Elwood
“TSS! AYAW niya. Ano’ng gagawin ko?” asar na ako kay Chloris. Wala nang ginawa kundi mangulit.
Nasa hideout kami, sa loob ng time plane na nahanap ko at nagawan ng portal using my spells.
The world was consist of millions of world dimensions. Parallel world kung tawagin ng matatalinong abaturage. Sabay-sabay na nangyayari ang bawat bagay sa bawat dimensions. Even the past, the present and the future were happening at the same time. Dito sa mundo ng mga abaturage, kaya kong pumasok sa future nila, pero hindi ko kayang bumalik sa nakaraan nila. So, since I can’t bring back the time, I created a secret door that will lead us to a time plane.
Ang time plane ay panahon na walang bukas at kahapon. Paulit-ulit na nangyayari ang present. Kapag dumating na ang end of the day, at magsisimula na ulit ng panibagong umaga, mauulit lang ang scenario na nangyari sa lugar at panahon na iyon. Ang mga scenario na nangyari sa buong araw na iyon.
Napakatagal ko ding naglibot sa iba’t-ibang time plane at naghanap ng pinaka-safe na panahon at lugar. Panahon na nabubuhay pa din ako at nasa mundo pa din ng mga abaturage. Kaya nga ingat na ingat akong makaharap ko dito ang future self ko. Dahil kapag nangyari iyon, maglalaho ako bilang present at mamamatay na din ang future self ko.
Wala naman akong choice, ang panahong ito ang pinaka-the best sa lahat ng time plane. Walang simulacrum o ‘yong mga kilalang dark entity sa buong Kimbura na humihigop ng kaluluwa. And the receiver of life and power of the soul they ate was their master. At ang puntirya ng mga ito ngayon ay ang mga priestess. And even Chloris na magmula nang i-involve ni Hino sa lintik na misyon ko ay nanganib na ding mahigop ng simulacrum ang kaluluwa. I even teach her different spells and chants to protect herself kapag wala ako sa tabi niya o hindi kami magkasama. At sa pagkagulat ko, madali niyang matutunan ang mga iyon. Matindi din ang nabubuo niyang spells. Katulad ng isang tunay na Kimburian. Pinagdudahan ko pa nga na baka may witch blood din siya. O baka low class Kimburian kasi matindi ang nagagawa niyang spells kahit isang beses ko palang ituro sa kanya. Pero malinaw niyang sinabi na hindi at wala siyang marka ng kahit anong elemento.
Mabalik lang sa usapan, sa panahon na ito, hindi kami masusundan ng mga simulacrum dahil protected. Bukod pa sa hindi aakalain ng mga kalaban na papasukin ko at gagawan ng portal o secret door. The secret door is the secret portal that leads us to this time plane.
And here inside the secret door is January 15, year 2706. The future community. The human world’s future.
Sa paglabas ulit namin sa secret door pabalik sa present, ilang minuto lang ang katumbas na itinagal namin sa loob ng time plane. But the truth is we spend almost an hour, a day or a week inside a time plane. Dito kasi namin ginagawa ang mga meetings at trainings para sa mga witch priestess. Sa panahon ding ito, mga androids and cyborg ang nagsisilbi sa lahat ng mga pangangailangan. Maraming mahihirap at ilan lang ang mayayaman. At ang lahat ng mahihirap ay ikino-convert into cyborg para pagsilbihan ang mayayaman. That was the new world order of the abaturages.
Soon, all abaturages will be cyborg for abusing the modern technology. Their hearts and emotions will be useless. Love isn’t there anymore. Wala akong pakialam. Matagal nang nawala sa akin ang dalawang bagay na iyon kaya wala na akong pakialam. Hindi na ako natatakot.
Pero nang makita ko ang reaksiyon ni Chloris nang una ko siyang papasukin sa secret door na ginawa ko at maipaliwanag ang time plane na nasa loob noon, nakita ko na natakot siya.
Mas wrong move pala iyon. Dahil lalong naging eager si Chloris na magawa ang misyon ko. Iniisip kasi niya na may kaugnayan ang Kimbura sa mundo nila. Na kung magagawa ko ang misyon ko, baka may epekto iyon sa future. Baka daw mapigilan noon ang magiging future ng mundo nila.
Iniisip ko lang, mabilis namang matapos ang mga buhay nilang mga abaturage. Bakit kailangan pa niyang mag-alala para sa future? Naglaho na siya sa mga panahong cyborg at android na ang lahat.
But she cares for the next generation. At iyon ang nakakabuwisit. Dahil pati ako, ginugulo niya.
I really don’t care kung ano ang kalalabasan ng lahat. Pumayag na lang akong gawin na ang misyon para tantanan na niya ako. Hindi ako makapamuhay nang tahimik nang dahil sa kanya. Buwisit!
Ayoko naman talagang buuin ang grupong ito. Pero mula nang maging estudyante ko si Chloris, nagulo na ang original plan ko.
Gusto ko lang namang mamuhay na parang ordinaryong abaturage. Kung bakit ba naman kasi, pilit akong dinadala ng power weapon ko sa babaeng ito? Wala naman siyang marka ng apat na elemento. Ibig sabihin, wala siyang kinalaman sa akin o sa mundo ko.
Ah! Speaking of Hino! Kung anuman ang nangyari sa kanya, nakagawa pa din siya ng paraan para maipaalala sa akin ang totoong dahilan ng pagtawid ko sa mundo ng mga abaturage. At ginagamit niya ang mga panaginip ni Chloris para maya’t-maya akong bulabugin. Dahil sige sa pagpapakita sa panaginip ni Chloris si Hino, ako tuloy ang ginulo ni Chloris. Nakikita daw niya ako sa panaginip niya. At may misyon daw ako sa mundo nila kaya ako nandito. Pilit kong itinatanggi iyon.
Ang problema, nang mag-teleport ako, nahuli niya ako. At nang minsang pinatigil ko ang oras, hindi siya naapektuhan. Nahuli niya din ako sa mga sandaling iyon. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi siya naapektuhan ng time stopper spell ko. Unless she had a witch blood. Pero hindi ko iyon nararamdaman sa kanya.
At ang magaling na babae. Hindi na nga ako iginalang, binlackmail pa ako na ilalabas ang sekreto ko kung hindi ko pa gagawin ang misyon ko. Para daw tantanan na siya nito. Ginawa ko na ang lahat para i-compell siya at alisin sa alaala ang mga nakita, pero malakas ang will power ni Chloris. Hindi ko kaya. Hindi ko maintindihan kung paanong ang maliit na babae ay nagpo-possess ng ganoon kalakas na kakayahan. Hindi ko din mapasok ang isip niya katulad sa mga normal na abaturage. Nalalabanan niya ang mga spells and chants ko, effortlessly. O baka nga hindi siya aware na nalalabanan niya ako.
Hay, buwisit!
Kung may paraan lang para makausap ko si Hino na hindi ako mate-trace ni Aunt Petunia, sinita ko na sana siya. Hindi matuloy-tuloy ang pagbabagong buhay ko!
“At ano? Papayagan mo na lang na ganoon? Pati si Serene, ayaw mo din magbigay ng effort para makuha siya.”
Napapalatak ako. Ibang usapan na si Serene. Madilim ang aura niya pero nasa kanya ang marka ng fire element. Hindi ko masabi kung kakampi siya o kaaway. Ayaw niyang sumama sa amin dahil wala naman daw siyang mapapala. Hindi rin daw niya kami kailangan. Naka-survive daw siya sa buhay na walang kinakapitan. At makaka-survive siya sa mga susunod pang taon na walang sinasandalan. I admire her courage and strength. She wasn’t easily been swayed. Hindi katulad nina Ceilah, na may embossed mark ng water element. At kay Soleih na may embossed mark naman ng earth element. Madaling kausap ang dalawa. Bukod sa nang mahanap namin sila, mabilis lang ang pagtanggap nila sa mga sariling kapangyarihan. Paano, pareho silang anak ng mga witches at wizards na umalis ng Kimbura at nanirahan sa outer world. Madaling naipaliwanag ng mga magulang nila ang kani-kanilang katauhan. At ang kanilang tadhana na tulungan ako.
Maganda din ang buhay ng dalawa at halos wala nang nagpapa-excite sa buhay ng mga ito kaya siguro madaling sumama sa amin. Naghahanap ng excitement sa madaling salita. Kung may iba pa silang motibo, wala na akong pakialam. Ang mahalaga ay kasapi namin sila. Hindi sila naging mahirap na papasukin sa time plane na hideout namin.
“I told you, nagawa ko na ang makakaya ko para makumbinsi sila. Lagi ko nga silang pinapanood gamit ang clone eyes ko. Pero halata namang wala silang balak sumama sa atin. Kaya tigilan na natin ito.” Asar na nagteleport ako papuntang front porch ng chateâu deretso sa may pool area at sumalampak sa divan sa may gilid ng mansion house na kuta namin.
Ang clone eyes na sinasabi ko ay `yong mga mata ko sa kalangitan na ang mga Kimburian lang ang nakakakita. Parang CCTV camera. Madami na akong na-kumpirma na mga Kimburian dahil tinititigan nila ang clone eyes ko. Pero ilan lang sa kanila ang hinahanap ko. Apat lang ang mga babaeng may mga naka-embossed na marka. Kaya lang, bakit lahat sila left eye lang ang nakikita? Dapat ay parehong mga mata ko ang makita nila kung sila talaga ang mga pre-destined priestess. Pero siguro, ibig sabihin, hindi pa totally enhanced ang mga kapangyarihan nila.
Ang instructions ni Hino kay Chloris, hanapin ang apat na witch priestess na mayroong mga kapangyarihan at weapons na kailangan para sa ritwal. Lahat sila ay naka-embossed ang mga marka. Pero wala ang weapon na dapat mayroon ang bawat isa. It’s either may nakikihati sa kapangyarihan nila o kailangan nilang palabasin iyon at baka nagtatago lang sa kanilang mga sari-sarili. Kaya nga kahit ayoko, kontodo, train ako kina Soleih at Ceilah para i-exercise ang mga powers nila.
Dapat nang mag-form into real thing ang mga qi na lumalabas sa birthmark galing sa katawan nila. Things that they can retract anytime they wanted to. Katulad ng power weapon ko. Kung hindi pa nila iyon magagawa, hindi pa din sila handa para sa ritwal na kailangan naming gawin para malabanan si Aunt Petunia.
Hayst! Ayoko munang isipin ang tungkol doon. Gusto ko ng katahimikan kaya isinalpak ko ang headset ko at pumikit. Masarap panoodin ang view dito. May mangilan-ngilan pang puno na inilagay ng android land escaper sa lugar. Pero alam kong tatalakan ako ni Chloris kapag nakita niyang ine-enjoy ko lang ang kakaunti nang natural wealth na natitira sa mundo nila. Napakamahal nang halaga ng bawat puno at halaman sa panahong ito. Paano, bihirang-bihira na ang nagtatanim dahil iniaasa sa modern technology ang lahat ng gawain. Soon, bakal na lang din ang kakainin nila.
Naramdaman kong may lumabas sa front porch. Dumeretso din sa pool area. At hindi ko din napigilan maamoy ang mabangong halimuyak na iyon. Iisa lang ang kilala kong may ganoon kabangong halimuyak. Si Chloris. Napakabango ng amoy ng katawan niya. Kahit malayo pa lang, basta naamoy ko iyon, alam kong siya na ang paparating.
At dahil paparating siya, malamang, masira ang nauna kong balak. Magte-teleport na lang—
“Bakit ka ba ganyan, Elwood?!” kasabay ng pagbubunganga ni Chloris sa akin, ang paghablot niya sa headset ko.
Asar!!!
Nakakaasar talaga ang babaeng ito. Papatulan ko na siya kung hindi lang siya babae, eh. At kung hindi lang siya… maganda.
Biglang nag-flash sa isip ko ang napakadaming pagkakataon na bigla akong napapalingon sa kanya dahil sa totoo lang, maganda si Chloris. At…
Argh! Ano ba’ng iniisip ko?
First-name basis lang kami ni Chloris. Hindi siya tumatawag ng Sir o Mr. sa akin, unless nasa loob kami ng school at may mga nakakakitang estudyante. Naniniwala raw siyang halos magkaedad kami. Na medyo totoo naman. Twenty-one years old lang siya. Twenty-four na ako.
“Ano na naman ba, Chloris? Gusto kong magpahinga.”
Hinihila ko sa kanya ang headset ko pero lalo niyang inilayo. Itinago pa sa likod. Asar na napabuntong-hininga ako. Sa totoo lang, wala nang ibang ginawa ni Chloris kundi pag-initin ang ulo ko. Puwede ko naman siyang gantihan. Gamitan ng spell para maging palaka. Pero kasi, malamang sa malamang, kahit gawin ko siyang palaka, magiging maganda pa rin siya sa mga mata ko.
Buwisit!
Hindi. Hindi pala iyon ang rason. Hindi lang talaga ako pumapatol sa babae. O hindi ko lang talaga kayang gawan ng masama ang tulad ni Chloris. Ang tulad niya na… kahit anong kasamaan ang makita sa mundo niya, gusto pa ring gumawa ng paraan para mailigtas ang lahi nito.
Hindi ko siya gets sa parteng iyon. Dapat hayaan na lang niyang mamatay ang masasamang nilalang. Kung mayro’n ako ng black book ni Light katulad sa Death Note, pinagsusulat ko na ang lahat ng pangalan ng mga kriminal sa mundo ng mga abaturage.
Ah… Death Note. Ang laking impact sa akin ng anime na iyon. Kasalanan ni Chloris. Naimpluwensiyahan niya ako ng kaadikan niya sa anime. Inakala pa noong una na cosplayer ako. Pakialam ko naman sa mga event-event nila?
Pero sa paglalagalag ko nga sa mundong ito, at sa tulong niya, marami na akong natutunan.
“Bakit ganyan ka?” mahinang sabi ni Chloris.
Natigilan ako. Bigla akong napatitig sa kanya. Sa mga mata niya. `Yong mga mata niya. Sobrang lungkot. Sobrang disappointed. At hindi ko gusto ang epekto ng mga matang iyon sa akin. Parang may tinutusok sa loob ko. Suddenly, gusto kong magpaliwanag. Pero ano ba ang ipapaliwanag ko?
“Bakit wala kang pakialam? Bakit napakamakasarili mo, Elwood? Ganyan ka ba talaga? Gusto kong ma-disappoint sa `yo. But something was pulling me back. I know, at the back of my mind, hindi ka naman talaga tipo ng nilalang na walang pakialam. Na makasarili. Na masama. I know you somehow care. It was just… it was just…” Nakita ko kung paano siya sumagap ng malalim na hininga kasabay ng pagtulo ng nag-iisang luha mula sa kanyang mga mata. Naluha na siya sa inis sa akin.
Something pricked off my chest. Hindi ko alam kung ang mga luha ba niya iyon o ang mga salita niya. Pero isa lang ang sigurado ko, na-disturb ako ng pagtatalo ng paniniwala niya patungkol sa akin. I don’t want her to get disappointed on me. Pero hindi ko kayang i-express ang sarili ko. I refrain myself to comprehend. Ayoko nang magpaliwanag. Dahil para sa akin, wala namang makakaintindi ng pinagdaanan ko, unless, pinagdaanan din nila ang pinagdaanan ko. Ang mga tulad ni Chloris ang laging naniniwala na balanse ang mundo. Kung balanse ang mundo, bakit ako nandito? Bakit ako pinarusahan sa hindi ko naman kasalanan? Bakit ako pinagbintangan? At bakit… bakit nananatiling buhay at nananalo ang mga masasamang katulad ni Aunt Petunia? Bakit ang masasama ang laging pinaniniwalaan?
“It was just… you’re keeping yourself to show who were the real you.”
Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan sa huling sinabi ni Chloris. Pakiramdam ko, may kakayahan siyang basahin ako. Ang laman ng isip at ng damdamin ko. At ayoko sa ganoong pakiramdam. I felt so exposed. At sa loob ng halos dalawang taon, sinanay ko ang sarili na nagtatago. Takot akong magpakita. Takot akong makulong. Pero takot din akong lumaya.
Ahhh! Ang gulo!
At nang mapatitig uli ako sa mga mata ni Chloris, lalo akong naguluhan sa sarili. Dahil ang dami-daming emosyon sa mga mata niya. At lahat ng mga iyon, may epekto sa akin. Lalo akong nadi-distract. Hindi ko kayang tumagal sa condemning na titig niya sa akin. I felt guilty. And guilt has been long deleted in my system. Ayoko na itong maramdaman!
Tumayo ako at walang sabi-sabing nag-teleport papunta sa port area. Naririnig ko ang pagtawag ni Chloris sa akin pero nagmatigas ako. Tuloy-tuloy ako sa pag-alis. Hindi ko kaya. Mababaliw ako sa epekto ni Chloris sa akin!