Anika
WEEKEND.
I am thankful na natapos ang buong weekdays na wala akong pinoproblema regarding kina Sir Elwood. Tinantanan na ako ni Sir. Hindi niya ako gaanong tinatawag sa recitation. Pero ramdam kong palagi siyang nakatingin sa akin. Madalas ko ring makita ang left eye niya sa cloud formation. At ang pares ng mga mata kung magkasama kami ni Dach. Pero nagpapanggap na lang akong hindi ko iyon napapansin. Ang creepy ng pakiramdam pero pilit kong nilalabanan. Nahahati na din ako sa idea na paniwalaan ang mga sinabi ni Serene sa akin. Para kasing totoo na minamatyagan nga ako ni Sir Elwood gamit ang mata niya na cloud formation dahil alam niya ang mga ginagawa ko. Minsan ay makakasalubong ko siya at babati:
“Kamusta naman ang pagbisita niyo ni Dach sa old Science Building?” Noong manggaling kami ni Dach sa old building.
“Mas masarap ang caramel sundae kapag may ka-share.” Noong kumain ako ng caramel sundae sa lovers lane mag-isa.
“Nasa E-library pa ba si Ms. Del Monte?” Noong manggaling ako sa e-library at sandaling kinausap ni Ms. Del Monte.
Pero nagsawa din yata si Sir dahil tumatango lang ako sa lahat ng pagbati at tanong niya sa akin kaya tinigilan na ako. Puzzled, confused and terrified. Iyon ang sabay-sabay kong nararamdaman kapag tatanungin ako ni Sir, idagdag pang bigla nalang hahapdi ang birthmark ko. ‘Buti nalang at kahit paano, nagagawa ko din namang kumalma kapag naaalala ko ang sinasabi ni Serene na harmless si Sir Elwood.
No’ng Friday, after dismissal, nilapitan ako ni Chloris. Ang hapdi na naman ng pakiramdam ng pagkakahawak niya sa akin. Agad din naman niya akong binitiwan no’ng napansin niyang para akong sinusunog.
“We need your cooperation. Please.”
Pero tinalikuran ko lang siya at iniwasan. Kahit parang sinasalakay ako ng konsiyensiya pagkakita sa nakikiusap niyang mga mata. Ayoko ng magulong buhay. Ayokong madawit sa kung anumang binubuo nila. Ayoko ding malaman ang ibig sabihin ng lahat ng kaguluhan sa utak at damdamin ko magmula nang dalhin ako ni Sir Elwood sa old building at kahit nang kausapin ni Serene.
Ayoko na!
Kaya inilayo ko talaga ang sarili ko sa toxic feels. Nag-enroll ako sa gym sa may clubhouse ng subdivision namin. Wala namang problema sa parents ko, lalo na kay Mama. Para daw maging healthy and fit ako. Kaya lang, medyo nalulungkot din siya kasi konti na lang ang kinakain ko sa mga niluluto niya. Pero sa ngalan ng pagpayat, lalamunin ko ang konsiyensiya ko.
Nag-bike na lang ako papuntang clubhouse. Nadaanan ko ang bahay nina Dach. Nagba-basketball siya doon sa labas ng gate nila. Huminto siya noong papadaan ako.
“Hi, Chubs!”
Hindi ko naman siya pinansin. Maski pang-iirap, hindi ko ginawa. Wala akong dapat na pakialam sa kanya. Kahit pa nga ang hot, hot niyang tingnan habang nagdi-dribble ng bola. Hindi siya mukhang kadiri maski pawisan na. Baliw na nga siguro ako dahil mas nagmukha pa siyang kaakit-akit sa mga paningin ko kahit nagbubutil-butil ang pawis niya sa mukha.
Sheeeeet!
Kainis talaga si Dach!
Pero mas naiinis ako sa sarili ko. Bakit ba ganoon ko nakikita si Dach? Baka wizard si Dach at may spell na ginamit sa akin. Dati naman kasi, wala akong paki. May paki lang ako sa kanya kapag kailangan ko ng superhero na magtatanggol sa akin sa mga bully na nang-aasar sa akin.
“Oy! Chubs! Suplada mo ah?”
Pahabol pa din niyang sigaw. Kailangan kong hawakan ng mahigpit ang sarili ko at pigilan ang kagustuhang pansinin at lingunin siya. Naiinis ako `di ba? Kailangan kong manatiling naiinis sa kanya. Kailangan kong maging goal na pumayat para pambawi sa pagkaasar ko sa kanya. Gusto ko siyang pamukhaan!
It’s time for revenge!
“Saan ka pupunta?” mahina na ang boses ni Dach pero alam kong pasigaw pa din iyon. Malayo na kasi ako sa kanya.
Hindi pa din ako lumingon. Dumeretso na lang ako sa gym. Doon ko na din sinimulan ang ‘pagbabagong buhay’.
Hehehe.
Ipinakilala sa akin sa reception ang gym instructor ko. Si Guimard.
Ang guwapo!
After Dach, wala na akong makitang guwapo sa mundo. Until Guimard. Saka hindi siya suplado. Or siguro dahil nga instructor siya doon, dapat na maging polite siya sa client.
Part-timer lang daw siya doon at nag-aaral pa pero graduating na. Meaning, kasing-edad siya ni Dach. Anyway, bakit ko ba palaging iniisip si Dach?
Ah! Dahil siya ang dahilan ng lahat ng gagawin kong ito.
No!!!
Hindi ko ito gagawin para sa kanya kundi para sa sarili ko. Siguro, kaya din hindi ko nalabanan ang force ni Serene dahil lalamya-lamya ang katawan ko dahil nababalot ako ng taba. I need to be fit to ward off myself. At para din hindi ko na laging kailanganin ang proteksiyon ni Dach laban sa kahit sino.
“Is this your first time?” pagbubukas ulit ng usapan ni Guimard habang ina-assist ako sa pagsi-sit-up.
Ngumiti lang naman ako sa kanya. “Yes.”
Para akong nahi-hypnotize sa mga ngiti niya. Sa tuwing babangon ako sa pagsi-sit up at lalapit ang mukha ko sa kanya, parang gusto kong matuliro. Gusto kong mawala sa sarili. Ang guwapo, guwapo, guwapo, guwapo kasi niya! Nakakatunaw ding tumingin. Halos mawala ako sa pokus sa ginagawa ko. Why is that? He was so good-looking and stunning kahit sa simpleng black t-shirt at black jersey pants!
At ang bait-bait pa niya! Hindi din mahal ang ngiti niya. Libreng-libre niya lang na ibinibigay sa akin. Parang gusto ko tuloy tumili sa tuwing sasalubungin niya ang mukha ko kapag bumabangon ako.
At ano nga ba ang tawag sa pakiramdam na iyon? Fangirling?
OMG! As in capital OMG! Mahal ko na yata siya!
Alright.
Masyadong exag. Pero kasi, bihira `yong mga katulad niya na guwapo na, mabait at friendly pa. Nakaka-distract tuloy. Kapag nagtatanong siya, yes or no na lang ang naisasagot ko. Parang nalunok ko na ang dila ko sa pagka-amazed sa kanya. Parang mas gaganahan akong mag-gym dahil sa guwapong si Guimard. Double purpose na, makakapagpasexy ako, makakasilay pa ako sa bago kong crush.
Eh, wait! Ngayon lang naman ako nagka-crush ah. Si Dach, hindi ko siya crush kasi buwisit siya.
Bakit napasok na naman sa usapan si Dach? Erase! Erase! Erase!
Panay ang kuwento niya patungkol sa sarili. Sa university pala namin siya nag-aaral. Parang hindi ko naman siya napapansin doon. O talagang wala lang akong pakialam sa mga lalaki dati? Ano ba kasing pinaggagagawa ko nitong nakaraan at hindi ko siya nakita?
“Anong oras ang session mo bukas? Or may session ka ba?” tanong sa akin ni Guimard nang matapos na ang session ko at nagpupunas na ng pawis habang nakaupo sa isa sa mga bench sa loob ng gym.
Inabutan niya ako ng bottled water.
“Ganito uli oras. Every weekend lang naman ang sched ko dito,” sagot ko naman na inabot ang ibinibigay niya. “Free ba ito o may bayad?”
Tumawa naman si Guimard. “Kapag magaganda, free lang `yan.”
Parang tumalbog ang puso ko palabas ng dibdib. Nagpapalipad-hangin ba siya? Naiipit ko tuloy ang buhok ko sa likod ng tainga.
Pero may biglang pumasok sa isip ko. Parang narinig ko ang sinabi ni Dach.
“Kulto ba ito ng magaganda, bakit kasama ka?”
Nagbago ang mood ko. “So, kailangan ko palang magbayad. Magkano ba?” Bigla ko kasing naalala ang sinabi ni Dach noong nasa old building kami.
Napasimangot ako. Pati ba naman sa gym may criticism?
“Free lang `yan para sa `yo,” agad na sabi ni Guimard.
“Akala ko ba, magaganda lang ang may free?”
“Maganda ka naman, ah?” nakataas ang kilay na sabi nito.
“Says who?” mapakla kong sabi at pinangalahati ang tubig. Biglang nawala ang masaya kong pakiramdam. Lagi kasing nakasingit sa isip ko si Dach.
Buwisit ka, Dach! Lumayas ka sa utak ko!
“Ako.” Salubong na ang kilay ni Guimard. “Whoever said you are not beautiful then she must be insecure.”
“Not she but he.”
“He?” Biglang lumapad ang ngiti ni Guimard. A knowing smile. “Then he must be into you.”
“Hay, naku!” Eksaheradang natawa ako sa mga pinagsasabi ni Guimard. That was way impossible. Imposibleng magandahan si Dach sa akin dahil ang magaganda lang sa mga paningin no’n, iyong mga may curves. `yong coca-cola body. `yong coke sa bote. Hindi kagaya ko na coke-in-can.
“Whatever. Since may nagsabi sa akin na maganda ako, maliban sa parents ko, ililibre din kita ng tubig.” Biro ko naman sa kanya.
Natawa din si Guimard. “No need to. I was just telling what I am seeing.”
Oo na! Talagang natuwa ako sa mga pambobola niya. Talaga yatang nice person lang siya. Madali kasi niyang naiparamdam sa akin na maganda ako. Na hindi ako pangit dahil lang wala akong curves. Pero bakit sa tuwing sasabihin niya iyon, naaalala ko si Dach? Nagkakaroon ako ng ibang cravings. Gusto kong si Dach ang magsabi sa akin ng mga sinasabi ni Guimard. Gusto kong sa mga labi niya manggagaling ang masasarap sa pandinig na mga salitang iyon. Mas masarap siguro sa pakiramdam.
What?!
“Anong blood type mo, Anika?” bigla ay tanong ni Guimard.
“Huh?” Pabigla akong napabaling sa kanya. Tumawa naman si Guimard. “Type AB ako.”
“Yum!” biglang bulalas niya na kumislap pa ang mga mata. “Pang royal blood ka pala.” Biro pa niya sa akin. Rare kasi ang type AB.
Hindi ko alam kung paano kaming nauwi sa usapang dugo pero na-conscious ako nang pasadahan niya ng tingin habang nakangiti. “You look great. Hindi mo naman na kailangan mag-gym. Everything was perfect in you.”
Ewan ko, ha? Masyado na niya akong binobola. Tinapos ko na ang pagbobolahan namin bago tuluyang lumobo ang ego ko.
Anika
LINGO.
Papauwi na ako sa bahay namin galing ulit sa gym. Nang humarang sa dadaanan ko si Dach. Naipreno ko bigla ang bike ko. Ano na namang problema nito? Magpapasagasa ba siya?
“Taba! Kain tayo!” sabi niyang hindi ko alam kung nag-aaya o nang-aasar.
Puwede din naman na both. Iningusan ko siya. Kakatapos ko lang magsunog ng carbs, papadagdag na naman ba ako?
“Busog pa ako, ikaw na lang.” Sagot ko naman at umakto na ulit na magba-bike palayo sa kanya.
Bigla niyang pinigilan ang manibela ng bike ko sa harapan ko mismo. Para siguro pigilan akong umalis.
“Ganyan ka na, ah? Hindi ka na sumasama sa akin dahil nagpapa-cute ka sa gym instructor mo? Akala mo naman papansinin ka no’n? Sigurado ako, ang mga type no’n mga physically fit na kagaya niya. Saka hindi kayo bagay. Number 10 kayo kapag titingnan.”
Bukod sa naimbyerna ako sa mga pinaglalabas ng bunganga ni Dach, nagulat talaga ako na alam niyang galing ako sa gym. Paano? At bakit?
At nagpapa-cute? Umakyat bigla ang dugo ko sa ulo ko. Doon na nagkukuluan sa maximum boiling point.
“Excuse me? Hindi lahat ng lalaki, katulad mong sa katawan lang tumitingin. Puwede ba? Lumayas ka nga diyan!”
Pinaghahampas ko ang mga kamay niyang nakapigil sa manibela ko. Nakakabuwisit! Napaka talaga nitong si Dach! Pasalamat siyang kahit beastmode ako, hindi ko siya magawang i-murder! Sarap dagukan eh.
Pero hindi niya bitawan ang manibela ko kaya nagsimula akong mag-pedal kahit pinipigilan niya.
“Crush mo nga ang gym instructor mo na iyon, ha? Gusto mong sapakin ko ‘yon?”
Madilim ang mukha ni Dach. Hindi ko siya maintindihan. Ano bang problema niya? Anong ipinagkakaganito niya?
“Bakit mo sasapakin? Inaano ka ba no’ng tao?”
“Engineering ang course no’n. Kilala ko ‘yon. Bolero iyon at playboy. Mahilig ‘yon sa maganda. Mga babae no’n tinatanong daw kung anong blood type. Weird. Trip no’n ang mga ka-blood type mo. Magkalapit lang ang building namin, kaya alam ko. Humanda siya sa akin kapag nakita kong hinahawak-hawakan ka niya kahit kapag nasa school tayo.”
Tuluyang nagsalubong ang mga kilay ko. Naka-‘gago mode’ yata itong si Dach. Nakakagago ang mga pinagsasasabi niya. Saka, bakit naman ako hahawakan ni Guimard sa school eh sa fitness gym lang naman kami nagkikita no’n? Second session ko pa lang din today, bakit alam niya…
“Hoy Dach! Ikaw ba, stalker ko na, ha? Paano mong nalaman na sa gym ako galing?”
Sumalya paitaas ang kilay ni Dach. Madilim pa din ang mukha. Ano bang ikina-bi-beastmode nito?
“Obvious sa suot mo.” May nilingon ito sa bandang likuran niya. “At diyan sa bag mo.”
Lintik! Dahil lang doon?
“At bakit mo naman nasabing nagpapa-cute ako sa gym instructor ko? Matanda na ang instructor ko. Parang si Papa na nga.” Pagsisinungaling ko pa.
Subok lang naman. Gusto kong malaman kong kilala niya ba talaga at kung oo, gusto kong malaman kung ano ang dahilan kung bakit at paano niya nalaman.
“Huwag ako! Hindi pa ako bulag o duling, Anika!” singhal ni Dach sa akin. “Kitang-kita ko nga. Kung magkwentuhan kayo, parang masayang-masaya ka. Sukdulan ang kilig mo! Pati sa pagsi-sit up mo, enjoy na enjoy ka!” Parang gigil na gigil ang walanghiya.
Naging isang linya naman ang mga kilay ko. At gusto ring magsilipadan paitaas.
“Lagi ko `yong nakakasalubong kapag papunta na ako sa building namin. Saka paanong hindi ko makikilala eh palagi siyang may mga kaangkla na babae mula sa department namin? Kilalang-kilala na siya doon dahil sinusuyod niya ang mga babae sa department namin, aba!” Gigil na gigil talaga.
“At paano mo nalaman na `yong sinasabi mo, ang instructor ko, ha?”
“E’di nakita ko! Alangan namang hinulaan ko lang?” pasuplado pa ding sagot nito.
“Aha! Stalker ka! Ang creepy mo, Dach!”
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa nalaman ko. Matutuwa ba ako o maasar sa kanya? Bakit niya ako sinundan? Inaano ko ba siya?
“Anong stalker? Gawain ‘yon ng concern na kaibigan.” Parang nailing na inilayo ni Dach ang tingin sa akin. Binitawan na din niya ang manibela ko. At parang mas ginanahan akong asarin siya. Hinuhuli ko ang mga mata niya pero ayaw naman magpahuli.
“Saka dati, hindi mo naman ako ini-snob eh. Tinatarayan mo ako, pero hindi mo ako ini-snob. Na-curious tuloy ako. Wala akong balak na sundan ka. Na-curious lang ako kasi parang excited ka no’ng nagba-bike. To the point na parang hindi mo ako narinig o nakita at nilagpasan lang.” mahabang dagdag pa ni Dach. Ni hindi makatingin sa akin ng deretso.
Para din akong pinasukan ng tipaklong sa loob ng utak. Kung ano-anong naiisip ko. Gusto ko talagang makaganti ng pangbubuwisit sa kanya kasi halatang defensive.
“So, nang-stalk ka nga? Por que hindi ka sanay na hindi napapansin. Aba, masamang habit ‘yan Dach ah? Baka masanay kang hinahabol-habol ako?” pang-aasar ko nga sa kanya.
“Ano?” gulantang ang expression ni Dach. Gusto ko namang humalakhak.
Wala. Gusto ko lang gumanti. Madaming beses niya akong inaasar at minsan lang ako makahanap ng pagkakataon na makapang-asar din. E asar-talo at patola itong si Dach. Maaari ba namang ako lang lagi ang asar sa aming dalawa?
“Sabi ko, huwag kang masyadong masanay na hinahabol-habol ako. Saka ang creepy kaya na magkaroon ng stalker. And Dach, don’t stoop that low. Puwede mo naman akong deretsahin na type mo ako. Hindi naman ako magagalit, promise.”
“Type?” Biglang humalakhak ng paghysterical si Dach. Hindi ko alam kung kinakabahan ba ang tunog ng halakhak niya o gusto niya lang ipakita ang exaggeration. “Ugh! Yuck, ha? Hindi tayo talo, Anika.”
Kung maka-yuck ang hayup! Pinaghahampas ko nga siya sa braso at balikat. Panay naman ang aray niya. Umiiwas pero hindi ko tinantanan. Kung saan ko na lang siya matamaan. At parang tanga din naman. Umiiwas nga pero hindi naman lumalayo. Hinahayaan lang niyang maltratuhin ko siya eh puwede naman siyang lumayo. Pabor pa sa kanya ang sitwasyon na nasa bike ako.
“Hindi talaga tayo talo! Tandaan mo, kapag sumexy ako, hinding-hindi kita papansinin, walanghiya ka!”
“Hindi ka na se-sexy. Forever figure mo na iyan.” Humahalakhak pang pang-aasar niya sa akin.
Nanliit ang mga mata ko sa pagkainis. Sa imagination ko, isa akong dragon at tinutusta ko ang walanghiyang si Dach! Ang kaso, ang kapal-kapal ng balat nito. Ni hindi matunaw. Buwisit talaga!
Nilayasan ko si Dach. Gusto ko nang maiyak sa sobrang inis ko sa kanya. Pero pinigilan ko ang sarili ko. Kilala ko si Dach. Kaligayahan niyang asarin ako. At hinding-hindi ko siya bibigyan ng kaligayahang makita na sobrang asar-talo ako.
Hah! Maghintay ka lang Dach. Maghintay ka lang talaga.