“LONG time no see, Marisa! Welcome back!” wika ng lalaking sumalubong kay Marisa nang makapasok siya sa VIP lounge ng bar. Sa bar na iyon siya madalas na pumupunta kapag nasa Pilipinas siya. Bahagyang napakunot-noo pa siya nang makitang parang kilalang-kilala siya ng lalaki. Samantalang siya ay bahagyang napapamilyar lang sa mukha nito.
“Hindi mo ba ako naalala? I’m Johnny Lacson. Dalawang beses na tayong nagkita sa bar na ito…and we even kissed,” Naging nakakaloko ang ngiti ng lalaki. Ipinulupot nito ang libreng kamay sa baywang niya. “Still can’t remember? Puwede kong ipaalala sa `yo ang halik na pinagsaluhan natin dati---“
Tumigil ang lalaki sa pagsasalita nang kumuha si Marisa ng shot glass mula sa waiter na dumaan. Diretsong ininom niya iyon. Na-miss niya ang lasa. Kumuha pa siya ng isa.
“Hmmm… dahan-dahan lang. The night is still starting.”
Iningusuan ni Marisa ang nagpakilalang Johnny. Kumawala rin siya rito.
Isa ka pang pakialamero! Nasa isip ni Marisa. For a while, okay sana si Johnny. He seems danger. At iyon ang kailangan niya ngayon.
Going to bars are dangerous. Karamihan daw sa mga ginagawa roon ay makakasama para sa katawan ng isang tao. Drinking, smoking and even sometimes using drugs are the usual things you can do there. Palagi siyang pinapaalalahanan ng kanyang Daddy na kapag pumupunta siya roon ay maging doble ang pag-iingat niya. But she loves the music, she loves parties---especially wild ones, the dance and the crowd. Hindi na rin siya napigilan ng kanyang Daddy sa isa pang paborito niyang gawain. Pagkatapos ng lahat, dumaan rin ito roon. Alam nito ang pakiramdam. Para suklian ang pagiging mabait ng kanyang ama, pinipili na lang niya na mag-ingat. Umiinom, sumasayaw, nakiki-party at paminsan-minsan ay nakikipag-flirt rin siya. Pero hanggang doon lang ang mga iyon.
Marisa hasn’t done the worst. Pero ngayong gabi ay gusto niyang magbago iyon. She wanted to be in danger…
Kailangang pahirapan ni Marisa si Francis. Pagkatapos ng lahat, pinahirapan rin siya nito sa nalaman niya sa pagkatao nito. Nasaktan siya.
Iniwan ni Marisa si Johnny. Dumiretso siya sa grupo ng mga lalaki na game naman na nakipaglaro sa kanya. Nakipag-inuman siya sa mga ito. Nang maging maganda ang tugtugin kaya nagsayaw rin sila. Sa dance floor ay nakahanap ng ibang babae na makakasayaw ng solo ang mga lalaki. Iisang lalaki lang ang natira kasama niya. Kanina pa niya ito napapansin na hindi maalis-alis ang tingin sa kanya. Ito ang katabi niya sa upuan at naalala niyang Harold ang pangalan---isang Norwegian Business Man.
“You’re so beautiful. I’m getting crazy about you…” hinaplos ng lalaki ang pisngi niya. Dahan-dahan nitong ibinaba ang mukha sa kanya.
Sandaling nag-alinlangan si Marisa. Malakas ang alcohol tolerance niya. Hindi pa siya lasing. Alam niya ang gagawin ng lalaki. Hahalikan siya nito. She barely even know him kaya alam niya na mali iyon. Pero nasilip ng isang sulok ng mata niya si Francis.
Gulo ang ginagawa ni Marisa. Pero kailangan niya iyon. Gusto niyang pasakitin ang ulo ni Francis. Ngayong nakikita na niya ito, it’s time to shine!
Hah, do your job! You jerk!
Hinayaan ni Marisa si Harold. Hinalikan nga siya nito. It was wet and it feels kadiri. Wala pang tatlong segundo ay gusto na niyang masuka sa lasa ng labi nito. Hindi niya gusto iyon.
Pero tiniis ni Marisa ang halik ni Harold. Kahit ang paggapang ng kamay nito sa katawan niya ay ganoon rin. Ganoon pa man, hindi rin naman nagtagal ang pagtitiis ni Marisa. Maya-maya ay may kamay na humila sa kanya sa halik at hawak ng Norwegian.
“Tama na `yan.” Malinaw rin kay Marisa, sa kabila ng malakas na musika, na si Francis ang nagsalita at pumigil sa kanyang ginagawa.
“Who are you?!” Inis na wika ni Harold.
“I am Marisa’s friend. Back off, buddy!”
Pagak na tumawa si Harold. “Friend? And what was your right to interrupt us?”
Nakipagtagisan lang ng tingin si Francis kay Harold. Hindi rin naman kaagad sumuko si Harold. Naniningkit rin ang mata nito.
Nang mapansin ni Marisa na kumuyom ang palad ni Harold ay saka lang siya naalerto. Gusto niya ng gulo. Pero nagiging seryoso na ang lahat ng ito. Hindi naman niya gusto na umabot pa iyon sa pisikalan. May inosente pang madadamay sa kalokohan niya.
“Enough. I’m sorry, Harold.” Hinawakan niya ang kamay ni Francis, pinapakitang kinakampihan ito kaysa kay Harold.
“I like you, Marisa. Please don’t do this to me. I want to see you again.”
Bumuntong-hininga si Marisa. Tumingin siya kay Francis. Tumango ito. “Let’s go, Marisa.”
Sumama na si Marisa kay Francis. Hindi na naman nagreklamo pa si Harold. Hindi na rin ito sumunod. Nang makalabas sila ng bar, inumpisahan siyang pangaralan ni Francis.
“Damn it, Marisa! Lasing ka na ba talaga? Bakit hinayaan mo na halikan ka ng lalaking iyon?” madilim ang mukha ni Francis.
Humalukipkip si Marisa. “Pakialam mo ba?”
Nagtagis ang bagang ni Francis. “Magkaibigan tayo. Of course, I care for you for that! Halatang manyak ang lalaking iyon!”
“Hmmm… Dahil rin ba sa kaibigan kita ay palagi mo na lang ako na sinusundan? Nakakahalata na ako. You’re following me.”
Nagulo ang mukha nito. “I-I am not.”
Huli ka na! `Wag ka ng tumanggi! `Wag mo akong gawing tanga! Gustong sabihin ni Marisa. Pero paano niya mapapahirapan pa ito kung aamin siya agad?
“Kung ganoon, sabihin mo sa akin kung bakit nasa bar ka na ito.”
“M-may---“ Napalunok si Francis. Pagkatapos ay napakagat-labi rin ito. “Kumakanta kanina dito si Ritter. Iyong kaibigan ko sa ampunan? Naalala mo pa ba siya?”
Ritter… Napaisip si Marisa. Mabilis na naalala niya ito. Sa pagbalik ni Francis ay madalas na naiisip niya ang Safe Haven Orphanage kaya madali na niyang maalala ang mga nakasama roon. Sikat si Ritter doon at naalala niyang kaibigan rin ni Francis. Mahilig kasi itong kumanta at magaling rin naman. Hindi na nakakapagtaka kung may sarili na itong banda ngayon.
Napakamot pa si Francis. “Yeah, si Ritter. Isinama niya ako sa gig niya. Nakaalis na siya. Pero nagpa-iwan ako dahil napansin ko ang kotse mo sa parking lot.”
Medyo kapani-paniwalang palusot. Pero hindi maloloko si Marisa.
“Whatever. Ayaw ko ng sinusundan mo ako. A-ayaw ko ng makipag-friends sa `yo,” wika ni Marisa kahit na ba parang may pumalo sa puso niya. Hindi na niya makikita si Francis? Hindi na niya makakalapit ito? Oo, galit siya rito. Pero parang ayaw naman niya na malayo rito.
“What did I do this time, Marisa? You are acting like a kid.”
Humalukipkip si Marisa. “Pinapakialaman mo kasi ako, eh.”
“Ayoko lang na mapahamak ka. Isa pa, mukhang hindi mo pa naman lubusan na kilala ang tao na iyon. May feelings ka na ba sa kanya? Ang bilis naman. You should not kiss someone whom you didn’t really know. Lalong hindi ka rin dapat nakikipaghalikan sa isang tao na wala ka naman feelings.”
“Okay, thank you for the advice, Daddy…” sarkastikong wika ni Marisa. Napalinga siya sa paligid nang may pamilyar na narinig. Kumawala siya sa pagkakahawak ni Francis. “Hey, that’s my favorite song!”
Tumakbo si Marisa papasok ulit ng bar. Naramdaman niya na sinundan ulit siya ni Francis pero hindi na niya ito pinansin. Maaga pa naman. Nasa bar na rin naman siya. Bakit hindi niya pa sulitin? Matagal-tagal na rin simula nang makapasok siya roon.
“Marisa, tigilan mo na ito! Hindi masaya.” Wika ni Francis nang maabutan siya sa dance floor.
Inikutan ni Marisa ng mata si Francis. “Ikaw ba ang may hawak ng nararamdaman ko?”
“Ano bang dapat kong gawin sa `yo? Mamaya ay may magkagusto na naman sa `yong lalaki at---“
Hindi naituloy ni Francis ang sasabihin nang magkatotoo nga ang unang statement. May lalaking lumapit sa kanya. Niyaya siya nitong makipagsayaw. The guy was good-looking. Gustong sumama ni Marisa. Pero bago pa makapayag ay mahigpit na hinawakan ni Francis ang braso niya. Halos kaladkarin siya nito palabas ulit ng bar.
“Kunwari ka pa na music ang gusto mo. Sabihin mo lang na ang gusto mo ay makakita ng lalaki. Ganyan ka na ba talaga ka-broken hearted? Hindi sagot ang rebound sa isang nasirang relasyon!”
“I hate you!” singhal ni Marisa.
“I just care for you, Marisa!” sininghalan rin siya ni Francis.
“Well, hindi na iyon nakakatuwa!” Lalo na at alam kong ginagawa mo lang iyon dahil sa trabaho.
Naglalabasan na ang ugat sa leeg ni Francis. “Kapag pumasok ka pa sa loob ay makakatikim ka na talaga sa akin.”
“Makakatikim ng ano?!” hamon ni Marisa rito.
“You wouldn’t like it, Marisa.”
“Papaluin mo ba ako? Oh, you’re such a father figure then, Francis. But a little bit of advice, kahit si Daddy ay hindi iyon ginagawa sa akin,”
“You’re really trying my patience…” Naniningkit ang mata ni Francis. “Can you please just shut up and come home with me?”
“No.” mariing wika ni Marisa. “I will go back. Walang kahit sino man ang makakapigil sa akin.”
“Kahit ito?” wika ni Francis at kinuha ang mukha ni Marisa. Mabilis na naibaba nito ang mukha patungo sa kanya.
Inilapat ni Francis ang labi sa labi ni Marisa. It felt a bit of awkward at first. Nagulat siya. Pero sa pagtagal at pagdiin ng labi ni Francis ay nakaramdam ng nakakakiliting damdamin si Marisa. Nangati rin bigla ang kamay niya. Parang gusto noong lumambitin sa leeg ni Francis. O `di kaya ay gamitin ang kamay para kontrolin ang ulo nito para lalong dumiin ang labi sa kanya…
His lips were wet and sweet, she instantly loved the taste of it. Ganoon rin ang paglakas ng tibok ng puso niya.
“Shit.” Si Francis rin ang unang nag-alis ng labi sa labi niya. “I’m sorry…”
Marisa wanted the kiss to still go on. Pero sinubukan niya munang kalmahin ang sarili. Kailangan niyang gawin ang tama.
Kailangan ni Marisa ng sagot sa kapangahasan.
“Bakit mo ginawa iyon? `Di ba’t ikaw na rin ang nagsabi na hinahalikan lang ang isang tao kapag may feelings siya rito?!”
INIS. Iyon lang dapat ang feelings na nararamdaman ni Francis kay Marisa. Napaka-pasaway ng dalaga. Noong una ay gusto na lang niya na intindihin ito. Broken hearted si Marisa kaya natural lang na gumawa ito ng mga hindi kaaya-ayang bagay. Nasasaktan ito. Mahirap rito ang makapag-isip ng tama.
Pero masyado ng mali ang lahat. Bakit naman noong una ay pinili nito na magluksa ng tahimik? Mali rin naman siya nang inisip niya na magpapakamatay ito. Maayos ito noong nag-mountain hiking sila. Wala rin siyang nakikitang masama kung mag-over shopping ito. Baka nga normal na gawain lang iyon rito.
Naisip rin naman ni Francis na baka normal lang rin na mag-bar si Marisa kagaya ng ginawa nito kahapon. Pero sobra na yata iyon. Napaka-wild ng dalaga. Mali rin na makipag-flirt ito para maka-move on ito. Kay dali rin nito na bumigay.
Ganoon pa man, ang pinakamali sa lahat ay ang nararamdaman ni Francis. Naiinis siya kay Marisa. Pero mas naiinis siya sa sarili niya. Pinalala lang niya ang gulo ng halikan niya si Marisa. Ano ba naman kasi ang nangyari sa kanya at ginawa niya iyon?
Pinahihirapan ni Francis ang sarili. Kagabi ay wala siyang tulog sa kakaisip ng halik na iyon. Nakokonsensya pero at the same time ay gusto rin niya na mag-reminisce.
Tama nga sila. Masarap tikman ang bawal. Marisa’s lips were the sweetest he had ever tasted. Nalasahan niya ang alcohol sa labi nito at kahit hindi siya nasasarapan sa lasa ng alak ay nagustuhan niya iyon ngayon. Hinahanap-hanap nga rin niya ang alak na iyon para kahit papaano ay may makapagpaalala sa kanya ng lasa ng labi ni Marisa. He also wanted it to partner with marshmallows because that was just soft as her lips…
Pero hindi puwede. May girlfriend siya. Oo, cool-off sila ngayon ni Danica pero girlfriend pa rin niya ito. Kasalanan ang ginawa niya. Hindi na dapat maulit iyon.
Ang problema nga lang, kapag nakikita niya si Marisa ay gusto niyang maulit iyon. Nangangati siya. Gustong-gusto niyang kuhanin ang mukha nito at ilapat muli ang labi nito sa kanya…
At sa kasalukuyan ay gusto rin niyang putulin ang kanyang kamay. Nagiging malikot iyon dahil nasa harap niya si Marisa. Medyo malayo ito pero nakikita niya ito. Nararamdaman rin niya na may dugo na sa kanyang labi. Kanina pa kasi niya kinakagat iyon sa pagpipigil sa kanyang sarili.
“Si Marisa `yan? Nagkita ulit kayo? Wow!”
Sandaling nawala ang maruruming isipin ni Francis kay Marisa sa simpleng pagtingin niya rito nang magsalita si Natalia. Wala siyang masyadong kaibigan kaya wala siyang masyadong connections. Pero buti na lang at umaayon ang tadhana sa kanya. Ang mga malalapit niyang kaibigan ay matatagpuan sa lugar kung saan pumupunta si Marisa.
Kagabi ay ginamit niyang dahilan si Ritter sa pagsusupetsa ni Marisa. Nakakahalata na ang babae. Pero buti na lang na hindi nahalata ng babae na nagsisinungaling siya. Oo at sa bar madalas nagtatrabaho si Ritter. Pero dahil hindi naman ito sikat, hindi naman ito tumugtog sa high-class bar ang pinuntahan ni Marisa kahapon. Madalas ay sa maliliit lang na bar tumutugtog si Ritter.
Ngayon naman ay nasa squatters area si Marisa. Doon nakatira ang kaibigan niyang si Natalia. Tinawagan niya kaagad ito. Suwerteng nasa bahay naman ang babae. May makukuha siyang palusot sa pagsunod niya sa dalaga.
“`Wag kang maingay,” pigil niya sa kaibigan na bata pa lang sila ay malakas na ang boses. Ito ang pinaka-madaldal at pinaka-maingay sa mga naging kaibigan niya sa Safe Haven. Well, ito na rin siguro ang pinaka-maingay ay madaldal sa lahat ng tao na nakilala niya.
Pinaikutan siya ng mata ni Natalia. “Hindi lang ikaw ang nagsabi sa akin niyan, bhe. Pero walang tainga ang bibig ko. Hindi siya marunong makinig. Ang pagiging madaldal ko ay parte na ng aking natural beauty.”
Bumuntong-hininga si Francis. “Kailangan mong makinig sa akin. Kailangan malaman ni Marisa na aksidente lang na nagkita kami rito. Hindi niya puwedeng mahalata na sinusundan ko siya.”
Nanlaki ang mata ni Natalia. “Stalker ka na ngayon? Grabe, Francis! Ganyan ka ba talaga nahumaling sa childhood sweetheart mo?”
Napailing-iling si Natalia. Tinignan nito si Marisa mula ulo hanggang paa. “Sabagay. Hindi kita masisisi. Ang ganda-ganda talaga ni Marisa. Ang suwerte mo kasi nagtagpo ulit ang landas niyo. Kami kaya ni Callisto, kailan?”
Kumunot ang noo ni Francis. “Hanggang ngayon ay crush mo pa rin ang masungit na lalaking iyon?”
“Siyempre naman. Nakatago pa rin sa akin ang picture niya noong mga bata pa tayo. Kapag may mga art exhibit kaya ang lalaking iyon ay pumupunta pa rin ako. Kaya lang, kagaya rin siya ng Daddy niya. Mailap rin. Paintings na lang niya ang nakikita ko, hindi siya.”
Si Callisto ay ilan lang sa mga mayayamang bata na nakilala nila noon sa Safe Haven Orphanage. Anak rin ito ng International Billionaires na si Cedric Guidicelli. Kagaya ni Marisa sa ama nito ay sumunod rin sa yapak ni Cedric ang panganay na anak. Naging isa rin na painter si Callisto. Pero kagaya nga ng sinabi ni Natalia, kagaya rin si Callisto ni Cedric Guidicelli. Isa itong mysterious painter. Hindi nito pinapakita ang personal na itsura sa mga tao.
“Pero nasa iisang mundo sila ni Marisa. Hindi kaya may balita pa siya kay Callisto?” Nagningning ang mata ni Natalia. “Oh My God, Francis! Baka si Marisa na ang sagot sa matagal ko ng pangarap! Anak siya ng iniidolo natin. Magkaibigan ang mga magulang nila. Tara na! Kailangan ko siyang kausapin!”
“Hmmm… I’m not so sure. Si Analisse nga ay hindi ka mabigyan ng impormasyon sa kanya `di ba? Kahit sa mga taong malapit sa pamilya niya ay hindi maggawa. Pero hindi iyon ang issue ngayon. Maghinay-hinay ka muna,” pinigilan ni Francis si Natalia nang halos hilahin na siya nito. “Naiintindihan mo ba ang mga sinabi ko kanina?”
“Oo. Naiintindihan ko na ang mga stalker, madalas na nagtatago lang---“
“Hindi ako stalker,” putol ni Francis. “I’m his bodyguard. Naka-under cover nga lang ako kaya hindi niya dapat mahalata na sinusundan ko siya.”
“Lakas maka-action star, ha?”
Hindi pinansin ni Francis ang komento ni Natalia. “Ilang beses na kaming nagkikita ni Marisa. Sa tuwina ay pinapalabas kong coincidence lang palagi. Magkaibigan na naman kami. Kaya lang, nagka-misunderstanding kami ngayon. Kaya kailangan kong sumulpot lang. Ang palusot ngayon, dinalaw lang kita sa lugar niyo ngayon na saktong nagpa-feeding program naman siya. At bilang taga-rito ka, makiki-usyoso tayo sa feeding program. Naroroon na naman si Lukas `di ba?”
“Oo. PG iyon, eh. Basta may feeding program dito sa lugar namin, akala mo ay mauubusan kaya sumusugod kaagad.” Iiling-iling si Natalia. Ngumisi ito pero makikitang nalungkot rin sa sinabi. Ibig sabihin lang ay hindi nito ikinatuwa na ganoon ang kapatid nito.
Masasabing hindi naging maganda ang tahanan na napuntahan ni Natalia. Well, at least, not on the previous years. Thirteen years old ito nang ampunin ito nang kasambahay sa Safe Haven. Mabait sa kanila ang kasambahay. Kasundo at malapit rin iyon kay Natalia kaya naisipan nitong ampunin ang babae. Maayos rin naman ang kabuhayan nito at ng naging asawa. Isang government employee ang tumayong Tatay ni Natalia. Matagal na rin na gustong magkaanak ng mga ito pero dahil hindi pa nabiyayaan ay napagpasyahan na lang na mag-ampon. Pero ilang taon pagkatapos maampon si Natalia ay nabuntis ang ina nito.
Doon nagsimula ang mga problema. Naging sakitin ang kapatid nitong si Lukas. Malaki ang nagastos sa pagkakaskait nito. Nabaon sa utang ang mga nag-ampon rito. Dahil roon ay tumigil sa pag-aaral si Natalia. Maaga itong nagtrabaho para tulungan ang umampon na pamilya. Maliit lang rin ang sinasahod ng ina nito. Naging raketera si Natalia. Pero sa kabila noon ay kulang pa rin ang lahat. Hindi pa rin nito maiahon ang pamilya sa kahirapan. Nanatili pa rin na sa squatter nakatira ang pamilya nito na siyang naging lugar na ng mga ito simula nang maghirap.
“That’s it. Kunwari ay susundan natin sila para makapasok tayo sa loob at---“
“Hindi pa ba alam ni Marisa na nandito ka?”
“Masyado siyang abala sa ginagawa niya. Sa tingin ko ay hindi pa niya ako nakikita,” napailing-iling si Francis at napatiim-bagang. “Damn. She seems so oblivious about her surroundings. Iyon ang pinaka-nakakatakot. Delikadong lugar pa naman ang pinupuntahan niya. Ano ba ang pumasok sa kokote ng babaeng iyon at naisipan na magpunta rito?”
“Oo nga. Ako nga na gustong-gusto na umalis rito, siya pa yata na gustong-gusto na tumira. Tignan mo, parang close na close na sa batang `yun…”
Napatingin nga si Francis. Sa kasalukuyan ay may kausap si Marisa na bata. Hinalik-halikan pa nito iyon.
Parang out-of-place ang itsura ni Marisa sa lugar. Pero hindi ang ugali nito. Tila napaka-komportable nito roon. Malayong-malayo sa nararamdaman ni Francis. The place is dangerous. Ayon kay Natalia, marami daw nagdodroga roon. Bukod pa sa kuta rin daw iyon ng mga magnanakaw at may mga mamatay tao pa raw. Wala lang talagang choice si Natalia kaya nanatili pa rin ito roon at ang pamilya. Mas mababa ang cost of living sa lugar.
Natatakot si Francis. Paano kung may bigla na lang sumugod at may gumawa ng masama rito? Kailan lang simula nang ma-hostage ito. Paano kung maulit ulit iyon? It can be traumatizing. Masasaktan na naman si Marisa. Sa isipin na iyon ay parang nasasaktan na rin si Francis.
Aminado na si Francis na sandaling panahon pa lang ay pinapahalagahan na niya si Natalia. Hindi lang dahil responsibilidad niya ito. He felt something deeper than that. Iniisip niya na dahil naging magkaibigan na rin naman sila kaya ganoon.
Maya-maya ay pumasok na sina Natalia at Francis sa maliit na gym ng Barangay nina Natalia. Doon isinasagaw ang feeding program na pinangungunahan ni Marisa. May mga kasama ito para tumulong pero kaunti lang iyon.
“Hey, sinusundan mo na naman ako?” Nakangising wika ni Marisa nang makalapit siya rito.
Francis sticks to the plan. Inakbayan niya si Natalia. “Of course not. Binibisita ko lang ang kaibigan ko. She’s Natalia. Dito sa lugar na ito sila nakatira ng nag-ampon sa kanya. Do you still remember her?”
Bago pa makasagot si Marisa ay inunahan na ito ni Natalia. Kinuha pa nito ang kamay ni Marisa at pinilit na makipagkamay. “Marisa Ganda! Ang ganda-ganda mo talaga. Kumusta ka na? Kilala mo pa ba ako at---“
Tumikhim si Marisa. “I’m sorry, pero hindi.”
“Ay naku, okay lang! Hindi ka naman talaga mahalaga. Ang mahalaga ay si Callisto. May contact ka pa---“
“Sorry pero hindi ako ganoon ka-close sa mga anak ng kaibigan ni Daddy.” Putol na naman ni Marisa rito ulit.
“Ay ganoon ba? So sad naman.” Sumimangot si Natalia. Hindi na ito muling nakapagsalita nang lapitan ito ni Lukas. Niyaya ito ng mga bata na maki-pila rin sa feeding program. Sumama ito kasi gutom na pala rin ito.
Naiwan sina Francis at Marisa. Ang batang kanina ay nilalambing ni Marisa ay umalis na rin dahil hinahanap na ng magulang.
“Marisa, why are you doing this?” Nang makitang paalis na rin si Marisa ay hinawakan niya ang pulsuhan nito. Pinigilan niya itong umalis.
Kumunot ang noo ni Marisa. “Makikialam ka na naman ba, Francis? Hey, masama pa rin ba ang ginagawa ko? I’m helping other people here.”
“Alam ko. Pero delikado sa lugar na ito---“
Pinamaywangan ni Marisa si Francis. “At saan mo naman ako gustong magpa-feeding program? Sa lugar kung saan maraming mayayaman? Iyong may mga bodyguards ang mga tao?”
Tumawa si Marisa. “Ang mga mahihirap ang kailangan na tulungan. And besides, there’s always a danger out there, Francis.”
“Kaya hindi ka dapat nag-iisa.” Bumuntong-hininga si Francis. “I’m sorry last night. Mali ako na pakialaman ka. Mali rin ako na halikan---well, let’s not talk about the kissing part.”
Ako naman ang nasa danger kapag pinag-uusapan iyon!
Lumabi at tinaasan lang ng isang kilay ni Marisa si Francis.
“Magkaibigan tayo, Marisa. Kaya natural lang na mag-alala talaga ako sa `yo.” Pagpapatuloy na lang ni Francis. Bagaman alam niya sa sarili na kulang ang dahilan na iyon sa klase ng pag-aalala na nararamdaman niya.
“O-okay? Tapos ka na?”
Nagkamot ng ulo si Francis. “Hindi ako komportable sa lugar na ito. Dinalaw ko lang sandali si Natalia kaya ako naririto. Paalis na rin sana ako. Gusto mo ba na sumama?”
“Wala pa kaming isang oras rito. Ayokong sumama. Kung gusto mo na umalis, then go. Kaya ko naman ang sarili ko.”
“Ah…” Shit! Paano ba `yan? Palpak! Hindi talaga ako puwedeng umalis!
Inilinga ni Francis ang ulo. Kailangan niyang makahanap ng bagong palusot.
“Hmmm… Pero okay lang rin naman na hindi ako umalis. Mukhang kulang ka sa mag-aasikaso sa feeding program. Gusto mo bang tumulong ako?”
Nagkibit-balikat si Marisa. “Bahala ka,”
Iniwan na ni Marisa si Francis. Napilitan na manatili si Francis. Tumulong rin siya. Sanay naman siya sa ganoon dahil na rin sa lumaki siya sa ampunan. Madalas na tumutulong siya kapag may mga feeding program. Ang kaibahan nga lang ngayon, kailangan rin niyang maging maingat habang tumutulong. Kailangang patuloy na bantayan niya si Marisa.
Sa pagdaan ng oras ay naging magaan na rin ang pakiramdam ni Francis. Naging komportable rin siya. Mukhang hindi present ang mga masasamang loob. Maayos na naisagawa ang feeding program. Kahit ang mga activities na inihanda ng grupo ay ganoon rin. Walang kahit anong gulo.
Everything was perfect. Lalo na ang siyang pasimuno ng feeding program. Hindi napigilan na mapansin ulit ni Francis.
Nagkaroon ng maikling speech si Marisa bago matapos ang program. Nang matapos ay isa-isang nagpaalam ang mga tao sa babae. Ang mga bata ay humalik pa sa babae. Marami rin ang nagpakuha ng larawan kay Marisa. Game na game naman ito.
Makikita na kahit pagod ay masaya si Marisa. Sa kanya niya lang ito nakitang nakasimangot. Pero sa lahat ng tao sa Baranggay ay nakangiti ito. Halatang nag-enjoy ang babae.
Beautiful and kind, iyon si Marisa. Maaaring may kalokohang taglay ang dalaga pero nanatiling mabait pa rin ito. And for him, it was enough. Dahil sa mga iyon, perpekto ang tingin niya sa dalaga. She was very lovely.
For a while, parang perpekto rin ang pakiramdam ni Francis. Ang gaan ng loob niya habang tinitignan si Marisa. Nakangiti rin ito. Parang biglang nagliwanag ang araw ulit kahit papalubog na iyon. Parang kay gaan-gaan ng lahat. Napakaganda ng mundo. Parang wala siyang problema.
Hanggang sa maisip ni Francis na mayroon. At mabigat iyon.
May girlfriend siya. He should not feel this wonderful feeling whenever he looks at Marisa.
Fuck feelings.