International Billionaires Batch 2: The Wannabes Series 1 - 4 Chapter 11

“DID those guys hurt you? How did they force you? Tell me, Callisto. Mas makakabuti kung aaminin mo sa akin ang nangyari sa `yo noong mga araw na iyon.”

“Ayoko sabi! Ayokong maalala iyon!” Gigil na wika ni Callisto sa psychiatrist niya. Umalis siya sa upuan niya. Pangatlong beses na niyang pumunta sa ospital para magpatingin. Pangatlo na rin ang psychiatrist na iyon. Pero kagaya noong una, pare-pareho lang ang tanong ng mga ito.

Lumabas siya ng clinic ng Doctor. Naghihintay roon ang Mommy at Daddy niya. Pinaningkitan niya nang mata ang dalawa. “I hate you both!”

Sinabihan na niya ang mga magulang na huwag na siyang dalhin sa ospital. Napapagod at nasasaktan lang siya lalo. Pero hindi nakinig ang mga ito.

“Callisto, ginagawa namin ito para mapabuti ka.” Pagpapakalma ng Daddy niya.

“Lalo niyo lang akong pinapasama sa ginagawa niyo sa akin. I want to be alone.”

“You shouldn’t be alone, Callisto. Not on your own condition. Kailangan mo ng susuporta sa `yo. Kailangan mo kami.” Niyakap naman siya ng Mommy niya.

Kumalas si Callisto sa yakap. “Iisa lang ang kailangan ko. And that’s nonno. Siya lang ang gusto ko na makasama. Kaya kung pipilitin niyo pa rin ako na pumunta sa psychologist, susundan ko na lang siya!”

Nanlaki ang mata ng Mommy ni Callisto. Tumiim naman ang bagang ng Daddy niya. While Callisto let his face remains serious. Seryoso naman talaga siya. Simula bata ay malapit na siya sa kanyang Nonno Maximo. His father’s father was Italian. He prefers to call him Nonno that means grandfather in Italian.

He misses his Nonno so much. Gusto na niya itong makasama.

Hindi mapagdesisyonan ni Callisto kung tama ba na maging masaya siya dahil nakaligtas siya sa trahedya. Dahil kung hindi ay sana kasama pa rin sana ang kanyang pinakamamahal na Lolo. He wished he was dead, too…

NAIPILIG ni Callisto ang ulo nang maalala niya ang isang dahilan kung bakit ayaw niya sa ospital. It’s been a while simula nang makapunta siya sa ganoong klase ng establishimento. Well, it’s also been a while simula nang makalabas siya ng bahay niya. And for him, the meaning of “its been a while” was it’s been years…

Pero ginagawa na naman niya ang mga hindi niya kinasanayan dahil kay Natalia. Pahamak talaga ang babae. O siguro ay mas tamang sabihin na pahamak ang sarili. His plan backfired again.

Pinagsisihan na ni Callisto ang ginawa kay Natalia. Sinaktan niya ang babae. Sinira niya ang bagay na pinakamahalaga para rito---o iyon ang akala nito. Hawak-hawak niya ngayon ang totoong necklace ng babae.

Fake ang necklace na sinunog ni Callisto. Iyon ang dahilan kung bakit naghintay pa siya ng isang araw para maisagawa ang plano na pagpapaalis rito. Naghanap pa kasi siya ng kapareho na necklace online para magmukhang totoo ang drama. Kinagat naman ni Natalia iyon. Napaalis niya nga ito sa kasamaang ginawa niya.

But then, Callisto had an ugly feeling with what he did. Pinagsisihan niya. God knows how hard it is watching her cry like that. May ilang tao rin naman siyang napaiyak---mga dating naging kasambahay niya na hindi niya nagustuhan ang serbisyo kaya binulyawan at napaalis rin niya sa pamamahay niya. Pero ngayon lang siya nakaramdam ng ganoong klase ng guilt. Siguro ay dahil alam niya na hindi lang niya iyon naggawa dahil nawalan siya ng kontrol. Sinadya niya iyon.

Para makabawi sa babae, kailangan niyang isauli iyon. Iyon rin ang utos sa kanya ng Daddy niya nang malaman ang nangyari…

Isang malutong na sampal ang natanggap ni Callisto sa ama. Kagaya nang pagkagulat niya sa pagdating nito sa bahay niya ay ganoon rin siya sa ginawa nito. He knew he had been a hard-headed son. Pero kailanman ay hindi siya sinaktan ng ama. Ngayon lang.

Madali naman na naisip ni Callisto kung para saan ang sampal. Gusto rin kasi niyang gawin iyon sa sarili niya. Malamang ay nakapagsumbong na si Natalia sa ama. And his Dad might really felt bad on him. Umuwi pa ito ng Pilipinas para pagalitan lang siya.

“I’ve already warn you, Daddy.” Nakokonsensya man, pinilit ni Callisto na magmukhang matapang.

“Mana ka nga sa Lolo mo. Napakasama mo!” Naniningkit ang mata ng kanyang ama. “Iyon ba ang natutunan mo---“

“I admit I have a fault here. A very big bad fault. Pero `wag na `wag mong isasangkot si Nonno rito.” Naningkit rin ang mata ni Callisto.

Hindi sikreto para sa pamilya na may hindi pagkakaunawaan ang Daddy at Lolo niya. Pinabayaan ng Lolo niya ang Daddy niya. Niloko. Sinaktan at ginamit. Pero bumawi rin naman ang Lolo niya noong ipinanganak sa kanya. Inalagaan siya nito. Ibinuhos nito ang pagmamahal sa kanya. Ipinakita ng Lolo niya na nararapat ito para sa second chance. Pero hindi pa rin pala nakakalimot ang Daddy niya.

Nagtagis ang bagang ni Cedric Guidicelli. “I’m sorry. Galit na galit lang ako sa `yo ngayon. But I’m sure, if your nonno’s alive, he’ll be very disappointed on you.”

“I’ve done it already. I can’t undone the damage---

“Saying sorry would be the best option. Gawin mo iyon, Callisto. Kailangan iyon ni Natalia, lalo na sa sitwasyon niya ngayon…” wika ng kanyang ama at sinabi ang sitwasyon ng dalaga.

Nalaman ni Callisto na kasabay ng pag-uwi ni Natalia ay ang pagkakasakit naman ng kapatid nito. Nagkaroon daw kasi ng komplikasyon ang pagkakaroon ng pneumonia ng kapatid. Dahil mahal na mahal ni Natalia ang kapatid, hindi ito umuuwi sa bahay. Ito ang nagbabantay sa kapatid na na-ospital.

Iyon rin ang dahilan kung bakit nasa ospital siya ngayon. Gusto niyang makita si Natalia. Aaminin na rin niya na drama lang ang pagpapaalis niya rito. Ibabalik niya ang kuwintas nito. And perhaps, say sorry to her.

That’s really what you should do, Idiota! Mura ni Callisto sa sarili.

Nakabisita na ang Daddy niya kaya naibigay na nito ang impormasyon kay Natalia at sa naka-confine na kapatid nito. Tama ang ospital na napuntahan niya at kasalukuyan ay papunta na siya sa kuwarto. Mag-isa lang siya. Hindi na siya sinamahan ng Daddy niya. Hindi naman daw kasi siya tanga. Matalino siya kaya kahit matagal ng hindi nakakapunta sa cruel, este real world ay kaya na raw niya ang sarili. O siguro ay kaya iyon ginawa rin ng Daddy niya para dagdag parusa rin sa kanya.

Callisto was also sure he had found the right room. Nakita niya si Natalia sa labas noon. Pero hindi ito nag-iisa. May kasama itong lalaki.

“You know I care for you, Natalia. Puwede ka naman na lumapit sa akin kung kinakailangan mo pala ng pera. I will always be here for you.”

Narinig niya ang paghikbi ni Natalia. Yumakap ito sa lalaki. “Thank you, Francis…”

“You’re always welcome,” wika ng tinawag na Francis. Niyakap rin nito si Natalia at hinalikan pa sa ulo.

Natigilan si Callisto sa nakitang eksena. Pero sa loob-loob niya ay nagulo siya. And he recognized that most of it was hurt.

Callisto felt his heart was pricked looking at that scene. Sino ang lalaking iyon? Bakit nito pinapahalagahan si Natalia? May boyfriend ba si Natalia? Ito ba ang lalaking iyon? And wait, ano ba talaga itong nararamdaman niya? Nagseselos ba siya?

Kumuyom ang kamao ni Callisto. Parang gusto niyang manuntok.

But maybe he deserved this kind of pain. Ito ang tinatawag nilang karma. Deal with it, idiota!

“BOYFRIEND ka ba ni Ate?”

Pinandilatan ni Natalia si Lukas sa pag-uusisa nito. Parang walang sakit ang kapatid niya habang curious na nakatingin ito kay Callisto.

“Matulog ka na, Lukas. Lagpas alas-nuwebe na ng gabi, o.”

“Ayoko pa. May bisita pa kaya ako.” Nakangising sagot ng sampung taong gulang na si Lukas. May pagkapilyo talaga ang bata. “Ano nga, Kuya? Boyfriend ka ba ni Ate?”

Tumikhim si Callisto. Pagkatapos ay umiling ito.

“Umuwi ka na kasi,” mahinang wika ni Natalia. Mahigit limang oras ng nasa ospital si Callisto. At mukhang wala pa itong balak na umuwi.

Tumingin si Callisto sa paligid. Napangiwi ito. Ward lang ang nakayanan nilang kuhanin na kuwarto sa pagka-confine ng kapatid. Marami silang kahati roon at halatang hindi iyon nagustuhan ni Callisto. Maingay rin sa paligid at may pagka-mainit. “You know, I could get you a room better than this---“

Inikot ni Natalia ang mata. “Sanay na kami sa ganito. Isa pa, hindi ikaw ang naka-confine o kamag-anak man lang para magreklamo.”

“Ah, so puwede ako na magreklamo? Ayaw ko rin kasi dito, Ate! Hindi ko solo ang TV. Ang init rin.” =

Pinandilatan muli ni Natalia ang kapatid. “Tumigil ka, Lukas. Nakakahiya ka talaga!”

Napalabi lang ang kapatid ni Natalia. Tumayo naman si Callisto. “I’ll request to them now.”

“Ayoko sabi. Ayoko ng magkautang sa inyo,”

Si Sir Cedric pa rin ang gumastos sa pagkaka-ospital ni Lukas ngayon. Dumalaw ito sa ospital kahapon at hindi niya napigilan ang alok nito sa mga magulang niya. Dahil ayaw niyang tumanaw ng utang na loob, sinabi niyang cash advance ulit ang ginastos nila ngayon sa pagpapa-ospital ng kapatid.

Inalok man si Natalia nang tulong ng kaibigan niyang si Francis ay hindi niya tinanggap iyon. Sa mga kaibigan niya mula sa Safe Haven, si Francis at Analisse lang ang masasabi niyang mayroong pera. Parehong tapos sa kolehiyo ang dalawa at may kaya rin ang mga umampon, lalo na si Analisse. Inampon ito ng isa sa pinakahinahangaan nilang tao---si Jet Martinez. Iyon ang dahilan kung bakit noong unang nangailangan siya ng pera ay lumapit siya rito. Naisip rin naman niya na lapitan si Francis noon, kaya lang, naisip niya ang bagong buhay ng kaibigan. Naging girlfriend nito ang isang anak ng International Billionaires---si Marisa Ferreira. Nakilala na naman niya si Marisa. Mabait pero mukhang maluho ito. Paniguradong maraming gastos ngayon si Francis dahil sa girlfriend.

“Hindi naman kita sisingilin.”

“Basta ayoko. Umalis ka na nga rito,”

“Wow, si Ate suplada. Bago `yan, ah?” pagsabat ni Lukas.

“Matulog ka na rin kasi sabi. Kapag sumabat at gising ka pa rin after ten minutes, iiwan na kita rito. Bahala ka na mag-isa diyan. Sasabihan ko rin ang mga nurses mo na damihan ang turok sa `yo. Gusto mo ba noon?”

“Sus, makikipag-date ka lang kay Kuya Callisto kaya mo ako iiwan.”

“Dami mong alam na bata ka. Hindi ka pa ba nakokontento? Sinagot ka na niya `di ba? Hindi ko nga siya boyfriend,”

“Asa pa siya o asa ka pa?” Hindi pa rin tumigil sa pang-aalaska si Lukas. Hindi niya tuloy mapagdesisyunan kung magiging masaya ba siya na malakas na ngayon ang kapatid.

Bata pa lang ay sakitin na ang kapatid niyang si Lukas. May butas sa puso ito noong ipinanganak. Marami itong pinagdaanang test at pati na rin operasyon para maging maayos. Pero kahit successful ang naging operasyon rito, nanatiling mahina ang immune system nito.

Nang dalhin nila si Lukas sa ospital noong isang araw ay mahina ito. Halos hindi ito makausap dahil sa pag-ubo. Bumalik ang pneumonia nito. Pero nang dalhin sa ospital ay mabilis rin naman itong naging maayos at maaari na raw itong makalabas bukas.

“Hah, siyempre, asa pa siya!” Humalukipkip si Natalia. “Ay naku kang bata ka, tatawag na talaga ako ng nurse na magtuturok sa `yo kapag hindi ka pa natulog!”

Siyempre, joke lang iyon. Pero sineryoso naman iyon ni Lukas. Wala pang limang minuto pagkatapos nitong pumikit ay nakatulog na ito. Sadyang takot ang kapatid sa injection.

“C-can we talk?” wika naman ni Callisto nang makitang tulog na si Lukas.

“Dito? Baka maggising si Lukas. Kung lalabas naman tayo, edi wala siyang kasama?”

Mahirap matulog sa ospital kaya pinauwi na ni Natalia ang mga magulang niya. Siya lang ang magbabantay kay Lukas. At mukhang si Callisto rin.

“Ako na ang magbabantay sa kapatid mo, Ineng.” Sabat naman ng Nanay sa kabilang kama. Sa mga araw na nasa ospital sila ay naroroon ito. Palagi rin nila itong kausap at kakuwentuhan ng mga magulang niya. “Tulog na naman siya kaya hindi na mahirap alagaan. Mag-usap na kayo ng boy---este kaibigan mo. Mukhang kanina pa niya gustong makipag-usap sa `yo, pansin ko.”

Napilitan si Natalia. Lumabas sila ng ward. Niyaya siya ni Callisto sa twenty-four hour coffee shop sa labas lang ng ospital. Doon sila nag-usap.

“Hindi mo ako isinumbong sa pamilya mo,” panimula ni Callisto.

“Alam mo, mas ma-appreciate ko pa ang “Thank You” kaysa diyan. Alam mo kasi, Callisto, madaldal at makulit man ako, mapapagkatiwalaan pa rin ako. Hindi ako basta-basta naninira ng tao.”

Inakala ng pamilya ni Natalia na noong umuwi siya ay day-off lang niya sa trabaho. Hindi rin kasi niya kaagad inamin. Nasa masamang lagay si Lukas nang bumalik siya, dadagdagan pa ba niya kapag inamin niya sa mga ito ang sariling problema niya? Kaya naman nang makilala ng pamilya si Callisto ay mainit ang pagtanggap pa ng mga ito sa lalaki. Tuwang-tuwa pa ang mga ito dahil akala ay pinapahalagahan siya ng employer niya. Effort daw ang pagdalaw sa ospital.

“Here is your necklace. Hindi ko naman talaga sinunog,” sa halip ay sabi ni Callisto. May kinuha ito sa bulsa at may ibinigay sa kanya.

Hindi pinansin ni Natalia ang lalaki. “`Wag mo akong gawing tanga. Kitang-kita ko na sinunog mo ang kuwintas ko.”

“Fake iyon. Here is the real one. Look at it to believe it,”

Natalia was a positive person. Pero masyado na nga siguro siyang nasaktan sa kalokohang ginawa sa kanya ni Callisto kaya naging negative siya ngayon. Matagal-tagal rin bago niya tinignan ang kuwintas.

Napakurap pa si Natalia nang makita ang hawak ni Callisto. Iyon nga ang kuwintas niya! Sandaling in-inspect pa niya iyon para makita kung totoo nga ito. Habang ginagawa naman iyon ay pinaliwanag sa kanya ni Callisto ang tungkol sa pekeng kuwintas na nabili lang pala nito online.

“B-bakit mo ginawa iyon?” wika ni Natalia pagkatapos niyang isuot ang kuwintas.

“Dahil nga gusto kong umalis ka.”

“Eh bakit mo ako sinusundan ngayon?”

“Dahil nagsisisi ako,” Bumuntong-hininga si Callisto. “I’m sorry, Natalia.”

Tinaasan ni Natalia ng isang kilay si Callisto. “Sincere ba `yan?”

Kumunot ang noo nito. “Hindi ako lumalabas ng bahay. At ngayon ay alam mo na nagtagal pa ako sa labas nang mahigit na sa limang oras. Nagtitiis rin ako sa ward na maraming tao. Hindi pa ba mukhang sincere ang effort ko?”

“Hmmm…Baka naman pinagbantaan ka lang ng Daddy mo kaya---“

“Malaki na ako, Natalia. Anong ikakatakot ko kay Daddy?” Napailing-iling si Callisto. Bumuntong-hininga rin ito. “Look, hindi kita masisisi kung magalit ka talaga sa akin. But give me a chance, Natalia. One more chance. I promise I will make it up to you…”

Wow, parang nasa romantic teleserye lang, ah. Popoy at Basha? One more chance? Nasa isip-isip ni Natalia. Nakaramdam siya ng kilig. Sandaling nag-day dream siya. Hindi na niya napigilan ang sarili kahit alam niyang mali.

“Natalia?”

“Teka lang---“ Natigilan si Natalia nang kuhanin ni Callisto ang kamay niya. Nahigit rin niya ang kanyang hininga.

“Please?!” wika ni Callisto. Pinisil pa nito ang kamay niya. Sinalubong nito ang mga mata niya at kitang-kita niya ang sincerity roon.

Ah, paano nga ba niya hindi mapapagbigyan ang lalaki? Sa ginawa nito ay pinangunahan na ng puso niya ang lahat ng parte ng katawan niya. At sabi rin naman ng isip niya na cute ito. Sucker siya ng ganoon kaya sige na nga, pagbigyan na!

“GOOD morning…”

Napangiti si Natalia nang marinig ang pagbati sa likuran niya. Pinatay niya ang niluluto. Tapos na rin naman iyon. Humarap siya at lalo pa siyang napangiti. Bumungad sa kanya ang guwapong mukha ni Callisto. Sa kamay nito ay may hawak itong tatlong daisy. Iniabot nito iyon sa kanya.

“Wow, lumabas ka ng bahay?” Namilog ang mata ni Natalia. Maraming daisy sa garden ng bahay ni Callisto. Minsan na nadiligan na niya iyon.

“Hmmm… Nasabi ko na naman sa `yo `di ba? I want to make it up to you. Take it,”

Kinuha ni Natalia ang bulaklak. “Salamat,”

Kinilig si Natalia. Effort si Callisto. At masaya na siyempre, hindi nito sinayang ang second chance na ibinigay niya rito. Pero as if rin naman na may choice siya. Malaki ang utang niya sa Daddy nito. Kailangan niya na bayaran iyon sa pamamagitan ng pagpatuloy pa rin na paninilbihan sa anak nito.

“Hmmm… Mabango `yang niluluto mo, ah.”

“Simpleng breakfast lang naman. Egg, hotdog, Tocino at Garlic Rice,” Huling niluto ni Natalia ang garlic rice kaya mabango nga talaga.

“Let’s have breakfast together?”

“Sure,” Sa loob ni Natalia ay napahagikgik siya. Crush na kaya ulit kita. Tanggi pa ba ako?

May positive outlook si Natalia sa buhay. Iyon ang dahilan kung bakit masasabi niyang napatawad na niya si Callisto. Madali lang rin naman na gawin iyon. Niloko lang naman siya ni Callisto. Hindi talaga nasira ang necklace niya. Nag-effort rin ito para mapabalik siya kaya ano pa ba ang karapatan niya para mag-inarte?

I-enjoy na lang ni Natalia ang moment.

Magkatabi sila Callisto at Natalia sa mesa. Sabay na kumuha sila ng pagkain na inihanda niya. Pero kahit parehong puno na ang plato, walang nanguna na kumain.

“Hindi ka pa gutom?”

“Okay lang. I just want you to eat first,”

Tinaasan ni Natalia ng isang kilay si Callisto. “Nag-aalala ka lang yata kung may lason itong niluto ko, eh.”

Tinitigan siya ni Callisto. “Paano kung ganoon nga?”

Napalabi si Natalia. “So wala kang tiwala sa akin? Akala ko ba, babawi ka sa akin?”

Hindi nagsalita si Callisto. Sa halip, kinuha nito ang kutsara sa plato niya. Napakunot-noo siya. Pero napakurap at napanganga siya nang makitang dinala ni Callisto ang kutsara sa bibig niya. “Eat.”

Dahil nakanganga, madaling naipasok ni Callisto ang kutsara. Wala sa loob na kinain rin naman niya ang niluto. Nang malunok niya iyon, saka lang siya nagsalita. “Walang lason `di ba?”

Natawa si Callisto. “Niloloko lang naman kita. Naghahanap lang ako ng excuse para subuan ka,”

Natulala at napanganga ulit si Natalia. Tumawa ang lalaki! Ito ang unang beses na narinig niyang tumawa ito.

Gumaan ang hangin para kay Natalia. Parang magandang musika sa kanyang pandinig ang tawa nito.

Kumunot ang noo ni Callisto. “Wait, may lason nga yata talaga itong niluto mo, ah. Why suddenly stunned?”

“Ang guwapo mo kasi lalo,” Sa kauna-unahang pagkakataon yata, naging mahina ang boses ni Natalia.

“Ha? Anong sinasabi mo?”

“Wala. Ang sabi ko, may lason talaga itong niluto ko at hindi puwedeng sarili ko lang ang mabiktima nito…” wika ni Natalia at kinuha rin ang kutsara ni Callisto sa plato. Sinubuan rin niya ito.

Tinanggap ni Callisto ang kutsara. Pagkatapos manguya at malunok ang pagkain, ngumisi ito. “Wow, ang sarap pala ng pagkain na may lason.”

“Gusto mo ang luto ko.” Kinilig si Natalia. Na-appreciate ng lalaki ang luto niya.

Nagkibit-balikat si Callisto. “The reason why I let you stay and come back here.”

Awts! Nawala ang kilig niya. So iyon lang pala ang lahat?

“But not the only one,” dugtong naman ni Callisto. Parang may ESP ang lalaki dahil nabasa nito ang naisip niya. Kinilig ulit si Natalia. Minsan ay masaya rin pala na umasa. Natutupad rin iyon.

“Kumain na nga tayo. May gagawin ka pa `di ba?”

Sa loob ng ilang araw na pananatili ni Natalia sa bahay ni Callisto ay halos wala siyang nakita na ginagawa ni Callisto. Hindi nito nagagalaw ang mga art materials sa kuwarto. Alam niya iyon dahil doon pa rin siya natulog kagabi.

“Okay lang. Hindi pa rin naman ako makakapagpinta,”

“Ha? Bakit naman?”

“Hindi ako komportable kapag may kasama ako sa bahay habang nagtatrabaho. Unless it’s my family.”

“Hala, sorry…” Nakonsensya si Natalia. May dahilan naman pala kung bakit siya nito pinapaalis. She was a distraction. At ang kulit pa niya.

“No, don’t be sorry. Masaya naman ako on those past few days…”

Napakurap si Natalia. Sa mga nakalipas na araw palagi sila na magkasama ni Callisto. Bakit ito masaya? Dahil ba magkasama sila?

“Subuan ulit kita?”

Bago pa makapatanong si Natalia ay itinaas na ni Callisto ang kutsara niya. Pero hindi na kailangan ni Natalia na itanong pa kay Callisto ang nasa isip. Nang tignan niya ang lalaki ay maganda ang ngiti nito. And she was the only one there. She was the only one he was looking at. Tama lang na umasa siya na siya nga ang dahilan kung bakit masaya si Callisto. Ang ginagawa nito ngayon, that’s a sign na pinapahalagahan siya nito. Inaalagaan siya nito. Surely, there must be something why he did that. Hindi lang ito basta pagbabawi sa kanya.

Nakangiting pumayag si Natalia. Sinubuan siya ni Callisto ng pagkain. Sa isip naman ni Natalia ay sana may matutunan rin ni Callisto na sumubo sa pag-ibig at siya ang maging biktima noon. Sana ay matutunan na magmahal ni Callisto. Dahil itong nararamdaman niya sa lalaki ay malapit na roon…

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.