts and lose t-shirt with a Queen printed on it.

Agad akong pumunta sa mga chichirya section. Kinuha ko lang 'yong mga paborito naming kainin ng mga kaibigan ko. After that, pumunta na rin ako sa drinks station.

Soda lang sana ang kukunin ko. . . pero na te-tempt akong kumuha ng canned beer.

I am tempted to get one. Hindi ko naman i-inomin ito mamaya eh. Kakainom ko lang kagabi tas iinom naman ulit. I need to take care of my health to reached my dreams.

Since hindi ko talaga mapigilan ang mga kamay ko. Kumuha ito ng limang san mig beer iyong flavored. Pero tatlo palang ang nakuha ko ng biglang may nagsalita sa likod ko.

"Kakainom mo lang kagabi i-inom ka na naman," a cold voice said.

Agad akong napabaling sa kung sino man ang nag sabi n'on. Pero sana hindi na lang pala.

It was Reeve. Kumuha siya ng isang soda at maraming chichirya at nilagay sa basket niya. He didn't glance at me so I took the chance to check him out.

He's wearing a beige color t-shirt partner with simple nike shorts and some branded slippers. Wearing he's Michael Kors watch and silver ring on his left hand. His hair was a bit damped and it attracts him the most.

He glanced at me and I immediately looked away. Nag kukunwaring may kukunin pa. Akala ko ay aalis na siya dahil tapos na siya ng kumuha ng kaniyang dapat bilhin, yet a few seconds wasted he's still there.

I closed my eyes as I remember vividly what have I done last night. It was so embarrassing to remember.

"How are you feelin'?" he suddenly spoke.

I heaved deep breath and faced him. There's nothing to hide makikita at makikita ko pa rin siya. . .

The best way is to just forget that I did that and never let him remember. Although I doubt that. . . he doesn't remember.

"Uhmmm. . . Okay?" pasagot kong tugon sa kaniya.

Nararamdaman ko pa rin ang kirot sa ulo ko pero kaya pa naman. I am not that drunk girl who complain after. Malamang uminom ako expected na na may hangover pagkatapos.

"You're not sure," he claimed.

"I'm fine, really." I flashed my sexiest smile to assure him that I'm okay.

At agad siyang tinalikuran dahil hindi pa rin na tatanggal ang hiya sa aking katawan. Jusmiyo naman eh! Hindi pa naman lunes pero bakit nakikita ko na siya.

Tadahana, ang wrong timing mo naman. Sa susunod pagtagpuin mo ang landas namin ng ganito 'yong naka-ayos naman sana ako.

I silently prayed na matapos na ang ginagawa ng cashier para maka alis na ako. Nasa likod ko na si Reeve and he's strong manly scene filled my nostrils.

Kung hindi lang ako na hihiya ngayon baka niyakap ko na siya dahil sa pabango niya. Pero, hindi eh. Nasa katawan ko pa rin ang kahihiyan na ginawa ko kagabi.

"Five Hundred pesos, Miss," the cashier said. I handed her my money and storm out on the convenience store.

I didn't bother looking at him anymore at dali-daling umalis. Pero sa unang pagkakataon nga naman hindi sumang-ayon sa akin ang panahon.

Biglang bumuhos ang malakas na ulan na nagpahinto sa akin para tumawid sa kabilang linya. Ang mga tao ay kaniya-kaniyang humanap ng pwesto para may ma sulungan

Shit. Ngayon ko lang na realized na wala pala akong dalang payong! Okay lang sana kung mahina lang ang pagbagsak ng ulan pero habang mas tumatagal naging palakas ng palakas ito.

Bahala na. I want to go home

I was about to run through the rain when someone pulled my hand. Reeve watching me intently, he grabbed my things and walk away.

Nakakunot ang noo ko dahil sa ginawa niya. Is he trying to steal the foods I bought? I was about to get it to him whe he suddenly spoke.

"Get in," he mumbled. There I saw the BMW X7 car.

Hindi na ako nag pa bebe pa at agad na sumakay sa sasakyan niya. Damn. Hindi lang siya gwapo, mayaman pa.

Tinanong niya ako kung saan ang apartment ko at tinuro ko naman sa kaniya. We instantly arrive at my apartment.

"Thanks for riding me home. You don't actually need it, because it's near and I can just run through here," I told him at inaalis ang seatbelt.

"Then you'll get sick." His tone sounded mad so, I looked at him.

"Hindi naman ako madaling magkasakit."

"You're not sure," he cooly stated

"Totoo!" I exclaimed

"Aren't you going in?" he asked raising his brows.

"Ay! Oo nga pala!" Nawiwili na ako sa kaniya nakalimutan kong kailangan ko rin pala umuwi!

Just when I was about to go. He uttered a word that made my heart race.

"Next time, don't be drunk."

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.