International Billionaires 5 - 6 Chapter 21

NAGING matagumpay ang paglipat kay Nanay Teresita sa isang ekslusibo at malaking ospital sa Maynila. Napakaganda rin ng facilities na ibinigay para rito. Mas naramdaman nila ang mga nakatalagang staffs para rito at higit sa lahat, ilang oras pagkatapos mailipat si Nanay Teresita ay gumalaw ang kamay nito. Ayon sa Doctor ay isa daw iyong senyales na malapit na itong maggising.

Masaya si Matthew sa nangyari. Ganoon rin naman si Ericka. Ngunit hindi niya maggawang lubusang sumaya dahil na rin sa nalamang balita kagabi. Masyado siyang nagulat sa lahat ng nangyari. Ang akala niya ay malaking coincidence lang ang pagkikita nilang dalawa ni Ric---o ngayon ay maaari na niyang tawaging Cedric. Cedric Guidicelli.

Magulo ang damdamin ni Ericka. Kagabi, nang maggawa niyang i-charge ang kanyang cell phone ay nakausap na niya si Cedric. Pero kahit ganoon, hindi niya naggawang itanong rito ang lahat. Hindi rin naman ito nagpaliwanag. Naiintindihan rin naman niya kung bakit. Maaaring gusto nitong personal na sabihin iyon sa kanya dahil ganoon rin naman ang gusto niya. Gusto niyang personal na magkausap sila tungkol roon. Pero dahil may kailangan raw itong gawin kaya hindi siya napuntahan nito ng personal sa ngayon, hindi pa rin nasasagot ang katanungan niya. Tumatawag pa rin ito ngayong araw at kahit sinasagot naman niya iyon, pilit rin niyang iniiwasan at pinuputol agad dahil sa gulong nararamdaman ng kanyang isip.

Nang matapos ang visiting time sa gabi ni Nanay Teresita sa ICU kung nasaan pa rin ito, nagpaalam si Ericka kay Matthew na pupunta muna sa roof top ng ospital na iyon. Kailangan niyang mag-isip. Masyado ng marami ang nangyari isang araw pa lamang ang nakalilipas. Pinayagan naman siya nito kahit na ba wala pa rin itong alam sa pinagdadaanan niya. Hindi naman niya ito masisisi. Halos hindi ito umaalis ng ospital, hindi nakakapanood ng TV o nakakapagbasa ng diyaryo man lang. Hindi rin ito mahilig sa mga social media sites. Wala pa itong kaalam-alam sa naging malaking balita tungkol sa kanya. Ang sinabi niyang dahilan sa kaibigan ay gusto lang niyang magpahangin.

Ano ba ang dapat niyang gawin? She felt trapped. She felt betrayed. Hindi coincidence lang ang paglapit ni Cedric sa buhay niya. Sinadya nito na magkita muli sila upang komprontahin siya. Kaya pala tila galit na galit ito ng araw na iyon. May kasalanan talaga siya rito.

Bakit rin ba hindi niya naisip na hindi siya kokomprontahin ng makapangyarihan na tao na iyon? Bakit siya hindi nagtaka nang matindi kay Ric? Pero higit sa lahat... bakit nagsinungaling ito sa kanya? Bakit sa halip na komprontahin siya nito ay nagkunwari pa ito sa kanya? Dahil roon... naging malaki tuloy ang pagduda niya rito. Kung naggawa nitong magsinungaling sa kanya, ang nararamdaman at ginagawa rin ba nito sa kanya ay mga kasinungalingan rin?

Napakasakit. Itinuring pa naman niya na totoo ang lahat ng ginagawa nito. Nagustuhan niya ang mga iyon. Nahulog siya sa mga iyon.

Nahuhulog na siya rito...

Gustong mapaiyak ni Ericka. Bakit nangyari ang lahat ng iyon? Pakiramdam niya ay napaglaruan siya. Nagmukhang tanga.

“Ericka...” nasa ganoon siyang pag-iisip nang may magsalita. Hindi na kailangan na lumingon ni Ericka upang malaman kung sino iyon. Nakakatawa lang na palagi siya nitong nahuhuli, nasusundan. Noong una, inisip niya na baka stalker niya ito. Pero hindi. Bilyonaryo si Cedric Guidicelli. Madali lang nitong mapapasundan ang isang kagaya niya. Malaman ang ginagawa niya kahit hindi ito umaksyon. Makapangyarihan itong tao sa kabila ng pagiging misteryoso nito.

“Anong ginagawa mo rito? Gabi na. Malamig rin ang gabi. Baka magkasakit ka,” wika pa nito. Nilapitan siya nito at ibinigay ang jacket na suot-suot nito. Pero hindi iyon tinanggap ni Ericka. Kumunot ang noo nito.

“Bakit? May problema ba? Alam ko, nagkaroon ako ng pagkukulang sa `yo dahil hindi na kita nasundan kagabi at kanina naman ay may inasikaso ako at---“

“Kasama ba sa inasikaso mo ang pagpapalipat kay Nanay sa ospital na ito?” nang malaman ang tungkol sa totoong identity ni Ric ay nagkaroon na siya ng hinala na maaaring ito ang gumawa ng paraan. Nangako ito na aayusin nito ang lahat. Dahil ngayong alam na niya na mayaman ito, magiging madali nga naman dito ang pag-aayos ng lahat. Isama pa na kakilala naman talaga ito ni Nanay Teresita na noong una ay pinagtataka niya kung sinong naging sponsor dahil halos lahat naman ng kakilala ni Nanay Teresita ay kakilala rin nila ni Matthew. Wala silang kilalang ganoong kayaman na kayang ipalipat at sponsor-an ang kondisyon nito.

“Kung ganoon ay alam mo na. Iyon ba ang dahilan kung bakit iniiwasan mo ang mga tawag ko? Na kapag tinatawagan kita ay palagi lang maiikli ang mga sagot mo?” sinalubong ni Cedric ang tingin niya.

Naglihis si Ericka nang tingin. “Nagsinungaling ka sa akin. Hindi mo sinabi sa akin ang totoo.”

“Ganoon ka rin sa akin. Ginamit mo ang pangalan ko. Ginulo mo ang pribado kong buhay.” Akusa naman nito sa kanya.

Nasapol si Ericka. Totoo naman ang sinasabi ni Cedric. Sinalubong na niya ang tingin nito. Wala naman siyang nakitang galit sa mga iyon. Sa mga sinabi nito sa kanya ngayon, inaasahan niya na mayroon. Oo, nagsinungaling sa kanya si Cedric. Pero tama ito. Nagsinungaling rin siya rito. Kung titignan, ang may mas malaking kasalanan sa kanila ay siya. Dapat ay ito ang magalit. Pero wala siyang kahit anong nakita sa mga mata nito na ikinabigla niya.

“Mahal ko ang pagkapribado ng buhay ko. Hindi ko ginustong kahit sino ay may manggulo noon. You’ve been a distraction to me. But a beautiful distraction indeed. Kahit ginulo mo ang buhay ko, hindi ko maggawang magalit dahil gusto ko rin naman na ginugulo mo ako. Gusto ko na makasama ka. Gusto ko na makilala ka nang lubos...”

Napalunok si Ericka. “Pagkatapos ng lahat, naggawa mong sabihin sa akin ang mga `yan?”

Nilapitan siya ni Cedric. Hinawakan ng isang kamay nito ang kanyang pisngi. Tila matutunaw rin siya sa tingin na ibinigay nito sa kanya. Ngumisi pa ito. “Hindi ko rin alam kung bakit. Kahit ang mga kaibigan ko ay nagtataka. Sa halip na pagalitan kita, parusahan sa ginawa mo sa akin, parang ako pa ang nagpaparusa sa sarili ko na sa halip na ayusin ko ang buhay ko, pinalapit ko pa ang nakagawa sa akin nang masama. But no, hindi ko kayang gawin na pagpaparusa iyon sa sarili ko dahil gusto ko rin iyon. Maaaring nagsinungaling ako sa `yo, hindi ko sinabi sa `yo kung sino ako sa `yo pero lahat ng ginawa at ipinakita ko sa `yo nang magkasama tayo, totoo iyon. Gusto talaga kita, Ericka. At hindi ko rin gustong hayaan na maliitin ka ng ibang tao kaya inamin ko sa publiko ang lahat. Pinalabas ko na boyfriend mo talaga ako, ipinakita ko pa mismo ang mukha ko para maniwala silang lahat dahil gusto kong maging mabait sa `yo ang lahat. Ang respetuhin ka. Ang hindi na maggawang saktan, maliit at pagsamantalahan kagaya nang ginawa sa `yo noong shooting na iyon. Gusto kong protektahan ka.”

“Isang pagkakamali lamang ang article pero hindi ko akalain na ito ang kapupuntahan noon. Sumakay lang naman ako sa mga nangyari dahil nakita ko kung paano ako nirespeto ng mga tao sa paligid ko nang malaman nilang may kinalaman ako sa isang nirerespeto at tinitingalang tao. Nabigyan rin katuparan ang matagal ko ng pangarap. Masama, oo. Pero sa unang pagkakataon sa career ko, pakiramdam ko ay nagkaroon ako ng silbi. Kinuha ko ang pagkakataon. Pero sandali lang ang lahat ng iyon. Nang tanggihan ko ang mga interviews, hindi lumaki ang balita. Bumalik sila sa dati. Isama pa na hindi naging mabenta ang unang major ko sa commercial. Nasira ang lahat at---“

“Kaya ako na ang gumawa ng paraan. Umamin na ako sa lahat para hindi na muling mangyari iyon. Simula ngayon, hindi ka na nila babalewalain. Rerespetuhin ka na nila dahil ako na mismo ang umamin.”

“Ang hirap paniwalaan. S-sigurado ka ba sa ginawa mo? You gave up your precious identity dahil lang sa akin? At hindi ka galit? Naiintindihan mo ang ginawa ko?”

“Oo, aaminin ko noong una ay nagalit ako sa `yo. Pero hindi iyon ang unang pagkikita natin, alam mo iyon. That day, you haunted me. Gusto kitang makita muli at ikaw mismo pa ang gumawa ng paraan. Sa paglipas ng mga araw, nagustuhan pa kita lalo. Nawala na ang galit. Ang pakiramdam na niloko at ginulo mo ako. I guess, what I feel for you is really that hard to overcome those. I really really like you, Ericka. Hindi ko na hahayaan na masaktan ka. Damn my identity, of the things that I gave importance before. All that matter now is you.”

Natunaw ang puso ni Ericka sa pinagsasabi ni Cedric. Gusto niyang sampalin ang sarili. Ginalaw-galaw niya ang kanyang ulo upang gisingin kung sakaling isang panaginip lang ang lahat. “I-ikaw si Cedric Guidicelli. Isa kang sikat na tao. Isang bilyonaryo. At nagagawa mong sabihin ang lahat ng iyan sa akin?”

“Hindi mo ba ako pinagkakatiwalaan, Ericka?”

“Hindi ko lang maisip na deserve ko ang lahat ng ito. Simple lang ako. Napakaordinaryo---”

“Don’t think of that. What you are and what I am doesn’t matter. Hindi ka naman ganito nang una mo akong makilala hindi ba? Isang ordinaryong painter, what you assumed.”

“Dahil ang simple-simple mo lang manamit. Pumapayag ka sa mga pangkaraniwang gawain. Hindi ka nagrereklamo sa tuwing dinadala kita sa mga lugar na hindi naman madalas na pinupuntahan ng mga mayayaman. Paano ko maiisip na isa palang bilyonaryo ang kasa-kasama ko?”

“Isa sa mga dahilan kung bakit hindi ko inamin sa `yo ang lahat. Ayaw kong makita mo kung ano ang makakaya kong ibigay sa `yo.”

Bumuntong-hininga si Ericka. “Napakarami ng nangyari. Hindi ko mapaniwalaan ang lahat ng ito. Hindi ko lubos maisip. Ang dami mo rin naggawa, hindi lang sa akin kung hindi kay Nanay Teresita. Maraming salamat tungkol doon. Alam kong mahirap na bayaran ang tulong na ibinigay mo pero ipinapangako ko na babayaran ko iyon.”

“Huwag mong pakaisipin ang tungkol roon. Hindi naman talaga malaki ang gusto kong kapalit ng mga ginawa ko, eh. At least not what I think.”

Tinignan ni Ericka nang mataman si Cedric. Aware na ibinaba na ni Cedric ang kamay patungo sa kanyang baywang. Naramdaman niyang unti-unting inilalapit ni Cedric ang sarili sa kanya. Napalunok siya sa naiisip na maaaring gusto nito. Lumakas rin ang tibok ng kanyang puso. “A-at ano naman iyon?”

Inilapit nito ang bibig sa tainga niya at bumulong. “Just be mine.”

“Hindi mo ba ako pinagkakatiwalaan, Ericka?”

“Hindi ko lang maisip na deserve ko ang lahat ng ito. Simple lang ako. Napakaordinaryo---”

“Don’t think of that. What you are and what I am doesn’t matter. Hindi ka naman ganito nang una mo akong makilala hindi ba? Isang ordinaryong painter, what you assumed.”

“Dahil ang simple-simple mo lang manamit. Pumapayag ka sa mga pangkaraniwang gawain. Hindi ka nagrereklamo sa tuwing dinadala kita sa mga lugar na hindi naman madalas na pinupuntahan ng mga mayayaman. Paano ko maiisip na isa palang bilyonaryo ang kasa-kasama ko?”

“Isa sa mga dahilan kung bakit hindi ko inamin sa `yo ang lahat. Ayaw kong makita mo kung ano ang makakaya kong ibigay sa `yo.”

Bumuntong-hininga si Ericka. “Napakarami ng nangyari. Hindi ko mapaniwalaan ang lahat ng ito. Hindi ko lubos maisip. Ang dami mo rin naggawa, hindi lang sa akin kung hindi kay Nanay Teresita. Maraming salamat tungkol doon. Alam kong mahirap na bayaran ang tulong na ibinigay mo pero ipinapangako ko na babayaran ko iyon.”

“Huwag mong pakaisipin ang tungkol roon. Hindi naman talaga malaki ang gusto kong kapalit ng mga ginawa ko, eh. At least not what I think.”

Tinignan ni Ericka nang mataman si Cedric. Aware na ibinaba na ni Cedric ang kamay patungo sa kanyang baywang. Naramdaman niyang unti-unting inilalapit ni Cedric ang sarili sa kanya. Napalunok siya sa naiisip na maaaring gusto nito. Lumakas rin ang tibok ng kanyang puso. “A-at ano naman iyon?”

Inilapit nito ang bibig sa tainga niya at bumulong. “Just be mine.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.