“WHEN she cries at night and she doesn’t think that I can hear her… when she cries to hide, all the fears she feels inside. So I pray, this time, I can be the man that she deserves `cause I die, a little each time… when she cries…”
Para mawala ang takot ni Natalia sa pagiging mag-isa sa bahay ng amo ay kinakanta ni Natalia ang paborito niyang awitin. Napakatahimik kasi ng paligid. Ni huni nga ng ibon ay wala siyang marinig. Umaga naman pero parang hating gabi na sa lugar---napakapayapa.
Hindi dapat nagrereklamo si Natalia. Gusto niya ng peace `di ba? Sawa na siya sa buhay sa squatters na napakagulo. Pero kahit na nararanasan na niya iyon ay hindi niya maggawang maging masaya. Kahit alam niya na nasa iisang bahay rin sila ng lalaking matagal na niyang gustong makita ay malungkot pa rin pala.
Wala ang pamilya niya sa kanyang tabi. Wala siyang tao na mai-share ang nararamdaman.
Napatingin si Natalia sa cell phone niya. Kanina pa siya naghihintay ng tatawag man lang sa kanya para may makausap siya. Pero parang naghihintay lang siya sa wala.
Ganoon pa man, pinilit ni Natalia na huwag magtampo. May rason ang mga taong malalapit sa kanya kung bakit hindi siya natatawagan. Kailangang magtipid ng pamilya niya kaya wala ang mga ito na-load. Ang mga malalapit na kaibigan niya ay may kanya-kanya rin na dahilan. Si Francis ay abala sa trabaho nito at pati na rin sa girlfriend. Si Ritter, Lucky at Sophie ay halos kapareho lang rin niya ng estado ng buhay. Nasa ibang bansa pa ngayon si Sophie kaya lalong mahirap rito ang tumawag. Mahal ang bayad roon. Samantalang si Analisse ay abala rin sa pakikipag-bonding sa pamilya nito.
Inisip na lang ni Natalia na baka kaya ganoon ang nararamdaman niya ay hindi siya sanay. Mahirap man kasi sa damdamin niya ang nangyayari napakaliit na dahilan noon para malungkot siya.
Suwerte na itinuturing ni Natalia na magkita sila ni Cedric Guidicelli. Nailabas niya sa ospital ang kapatid na si Lucas na sakitin simula pa noong sanggol ito. Cash advance ang pera na ibinigay sa kanya ni Sir Cedric. Ayaw kasi ni Natalia na mangutang talaga. Nadala na siya sa nangyari sa kanila noon. Dahil sa interes ng mga inutang ng umampong ama, hanggang ngayon ay hirap pa rin sila sa buhay. High school pa siya nang magka-utang sila pero ngayong twenty seven years old na siya ay binabayaran pa rin nila iyon.
At ang isa pang masuwerteng nakikita ni Natalia ngayon ay ang pagkain lutong pagkain na nasa harap niya. Ang pagluluto talaga ang pinaka-ginagawa niya sa ngayon. Kumakanta lang siya dahil hinihintay lang niya na maluto iyon.
“Talented talaga ako,” napahagikgik na wika ni Natalia nang matikman ang niluto. “Masarap, as always!”
Confident si Natalia. Magaling siya, iyon ang palaging pinapaniwalaan niya sa sarili niya. Minsan, aminado siya sa sarili niya na hindi naman lahat ng sinasabi niyang kagalingan ay totoo. Pero kung hindi siya magtitiwala sa sarili, kung hindi siya magiging magaling, saan sila pupulutin?
Pero sa ngayon, tama lang naman talaga na purihin ni Natalia ang sarili. Halos lahat ng pinagluto niya ay sinasabing magaling siya roon. Tuwing gabi kasi ay nagtatrabaho siya sa karinderya. Natuto siya ng mga sikreto at paraan sa pagluluto roon. Kung may pera nga lang rin sila para makapag-college siya, may kinalaman sa pagluluto ang kukuhanin niyang course. Hilig rin kasi niya iyon.
Kaya naman isang pangarap rin para kay Natalia ang nakuhang trabaho ngayon. At may bonus pa: makakasama pa niya ang matagal ng inaasam na makitang si Callisto.
Napakaraming dahilan para maging positibo si Natalia. Pinanatili niya ang ngiti sa labi habang inilalagay ang nilutong adobo sa lalagyan. Inayos rin niya ang tray ng kakaining tanghalian ni Callisto.
“Rice, check! Ulam, check! Water and juice, check! Fruit Desert check!” Ang laki ng ngiti ni Natalia, lalo na nang makita ang oras. Sampung minuto na lang at oras na ng lunch ni Callisto. Binigyan siya ni Sir Cedric ng schedule nito.
“Pero teka, ready na ba ako?” Tumingin pa si Natalia sa salamin. “Ah, shit! May dala ba akong powder? Ang oily ng mukha ko!”
Hinanap pa ni Natalia bag niya para makapag-ayos. Bahagyang nakahinga siya ng maluwag nang may dala siyang powder. May laman pa rin iyon. Inayos niya ang may kaliitan niyang mukha. Sinuklay niya ang maikling buhok niya.
“Ayan, magugustuhan na ako ni Callisto,” confident pa na wika ni Natalia habang nakaharap sa salamin.
Ambisyosa! Sigaw naman ng negatibong bahagi ni Natalia. Tse, ibabaon kita, eh! Wika naman ng positibong bahagi niya.
Eh ano naman kung ambisyosa si Natalia? Aminado rin naman siya. Ganoon pa man, masama bang maging ambisyosa para sa pamilya? Para sa sariling kasiyahan?
Pinatahimik ni Natalia ang isip. Ang dapat lang niyang gawin ngayon ay umasa na magiging maayos ang lahat sa kanila ni Callisto---hindi lang ang dati nilang pagkakaibigan, ganoon rin ang trabaho niya para rito. Ito na ang pinakahihintay niyang araw. Everything needs to be perfect….
Excited pero kalmado si Natalia nang maglakad papunta sa kuwarto ni Callisto. Limang beses siyang kumatok. Pero lumipas ang kalahating minuto ay walang lumabas. Muling kumatok si Natalia. Sampu at malalakas na iyon. Pero naulit lang ang nangyari kanina. Dinoble-doble na niya ang katok pero wala pa rin talaga.
“Callisto, Callisto!” sumigaw na rin si Natalia. Ibinaba niya ang tray na dala sa sahig. Nangangalay na siya. Ang excitement niya ay napalitan na ng kaba. Paano kung may nangyaring masama kay Callisto kaya hindi nito sinasagot ang tawag niya? Ayaw naman niyang iwan na lang basta sa pinto ng kuwarto ang dala na tray. Paano kung hindi labasin iyon ni Callisto? Kailangan niyang makasigurado na kakain ito. Inamin na rin sa kanya ng ama nito na may ulcer ito. Bawal itong magpalipas ng gutom. Bilang naging dating kakilala, siyempre ay nag-aalala rin siya rito. Responsibilidad na rin niya ito ngayon.
Effective naman ang pagsigaw ni Natalia. Hindi nagtagal ay nakarinig siya ng yabag na papalapit sa pintuan. See? May silbi rin talaga ang pagiging maingay at makulit ko! Nasa isip ni Natalia. Pero muling bumalik ang excitement sa puso niya nang maisip na makikita na niya muli si Callisto. Kinikilig siya. Sa wakas, makikita na niya ito!
O iyon ang akala ni Natalia…
“Who the hell are you?!” Napakalakas ng boses ng lalaking nagbukas sa pinto.
Ilang beses na napakurap si Natalia. Napunta sa takot ang masayang pakiramdam niya.
Hindi si Callisto ang lalaking nagbukas ng pinto. Napakalayo ng itsura noon sa mailap na bata na palagi niyang kinukulit noon.
“Halimaw!” sigaw ni Natalia sa nabungaran at kumaripas ng takbo palabas ng bahay.
CALLISTO wanted to roar like the thing he had been accused of. But it was just for fun. Gusto niyang patunayan sa babaeng nasa bahay na halimaw nga siya. Kailangan nitong matakot dahil gusto niya itong umalis. She was a stranger. Paanong nakapunta ito sa bahay niya?
Pinakiramdaman ni Callisto ang paligid. Nakita niya ang isang tray na may laman ng pagkain. The food looks mouth-watering. Ang tiyan niya na lang ang tuloy na nag-roar.
Kinuha ni Callisto ang tray. Hindi siya masisisi kung bigla-bigla na lang kumalam ang tiyan niya. Buong araw na siyang hindi kumakain. He was asleep the whole day.
Pero bago pa makasubo ng pagkain si Callisto ay natigilan siya. What the heck was he thinking? Just because he was so damn hungry, it doesn’t mean he would just eat anything! Parang pakikipag-usap lang iyon sa isang estranghero. Hindi siya basta-basta dapat nagtitiwala. Pagkain pa man rin iyon. He could be poisoned. He could be killed…
Callisto learned his lessons about trust in a very hard damn way. Itinapon niya ang tray. Kinuha niya ang cell phone.
“Where are you? Why is there a woman inside my house? Ikaw ba ang nagpadala nito?” nagngingitngit ang ngipin na wika ni Callisto sa ama. Ito ang pinaka-huli niyang nakasama. Ito rin ang pinaka-pakialamero sa kanyang pamilya.
“Relax, son.” Kabaligtaran ng reaksyon ni Callisto si Cedric Guidicelli. Napakakalmado nito. “Ako nga ang nagpadala kay Natalia. She is your new cook. Nagkakilala na ba kayo?”
Siguro. She already judged me by calling me a monster! Gustong isumbong ni Callisto. But he doesn’t see the point in it. Paalisin na rin naman niya ito. “I don’t like her. I want her fired---“
“Ganyan naman palagi ang sinasabi mo sa mga nagiging kasambahay mo. Why don’t you just give her a chance?”
“When I said I don’t like her, I don’t like her! Paalisin niyo siya ngayon na.” Ayaw ni Callisto ng may kasama sa bahay. Ilang beses na rin naman na sinuway ng ama niya ang gusto niya, lalo na noong bata-bata pa siya. Sumuko na ito. Ito at ang pamilya na lang ang nag-alaga sa kanya. Bakit naman kaya naulit na naman?
If you’re worried about my health, just get me a cook, damn it! Naalala ni Callisto na wika niya sa ama nang minsang nagtalo sila. Tinopak na naman kasi siya noon. Ayaw niya ng may makasama. Pero kilala na siya ng ama. Nasabi lang niya out of frustration ang mga salitang iyon. Hindi siya seryoso at alam ng Daddy niya kung bakit.
Hindi siya pinansin ng ama. “Kumain ka na ba?”
“Itinapon ko ang pagkain.” Wika ni Callisto. Tumingin siya sa itinapon na pagkain. He felt mad and felt bad that he did that when his tummy started to ache incredibly. Damn, ulcer!
“Natalia was once your friend, Callisto. So better be nice to her. Sasabihan ko na lang siya na ipaghanda ka ulit ng pagkain.”
“Wala akong kilalang Natalia. Wala akong kaibigan, `di ba?” Mahigit isang dekada ng ikinulong ni Callisto ang sarili sa bahay at nagsisilbing studio rin niya. Simula bata ay mailap rin siya. Wala siyang masasabing naging kaibigan niya.
“So hindi mo pa siya nakakausap. Talk to her and as I told you, be nice to her. Mabait na bata iyon at pinagkakatiwalaan ko siya. Sa ngayon, `wag ka na munang tumawag sa akin. Paalis ako ng bansa. Bibisitahin ko ang Mommy mo at si Caroline sa New York. Si Natalia na muna ang bahala sa `yo ngayon,”
Lalong napa-damn si Callisto nang patayin ng ama ang tawag niya. Naloloko na ba ang kanyang Daddy? Ipinagkatiwala siya nito sa isang estranghero…well, iyon ang pakiramdam niya rito.
But on the other hand, Callisto couldn’t blame his father. Siguro ay napapagod na rin ito sa kanya. He was a hopeless case, they say. Ilang beses na rin naman niyang sinabihan ang pamilya na sumuko sa kanya, ayaw lang ng mga ito. He cared too much about him…
And Callisto feels guilty that he couldn’t pay back those feelings to them….
Pero puwede mo pa naman na subukan `di ba? Sigaw ng isang bahagi ni Callisto. Pero lalo lang naging masama ang pakiramdam niya nang ilang beses na hindi rin niya iyon naggawa. He can’t control his anger management issues…
Muling nakaramdam si Callisto ng pagkalam ng tiyan. Ah, hindi man niya gusto na may makasama sa bahay niya, mas lalong hindi na niya gusto itong nararamdaman niyang sakit. Naisip niyang puwede niyang pagtiyagaan ang babae. Or maybe even try again to be nice, just like his father wanted.
Kung papasa ang “kaibigan kuno” sa standards ni Callisto. Pagkatapos ng lahat, ayon sa ama, ito lang naman ang magluluto ng pagkain niya. Hindi siya nito pakikialaman o kahit ano sa mga gamit niya.
Lumaki man na may ginintuang kutsara sa bibig, marunong ng mga gawaing bahay si Callisto. Pinilit niya na matuto dahil gusto niya na walang nakikialam sa kanya. Gusto rin niya na mag-isa, and by being so, he have to know everything. Marunong siyang maglinis ng bahay at maglaba ng damit niya. Ang hirap lang talaga siya ay ang magluto ng pagkain niya. Ang kaya lang niyang lutuin ay pritong pagkain. His father doesn’t like that. Ayaw rin nito na um-order siya ng mga pagkain sa restaurants. Masama raw iyon sa kalusugan. Iyon ang dahilan kaya kahit ayaw sana niya ng may kasama sa bahay, pinipilit pa rin ng pamilya niya. Hindi siya puwedeng mag-isa dahil wala siyang cooking skills.
Ilang minuto pagkatapos ay nakarinig si Callisto ng katok sa kuwarto niya. Matagal bago muna siya lumabas, making sure she was gone. Wala siya sa mood makipagkilala ngayon. Mukhang naintindihan naman ng babae ang gusto niya. Inilagay lang nito ang panibagong tray ng pagkain sa pinto ng kuwarto niya.
Kumain si Callisto para mapamura ulit. Damn, the food was really good!
SA OPINYON ni Natalia, napakaliit ng bahay ni Callisto Guidicelli. Galing ito sa pamilya ng bilyonaryo. Dahil fan siya nito, alam niya na malaki rin ang kinikita nito sa mga paintings nito. Parang napaka-imposible na sa ganitong bahay lang nakatira ang lalaki. Kung kumikita siya ng kapareho ng kita nito o galing siya sa mayamang pamilya, nuncang magtitiis siya sa ganito.
Kompleto naman sa basic parts of the home ang bahay. May sala iyon, kusina, dining room, banyo at mga kuwarto rin. Pero lahat ng mga iyon ay maliliit lang. Dalawa nga lang ang kuwarto sa bahay at ang ginagamit ni Callisto ang isa roon. Ang kuwarto lang rin nito ang pinakamalaki sa lahat ng parte ng bahay. Nalaman naman niya kay Sir Cedric na kaya ganoon ay dahil nagsisilbing studio rin iyon ng lalaki. Sa isang kuwarto naman si Natalia pinatuloy. Malaki rin naman iyon kung tutuusin. Nalaman niya kasi na kapag naroroon ang pamilya ni Callisto ay doon ang mga ito tumutuloy.
Pero bukod sa kuwarto, isa pa rin na malaki ay ang garden. Malaki ang lupain at secure iyon. May mga CCTV camera sa lugar at maraming security features sa palibot. Kaya kahit mukhang liblib ay safe na safe raw roon ayon kay Sir Cedric.
Ang high-class na security lang ang nakikita ni Natalia na mayroon ang mayayaman sa lugar. Madaming CCTV Camera sa may gate. Pero bukod roon ay wala na. Napaka-simple lang kasi ng gamit sa lugar.
Pero bakit nga ba pinapakialaman ni Natalia ang buhay na gusto ni Callisto sa sarili nito? Eh mismong ang lalaki nga ay wala naman na pakialam sa kanya. Ni hindi ito nagpapakita sa kanya at gusto rin nga ba niya na makita ito?
Gustong sapukin ni Natalia ang sarili. Hindi siya ganoon kababaw. Nagulat lang talaga siya kaya tumakbo siya. Naliwanagan na siya. Nakausap na rin naman niya si Sir Cedric tungkol roon…
“Relax, Natalia. I’m sure it’s Callisto. I’m sorry. Ni hindi ko man lang kasi kayo naipakilala personally,” Tulog pa si Callisto nang dumating sila sa bahay at nagmamadali si Sir Cedric na umalis. Hindi na nito inintay ang anak. “Sadyang tamad lang talaga na mag-ahit ang anak ko kaya nagmumukhang---“
“I’m sorry, Sir.” Putol ni Natalia. Nakakahiya! Naamin niya dahil sa takot na inakala niyang halimaw si Callisto. At dahil sa takot, nang tawagan siya ni Sir Cedric ay nasabi niya rito ang lahat.
Natakot si Natalia sa nakita. Hindi ganoong lalaki ang inaasahan niyang makikita. Maikli ang buhok ni Callisto dati. Wala rin itong kahit anong balbas. Malayong-malayo ang itsura nito ngayon sa batang kilala niya.
The man she just saw was full of hair. Parang taon na ang inabot nang huli itong mag-ahit. Mahaba rin ang buhok nito sa ulo. Bagong gising rin siguro kaya lalong hindi maganda ang aura.
Maganda pa rin naman ang tinig ni Sir Cedric. “It’s okay. Naiintindihan naman kita. And you also don’t have to worry. Nakausap ko na si Callisto. Hindi rin naman niya gustong makita ka at---“
“Naku, sorry talaga, Sir. Mukhang na-offend ko yata talaga si Callisto.” Napahawak si Natalia sa kanyang bibig. Bakit ba masyado siyang nagpadala sa damdamin niya?
“As I said, it’s okay, Natalia. Hindi talaga kasi gusto rin ni Callisto na pakikialaman siya. It will be better kung ilagay mo na lang ang pagkain niya sa labas ng pinto niya kapag oras na. You can knock but don’t see him.”
“Ha? Eh paano po ako magtatrabaho sa kanya kung hindi ko po siya nakikita o nakakausap man lang?”
“Hindi naman iyon problema. Your job is just to cook for him,”
“Ha? Parang hindi naman po makatarungan iyon sa inyo. Napakadali lang na trabaho noon.” Alam ni Natalia na nagtutunog reklamador na siya. Pero hindi lang siya mapakali.
Sanay si Natalia na maraming ginagawa. Dahil mahirap lang sila, kailangan niya palagi na magsipag. Madalas ay dalawa ang trabaho niya: labandera at tagapag-linis sa umaga at sa gabi naman ay nagtatrabaho siya sa malaking karenderia malapit sa kanila. Pero hindi stable dahil madalas ay on-call lang ang mga trabaho na iyon. Pero bukod naman roon ay agent rin siya ng iba’t ibang direct selling stores kagaya ng AVON. Kailangan niya ng malaking kita dahil sa pamilya.
Pero hindi na kailangang gawin ni Natalia ang lahat ng iyon. Mas malaki pa kaysa sa kinikita niya sa maraming trabaho na iyon ang kikitain niya bilang taga-luto lang ni Callisto Guidicelli.
“Sige, para hindi ka mainip ay papayagan na rin kita na maglinis sa bahay. Okay lang ba? Hindi naman iyon ganoon karumihin dahil walang tao.”
“Gagawin ko naman po talaga, Sir.”
“Good. Dadagdagan ko na lang ang suweldo mo. But there’s an exception. Hindi mo puwedeng linisin ang kuwarto ni Callisto. Hindi ka rin puwedeng pumasok sa kuwarto niya….”
Pumayag si Natalia sa kondisyon ni Sir Cedric. Pero kinabukasan ay nakita na lang niya ang sarili na pumapasok sa kuwarto ng amo. Bukas ang pinto kaya hindi naman siya nahirapan.
“May reason naman ako kung bakit ko ito ginagawa, okay?” Pagpapatahimik ni Natalia sa kinokonsensya siya na isip. Bawal ang kanyang pagpasok pero bilang kasambahay na ngayon, kailangan niya na gawin ang responsibilidad.
Hindi inilabas ni Callisto ang tray nito kahapon ng tanghali at noong gabi. Nag-aalala siya na baka ipisin iyon roon. Responsibilidad niya na linisin rin ang mga utensils na ginamit nito.
Mabilis na natagpuan ni Natalia ang hinahanap. Napangiti pa siya nang makitang ubos ni Callisto ang pagkain. Sarap `no? napahagikgik si Natalia sa kanyang isip.
So far, wala siyang naririnig na tawag kay Sir Cedric. Inisip niya na okay naman ang lahat. Wala rin siyang reklamo kay Callisto. Well, wala naman kasi siya talagang naririnig rito mula kahapon pa. Naku-curious siya pero inisip niya ang sinabi ni Sir Cedric. Ayaw ni Callisto ng pinakikialaman `di ba?
Pero teka, naririto na naman ako sa kuwarto niya, why not make the most out of it? Sabi nga nila, curiousity kills…ayaw ko pang mamatay `no!
Nag-usisa si Natalia. Inobserbahan niya ang paligid. Amoy pintura, nagkalat pa ang mga iyon. Napakagulo ng kuwarto. Pero madaling nahawa rin ang damdamin ni Natalia sa itsura ng kuwarto nang makarinig siya ng ungol.
Lumakas ang kabog ng puso ni Natalia. Saan nangagaling iyon? Isa lang ang naiisip na sagot niya.
Monster!
Tumayo yata ang lahat ng balahibo ni Natalia sa naisip. Ibig sabihin ba noon ay gising si Callisto? Shocks, huli siya sa akto!
Hinanap ni Natalia ang lugar kung saan nangagaling ang ungol. Malapit lang iyon sa kanya---sa kama ilang metro mula sa kanya.
Dahil nahihiya, hindi muna idiniretso ni Natalia ang tingin kay Callisto. Dahan-dahan lang muna. Nagsimula siya sa paanan ng kama. Natatakluban ng malaking itim na comforter ang babang bahagi. Unti-unti niyang itinaas ang paningin at mas lalo siyang bumagal nang makakita na siya ng balat. Naramdaman niya ang pagpapawis ng mukha. Umbok ang unang nakita ni Natalia at mukhang matigas iyon!
Hindi puwedeng ipagkumpara sa pandesal kahit kahugis, napailing-iling si Natalia. Naka-graduate naman si Natalia ng high school kaya may alam siya. Malambot ang pandesal, bukod pa sa paborito niya rin iyong almusal. Bigla niyang na-miss at…
Ayan o, puwede na rin naman `yan na pang-almusal! Pangungulit nang makulit na bahagi ni Natalia.
Paano ba niya nasabing halimaw si Callisto? Sa ngayon, mas magandang sabihin na mukha itong Diyos. Well, sa ngayon kasi ay sa katawan siya unang tumingin. Walang pang-itaas ito kaya malaya siya na pagmasdan ang magandang katawan nito. He has nice abs and muscular arms. Puwede niyang paniwalaan na isa itong sculptor. At ang pinaka-magandang obra nito ay ang sariling katawan nito.
“Tapos ka na bang pakialaman pati ang katawan ko?”
Nang marinig ang tinig ni Callisto ay saka lang niya naitaas ang tingin sa mukha nito. Gusto niyang mapangiwi. Yikes! He was really hairy. Hindi niya tuloy masabi kung guwapo pa rin ba ang lalaki. Halos natatakluban ng buhok ang buong pagmumukha nito.
“K-kumusta ka na?” Kinakabahan man, pinairal ni Natalia ang pagiging jolly niya. Ano pa ang silbi ng “joy” na pangalawang pangalan niya kung hindi siya ganoon? Isa pa, kailangan niyang maging positive.
What you think, you become. Ika nga ni Buddha. Hindi masaydong accurate sa buhay niya, oo. Pero sabi nga ni Sir Cedric, she’ll have her luck in time.
Hindi nga lang siguro ngayon ang oras na iyon para kay Natalia. She was busted!
Callisto gritted his teeth. “Hindi okay ngayong nandito ka. My Dad didn’t orient you properly? Or wait, I know my Dad. Alam niya ang ayaw at gusto ko. I guess, you are the one who broke the rule. Pinakialaman mo ako. Pumasok ka ng walang paalam sa kuwarto ko.”
“H-hindi ko naman sinasadya---“
“Kapag ba naka-aksidente ka at sinabi mong hindi mo naman sinasadya, will the police spare you? No. Para sa akin, sinadya mo ang lahat ng ito, Miss.”
“Natalia na lang ang itawag mo sa akin, Callisto. Ikaw naman, parang wala naman tayong pinagsamahan…” Pinilit ni Natalia na pagaanin ang sitwasyon. Kailangan niya. Hindi dapat makahalata si Callisto na hindi naman talaga ang aksidente ang pagpasok niya. Bukod sa may kailangan, na-curious rin siya.
Ito pala ang ibig sabihin ng curiousity kills. Mamamatay ka kasi nahuli ka. Tsk!
Kumunot lang ang noo ni Callisto.
“Ay, hindi ka rin na-orient ni Sir Cedric? Magkalaro kaya tayo dati sa Safe Haven,”
“Hindi kita naalala,”
“Aw, akala ko pa naman, I always made an impression,” Sumimangot si Natalia.
“Now you do.” Titig na titig si Callisto sa kanya. Naningkit rin ang may kalakihang asul na mata nito na halatang namana sa Half-Italian na ama. Straight na straight naman ang may kakapalan na labi nito. His expression was blank…o iyon lang ang gusto niyang isipin. Kailangan niyang maging positibo kahit pakiramdam niya ay nasa negatibo siyang sitwasyon. Mukhang galit talaga ang lalaki.
Pero ganoon pa man, may positibo pa rin na nararamdaman si Natalia. It was the estranged nice feeling of her heartbeat. Natakot at nagulat lang siguro siya talaga nang una niyang makita ito. Pero habang tumatagal pala ay guwapo ang lalaki. Less the hairy face, yes. Hindi lang talaga niya gusto ang mga lalaking may mga balbas at mahaba ang buhok. Mukha itong madungis.
Mas prefer ni Natalia ang mga lalaking malinis. Fan siya ng KPOP, hindi dahil sa nagagalingan siya sa pagkanta ng mga grupo. Iyon ay dahil crush niya ang mga Koreano. Mukha kasing malilinis ang mga Koreano dahil maputi. Parang hindi rin uso sa mga ito ang balbas at beard.
Pero teka, bakit ba niya ipinagkukumpara si Callisto sa mga crush niya? Bakit niya gustong baguhin ito?
Okay, siguro ay dati niya itong naging crush at…shit! Puwede pa rin naman niya itong maging crush ulit `di ba?
“Ahmm… puwede ko bang malaman kung ano ang impression na iyon?” Gusto kong malaman ang ilan na ang cute points ko!
Bumuka ang bibig ni Callisto. Ang kaninang madilim na anyo nito ay naging nakakaloko na ngayon. Ngumisi ito. Pinalakas pa lalo noon ang tibok ng puso niya. Unti-unti rin siyang nakaramdam ng panghihina. Her knees went jelly.
Ang sexy, shit! Sexy beast!
“You made a bad impression to me that I can use to fire you.”
Sa narinig ay tuluyan ng nanghina si Natalia. Napaluhod siya.
“No, please, no…”