International Billionaires Batch 2: The Wannabes Series 1 - 4 Chapter 5

“TAMA na, Pare. Wala na akong pambili ng alak.” Pagpatigil ni Lucky kay Francis habang kasama niya ito na makipag-inuman sa isa na namang bar kung saan tumutugtog ngayon si Ritter. Tapos na ang kanta nito sa bar kaya kasama na rin nila ito sa table. Birthday ngayon ni Lucky, ang isa pa nilang kaibigan dati sa Safe Haven Orphanage. Doon nito napili na mag-celebrate. Pero dahil abala ang mga babae nilang kaibigan, sila lang tatlo ang magkakasama.

Pabor naman roon si Lucky. As much as possible, gusto nito ay palaging kakaunti lang ang kasama kapag nauudyukan na manlibre. Magiging magastos kasi kapag madami. Ito na yata ang pinakamatipid na tao na kilala niya.

Kinuha ni Ritter ang wallet sa bulsa nito. “Anong wala? Ayan, o! Maraming libo!”

Mabilis na inagaw ni Lucky ang wallet. “Stop it, Ritter! Pang-date ko `yan!”

Napailing-iling si Lucky. “Kapag babae, maraming pera. Kapag kami, tipid na tipid. Gaano ka-espesyal ang babae na `yan?”

Inangilan lang ni Lucky si Ritter. Napailing-iling rin si Francis. “Hindi ka lang pala matipid. Masikreto ka rin. Ikuwento na `yan!”

Ngumisi si Lucky. “Birthday ko ngayon kaya pagbigyan niyo na ako. Saka na ako magkukuwento. Sa tingin ko, ikaw ang maraming kuwento, Francis. Tumawag sa akin si Natalia kanina.”

“Napakadaldal talaga,” Napapalatak si Francis. Tumawag siya ng waiter at nanghingi ng alak. Umawang ang labi ni Lucky pero tinakpan na niya ito. Alam niyang magrereklamo ito. “Ako na ang magbabayad noon, Mr. Kuripot,”

Ngumiti si Lucky. “Haay, buti naman! Pero bakit nga ba ang takaw mo sa alak? Hindi ka naman ganyan dati. Hindi mo nga gusto ang lasa noon `di ba?”

Yeah, not until I’ve tasted it in Marisa’s lips… sagot ni Francis. Pero siyempre, nuncang aaminin niya iyon. Aasarin lang siya ng mga ito. Lalo na ni Ritter. Alaskador pa man rin ito.

“Kailangan ko lang matulog. Hindi ako makatulog.”

“Dahil sa kakaisip kay Marisa?” Nakangising pang-aasar ni Ritter.

Inangilan lang ni Francis ang kaibigan. Mukhang naikuwento na ni Natalia ang lahat sa mga kaibigan.

“Kumusta na si Marisa? Pasaway pa rin ba? Ah, siguro nga kaya ka nagkakaganito. Mukhang malaro pa rin at naisipan na laruin ang tahimik na puso mo. Paano na si Danica niyan?”

Nagpasalamat si Francis na mabilis dumating ang alak na in-order. Ang muling pag-inom ng alak ang naging sagot niya sa mga ito.

“Malaking problema nga…” Napapalatak si Ritter.

“Langit at lupa kayo, Francis---“

“Hindi ganoon kahalaga iyon,” pagputol ni Francis kay Lucky. Napakaliit na problema lang noon kung tutuusin. May mas malaking problema pa siya roon.

“Mahalaga iyon,” parang seryosong-seryoso si Lucky. “Nakalimutan mo na ba ang pangarap mo noong bata pa tayo? Gusto mo na maging kagaya ni Ed Ferreira para maabot mo si Marisa. Gusto mo na yumaman. Ganoon rin kami!”

“Oo. Pero hindi naman sa pera lang umiikot ang mundo. Nakilala ko na rin si Marisa. Hindi naman siya matapobre,” bumuntong-hininga si Francis. “Ang problema ko lang talaga ay si Danica. Sure, we’re having problems now. Nagdesisyon siyang makipag-cool off muna sa akin. Pero hindi iyon dahilan para pagtaksilan ko siya.”

“Sabagay, hindi naman talaga maganda ang isang relasyon na nag-umpisa sa isang kataksilan…” wika ni Ritter.

Hindi na rin nagsalita si Lucky at ganoon rin naman si Francis. Tahimik na nag-inuman na lang silang tatlo. Halos isang oras rin silang ganoon hanggang sa magyaya ng umuwi si Lucky. May trabaho pa raw ito bukas kaya hindi ito puwedeng magpagabi.

Hindi pa sana gustong umalis ni Francis. Wala pa siyang nakukuhang sagot. Kulang pa ang mga nainom niya para sandaling malimutan rin ang problema. Pero inintindi niya ang kaibigan. Sabay-sabay na silang umalis ng bar.

Pero mukhang naawa kay Francis ang tadhana. Sa paglabas nila ng bar ay may nakuha siyang sagot sa kanyang problema. Marami man ang nainom ay malinaw pa rin ang mga mata ni Francis.

Nakita ni Francis si Danica na papasok ng bar…at matindi ang kapit sa isang lalaki. Dahil abala rin ang girlfriend sa kasama nito ay hindi sila nito napansin. Nagtuloy-tuloy ang dalawa papasok ng bar. Kahit ang lalaki ay tila wala rin na pakialam. Nakatingin rin ito sa iang direksyon. Hindi rin niya masyadong napansin ang mukha nito.

Pero hindi na ganoon kahalaga kay Francis ang mukha ng lalaki sa ngayon. Ang importante lang ay ang nakita nilang tagpo.

Mahinhin si Danica. Kakaunti lang rin ang kaibigan nitong lalaki. At kung kaibigan man nito ang lalaking iyon ay hindi pa rin katanggap-tanggap ang klase ng pagkapit nito dito. Kahit siya na boyfriend nito ay hindi nito nagagawang kapitan ng ganoon kalapit.

“Shit, Pare. Si Danica `yun `di ba? Anak ng! Huwag niyong sabihin na niloloko niyo pala ang isa’t isa?” Si Ritter ang nagsalita. Hindi makapaniwalang tinignan siya nito at ni Lucky.

Hindi maintindihan ni Francis ang nararamdaman. Masakit dahil nalaman niyang niloko siya ni Danica. Pero at the same time ay na-relief rin siya. Kung ganoon, mukhang dadali para sa kanya ang mga bagay-bagay. Hindi na siya makokonsensya.

Pero bago pa man makapag-react si Francis sa pangyayari ay tumunog ang cell phone niya. It was Marisa.

“Francis, pumunta ka sa condo unit ko. Bilisan mo. I-I think I’m in danger here…”

“EVERYTHING is clear. Walang dapat ipag-alala,” parang walang kabuhay-buhay na report ni Francis kay Marisa. Kakatapos lang nitong libutin ang buong condo unit niya. Mag-isa lang ito dahil hindi na niya gustong mambulabog ng guards sa condo building. Hindi rin kasi puwede. Kapag ginawa niya iyon ay magiging gulo pa iyon. Kilala siya sa building. Isa pa, alam na naman niya na naka-undercover si Francis. Responsibilidad nito ang kaligtasan niya.

“Oh, okay. Thanks,” sagot ni Marisa kahit hindi siya ganoong kumbinsado. Mukhang masama ang pakiramdam ni Francis. Magagawa ba nito nang maayos ang trabaho nito kung masama ang lasa nito?

Pansin niya na magulo ang mukha ni Francis. Namumula ito. Nang kaninang magkadikit sila ay naamoy rin niya ang alak sa katawan nito. Malayo iyon sa disenteng Francis na unang nakilala niya. Magulo rin ang dati ay palaging maayos na buhok nito. “Pero mukhang sa `yo yata dapat may ipag-alala.”

Napalingon ang nakatalikod na si Francis. “It’s nothing you should worry about.”

“But I feel that I have the need to worry…” Hindi naman napigilan na sabihin ni Marisa.

Nang makita ang lagay ni Francis ay nawala na ang pag-aalala niya sa kalagayan niya. Ewan niya kung napa-paranoid lang siya o ano kanina. Nakarinig ng pagkalabog habang nasa unit siya. Kinabahan siya dahil ganoon ang nangyari sa kanya noong ma-hostage siya. Nakarinig siya ng malakas na kalabog at nawalan ng malay. Nang maggising siya ay nasa poder na siya ng mga taong nang-hostage sa kanya.

Pero ayon sa imbestigasyon ni Francis, ang nangyaring pagsabog ay kalapit unit niya. Sumabog daw ang isa sa appliances nito.

Hindi nagsalita si Francis. Tinitigan lang siya nito.

Bumuntong-hininga si Marisa. “Masyado ba akong naging rude sa `yo nitong nakaraang araw kaya ka ganyan?”

Bumuntong-hininga rin si Francis. “Sinabi ko na sa `yo na wala kang dapat ipag-alala sa akin. Ang pinagdadaanan ko ngayon ay walang kinalaman sa `yo.”

“Pero nawalan ka na ba ng tiwala sa akin kaya nilalayuan mo ako? Kaya ayaw mong sabihin sa akin?”

“Marisa…”

Umupo si Marisa sa sofa ng unit niya. Pinalo niya ang katabing space. “M-magkaibigan tayo `di ba?”

Tinitigan lang ulit siya ni Francis.

Lumabi si Marisa. “Ikaw ang palaging nagsasabi noon. Bakit ngayon ay parang hindi mo feel? Well, may fault na nga siguro ako. Naging pasaway ako. `Sorry na. Mapapatawad mo na ba ako?”

“I told you, it’s nothing to do about you. Matutu---“ Nang muling lumabi si Marisa ay natigilan si Francis. “Stop doing that.”

“Pabebe ako, Francis. Walang makakapigil sa akin,” muling lumabi si Marisa.

“Ang kulit mo pa rin talaga,” wika ni Francis pero napangiti rin naman niya. Doon niya masasabing may benefit rin talaga ang pagiging maarte niya. Sa halip na kainisan, mukhang natuwa pa si Francis roon.

Naging maganda ang ngiti ni Marisa. Masaya siya na napangiti niya ang lalaki. “Come on. Spill it out. Ikaw ang tipo ng lalaking hindi mahilig mag-inom. Hindi ka magagalit noong pumunta ako sa bar kung ganoon ka. Surely, there is something wrong.”

Sa huli ay napapayag rin niya na umupo si Francis sa tabi niya. “I just found out that my girlfriend cheated on me.”

Sandaling natulala si Marisa sa mukha ni Francis. Blangko ang ekspresyon ng mukha nito. “A-and it hurts so bad for you to lose yourself?”

Hindi kaagad nagsalita si Francis. “Hindi ko alam. Ang hirap intindihin ng nararamdaman ko…”

“Naiintindihan ko.” Gusto ko lang na umasa na kaya hindi ko kaagad nakita ang sakit sa mukha mo ay dahil hindi naman talaga masakit. Kung hindi mo minahal ang isang tao, hindi ka malulungkot at masasaktan. “Girlfriend mo siya. Natural mahal mo siya. Mahirap para sa `yo na tanggapin ang lahat.”

Napatitig si Francis kay Marisa. “G-ganoon nga ba?”

Tumango si Marisa. “Ganoon rin ako kay Ricardo `di ba?”

Francis snorted. “So minahal mo talaga ang ex-boyfriend mo na iyon?”

Sandaling natigilan naman si Marisa. Pumapasok na rin sa isip niya ang tanong na iyon. She was torn between in love or maybe just simply saw the image of his father to the man.

Tatlong buwan rin ang itinagal ng relasyon ni Marisa kay Ricardo. She was instantly smitten at him. Nagkakilala sila sa isang party. Bukod sa charming ay matalino rin si Ricardo. Mature rin ito kausap---malayo sa mga lalaking nakilala at na-date niya. Nakikita niya si Ricardo na kagaya ng kanyang Daddy. She adored him for that. Ang ama ang ideal man niya. Para sa kanya, ang Daddy niya ang pinaka-perpektong tao sa buong mundo. She couldn’t find any imperfections to him. She adored and loved him so much.

Isa pa, kung mahal talaga ni Marisa si Ricardo, bakit ang bilis naman niya na magkagusto sa iba? She liked Francis already. At may pakiramdam siya na hindi lang iyon simple na pagkagusto. She liked him a lot. Or maybe more than that.

“Hindi ko alam. But maybe, it was all about my ego…” napabuntong-hininga si Marisa. “I’ve already told you. I’m so beautiful to be hurt like that.”

Ngumisi si Francis. “Yeah. At sa tingin ko, ego nga lang ang lahat ng iyon. Mga taong mayayabang lang ang may ego…”

Hindi pinansin ni Marisa ang narinig. Pagkatapos ng lahat, aminado rin siyang may pagkamahangin siya. “Kayo ba? Nagtagal ba kayo ng girlfriend mo?”

“Three years. May plano na nga ako na pakasalan siya.”

Ouch! Marisa felt her heart ripped into two. “Seryoso ka nga talaga sa kanya. M-mahal mo nga talaga siya…”

Hindi sumagot si Francis. Tinitigan lang siya nito. Blangko pa rin ang ekspresyon ng mukha nito.

Yumuko si Marisa. Nasampal na siya ng katotohanan na matindi ang nararamdaman ni Francis sa girlfriend nito. Pero may isang bahagi pa rin niya ang umaasa na sana ay hindi niya alam ang bagay na iyon. At para umiwas sa sakit, hindi na niya gustong makita ang mukha ng lalaki. Ayaw niyang makita ang sakit sa mukha nito. Lalo lang niya mapapatunayan ang tungkol sa sinabi niya. Nasasaktan siya sa isipin na may iba itong babae na mahal…

“Umiyak ka na. Natural lang naman iyon.” Wika ni Marisa.

“Gustuhin ko man, hindi ko maggawa…”

“At bakit naman?”

“There is an awful feeling inside me…” umiling-iling si Francis. “Magkaibigan na naman tayo `di ba? Baka naman gusto mo akong samahan na uminom. May alak ka ba diyan? Dito na lang tayo. Pagod na ako masyado para lumabas pa.”

Nag-alinlangan si Marisa. Ngayon niya lang napagtanto kung tama ba itong ginagawa niya. Kapag pinatagal at hinayaan niya si Francis na manatili, maglalabas lang ito ng sama ng loob sa kanya. Mas mararamdaman niya kung gaano nito pinahalagahan ang girlfriend na sa isip niya ay sana siya na lang.

Gusto rin niyang mahalin ng seryoso. Gusto niyang mahalin ni Francis.

Para mahalin ng isang tao, kailangan na mas makasama niya ito `di ba? Kaya kahit mahihirapan siya, kailangan na manatili ni Francis.

Sa huli ay ginawa ni Marisa ang tungkulin ng isang mabuting kaibigan. Sasamahan niya si Francis sa hirap o ginhawa. Pumunta siya ng kusina para kuhanin ang gusto nito. Sa condo unit niya ay wala siyang kahit anong katulong. Marunong naman kasi siya. Noong nasa university siya ay nagsimula siyang maging independent. Natuto siya ng mga gawaing bagay dahil roon. Isa pa, ayaw rin niya na pinakikialaman sa sariling pamamahay niya.

Pero pagbalik ni Marisa ay nagsayang lang pala siya ng effort. Nakapikit si Francis at nakahiga na sa kanyang sofa. Ibinaba na lang niya sa center table ang kinuha sa kusina.

“Magyaya tapos hindi na pala talaga kaya?” Napailing-iling si Marisa. Pero sa huli ay blessing in disguise rin pala iyon. Nagkaroon si Marisa ng pagkakataon para matitigan ang lalaki.

Tila kinikiliti ang puso at balat ni Marisa. Ah, the guy was really so handsome. He was an angel. Ano ba ang nangyari at naggawa pa na lokohin ang mga kagaya nilang pinagpala?

“Pareho lang pala tayo ng kapalaran, friend. Pero malay mo, kaya pala pareho tayo ng destiny ay tayo ang destiny para sa isa’t isa? Hmmm…. Basta nandito lang ako. Ako na lang ang mahalin mo sa susunod, ha?”

“YOUR date looks familiar, Marisa.” Nakahawak pa sa baba na wika ni Foro habang seryosong tinitigan si Francis. Animo seryosong-seryoso ito. But Marisa knew better. Kung may malapit man siyang anak ng mga kaibigan ng Daddy niya, iyon ang pangalawang anak ng Tito Cedric niya. Sa lahat kasi ay ito lang ang kapareho niya ng iniikutan na mundo. May pagka-pareho rin sila ng ugali.

Cristoforo or most people called Foro Guidicelli is also an international model. At kagaya niya at karamihan ng mga modelo ay vain rin ang lalaki. Kapag nagkikita sila at nakikita nito na may ka-date siya o kasama man lang ay iyon ang unang pambungad nito. Iyon ay para maka-agaw ito ng atensyon at maramdaman nito na sikat talaga ito. Pagkatapos kasi nito umagaw ng atensyon, siyempre ay kikilalanin rin ito ng kasama. Madalas na kinikilig o hangang-hanga ang makakasama niya. Cristoforo was more famous than her.

Inikutan ng mata ni Marisa. “Tigilan mo ako, Foro. I already know you.”

Ngumisi si Foro. “At mukhang hindi ang kasama mo.”

Tumikhim si Francis. “Kilala na kita.”

Sinuklay ni Foro ang ayos na ayos na buhok. “Ah, ang guwapo ko talaga. Even men knew me. Saang magazine mo ako unang nakita?”

“Hindi sa magazine. Kilala kita dahil ikaw ang pangalawang anak ni Mr. Cedric Guidicelli. Ikaw iyong mahilig magpa-picture sa Safe Haven dati…”

“Sa Safe Haven? Iyong ampunan?” Nalukot ang mukha ni Foro. Mukhang nawindang ito na sa halip na sa magazine, sa ibang lugar pa ito unang nakilala.

Ngumiti si Marisa. “At last! May ordinaryong tao rin na hindi sinamba si Foro nang makita sa personal.”

“Ewan ko sa `yo, Marisa. Hindi na tayo bati!” Asar na wika ni Foro. Kahit nasa twenties na ay may pagka-immature pa rin talaga ang lalaki. Siya naman ay tuwang-tuwa na asarin ito. Pakiramdam kasi niya ay nasobrahan ng pagka-vain ang lalaki. Doble niya ang pagka-vain nito.

Tumingin si Foro kay Francis at humawak sa balikat. “Foro Guidicelli, Pare. International Model. At the age of twenty three, my face have already been in twenty three magazines. Nope, I’m not sure if that’s the exact number. Maybe more than that, or double than that. But just so you know I’m so famous. You have to know it, all right? Anyway, beware of Marisa. Nangangain ang babaeng `yan.”

Iniwan na sila ni Foro pagkatapos noon. Kunot-noong tinignan naman siya ni Francis.

“Hey, sadyang ganoon lang talaga si Foro. Pagpasensyahan mo na iyon.”

“Oo. Pero ang sabi mo sa akin, wala kang contact sa mga kaibigan ng Daddy mo. Bakit si Foro ay parang kilalang-kilala mo?”

“Oh, yes. Pero si Foro lang ang madalas ko na nakakausap. You know, same league.”

“My friend Natalia was asking you about Callisto. Kapatid siya ni Foro. Dapat ay may alam ka rin sa kanya.”

Si Callisto ang panganay na anak ng Tito Cedric niya at ang pinaka-mailap na tao na kilala niya. Kahit madalas na nagkikita sila ng mga kaibigan ng Daddy niya at ng mga anak nito sa mga parties, ang lalaki ang laging absent. Nasa middle-school pa yata siya nang huli niyang makita ito.

“Yeah, but Callisto was the total opposite of Foro. Ni hindi ko na nga iyon nakikita. Kung gaano naman kagusto ni Foro na ipakita ang sarili sa publiko ay hindi si Callisto. Even I have no contact to him.”

“All right. Hindi pa kasi maka-move on si Natalia kay Callisto. Fan rin siya ng artworks nito. Gustong-gusto niyang makita ang lalaki.”

“She’s unlucky then,” Isang sikat na mystery painter si Callisto---kagaya ng ama nito noon. Hindi ito nagpapakita sa publiko.

Tumango-tango lang si Francis. Hinigpitan ni Marisa ang pagkakahawak sa lalaki.

“Let’s go. Puntahan na natin sila Daddy.”

Sa birthday ng Daddy ni Marisa ay naisipan niyang isama si Francis. Hindi na naman siya nagtaka na pumayag kaagad ito. Kailangan nito na makasama siya palagi dahil na rin sa trabaho nito.

Tumango ito. “Let’s go…”

Nang makaharap si Ed Ferreira ay walang nakitang kahit anong tensyon si Marisa kay Francis. It was something new to her. Ang lahat nang nakakasama niya ay nai-intimidate sa Daddy niya. Pero naisip na lang niya na siguro ay dahil sa madalas na nakakausap ni Francis ang Daddy niya kaya ito ganoon.

That’s a good thing though, nasa isip ni Marisa. Magandang kasundo ng kanyang Daddy ang future son-in-law nito.

Marisa, you are really thinking of that, huh? Gustong sapukin ni Marisa ang sarili. Pero sa dahilan na dahil kinikilig siya.

“It was nice meeting you, Sir. Happy Birthday rin po,” bati ni Francis sa ama nang lapitan nila. Kahit ang Mommy niya na katabi ng ama at kasama nitong mag-ikot-ikot sa party ay binati rin ni Francis. Sandaling nag-usap pa ang mga ito.

“Thank you. It was nice meeting you again, Francis.” Tumingin ang ama kay Marisa. “Ikaw na ang bahala kay Francis, ha? Marami pa kaming kailangan puntahan ng Mommy mo…”

Kunwari ka pa, Daddy. Alam ko naman na ang mas gusto mong sabihin ay si Francis na ang bahala sa akin. Tumango lang si Marisa kaysa ilabas ang saloobin. Pagkatapos ng lahat, hindi naman talaga siya nagtatampo sa ama sa ginawa. Malaking bahagi niya ang nagpapasalamat rito. Dahil sa ama kaya nakasama niya si Francis. Magaan na ang pakiramdam niya sa lalaki. Unti-unti na rin natunaw ang pagtatampo niya rito kaya ipinakita niya ang “worst” niya sa lalaki.

“You know, this kind of party are boring…” wika ni Marisa kay Francis nang matapos silang kumain. Pagkatapos ng kainan, wala na siyang makita na worth-while na gagawin. Madalas kapag ganoon ay sumusunod na lang siya sa kapatid na si Catia. Hindi rin kasi ito mahilig sa parties kaya umaalis na ito nang maaga. Si Amelia lang ang palaging natitira dahil sa pagiging sociable nito sa mabuting paraan.

“Hmmm… not if you make a good part of it,” wika ni Francis at tumingin sa dance floor. Tumayo ito at inilahad ang kamay sa kanya pagkatapos. “Puwede ba kitang maisayaw, kaibigan?”

Sandaling nag-alinlangan si Marisa. Hindi siya mahilig sa mga sayaw na madalas na makikita sa party ng mga matatanda---sweet dance. Pero hindi ba at ganoon naman ang gusto niya sa kanilang dalawa ni Francis? She wanted them to be together. Mabilis rin naman na nawala ang pag-aalinlangan nang gumapang ang kilig sa buong katawan ni Marisa. Tinanggap niya ang kamay ni Francis.

Dinala ni Francis si Marisa sa dance floor. He held her tight and close. Bahagyang natakot naman si Marisa. Sa sobrang lapit nila sa isa’t isa ay kayang marinig ni Francis ang malakas na tibok ng puso niya.

“You are so gorgeous tonight, Marisa.” Puno ng sinseridad na wika ni Francis. Ilang beses na rin niyang narinig iyon mula sa lalaki. It gets her red everytime. Tanging sa papuri lang siya ni Francis paulit-ulit na nakakaramdam ng pag-iinit sa pisngi.

“A-and so are you.” Hindi naman napigilan na sabihin rin ni Marisa.

“You mean it?” Natawa pa na wika ni Francis.

Napalabi si Marisa. Gusto rin niyang pumamaywang. “Ah, is that your way of telling me na hindi ka naman seryoso sa pagsasabi na maganda ako?”

“Malinaw ang mata ko, Marisa. At hindi ako sinungaling. Of course, I mean it. Nakakapagtaka lang na nasabi mo rin sa akin iyon. Kung ipagkukumpara ako sa mga taong naririto, I’m so ordinary.” Napayuko rin si Francis pagkatapos noon.

Si Marisa naman ang napatawa. Itinaas niya ang mukha ni Francis. “Hey, it’s okay. You care for me. That’s all that matters,”

Doon muling sinalubong ni Francis ang mukha ni Marisa. Parang na-relieve ito. “S-salamat…”

“No, thank you, Francis. Thank you for coming into my life…”

Mali na ilapit ni Marisa ang sarili kay Francis. Pareho silang broken sa ngayon. They need time to heal their hearts. O siguro ay si Francis.

Sigurado na si Marisa sa nararamdaman niya. Maayos na siya. Sa tingin niya ay handa na ulit siyang magmahal. Hindi na niya kailangan ng healing process dahil na-realize niya na hindi naman talaga niya minahal si Ricardo. Ang nararamdaman na lang ni Francis sa kanya ang problema. Hindi pa siya sigurado kung kaya na nito na mag-move on.

Pero ang problema lang ni Marisa tungkol roon ay hindi niya nakukumpirma iyon verbally. Ang nakikita naman kasi niya sa actions ni Francis ay mukhang maayos naman ito. Noong gabing lasing lang si Francis nakita niyang nagluksa ito para doon. Sa mga sumunod na araw ay parang wala lang ang lahat. He remained the cool Francis that he is. Ni hindi na nito nabanggit ang pangalan ng girlfriend. Bukod pa roon, ilang beses rin siya nitong pinupuri. Gusto niyang umasa na kagaya niya ay may nararamdaman rin ito sa kanya.

“Hmmm… you mean it?” Nanunukso na iyon.

“Gusto mo ng proof?”

“Deal,” Nakakaloko ang ngiti ni Francis.

Ngumisi si Marisa. “Mapagpatol ako, Francis. Sorry…” But not sorry…

Dahan-dahang inilapit ni Marisa ang mukha kay Francis. Dahil mas tumangkad siya sa suot na three-inch high heels na suot niya ay mas madali niyang naabot ang lalaki. She pressed her lips into him.

Marisa was a sweet person. Normal na sa kanya na manghalik ng tao kapag natutuwa siya. Naalala niya noong maliit pa lang siya ay basta na lang rin niya hinalikan si Francis noon. Pero hindi na siya bata ngayon. At sa tingin niya ay hindi na lang rin basta crush ang nararamdaman niya rito. So Marisa believes it was right to kiss Francis more intense than she usually do…

Mukhang hindi naman minasama ni Francis ang ginawa ni Marisa. Intensyon na sandali lang ang halik. May kahihiyan na naman siya ngayon. But when she felt Francis nipped her lips, she knew that she have to prolong it more. Nagustuhan rin iyon ni Francis. Hindi na niya kailangan pang mahiya.

Sa pagkakalapit rin nila ay narinig niya ang malakas na tibok ng puso nito. Their hearts duet in a perfect symphony…

“I like you, Francis…” wika ni Marisa nang matapos ang halik. Malakas ang loob niya dahil sa bugso ng damdamin. Sinalubong niya ang mata ni Francis at ganoon rin naman ito sa kanya.

“I like you, too, Marisa. I like you so much…” Francis said and enveloped her into his powerful arms.

IT was so good to be in love, pakiramdam ni Francis ay nasa alapaap siya sa loob ng mga nakalipas na araw. Napakasaya niya. Gusto rin siya ni Marisa. Gusto nila ang isa’t isa.

Hindi na maalala ni Francis kung kailan siya huling naging ganito kasaya. Nakakapagtaka. Kahit kay Danica ay hindi naman niya naranasan ang ganoong klase ng saya. Para siyang nasa langit. Maybe, he really fell in love. It was so fast and hard. Wala na rin naman siyang nakita na masama. Dahil sa nalaman niyang panloloko sa kanya ni Danica, hiwalay na sila. Pumayag naman kaagad ito nang magkausap sila sa telepono.

“Pare, nakita ko ulit si Danica.” Ang tawag lang na iyon ni Ritter ang muling nagpagulo sa maayos na damdamin ni Francis. “Hindi ako makapaniwala. Hindi ko lubos maisip na siya ang naging girlfriend mo dati. Kilala ko naman siya. She’s an angel. Pero mukhang ngayon ay naka-drugs yata,”

“`Wag na natin siyang pag-usapan.” Past na si Danica. She should never been discussed.

“Naliligalig ako, Pare. Nakita ko na naman kasi siya sa bar kung saan may gig ako ngayong gabi. Napaka-wild na naman. Tapos iyong kasama niya, mukhang matanda na. Yuck!”

“Iyong pinalit niya sa akin?” umingos si Francis. “I don’t care anymore.”

“Alam kong masaya ka na.” Naikuwento na ni Francis sa mga kaibigan ang tungkol sa kanila ni Marisa. Masaya ang mga ito para sa kanila. “Pero sana naman ay huwag mong kalimutan kahit papaano si Danica. Ewan ko, pero pakiramdam ko, nasa panganib siya…”

“Kapag nalaman ni Marisa na pinahahalagahan ko pa rin ang ex-girlfriend ko, baka magalit iyon. Ayoko na mangyari iyon.”

“Naiintindihan ko. Pero namumukhaan ko kasi iyong kasama niya palagi. Parang kilalang business man. Kamukha ni Ricardo Castro…”

Sa narinig na pangalan, doon lang nagkaroon ng interes si Francis sa usapan.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.