HINDI na maalala ni Callisto kung kailan ang huling beses na nagtagal siya sa pagtingin sa itsura niya sa salamin. Damn, he doesn’t like vain people. Iyon ang dahilan kung bakit hindi sila magkasundo ng sumunod niyang kapatid na si Foro. Kabaligtaran niya ang lalaki.
Bilang artist, hindi kailangan ni Callisto na magpa-guwapo. Hindi rin naman kasi siya nagpapakita. His life was very private. Ayaw niya ng pakikialaman siya. He likes to do things on his own. He felt safe with that. Ayaw niya ng may kasama dahil ayaw niya ng gulo. Ayaw niya ng distraction.
And distraction is the perfect description for Natalia. Kaya siya nakaharap sa salamin ngayon ay dahil sa babae. Damn her!
Hinawakan ni Callisto ang panga niya. Masakit pa iyon mula sa pagkaka-shave niya. Damn, he really hates shaving. Pero kailangan niyang magmukhang good-boy. His plan should work.
Tumingin si Callisto sa orasan sa loob ng kuwarto niya. Sampung minuto na lang ay alas otso na. Ganoong oras siya madalas na dinadalhan ng almusal. Sumusunod sa schedule si Natalia kaya malamang ay naghahanda na ito. Kailangan na maunahan niya ito.
Callisto gave a one last look of himself at the mirror before leaving. Napangiwi siya. Hindi siya ang lalaki sa salamin. Napakalinis ng itsura ng mukha niya. Matagal rin siyang naligo. He looks fresh. He looks neat but not complete. Masyado siyang nasanay na may balbas. Parang malaking bahagi niya ang nawala sa pagkatanggal noon ngayon. Ang humaba na rin na buhok niya ay itinali niya para hindi sabog tignan.
What an effort, napailing-iling si Callisto. Pero kinalma na lang niya ang sarili. It would be worth it in the end.
Lumabas si Callisto ng kuwarto niya. Nagpunta siya sa kusina. Naroroon si Natalia. Naramdaman nito ang presensiya niya kaya mula sa paglalagay ng pagkain sa tray ay napatingin ito sa kanya.
“Ay kalabaw, este, a-anghel!” Nanlaki ang mata ni Natalia nang makita siya. Nabitawan pa nito ang kutsara na ilalagay sana sa tray. “S-sino----Callisto?!”
“Good morning,” Callisto tried to make his voice calm eventhough he rarely do that. Aminado siyang may pagka-arogante at normal na sa kanya na mainit palagi ang ulo. “What’s for breakfast?”
Natulala at napanganga lang si Natalia sa kanya. Gustong umungol ni Callisto. Nagsisimula pa lang ay mainit na kaagad ang ulo niya.
Daddy, you are really wrong to employ this kind of person!
Naalala na ni Callisto kung sino si Natalia sa sandaling pagkakilala nila, este, mas tamang sabihin na pakikipag-argumento niya rito. Ito ang pinakamakulit at pinakamaingay na bata sa Safe Haven. At mukhang hindi pa ito nagbabago sa ngayon. His Dad knew he hates noise. Bakit ito pa ang pinili nito para magluto para sa kanya?
Pakialamera pa ang babae. May dahilan naman kung bakit pala ito pumasok. Pero puwede naman itong tumalilis noong makita siya. But dio! nag-usisa at nangamusta pa ito!
Ang tanging tama lang kay Natalia ay magaling ito na magluto. At pati na rin ang magandang mukha nito sa kabila ng reaksyon.
Lalong nainis si Callisto sa pumasok sa kanyang isip. Ano ba ang nangyari sa kanya at naisip niyang maganda si Natalia? Kung tutuusin, walang wala ito sa kagandahan ng Mommy at bunsong kapatid niyang si Caroline. Ordinaryo lang ang ganda nito. Sa tantiya niya ay nasa 5’2 lang ang height nito. Fair ang kulay ng balat. Plain lang rin ang features ng mukha nito. Maliit ang halos lahat roon, itim na mata, pointed nose at makipot at mapulang labi. Maliit lang rin ang tabas ng itim na buhok nito. Mas tama siguro kung ilalarawan ito bilang cute.
Ah, baka may mali rin sa pagluluto ni Natalia. Paano kung may gayuma pala iyon? Pakiramdam kasi niya ay nahihibang siya na nagagandahan siya sa babae. Sakit sa ulo lang ang bigay nito sa kanya. See, hindi lang pagkaasar ang nararamdaman niya rito. She was really a distraction. He needs to get rid of her.
“Hmmm…?”
“N-nagulat lang ako, Callisto, este, Sir pala! I’m sorry! Dapat ay matuto akong gumalang. Baka mamaya tuluyan mo na po akong tanggalin sa trabaho. Malaki pa po ang utang ko sa Daddy mo…”
That’s the plan! Napangisi si Callisto sa isip. Isa pang nakikitang problema ni Callisto ay ang sitwasyon. Hindi niya hawak iyon. Para sa kanya nagtatrabaho si Natalia pero ang Daddy niya ang nagpapasuweldo rito. So technically, ang Daddy niya lang ang puwedeng magdesisyon sa trabaho ni Natalia. But unfortunately, he doesn’t want her fired…
“Daddy, this is my life! Alam mo naman na ayoko ng pinapakialaman ako `di ba?” Tinawagan niya ang Daddy niya. Isinumbong niya rito ang pagpasok ni Natalia sa kuwarto. Nasa New York na ito.
“I’m sure she has good reasons. Nakausap mo ba siya kung bakit?”
Nagngitngit ang ngipin ni Callisto. Bakit kinakampihan pa ng Daddy niya si Natalia? “Daddy, pumasok pa rin siya. Pinakialaman niya ako. And hey, kinausap niya ako like we’re so close. It’s freaking me out.”
“It would be good for you to have some company sometimes aside from your family, Callisto.”
“Dad---“
“I trust Natalia. She won’t harm you. She will stay there. Ako ang nag-hire sa kanya at magpapasuweldo rin kaya ako lang ang puwedeng magdesisyon rito. And always remember, be nice to her.”
Dalawa lang ang paraan para umalis ang isang empleyado sa trabaho: patalsikin ito ng boss nito o ito mismo ang umalis. At ang plano niyang gawin ay ang huli.
He will know her enemy. Sabi nga nila, keep your friends close, but your enemies closer…
Magiging mabait si Callisto para paniwalaan ni Natalia na interesado siya rito. Makikipagkilala siya rito para makilala ito. He will know her weakness and he will use that to get rid of her.
“Call me Callisto. Sorry for the last time. Medyo wala lang ako sa mood kaya masama akong kausap,” pagsisinungaling ni Callisto. “But I’m okay now….”
Inilahad ni Callisto ang kamay kay Natalia. Sandaling tinitigan nito ang kamay niya pero tinanggap rin naman sa huli. It felt warm. Napakunot-noo siya.
“Ay…” Nakagat naman ni Natalia ang ibabang labi.
“Bakit, may sakit ka ba?”
“Ha? Wala. Iyon nga rin sana ang gusto ko na itanong sa `yo. Mainit ang kamay mo,”
Weird feeling, nasa isip ni Callisto. Pero ipinagkibit-balikat na lang niya iyon. Mukhang ganoon rin naman si Natalia. Pinatunayan nito na wala nga itong sakit. Naging maliwanag ang mukha nito. Malaking-malaki ang ngiti nito.
“So, guwapo ka pa rin talaga, Callisto.” Parang kinikilig pa si Natalia. Namumula ang mukha nito. “Bagay sa `yo ang malinis.”
Hindi sanay si Callisto sa compliments. Pero pinilit niya na kontrolin ang damdamin. Hindi niya hinayaan na kiligin rin sa narinig. “Thanks.”
“Sa dining room na tayo kumain, ha? Tapos sabay na tayo. Sabi mo naman, nasa mood ka na. Magkuwentuhan tayo. Grabe, maloloka na ako dito sa bahay mo, eh. Ilang araw na akong walang kausap! Hindi ako sanay.” Sunod-sunod na sabi ni Natalia. Hindi na rin siya nito binigyan ng pagkakataon para magreklamo. Dinala na nito ang tray papunta sa dining room ng bahay.
Bossy. Controlling. Ah, siguro ay nagugustuhan niya ang physical na anyo nito. Pero hinding-hindi ang ugali nito. O siguro ay dahil kaya nasasabihan niya ito ng maganda ay dahil matagal-tagal na rin simula nang makakita siya ng tao? Bihira lang siya lumabas ng bahay, kahit ng mismong kuwarto niya. Pagpipinta lang ang buhay niya at minsan ay pamilya.
Ngayong araw ay mababago iyon. Ngayong araw lang dapat!
“Ang galing-galing mo. Ang layo na ng narating mo. Favorite ko `yung painting mo na Disenchanted.”
Tumango si Callisto. He painted the painting two years ago. “So pumupunta ka sa mga art exhibits.”
“Kapag nagkaka-extra ako na pera ay pumupunta ako sa mga art exhibit. Hindi naman ako mahilig sa art. Pumupunta lang ako kasi umaasa ako na makikita kita ulit. Na-miss kita, infairness. Palagi nga kitang tinatanong kay Analisse, iyong inampon ng kaibigan ng Daddy mo. Kaya lang wala nga daw siyang balita sa `yo. Ano ba kasi ang nangyari sa `yo? Bakit mas misteryoso ka pa sa Daddy mo?” sunod-sunod na wika ni Natalia. Saka lang ito nakasubo nang matapos ito sa pagsasalita.
Tumikhim si Callisto. “I just want peace.”
“Hmmm…Sabagay, ganoon ka naman talaga dati. Mailap ka talaga. Pero dati naman ay nakikihalubilo ka kahit papaano. Bakit biglang nagbago ka? Ni hindi ka man lang daw nagpapakita sa mga parties, sabi ni Analisse…”
“I don’t like parties. Hindi rin ako sociable.” simpleng sagot ni Callisto. “Ikaw, kumusta ka na?”
“Uy, interested kaagad sa akin? Pero, sige na nga. Magkukuwento rin ako. Let’s go to the getting to know each other stage,” ngiting-ngiti si Natalia. “Ayos lang naman ako. Hindi ako naging kagaya ng Daddy mo ang kapalaran pero masaya naman. Masuwerte ako kasi may nag-ampon pa rin sa akin. Inampon ako ni Nanay Raquel, iyong tauhan rin sa Safe Haven. Naalala mo pa rin ba siya? Basta, ayon. Maayos ang buhay namin dati hanggang sa magkaroon ako ng kapatid. But hey, hindi dahil sa inapi ako o kinalimutan ako ni Nanay at ng naging asawa niya, ha? Mabait sila sa akin. Itinuring nila ako na parang tunay na anak. Kapatid rin ang turing sa akin ni Lukas, `yung kapatid ko. Kaya lang, sakitin siya. Sa dami ng nagastos sa pagpapagamot sa kanya, nabaon kami sa utang. May trabaho man kami ay kulang pa rin iyon.
“High school graduate lang ang natapos ko. Kailangan kong kumayod para mabayaran ang utang. Pero dahil mababa lang ang pinag-aralan ko, mababang trabaho lang rin ang nakukuha ko. Maliit lang ang suweldo. Puro mga on-call pa kaya hindi stable ang kita. Kaya ngayon, kahit dekada na ang lumipas ay hindi pa rin namin nababayaran ang mga naging utang. Malaki rin kasi ang naging interes ng utang. Madalas pa rin na nagkakasakit si Lukas kaya mas lumalaki rin ang gastos. But it’s okay. Mahirap man kami ay masaya naman kami.”
“Your family feels so important to you, huh?”
“Siyempre naman. They are everything to me. Kaya nga kahit itinuturing suwerte ang trabaho na binigay sa akin ni Sir Cedric, nakakalungkot pa rin kasi wala naman sila.”
Malapit mo na ulit silang makasama, don’t worry. “Kumusta ang totoong pamilya mo? May balita ka ba sa kanila? I’m sorry, hindi ko kasi alam ang tungkol sa kanila.”
“Okay lang. Hindi ko rin naman naikukuwento iyon dati. Saka ayaw ko na pag-usapan. Masamang nakaraan kasi,” Napangiwi si Natalia. “Sanggol pa lang ako nang iwan kami ni Mama. Ang sabi ni Papa, sumama daw siya sa ibang lalaki. Wala na akong naging balita sa kanya. Pero okay lang. Kahit naman wala si Mama ay parang naroroon na rin siya sa laki ng pagmamahal niya sa akin. Mahal na mahal niya ako. Pero namatay siya noong pitong gulong ako. Napag-trip-an siya ng mga adik sa kanto. Wala na akong kamag-anak dahil matagal ng patay ang magulang ni Papa, wala rin siyang kapatid. Ang ibang kamag-anak niya ay nasa probinsya at never ko na nakilala. Iyon ang dahilan kung bakit dinala ako sa ampunan…”
“I’m sorry about that…”
“Okay lang. Masakit pero alam ko naman na hindi totoong nawala si Papa. Because they will always be inside my heart, figuratively and literally…” May kinuha si Natalia mula sa leeg nito. It was a long necklace. May heart pendant rin na nabubuklat iyon. Ipinakita sa kanya iyon ni Natalia. “Siya ang Daddy ko. Ayan lang rin ang picture na meron ako sa kanya. Kaya itong necklace na ito ang pinaka-importanteng bagay para sa akin…”
Tumango-tango si Callisto. Sandali pa lang ay marami na siyang nalaman kay Natalia. Napakadaldal ng babae. Nakikinita na niya na mabilis lang talaga niya itong mapapaalis sa pamamahay niya.
“Ay umuulan na! Teka, i-make sure ko lang na naka-lock ang mga binata. Pati na rin mga pinto. Iyong sa `yo ba, gusto mo rin na i-check ko?”
“I rarely open my windows. I don’t have other doors except for the main one. And I don’t think there’s a need to worry if they are also open. Bihirang pasukin ng ulan ang bahay dahil may bubong naman sa bawat bintana.”
“Oo. Pero paano kung pasukin naman tayo ng palaka? Ang pagpapaalis roon ang trabahong hindi ko kayang gawin, ha. Ayaw ko sa palaka, hatest creature ever…”
Natahimik si Callisto. Pero sa isip-isip niya ay nagdiriwang siya. Alam na niya ang kailangan niyang gawin para mapaalis ito.
Gotcha, Natalia…
PINALIPAS ni Natalia ang buong hapon niya sa sala. Paano kasi, pagkatapos ng almusal ay nagpaalam na si Callisto sa kanya. Sa susunod na lang daw sila mag-usap muli. Dahil wala na naman na gagawin bukod sa magluto na napakadali lang naman kung tutuusin, naglinis lang siya. Mabilis lang rin naman na linisin ang bahay. Natulog na lang siya sa sala pagkatapos. Mas presko kasi na matulog roon kaysa sa kuwarto.
Sa tantiya ni Natalia, mahigit dalawang oras rin siya nakatulog. Alas kuwatro na ng hapon nang maggising siya. Nang maggising naman siya ay natulala lang siya sa sarili sa malaking salamin sa may sala. Inisip niya kung bakit bigla na lang nagpaalam sa kanya si Callisto.
“Pangit ba ako?” Pagkausap ni Natalia sa sarili. “Hindi naman. May mga nanliligaw naman sa akin kaya alam ko na may itsura ako.”
Inayos-ayos ni Natalia ang mukha. Napunta ang tingin niya sa labi. “Ay, alam ko na! Off kay Callisto ang pagiging madaldal ko.”
Napalabi si Natalia. Babaguhin ba niya ang sarili niya para magustuhan lang ng kasama? Hmmm… Hindi dapat.
Masasabi ni Natalia na bumalik ang pagka-crush niya sa lalaki. Kinilig siya nang makitang nag-ayos ito para sa kanya. Inisip niya na baka ginawa nito iyon ay para magpa-impress sa kanya. May ESP siguro ito at nabasa ang isip niya na hindi niya bet ang mabalahibong lalaki.
But then, crush lang ni Natalia si Callisto. Hindi ito ang lalaking mahal niya. At kung ganoon man, hindi rin dapat niya binabago ang sarili niya rito. Madaldal talaga siya. Dapat ay tanggapin nito iyon.
Ang nagbibigay na lang na pag-asa kay Natalia ay ang kasabihang: opposite attracts. Langit at lupa ang ugali ni Callisto. Maingay siya, tahimik naman ito.
“Oh well! Ganyan talaga ang buhay,” napailing-iling si Natalia. Mag-aalas singko na nang umalis siya ng sala. Oras na para maghanda siya ng hapunan. Pero bago iyon ay pumunta muna siya ng kuwarto niya. Iniwan niya roon ang cell phone niya. Titignan lang niya sana kung may nag-text man lang sa kanya.
Pero bago pa man makuha ni Natalia ang cell phone na nasa kama ay namutla na siya. May tumalon sa kama.
“PALAKA!!!” napasigaw si Natalia. Nabulabog ang palaka at ilang beses pa iyong napatalon.
Sandaling hindi nakagalaw si Natalia sa kinatatayuan niya. Namawis siya. Ayaw niya ng palaka at---
“Kokak, kokak!” nakaramdam ng pagtalon si Natalia sa paa niya. At sigurado siyang hindi iyon galing sa palaka na nakita niya sa kama. Tumalon sa ibang bahagi ng kuwarto ang palaka na iyon.
Hindi lang isa ang palaka. Dalawa, tatlo, oh shit! Parang may isang pamilyang palaka ang nakapasok sa kuwarto niya!
Hindi alam ni Natalia kung saan pa siya nakakuha ng lakas para ilibot ang tingin sa kuwarto. Sinigurado naman niya na naka-lock ang mga bintana niya. Paano makakapasok ang mga palaka na iyon? Pero nanghihina man, pinilit niya na magkaroon ng lakas para makaalis sa kuwarto.
Tumakbo si Natalia palabas. Dumiretso siya sa kuwarto ng iisang taong makakatulong sa kanya.
“Callisto, tulong! Tulungan mo ako!” Paiyak na si Natalia. Kinalampag niya ang pinto ni Callisto. Mahigit isang minuto bago siya nito sinagot.
“Why---“ hindi na naituloy ni Natalia ang sasabihin dahil sa sobrang takot. Napa-paranoid siya kapag may palaka sa paligid. Hindi rin niya naisara ang kuwarto. Paano kung may sumunod sa kanyang palaka?
At paano kung may palaka rin sa hallway? Maigi ng safe. Hindi na niya siguro kakayanin kapag may tumalon na naman na palaka sa kanya.
Kaya kagaya ng palaka sa kanya, halos tumalon siya sa lalaki. Kumapit siya sa leeg nito at naglambitin, parang batang nagpapabuhat sa ama nito.
“Y-you’re trembling…”
Hindi nagsalita si Natalia. She was really scared as hell. Bata pa lang siya ay takot na siya sa palaka. Mabuti na nga lang, kahit sa squatter sila nakatira ay bihira lang magkapalaka roon. Daga at ipis lang ang marami roon. Hindi naman siya takot sa ganoon.
Matagal-tagal rin na nasa ganoong posisyon si Natalia hanggang sa ma-realize niya ang kanyang ginawa. Parang niyayakap niya pala si Callisto. Napakalapit ng katawan nila sa isa’t isa.
Sinalubong ni Natalia ang mata ni Callisto. Nanghina siya. The feeling of his skin next to her was overwhelming. Nakakaloko ang tibok ng puso niya kagaya ng pagkagulo ng paru-paro sa tiyan niya. Nakaramdam rin siya ng pag-iinit ng katawan, kagaya nang unang maglapat ang kamay nila ni Callisto kanina.
But what happened made her feel more scared than the frogs. Dahil iyon ang pakiramdam na alam niyang hindi kayang ibalik ni Callisto sa kanya.
MAGKAKASAKIT na yata si Callisto sa kakatiim-bagang. Now, he was facing the consequences of his own fault. Nasira ang plano niya. Siya pa ang naistorbo sa panloloko niya kay Natalia. Sa halip na mapaalis niya ito dahil sa mga palaka na inilagay niya sa kuwarto ay mas lumapit pa ito sa kanya.
Hindi napigilan ni Callisto si Natalia na matulog sa kuwarto niya. Sa takot nito sa palaka ay halos kumapit na ito sa kanya. Hindi na raw ito makakatulog sa kuwarto nito dahil sa trauma sa palaka. Kahit sinabi niya na siya na mismo ang pupunta sa kuwarto at papaalisin ang palaka ay umayaw ito. Kapag pinayagan daw niya ito, aalis siya sa tabi nito. Hindi ito mapakali. Paano kung may palaka naman daw sa pinag-iwanan niya rito? Napaka-paranoid ng babae.
Inis na inis si Callisto. Hindi naman niya mapaalis si Natalia sa tabi niya. Ginugulo siya nito. At kahit ngayong tahimik ng natutulog si Natalia sa kuwarto niya ay patuloy pa rin siya nitong ginugulo.
Hindi niya gustong makasama ito. Pero no choice siya. At ang masama pa, parang wala rin siyang choice kundi titigan ang babae habang natutulog ito. Hindi niya mapigilan. She looks so peaceful while sleeping. Anghel. There was a nice feeling growing inside him just by looking at her.
Pero pinipilit ni Callisto na huwag maapektuhan kaya itinitiim niya ang bagang. He wanted to control his self. He doesn’t want to feel even nice feelings. Lalo na at ni hindi niya masasabi kung tama ba talaga na pagkatiwalaan si Natalia. Oo, pinagkakatiwalaan ito ng Daddy niya. Pero hindi naman lahat ng pinagkakatiwalaan ng pamilya niya ay nararapat na pagkatiwalaan talaga. And he could say that based on experience…
“Damn, what am I going to do? Kailangan mo na umalis sa buhay ko.” Mahinang wika ni Callisto habang tinitigan pa rin si Natalia.
Napabuntong-hininga si Callisto. This can’t go on. Hindi pa sapat na pinagbantaan niya ito na papalisin, pinakita na masama ang ugali niya at niloko niya ito sa pamamagitan ng paglalagay ng palaka sa kuwarto nito. Everything was not effective. And everything he had done backfired.
Kailangan ni Callisto na gumawa ng malupit na paraan para mapaalis ito. At iisa na lang ang paraan na nakikita niya para mapaalis ito.
“Itong necklace na ito ang pinaka-importanteng bagay para sa akin…”
Kapag naramdaman ni Natalia na hindi ito safe sa lugar, lalo na ang bagay na pinapahalagahan nito ay aalis ito. May hangganan rin ang pagiging positibo nito. And that will end with that necklace…
Ang dami niyang effort para mapaalis si Natalia. Everything has to be worth it. Sana nga lang ay huwag ulit na siya pa ang mapurwisyo sa susunod na gagawin niya…
PARANG hinehele ang pakiramdam ni Natalia. Lahat ng nararamdaman niya ay malambot at hmmm… mabango. Amoy lalaki. Para siyang kiniliti nang mapagtanto ang dahilan kung bakit ganoon.
Nasa kama siya ni Callisto! Dalawang araw na siyang natutulog roon. At katabi niya itong matulog. Nararamdaman niya ang mainit na katawan nito sa kanya…
“Good morning, Babe…” Napamulat si Natalia nang marinig ang soothing na boses na iyon ng lalaki. Nagkaroon kaagad siya ng malakas na enerhiya. Nag-init ang pisngi niya.
Sinalubong ni Natalia ang mata ni Callisto. Kinilig siya. “Good morning, too, Babe…”
Muling napapikit si Natalia nang dahan-dahang ibaba ni Callisto ang mukha sa mukha niya. Pero sa halip na patuloy na makiliti sa paglapat ng labi nito sa kanya, tumayo ang lahat ng balahibo niya. Basa at malagkit ang labi ni Callisto.
Kadiri!
Itinulak ni Natalia si Callisto. Pero basa at malagkit rin ito. Nanginig ang kamay niya. Bakit---?!
Nang imulat ni Natalia ang mata ay hindi na si Callisto ang nasa harap niya. And she found out that she was kissing a frog instead!
“Palaka! Palaka!” sigaw ni Natalia. Bumangon siya sa kama, hingal na hingal dahil sa takot.
Nagtatalon at nagsisigaw pa siya hanggang sa ma-realize niya ang lahat. Walang palaka sa kuwarto. Hindi siya nahalikan ni Callisto o kahit ng buwisit na palaka. Nananaginip lang pala siya!
Napasimangot si Natalia. Gusto niyang mapa-sigh-of-relief dahil walang palaka. Pero may panghihinayang rin siyang nararamdaman. Wala pala si Callisto sa kanyang tabi. Natulog nga siya sa kama nito pero hindi niya ito katabi.
Wala rin si Callisto sa paligid. Ganoon rin naman noong naggising siya kahapon. Panaginip nga lang ang lahat.
Asa ka pa girl, Tuya ng isang bahagi ni Natalia. Hindi ibig sabihin na napapayag niya si Callisto na patulugin siya sa kuwarto nito ay indication na iyon na close na close na sila. Lalong hindi rin iyon dahilan para halikan siya nito.
Asa pa nga ako, napailing-iling si Natalia. Bahagyang sinampal-sampal rin niya ang sarili. Tumitindi na ba ang nararamdaman niya kay Callisto kaya napapaginipan na niya ito? Ah, inilalapit lang niya ang sarili niya sa panganib sa pag-iisip noon. Hindi sila puwede ni Callisto. Tapos. Hindi dapat niya masyadong iniisip ang lalaki. Masasaktan lang siya.
Inayos ni Natalia ang sarili niya. Alas siyete na kaya kailangan niyang maghanda ng makakain. Baka iyon rin ang dahilan kung bakit wala si Callisto sa pugad nito. Baka nagugutom na ito. Kailangan na niyang maghanda ng almusal.
Pero sa pag-aayos ni Natalia ng sarili ay lalo lang pala siyang masasaktan. She felt an estranged feeling in her. Parang may nawawala. Kinapa niya ang katawan. Natigilan siya nang maramdaman na wala ang necklace sa katawan niya.
“Diyos ko po, nasaan ang necklace?!” Matinding panic ang naramdaman ni Natalia. Kaagad na bumalik siya sa kama, umaasa na nalaglag lang ang necklace roon. Sigurado siyang nasa kanya pa iyon bago matulog. Lagi niyang hinahawakan iyon sa gabi. Madalas na kinakausap pa nga niya iyon.
Pero wala sa kama ang necklace. Wala rin sa ilalim o kahit sa paligid. Walang bakas na nalaglag lang iyon.
Sinubukan ni Natalia na balikan ang lahat ng naalala niyang pinuntahan kahapon kahit sigurado siya na dapat ay nasa kuwarto lang iyon. Pero wala pa rin. Kusina ang last stop niya. Nakita niya si Callisto roon.
“Good morning…” Nakakaloko ang ngiti ng lalaki. Kung hindi nga lang in panic si Natalia, baka kiligin siya roon. His smile was wicked and she almost felt like bewitched. Bukod pa roon, binati siya ng lalaki. Ito pa ang nanguna na bumati!
“G-good morning,” hinihingal na si Natalia. “May hinahanap pala ako. Iyong ano, iyong necklace ko. Naikuwento ko na `yun sa `yo `di ba? Iyong pinaka-importanteng bagay sa akin.”
Hindi pa rin nawawala ang ngiti ni Callisto. “Ah, ito ba?”
Binuka ni Callisto ang kamay. Iyon nga ang necklace niya.
“Hallelujah!” Nakahinga nang maluwag si Natalia. Ligtas ang necklace niya. Hindi niya yata maatim kung magasgasan man lang iyon. Sobrang importante noon sa kanya. Regalo iyon sa kanya ng Papa niya noong seventh birthday niya. Malaki iyon kaya nagkakasya pa iyon sa kanya kahit malaki na siya. Binili iyon ng Papa niya sa kanya para kapag daw wala ito sa tabi niya ay palagi niyang mararamdaman na nasa paligid pa rin ito. Palagi kasi siyang nagrereklamo rito noon na palagi itong wala. Maghapon kasi ang trabaho ng kanyang Papa bilang construction worker. Madalas na naiiwan siyang mag-isa dahil half-day lang naman ang pasok niya sa school. “Ayan nga ang necklace! Salamat, Callisto!”
Kayang halikan ni Natalia si Callisto sa tuwa. Nilapitan niya ito. Mabilis na kinuha niya ang necklace mula sa kamay nito. Pero mabilis rin na itinaas nito ang kamay para hindi niya iyon makuha.
“Callisto?” Nakakunot-noo na wika ni Natalia.
“Ako ang naglagay ng maraming palaka sa kuwarto mo, Natalia.” Biglang pag-amin nito.
“Ha? Bakit mo ginawa iyon?” Nagulat si Natalia. Pero mabilis rin na naka-recover. Ngumisi siya. “Ah, gusto mo kasi na makasama ako `no? Dahil kapag natakot ako, ikaw ang magliligtas sa akin. Gusto mo na tignan kita bilang bayani kasi crush mo na rin---“
Umiling si Callisto. “Dahil gusto kitang matakot. Gusto kita na masaktan.”
“Ha? Hindi ko maintindihan.”
Napapikit si Callisto. Napailing-iling rin ito nang magmulat. “Hindi pa ba malinaw ang lahat, Natalia? Gusto kong mainis ka sa akin. Gusto kong umalis ka rito sa bahay na ito. Pero hindi mo talaga gagawin `no?”
“Siyempre. Hindi ako ang babaeng basta na lang tatakas sa responsibilidad niya `no.”
“Kahit nasasaktan ka na?”
“Sus! Madali naman na mapatawad ang mga ginawa mong iyon. Simple lang naman iyon.”
“Hmmm…Paano kung may mas gawin pa akong mas masama roon?”
“Callisto, pinagkakatiwalaan kita sandali pa lang na nakasama kita. I also have faith in humanity. Siguro ay masama lang ang mood mo kaya kung anu-ano ang nasasabi mo---“ natigil sa pagsasalita si Natalia nang buksan ni Callisto ang stove. Napakunot-noo na naman siya. “O anong gagawin mo?”
Hindi nagsalita si Callisto. Sa halip, ibinuka nito ang palad na naglalaman ng necklace niya. Inilagay nito iyon sa apoy.
“Shit! `Wag, wag mong gawin `yan!”
Hindi napigilan ng lakas ng boses ni Natalia ang ginawa ni Callisto. Nagpatuloy pa rin ito. At kahit nang lapitan niya ito para patayin ang stove ay itinulak pa siya nito.
“S-sinaktan mo ako.”
Nakakainis na para kay Natalia ang ngiti ni Callisto. “Iyon nga ang plano `di ba? Ikaw kasi, masyado ka na positibong tao. Pero sorry ka, not all the time, it’s okay to be positive…”
Napaiyak na si Natalia. “Pinagkatiwalaan kita. Itinuring kita na parang kaibigan. Paano mo naggawa ang lahat ng ito sa akin? Matatanggap ko pa kung sinaktan mo ako physically. Pero sinira mo ang iisang bagay na alaala sa akin ng totoo kong Papa. Sinira mo ang pinaka-importanteng bagay sa buhay ko…”
“Tapos ka na ba na mag-drama?” Parang balewala lang ang lahat kay Callisto. Matigas at madilim lang ang mukha nito. “Ngayong alam mo na hindi ako dapat pagkatiwalaan, puwede ka na bang umalis?”
“Ang sama mo. Ang sama-sama mo…” Tanging sagot lang ni Natalia. Halos mapaluhod si Natalia sa sakit na nararamdaman.