BIGLAANG napauwi si Marisa sa Pilipinas. Para sa kanyang Daddy, iyon na lang daw ang pinaka-safe na lugar na puwede nilang puntahan ng pamilya. Tatlong lugar lang kasi sila madalas na pumupunta---sa Pilipinas, New York at sa Medoires Island, isang isla sa Portugal kung saan nakatira ang royal family na umampon sa kanyang ama. Sa Medoires Island rin lumaki ang kanyang Mommy na dating parte rin ng mga royal family sa isla.
Pero sa ngayon ay may panganib rin sa Medoires Island. Maraming death threats na natatanggap ang Tito Rodrigo niya na siyang hari sa isla. May isa kasi itong maling desisyon na naipanukala sa isla dahilan para magalit rito ang mga tao. Sa palasyo sila tumitira kapag naroroon kaya delikado sa kabila ng mga bodyguards. May hula rin kasi na isa sa mga ito ang nagpapadala ng death threats. Bukod pa roon ay hindi rin sila sanay sa pamumuhay roon. Sa tatlong lugar, sa Medoires Island sila pinakamadalang na dumalaw. Her mother doesn’t want the royal life, isang bagay na palagi nilang nararanasan kapag nasa isla sila.
Mapanganib rin sa kasalukuyan ang New York. Masasabing konektado rin ang nangyaring pagsabog sa parking lot kay Marisa. Nalaman kasi nila na ang pinasabog pala na kotse ay kay Nicollo. Sa kasalukuyan ay comatose ang lalaki dahil sa malaking pinsala na dinala rito ng matinding pagsabog.
Ang primary suspect sa krimen ay isa sa mga kaaway sa negosyo. Dahil parte ng HGC ang pamilya ay nag-alala ang kanyang Daddy. Pinauwi sila nitong lahat sa Pilipinas. Iyon na daw ang pinakaligtas na lugar para sa kanilang dalawa.
Para kay Marisa ay napaka-OA noon. Nainis siya sa kanyang Daddy. Iyon ang dahilan kung bakit sa halip na sa bahay ng pamilya sa Pilipinas siya tumuloy ay sa condo unit niya siya pumunta. Doon siya nagpalipas ng gabi.
Paggising niya kinabukasan ay ginawa na lang niyang normal ang buhay niya. Ayaw niyang isipin ang nangyari. Mas lalo lang siyang matatakot. Nagluto siya ng breakfast niya at kinuha ang diyaryo kung saan naka-subscribe siya. She loves reading news in the morning. Dinedeliver ang diyaryo niya sa unit araw-araw.
Na-miss ni Marisa ang magbasa ng diyaryo. Wala kasi siyang subscription sa New York. Dahil matagal-tagal na nawala, naipon ang diyaryo. Inisa-isa na lang ni Marisa ang headline ng mga iyon. Pero iisa lang ang nakaagaw ng pansin ni Marisa. It was dated a week before…
Arrested: Businessman Ricardo Castro for Estafa and hostaging a high-profile businessman’s daughter…
Natulala si Marisa. Wala siyang naging balita sa kanyang kaso. Wala rin na nasabi sa kanya ang Daddy niya. Bakit? She felt that she had the need to know of everything…
Ganoon pa man, sa halip na unahin ang pagtatampo ay inuna muna niya ang pagbabasa ng artikulo. Napakasama nga naman talaga ng lalaki. But reading the article made her love his father so much. Dapat ay nagtiwala talaga siya rito. Maling-mali siya sa pakikipagrelasyon kay Ricardo.
Pero nayanig ang mundo ni Marisa nang mabasa ang pangalan ni Francis sa article. He was involved in the case. Ito ang nakahuli kay Ricardo!
Paanong…?!
“It’s for the best.”
“May mahal na binabalikan. May mahal na pinoprotektahan. And that’s just what I did for you, Marisa. Bigyan mo ako ng pagkakataon para magpaliwanag…”
Nagbalik kay Marisa ang mga sinabing iyon ni Francis. Kaya ba siya nito iniwan ay para makapag-focus sa kaso niya?
Kung ganoon, eh ano ang kinalaman ni Danica sa lahat? Iyon ang naging ugat ng lahat `di ba? Nainis siya kaya nagkagulo silang dalawa ni Francis. Iyon ang paniniwala niya. Pero paano kung mali iyon?
There’s only one way to find out the truth…
Inayos ni Marisa ang sarili. Kung kinakailangan niyang bumalik ng New York para makausap nang masinsinan si Francis ay gagawin niya. Pagkatapos ng lahat, kasalanan niya ang lahat. Hindi niya binigyan ng pagkakataon si Francis. Pinairal niya ang katigasan ng kanyang ulo kaysa sa sinasabi ng kanyang puso…
Pero sadyang mabait pa rin pala kay Marisa ang tadhana. Hindi na niya kailangan na pumunta pa ng New York. Dahil ang lalaking mismong akala niya ay kailangan pa niyang habulin ay patuloy pa rin na naghahabol sa kanya.
Francis was standing in front of her door when she opened it. Paalis na sana siya.
“Hey, Babe.” Cool na cool na wika nito. Nakapamulsa pa ito.
“O-oh, Francis!” Sa sobrang tuwa ay niyakap niya ito. Hinalikan rin niya ito sa sobrang tuwa.
Napakaganda ng ngiti ni Francis. “Pinapatawad mo na ako?”
“S-should I really be? Baka ako pa ang kailangan na humingi noon…” Napahikbi si Marisa. “A-are you really just protecting me?”
“Sinabi na ba sa `yo ng Daddy mo ang lahat?”
“So may kinalaman nga talaga si Daddy tungkol rito?”
“Napapansin mo naman siguro na he’s became extra sweet to you. I asked him that. Ayaw ko kasi na malungkot ka habang wala ako. Habang inaasikaso ko ang kaso mo kay Ricardo. We’ve made a plan. Alam niya na kaya kita nilayuan ay para makapag-focus ako sa ibang bagay para maprotektahan ka.”
“Iyon nga ba talaga ang ginawa mo sa loob ng tatlong buwan? Eh ano ang tungkol kay Danica?”
“Danica is also involved with the case.”
Kumunot ang noo ni Marisa.
“Ang lalaking ipinalit sa akin ni Danica ay si Ricardo…” Bago pa man makapagtanong ay sinagot na ulit siya ni Francis.
“What? Paanong---?! That’s absurd. Coincidence lang ba ang lahat o---“
“Inisip ko na plinano ang lahat. Iyon ang dahilan kung bakit natakot ako…” Bumuntong-hininga si Francis. “Kailangan kong mag-imbestiga. There’s a point that I’m also worrying about Danica’s safety. Pero para sa iyo rin iyon, Marisa. Naisip ko na paano kung ginagamit lang ni Ricardo si Danica para makalapit sa `yo? Paano kung alam ng lalaki na girlfriend ko si Danica? Nagtatrabaho ako para protektahan ka. We’re all connected…”
“Ganoon nga ba?”
“Luckily, hindi ganoon. Sa ibang paraan ginagamit ni Ricardo si Danica. Matagal na. Bago pa tayo muling magkita. Iyon rin pala ang dahilan kung bakit nanlalamig siya sa akin. Mali ang mga dahilan niya na kesyo mali daw ang pre-marital sex. Iyon pala ay nahuhulog na siya kay Ricardo. But Ricardo wooed her for her social acts. Isang social worker kasi si Danica sa iba’t ibang NGO’s. Gustong makapasok ni Ricardo sa NGO community para makapangurakot ng pera. Kung nabasa mo ang tungkol sa balita sa kanya, he was arrested also for Estafa. Malaki ang utang niya. Hindi na maayos ang business niya dahil sa gambling addiction niya. Iyon rin ang dahilan kung bakit pina-hostage ka niya---to gain money.”
“Napakasamang tao talaga ni Ricardo,”
“I couldn’t agree more. Marami siyang connection kaya naging mahirap rin na hulihin siya. Sa kabila ng pakikipag-negotiate ko kay Danica ay hindi iyon naging effective. She became mad about him. Prinotektahan niya ang lalaking sinisira lang siya. It was a very hard task. Iyon rin ang dahilan kung bakit nagtagal ang lahat at hindi ako makabalik sa `yo. Hindi rin kasi ako mapanatag na hindi pa nahuhuli si Ricardo. Isa pa, huli ko na rin naman nalaman na hindi rin pala konektado sa `yo ang lahat.”
Naging mas lalong madali kay Marisa na intindihin si Francis. Sadyang pinoprotektahan nga lang talaga siya ng lalaki. Siya ang mali sa lahat. Pinag-isipan niya pa ito ng masama. She felt bad. Pero hindi pa naman huli para maging mabuti siya.
“S-si Danica, kumusta na siya ngayon?” Marisa tried to care.
“Hmmm… gusto mo ba talaga siyang pag-usapan?”
Nakagat ni Marisa ang ibabang labi. “Naisip ko lang na pareho kami ng sitwasyon. I felt sorry for her.”
“Tama ang hinala ni Ritter na siyang nagbalita sa akin nang tungkol sa panganib kay Danica. Pinagamit siya ng drugs ni Ricardo para mas makontrol siya nito. Napakasamang tao talaga ni Ricardo. As of Danica, I felt sorry for her, too.”
“And sorry for your relationship?”
Tumikhim si Francis. Naging seryoso ang timpla ng mukha nito. “She chooses her own path, Marisa. Inamin na rin naman niya iyon sa akin. She was still not under-control of Ricardo nang manlamig siya sa akin. Nahulog rin ang loob niya kay Ricardo habang kami pa.
“Guilty si Danica. Pero hindi dapat ako. Siya ang unang nagloko. Isa pa, tanggap naman niya ang lahat. Kasalanan rin niya ito. I don’t think there’s something to be sorry about…”
“You mean it?” Natawa si Marisa. Naalala niya ang huling beses na sinabi ni Francis sa kanya iyon.
Naging mapaglaro ang ngiti ni Francis. “Gusto mo ng proof?”
“Deal,” Sumakay rin sa laro si Marisa.
Kagaya ng kaparehong eksena kung saan una nilang binitawan ang mga salitang iyon ay nagtagpo muli ang labi nila. Ang kaibahan nga lang, si Francis ang nanguna sa paghalik. His kiss was deep and passionate she almost drowned on it. Pero kung sa halik naman siya ni Francis mamatay ay okay lang. At least she knew, she’d die happy.
“Oh, Marisa. I miss you so much. It was hell without you. Mahal na mahal kita,” Mababakas ang sobrang kasiyahan sa mukha ni Francis nang sabihin iyon.
“And so am I, Francis,” sa kabila ng tatlong buwan, nanatili pa rin sa kanyang puso ang lalaki. Walang nakapalit. “Mahal kita maging sino ka man,”
Pinindot ni Francis ang ilong niya. “Kaya kita lalo na minahal. Hindi mo tinignan ang pagkatao ko. Even though I just became an International Billionaires Wannabe, you’re still with me. Pinangako ko pa naman sa `yo dati na magiging kagaya ako ng Daddy mo…”
“You love and care for me, that’s all that matters…” Marisa said and kissed again the love of her life.
THE END OF BOOK 1