“HOW’S my princess?” malambing ang tinig ng ama nang batiin siya nito ng magandang umaga sa telepono. Isang linggo na simula nang matapos ang birthday party nito. Pero para kay Marisa, parang nagse-celebrate pa rin siya.
Humagikgik si Marisa. “I’m happy, Daddy. Very happy…”
“Hmmm… I don’t think I need to ask why. Kasama mo ba si Francis ngayon? Natulog ba kayong magkasama ngayon?”
Humagikgik muli si Marisa. “You don’t mind naman `di ba?”
Bumuntong-hininga ang ama sa kabilang linya. “Malaki ka na, Marisa. And I trust you. I kind of trust Francis, too. I will just wish you two the best.”
Lalong naging maganda ang mood ni Marisa. “Thanks, Daddy! You are really the best!”
Maya-maya ay nagpaalam rin ang Daddy niya. Sadyang routine lang nito na kumustahin sila tuwing umaga. At dahil araw-araw niya itong nakakausap, alam na alam nito ang lagay niya.
Marisa was in love. And it’s good to be so. Very good to be so…
Marisa sighed. Sandaling napapikit rin siya at niyakap-yakap ang unan na katabi niya. She missed Francis, kahit alam niyang ilang sandali mula ngayon ay kasama na rin naman niya ito.
Mali si Marisa ng sinabi sa ama. Hindi naman talaga niya kasama si Francis. Kahit bodyguard pa rin niya ito, ni hindi ito natutulog sa condo unit nito. Isang beses lang ito natulog roon---noong malasing ito. Nirerespeto siya ng lalaki.
Somehow ay nahihiya si Marisa. Did she deserved that respect? Inamin na niya ang buong pagkatao niya rito. Liberated siyang tao. Twenty years old siya nang ibigay niya ang virginity niya sa naging boyfriend niya dati. Ilang beses na rin siyang naka-ulit. There’s no need to be prude. But even then, Francis accepted her for what she is. Hindi lang iyon, inaalagaan pa rin siya nito.
Hindi daw sila matutulog ng magkasama habang hindi pa tama ang lahat. She found it sweet though. Kaya kahit nakakaramdam rin siya ng pagnanasa sa lalaki ay pinigilan niya. May punto ito. Mas mabuti rin naman iyon. Naptunayan niya na hindi lang ang karaniwang bagay na habol ng mga lalaki ang gusto sa kanya ni Francis. Surely, she felt that Francis also have the needs. Ilang beses na rin naman sila na muntik na makalimutan. Ilang beses na silang mapusok na naghalikan. She already has felt his hard and throbbing erection. Pero pinigilan pa rin ni Francis ang sarili. He wanted to respect her…
Ah, this might be what you called love…
Napakaganda ng ngiti ni Marisa nang bumangon siya ng kama. Nang makalabas rin siya ng kuwarto ay masisira na yata ang panga niya sa laki ng ngiti. She immediately saw Francis at the kitchen. May susi ito ng condo unit niya kaya hindi na siya nagtaka na nakapasok ito. Napansin niyang nagluluto ito ng pan cake. It was her favorite breakfast meal and it was prepared by her favorite guy. How lucky could she get?
“Good morning, Babe…” Nakakaloko ang ngiti ni Francis. Pero sadyang loko nga ang lalaki dahil pati ang suot nito ay nakakaloko rin. Shirtless ito at tanging ang manipis na apron lang ang tumatakip sa unahang parte ng katawan nito.
Ah, sana apron na lang ako para libreng nakakalapat ako sa katawan mo…
Kumalam ang tiyan ni Marisa. Hindi niya nga lang sigurado kung sa pagkain nga talaga ang gutom na iyon…
“G-good morning,” Kinailangan pa ni Marisa na lumunok para makapagsalita. Pero hindi pa rin naging maayos ang kanyang pagsasalita.
Sandaling iniwan ni Francis ang pagluluto. Nilapitan siya nito at hinalikan sa labi. Pagkatapos noon ay inayos nito ang upuan sa table ng dining room. Malapit lang rin iyon sa kusina. Pinaupo siya nito.
“Hmmm, mamaya na lang. I think I want to help you.”
Umiling si Francis. “No. You are my princess. You deserved to be served…”
Kinilig si Marisa. Hindi na siya nagpumilit. Pagkatapos ng lahat, hindi rin naman siya ganoon kagaling sa kusina. Nag-feeling prinsesa na nga lang siya.
Nagtagal si Francis sa pagluluto. Mukhang marami itong niluluto para sa kanilang dalawa. Bahagyang nainip tuloy siya. Pinili kasi niyang huwag panoorin si Francis. Matutukso lang siya.
Nahagip ng tingin ni Marisa ang Ipad sa lamesa. Alam niyang pagmamay-ari ni Francis iyon. Hiniram niya ang Ipad para may maggawa.
Wala naman talaga na balak si Marisa na gawin sa Ipad. Tinignan lang niya ang Gallery noon. Kumunot ang noo niya nang makitang larawan ni Francis at ng hindi pamilyar sa kanyang babae ang laman noon. Pero nagkaroon na siya ng hinala kung sino iyon. It was Francis’s ex-girlfriend. It was Danica…
Nasira ang araw ni Marisa sa pagkakita ng larawan. Bakit ako wala?
Ganoon pa man, mali na mag-isip ng masama si Marisa. Ngayon pa lang niya nahawakan ang Ipad ng lalaki. Hindi rin nito iyon nailalabas kapag magkasama sila.
Kinalma ni Marisa ang sarili. She closed the Gallery. Hinanap niya ang Facebook sa Ipad. Pero hindi pala iyon naka-download roon. Gumamit na lang siya ng web browser.
What Marisa did just irritate her more. Jealousy enveloped her heart. Ang unang bumungad sa kanya ay tungkol na naman kay Danica. Napag-usapan na naman nila ni Francis ang tungkol sa ex-girlfriend nito. Sabi nito sa kanya ay naka-move on na raw ito sa babae. He said it felt easy. Inamin rin kasi nito na hindi ito ang dahilan kaya lasing ito noong pumunta sa unit niya. Nag-inom ito bago roon dahil nakokonsensya ito. Nag-uumpisa na itong magkagusto sa kanya noon. Naniniwala siya rito kaya akala niya ay maayos na sa kanila ang lahat.
Pero kung totoong naka-move on na ito, bakit nakikipag-ugnayan pa rin si Francis kay Danica? Facebook messages ni Francis kay Danica ang nakita niya. Nag-uusap ang dalawa at kaninang umaga lang ang huli noon!
What the hell happened to you? Pumatol ka sa matanda! Kilala mo ba ang taong `yan?!
Hindi ako mapakali, Danica. Break up with him.
We’ve got a good relationship.. Sasayangin mo na lang ba ang lahat ng iyon? Makinig ka sa akin. Makipaghiwalay ka sa lalaking `yan…and come back to me.
Ang mga messages na iyon ni Francis ang tanging pumasok sa isip niya. Piniga ang kanyang puso. At sa pagkakataong iyon, hindi na niya nakaya na kalmahin ang sarili. Naibagsak niya ang Ipad.
“Marisa? Bakit---“
May luha sa mga mata na hinarap ni Marisa si Francis. “Y-you still want your ex-girlfriend back…”
HALOS ibato ni Marisa ang cell phone niya pagkatapos makausap si Francis. Nangigigil siya. Hindi nakikinig ang lalaki sa kanya. Pinagpatuloy pa rin nito ang pakikipag-usap kay Danica.
Dalawang araw ng mainit ang ulo ni Marisa. Kahit sabihin man ni Francis na may magandang dahilan ito kaya ginagawa iyon ay hindi niya maintindihan. She simply wanted him to stay away from that girl…
“Binasa mo ang Facebook messages ko…” Iniwan ni Francis ang pagluluto. Umupo ito sa tabi niya.
Tumayo si Marisa. Dahil sa mga nabasa ay hindi niya kayang lumapit kay Francis. Nandiri siya. Tumalikod siya rito.
“Marisa, may magandang paliwanag ako tungkol roon…” Tumayo rin si Francis. Niyakap siya nito mula sa likod.
Hindi nakagalaw si Marisa. “Ano ba tayo, Francis? Kaya ba sinabi mo na gusto mo rin ako ay dahil para mapalapit tayo sa isa’t isa at maggawa mo nang maayos ang trabaho mo? A-am I really just a job to you?
“J-job? Anong---“ Tinanggal ni Francis ang kamay sa kanya. Pumunta ito sa harapan niya at sinalubong ang kanyang mata. “You know everything…”
“Hindi ako tanga, Francis. Matagal ko ng alam ang tungkol sa pagiging undercover bodyguard mo sa akin. Pero dahil matindi ang nararamdaman ko sa `yo, pinilit ko na tanggapin iyon. I also want to be close to you. Pero `wag mo naman sanang ipakita na trabaho lang talaga ako…”
“Hindi naman talaga. Totoo ang nararamdaman ko. I like you, Marisa and everyday I am with you, I get to fall in love with you. Yes, I think I’m in love with you.”
“Walang nagmamahal na gustong makipag-balikan sa ex-girlfriend.”
“I know. Pero isang panloloko lang ang lahat ng iyon. Alam mo na naman ang trabaho ko `di ba? I make sure that I secure people’s life. At nasa panganib si Danica. T-this boyfriend of him---“ gulo ang nasa mukha ni Francis. “He is a bastard. May masamang reputasyon siya. May sinaktan ang lalaking iyon na taong mahalaga sa akin. Ayaw kong maggaya rin si Danica roon.”
Pagak na natawa si Marisa. “Parang sinabi mo na rin na you still care for her…”
Hinawakan ni Francis ang balikat niya. “Matagal ang pinagsamahan namin. In a way, pinahahalagahan ko rin siya. Kahit masakit ang ginawa niya sa akin, hindi naman ako ganoon kasama. Ayaw kong magtanim ng galit sa kanya. Dahil rito kaya gusto ko pa rin siya na iligtas.”
Tinanggal ni Marisa ang kamay ni Francis. “Ganoon rin ang nararamdaman mo sa akin noong una `di ba? You care for me. What if it could be a start for you to fall in love with her again?”
“Hindi. Sigurado ako roon. And like you, I’m doubting, too, if I really did love her. Dahil kung minahal ko talaga si Danica, bakit ang bilis ko naman na magkagusto sa `yo?” Kinuha ni Francis ang kamay niya. “Tapusin na natin ang away na ito. Wala naman talaga ang lahat ng iyon. I am still yours, Marisa. Niloloko ko lang si Danica para hiwalayan niya ang masama na lalaki na iyon.”
Tinanggal ni Marisa ang kamay. “Hindi matatapos ang away kung patuloy kang makikipag-usap sa babaeng iyon. I want to be the only special girl in your heart…”
Marisa was selfish. Francis was selfless. It became a bad combination, though. Dahil ang pagiging selfless ni Francis ay na-apply sa iba, hindi sa kanya. Hindi niya matanggap iyon.
Para kay Marisa ay hindi deserved ng ex-girlfriend ni Francis na ma-protektahan. Sinaktan nito ang lalaki. If she was going to be hurt by that guy she replaced for Francis, she probably deserved it.
Aminado si Marisa na hindi siya mabait. Iyon siguro ang pagkakamali niya kaya hindi niya naiintindihan si Francis. Pero naniniwala siya na may punto naman siya. Ayaw lang rin naman kasi niya na masaktan lang. Dahil sa sandali pa lang ang relasyon nila ni Francis at nangyari iyon dahil sa isang nawasak na relasyon, there was a possibility that everything was just a rebound.
Pagod na si Marisa na masaktan. Iniiwasan niya iyon kaya pinaghihigpitan niya si Francis. Pero sa pagtanggi ng lalaki ay lalo lang siyang napapagod…
Sa huli, napaiyak si Marisa. Napakasakit sa kanya na hindi siya maggawang pakinggan ni Francis. Pakiramdam niya ay hindi siya mahalaga sa lalaki sa ginagawa nito.
Nasa kalagitnaan si Marisa ng pag-iyak nang marinig ang door bell ng unit niya. Hindi niya gustong sagutin iyon. Hindi siya tumayo. Pero nang maka-receive nang tawag sa kanyang Daddy at malaman na ito pala ang nasa labas ay napilitan siya. Sandaling inayos niya ang sarili para hindi ito makahalata sa pinagdadaanan niya. But her Dad knew her better…
“You’re crying…”
Hindi nagsalita si Marisa. Naglihis siya ng tingin sa ama. Hindi ako iiyak sa Daddy ko! Hindi sa kahit anong pamilya ko. I’m strong!
Pero hindi rin naggawa ni Marisa ang mga sinasabi ng kanyang isip nang yakapin siya ng Daddy niya. She wanted to weep. She felt so lonely. Kailangan niya nang taong makakaramay sa sakit.
“Oh, Daddy!” Yumakap rin siya sa kanyang ama. Hindi na niya nakaya ang sakit.
“Anong nangyari?” masuyo lang rin ang tinig ng kanyang ama.
Naka-ilang hikbi bago sumagot si Marisa. “F-Francis. I’m confused, Daddy. O siguro ay siya. Naniniwala ako na hindi pa rin siya nakaka-move on sa ex-girlfriend niya.”
“You do love that guy…”
Napatitig lang si Marisa sa ama. Masuyong hinawakan nito ang pisngi niya.
“Hindi ka umiiyak sa harap ko. Hindi kahit sa sinong pamilya mo. Ang pag-iyak mo na ito sa akin, it just means na hirap na hirap ka na talaga. Hindi mo napigilan ang nararamdaman mo. Ibig sabihin noon, you are really serious about that guy…”
“I feel so doomed…”
“It’s okay, my princess…” Inalo siya ng ama. Hinalik-halikan nito ang ulo niya. “Pain is part of falling in love. Understanding and being selfless is also a part of it.”
“Hindi ko gustong maramdaman ito, Daddy. Anong gagawin ko?”
“Hindi perpekto ang isang buhay. Hindi rin perpekto ang isang tao. At doon ka mali, Marisa. Gaano mo man sabihin at ipakita na maganda ka, there will always be an imperfection. Ang lagay nga lang, sa ugali mo na iyon. Dapat ay maintindihan mo na hindi dahil gusto mo ang isang bagay ay palaging makukuha mo ito.”
“P-pero buong buhay ko ay umaayon sa gusto ko. Most of them, you make sure that it is. Mahirap para sa akin ang tanggapin ng lahat ng ito…”
Tumango ang ama. “Naiintindihan ko. Pero lahat naman ay puwedeng hindi madaliin, Marisa. Kagaya ng relasyon mo kay Francis. Nasabi ko na wala naman akong problema sa kanya. Pero sa nangyayari ngayon, nakikita ko na may isang bagay na nakalimutan kong sabihin. I shouldn’t have pushed you this early to love. For both of you. Pareho pa kayo na may issue sa buhay.”
“So ano nga ang kailangan ko, Daddy? S-should I break up with him?”
“Time is powerful, Marisa. It has a nice way of showing us what really matters…” sa halip ay makahulugan na sagot ni Ed Ferreira.
Three Months Later
BATA pa lang si Marisa ay ramdam na niyang ipinanganak siya para maging sikat. Idol niya ang Daddy niya. Alam niyang mana rin naman siya rito. So being an international model was never a dream come true. She always knew she would be that big.
Masaya si Marisa sa naging tagumpay niya. Thankful rin siya roon. Pero siguro nga, lahat ng bagay ay may katapusan. Kahit naman ang Daddy niya ay narating na rin ang katapusan sa modelling career nito. At ngayon, pakiramdam niya ay narating na niya iyon.
Hindi na masaya si Marisa. Pinili niyang i-focus ang isip niya sa mga bagay na nagpapasaya sa kanya sa loob ng tatlong buwan. Iyon rin ang payo ng Daddy niya. Bumalik siya sa kanyang modelling career. She was very welcome on it. Nagsunod-sunod ang projects niya. Bigatin pa ang iba. Pero gaano man kalaking pera at rangya ang nararanasan niya, pagod sa halip na saya o kahit satisfaction man lang ang nararamdaman niya.
Ngayon ang isa sa mga biggest fashion kung saan main model si Marisa. Sa New York ginanap ang Fashion Show---ang lugar kung saan siya halos nanatili rin sa loob ng tatlong buwan. Naging malakas ang palakpakan nang maglakad siya. Naalala niyang palagi siyang napapangiti kapag ganoon. Pero hindi niya maggawa ngayon. Kahit pilit na ngiti ay walang lumalabas.
“I want to quit.” Nang matapos ang fashion show ay kinausap ni Marisa ang manager.
As expected, nagulat ang manager. Nagalit rin ito. “No, Marisa! You’re one of the brightest star in the modelling world! I can’t let you go!”
“You can’t make me stay in this world. I’m not happy anymore.”
“What you would do then?”
Nagkibit-balikat si Marisa. “Being the daughter of one of the wealthiest person in the world, finding a new career would be very easy for me…”
Hindi pa rin matanggap ng manager ang desisyon ni Marisa. Inis na iniwan siya nito sa dressing room na para lang sa kanya. Muling nagkibit-balikat si Marisa. Kilala na naman siya ng manager niya. She was the typical rich daughter. She always gets what she wants.
Not always, Marisa… bulong ng isang bahagi ng puso ni Marisa. Pero dahil roon ay lalo lang siyang nalungkot.
Iniisip ni Marisa na baka kaya siya tinatabangan sa career ay dahil depress pa rin siya. Hindi nag-work out ang relasyon nila ni Francis. Hindi siya pumayag sa gusto nito. Napagod rin naman ito. Hindi na siya nito kinulit muli.
Masakit para kay Marisa iyon. Minahal nga talaga niya si Francis. Nasaktan siya na basta na lang siya nito iniwan. Ni hindi man lang siya nito pinaglaban. Maybe she was just a rebound for him. Or worst, she was just a job.
Pero walang dahilan para ma-depress si Marisa. Palaging naka-alalay sa kanya ang pamilya. Lalo na ang kanyang Daddy. Sa katunayan, palagi nga niya itong kasama. Ngayong araw nga lang ay hindi dahil may importante itong lakad kasama ang Mommy niya. Inihatid lang siya ng ama papunta sa fashion show. Susunduin na lang daw siya nito pagkatapos noon.
Sa ngayon, hinihintay na lang ni Marisa ang Daddy niya kaya siya nanatili sa dressing room. Hindi naman siya nagrereklamo sa paghihintay. Kilala siya ng Daddy niya. Hindi siya sanay ng naghihintay. Hindi nito hinahayaan na mainip siya. Maya-maya rin ay alam niyang darating rin ito.
Tama naman ang hinala ni Marisa. Wala pang limang minuto nang makalabas ang manager niya ay may kumatok sa pinto. She shouted the agreement to enter. Mula sa malaking salamin ng dressing room ay nakita niya ang malaking pumpon ng yellow tulips---her favorite flowers. Sa laki noon ay natatakpan noon ang itaas na bahagi ng nagdala.
Madalas na binibigyan lang siya ng Daddy niya ng ganoong bulaklak kapag birthday niya. So today, she felt kind of special.
“Thank you so much! Napakaganda nila…”
Marisa’s father was so sweet. He was the best father in the world. He was also her most favorite person. Hindi siya nagkamali na ito ang inidolo niya.
Kinuha ni Marisa ang bulaklak. Mabilis rin na binigyan niya ng halik ang Daddy dahil sa saya.
“Missed me so much, Babe?”
Sa sobrang excitement, hindi na pinansin ni Marisa kung tama nga ba talaga ang hinala niya. Kaya nawala rin naman ang excitement niya nang mapagtantong mukhang mali siya. Unti-unti rin na gumapang ang kilabot sa katawan niya.
Ngumiti ang lalaking nagdala ng bulaklak. “Kumusta ka na, Marisa?”
Matagal na natulala lang si Marisa sa halip na ama, si Francis ang nakita niya na nasa likod ng magagandang bulaklak.
NATAGPUAN ni Marisa ang sarili na nagpunta sa Urban Cove---a man-made beach resort in the heart of New York. Sa tuwing nami-miss niya na mag-swimming at nasa New York siya ay madalas na doon siya pumupunta. May sarili na private suite ang pamilya niya sa resort dahil isa lang sa chain of resorts ng Haven Resorts iyon. Ang Haven Resorts ay umbrella company ng Haven Group of Companies. Ang Haven Group of Companies o HGC ay ang kompanya na itinayo ng Daddy niya at ng mga kaibigan nito na kilala sa tawag na International Billionaires.
Sa kasalukuyan ay pinamamahalaan pa rin ng International Billionaires ang Haven Group of Companies. Pero dahil matatanda na, hindi na masyadong active sa negosyo ang International Billionaires. Karamihan sa namamahala na noon ay mga anak ng mga ito. Ganoon ang mga kapatid niya.
Ang Haven Resorts ay siyang pinamumunuan ni Nicollo Afinidad---ang panganay na anak ng Tito Nikos niya. Nang malaman nito na pupunta siya sa Urban Cove ay sinamahan siya nito. Nilibot nila ang resort. Maraming amenities iyon. Bukod sa man-made beach resort ay may mga swimming pools at diving area rin roon. Nagsasagawa rin ng swimming at diving lessons sa lugar. Kasama iyon sa mga nilibot nila. Parang may nagliwanag na bumbilya sa isip niya nang mapadaan roon.
“You’re serious?” namimilog ang mata na tanong ni Nicollo sa kanya nang sabihin niya rito na gusto niyang makialam sa business. Dahil tinapos na niya ang modelling career niya, naisip niyang magkaroon ng bagong pagkakaabalahan. Ang pagtuturo sa swimming at diving ang nakita niyang bago. Naniniwala siya na may talent siya roon.
“Tanungin mo pa si Daddy. Magaling ako roon.”
Natawa si Nicollo. “Marisa, mahal na mahal ka ng Daddy mo. Siyempre, sasabihin niya na magaling ka nga doon…”
“Hmf! Kailangan mo pa yata ng sample…”
“I care for this resort, Marisa. Natural lang na piliin ko ang mga nararapat na tao,”
“Okay, I’ll give you a sample---“
“Bukas na. May iba pa akong lakad.”
Nagkibit-balikat si Marisa. “Edi sa iba na lang ako magpapakitang-gilas,”
Ngumisi si Nicollo. “Very cute, Marisa. Kilala kita. Mahilig kang mag-kontrol ng tao. Isa pa, kayang-kaya mong gamitin ang connection mo sa kompanya para makakuha ng posisyon dito. Kayang-kaya mo na paikutin ang mga tauhan ko.”
Napalabi si Marisa. Matalino talaga ang loko. Sumunod na rin naman siya rito. Pagkatapos ng lahat, may point ang lalaki. Kaya naman niya na maghintay. Hindi siya nagmamadali.
Naunang umalis si Nicollo kay Marisa sa resort. Pero mabilis rin naman siyang sumunod rito. Nag-ayos lang siya sandali ng sarili. Naalala rin kasi niya na may scheduled dinner date sila ng pamilya ngayong araw.
Pasakay na si Marisa ng kotse niya nang makarinig siya nang malakas na pagsabog. Dumagundong ang lahat sa kanya. Ang trauma rin niya sa pagsabog dahil sa nangyaring pangho-hostage sa kanya ay bumalik sa kanyang isipan. Sumigaw nang sumigaw si Marisa…
“Marisa, we have to get out of here…” muli sa likuran ay narinig ni Marisa ang isang pamilyar na tinig. Niyakap siya nito nang hindi niya maggawang kumalma.
Not again, please… Not again! Ang tanging pumapasok lang sa isip Marisa ay ang nangyari sa kanya dati. Ni hindi niya maggawang magprotesta nang hilahin siya ng taong nagsalita palayo sa parking lot.
“Marisa, you are okay. We are okay. Hindi na mauulit ang nangyari sa `yo dati, okay? Someone bomb a private car in the parking lot. Hindi iyon sa `yo…”
Matagal na nanlalaki lang ang mata ni Marisa hanggang sa ma-realize niya kung sino ang lalaki na humila sa kanya. Pero nagtagal pa rin iyon. Nagulat siya nang makita si Francis . Ito ang humila at nagpakalma sa kanya!
“Peste! Bakit ka naririto? Mas nakakatakot ka pa kaysa sa pagsabog!” wika ni Marisa nang maka-recover. Naningkit ang mata niya.
Ang lakas din talaga ng loob ng lalaki na magpakita sa kanya. Matapos siya nitong iwanan na lang basta, gusto nitong makipagbalikan na lang na parang walang nangyari? Eh ano kung nagpunta pa ng New York ang loko para suyuin siya? She had better lovers that made a greater effort than him.
Kahapon ay basta na lang iniwan ni Marisa si Francis. He deserved it. Iyon rin naman kasi ang ginawa nito sa kanya.
“I’m your bodyguard, remember?” Naggawa pang ngumisi ni Francis.
Inikot ni Marisa ang mata. “Isusumbong kita kay Daddy! Sa ginawa mo sa akin, I’m very sure that you are already fired!”
Natawa si Francis. “Sa tingin mo ba ay malalaman ko ang whereabouts mo kung hindi ako tinutulungan ng Daddy mo? I’m on his side…”
“Anong---“ Nanlaki ulit ang mata ni Marisa. “Hindi puwede! How can my Dad, the best Dad, makes me close to an enemy and a cheater again?”
Tumikhim si Francis. “Bigyan mo ako ng oras para maipaliwanag sa `yo ang lahat, Marisa. If you’ll just give me, I’m sure you will understand everything…”
“Ang galing mong mag-demand,” Humalukipkip si Marisa. “Samantalang noong ako ang gumawa, ni hindi mo naggawang makinig.”
“It’s for the best.”
“There’s no “best” in leaving a person that should be important to you. Ang sabihin mo, manloloko ka talaga. Hindi mo ako gusto. Lalong hindi mo ako mahal. Walang mahal na iniiwan!”
“Hmmm… May mahal na binabalikan. May mahal na pinoprotektahan. And that’s just what I did for you, Marisa. Bigyan mo ako ng pagkakataon para magpaliwanag…”
“Ayoko!”
Nagkibit-balikat si Francis. “Very well then. Ito na lang ang ibigay mo sa akin…”
Gustong magprotesta ni Marisa nang kuhanin ni Francis ang mukha niya. She knew wht will happen next. She doesn’t want it. Or not until she tasted his lips again.
Sweet Jesus. Help me…
Hinalikan ni Francis si Marisa. Her heart raced, the butterflies in her stomach went wild. Nag-init ang buong pagkatao niya. Naramdaman rin ni Marisa na may tumulong luha sa mata niya.
Oh God, I missed you, Francis…
“Kung hindi kita mahal, bakit sarap na sarap ako na halikan ka?”
Marisa found herself asking the same way question, too. Haay, Bakit nga ba?