LUMABAS ulit ako para siguraduhing tama ang nakikita ko. Bakit sa labas, mukhang malawak na green land ang paligid at kitang kita ang chateâu at French tower? Bakit pagpasok naman sa pintuan, parang lobby ng isang napakalaking hotel?
May mga nagkalat na unanong androids na nag-greet sa amin pagkapasok palang tapos ay tumuloy na ulit sa kung saang destinations ng mga ito. Parang sa pandinig ko, pinag-uusapan ang tungkol sa electrical engineering or something related to it na nagkaroon ng problema.
“Halika na Anika. Hindi mo talaga makikita ang establishment na ito kasi, invisible ito sa time plane na ito. This is our “port area”. Dito ang to and fro destination natin. From entering the hide out at kahit sa paglabas. Sa pagpasok natin, madaming pinto talaga tayong dadaanan. Hindi lang ang secret door na ginawa kong portal from present time. Pero sa pagbalik natin sa present, isang pinto lang dito sa port area ang dadaanan.” Parang paliwanag ni Sir sa akin. Siguro dahil obvious na naguguluhan ako.
And O.M.G. As in capital OMG talaga! Paano nagawa ito ni Sir? Ugh? Bakita ko nagtatakang? Maraming mga mahihirap ipaliwanag na kayang gawin ni Sir Elwood.
May lumapit sa amin na dalawang unanong android na may bitbit na tray ng drinks in assorted flavors na hindi na pinansin ni Sir Elwood. Nag-thank you na din ako sa mga iyon kasabay ng polite na pagtanggi sa offered na drinks.
Ang receptionist naman sa main entrance, nakangiti pero fix na ang expression. Kahit mura-murahin at alipustahin, nakangiti pa din. Pansin ko iyon dahil pinagti-trip-an ni Soleih ang kawawang cyborg.
“Soleih. Dumeretso ka na sa training ground.” Narinig kong sita ni Sir Elwood sa makulit na babae. Nahimas pa nito ang sintido.
Siguro, isa si Soleih sa sakit ng ulo ni Sir dahil sa kakulitan ng babae. But for me, she is cute. Magkakasundo kami. As well as Ceilah na kabaligtaran ni Soleih. Masyado din kasing seryoso sa buhay si Ceilah. Parang si Sir Elwood.
Nakasimangot na nilubayan na nga si Soleih ang receptionist. “Babalikan kita mamaya. Magtutuos tayo.” Sabi nito sa cyborg na magpahanggang ngayon, nakangiti pa din.
“Have a nice stay, Madam Soleih.” Computer generated na sagot ng cyborg receptionist.
Lumapit kami doon ni Sir.
“Good. Morning, Sir. Good. Morning, Madam. Welcome.” Ayon na naman ang tunog ng robotic voice.
Hindi ko alam kung hahanga ba ako o maaawa sa mga nilalang na nasa loob ng modernized na panahong ito. Paano sila nabubuhay na walang emosyon? Paano sila nakaka-survive na wala noon? Paano sila nagmu-multiply? Hindi ko kayang isipin na may ganitong uri ng community.
Sabi kasi ni Sir, habang naglalakad kami papunta sa main entrance ng malawak na lobby na ito, ito daw ang magiging future ng mundo. Isa daw itong time plane. Panahon at lugar na walang bukas at kahapon. Puro present. That means, hindi natatapos ang araw. Dahil kinabukasan, mauulit lang ang scenario na nangyari nang araw na ito. January 15, 2706. At hindi ko mapaniwalaan na buhay pa ako sa panahong ito, unless totoo ang reincarnation at na-reincarnate ako.
And wait, hindi ba parang nakakaumay dito sa loob ng time plane? Paulit-ulit ang scenario eh.
Bukod doon, kung ganito ang magiging uri ng community namin sa future na puro robot, gusto ko yatang matakot. Oo at maganda, sosyal. Pero nakakatakot. Gusto ko na ding makisimpatya kay Ceilah sa disappointed niyang pakiramdam. Hindi ko yata kayang tanggapin na mawawalan ng kakayahang makaramdam ang mga tao. Na mabubuhay lang sila for the sake na kailangan nilang mabuhay.
“Open the door way to House Of Regrets.” utos ni Sir Elwood sa cyborg receptionist.
“Right. Away, Sir.” Sagot nito at nag-wave sa tapat ng monitor sa harapan din nito.
Sa isang sandali, napa-wow na naman ako dahil nag-open ulit ang isang glass door sa isang bahagi na hindi ko alam na panel wall din. Hindi naman kasi visible ang mga panel walls. Malalaman mo nalang na panel wall iyon kapag nalapitan mo na at nabunggo ka.
Naglakad na papunta doon si Sir Elwood. Sumunod naman ako. Pagkapasok namin sa glass door, nawala na ulit iyon.
Ngayon, nakaharap na kami sa parang French tower na nakita ko kanina mula sa landing ng napakalawak na garahe ni Sir Elwood.
“This is the House Of Regrets.” Sabi ni Sir sa akin na sa tower naman nakatingin. Nang bumaling siya sa akin, seryoso na naman ang mukha. Parang gusto kong mag-alala. Para saan ba ang tower na ito at bakit niya ako dinala dito?
“Kailangan mong malagpasan ang House Of Regrets para makaderetso ka na sa training house natin.”
Training house?
Napalingon ako kay Sir Elwood at pilit na inintindi ang mga ekspresyon na nakikita ko sa mukha niya. Para kasing may kaba at tension na dumadaloy sa kabuuan ni Sir.
“Para saan po ang training house, Sir?” naitanong ko. “At bakit po kailangan kong dumaan sa House Of Regrets?”
Ngumiti si Sir. Isang tipid na ngiti. Katulad nang kung paano ang ekspresyon niya sa klase.
“Lahat ng witch priestess, dumadaan sa House Of Regrets. To cleans and purify them. Para alisin ang kahit kakatiting na doubts na mayroon para sumama sa grupo. You have to accept your destiny, whole heartedly. You have to clear your doubts and fear. So, you can continue to train your power. Para mapalabas mo na ang kapangyarihan mo at weapon mo. Like this…”
May hinugot si Sir mula sa bulsa niya. Isang maliit na jolen. Nakalagay ‘yon sa palad niya nang bigla siyang magsalita ng isa word lang. Pero feeling ko, isa ‘yong spell.
“Adhaereo!”
Kasabay ng pagsambit niya ng salitang iyon, biglang nag-transform ang stick into a cane. Mas mataas pa sa kanya ang cane at may orb iyon sa pinakatuktok. Emerald green ang kulay ng orb. Pero palagay ko, glass orb talaga iyon at `yong parang smoke na kulay green na walang tigil sa pag-rotate sa loob ang nagbibigay kulay sa orb.
“This is my sphere of powers. Una kong nae-enhance at napalabas ang kapangyarihan ko noong eight years old ako. Sa tulong ng trainings at paghihintay. Pero hindi pa lahat agad-agad na lumabas. Madami pa din akong pinagdaanan para makapagpalakas pa ng kapangyarihan.”
Humarap si Sir Elwood sa akin hawak ang cane niya. Ngumiti siya pero ang tipid. Parang hindi nga totoong ngiti. His eyes were full of anger and pain. He was angry and at the same time, sad and wounded. Hindi ko alam kung paano ko naiisip iyon. But the way he look at me, gusto kong maawa sa kanya. Parang ang bigat-bigat ng nararamdaman niya. At idinadaan niya ang lahat ng iyon sa isang simpleng ngiti.
What had he been going through para maging biglang ganito ka-melancholic ang feels habang nakatingin siya sa akin? Parang sinasabi niya na tulungan ko siya. Na kailangan ko siyang tulungan para mabawasan ang dinadala niya sa dibdib.
“Sir…”
Hindi ko napigilan ang sarili ko. Bigla na lang umangat ang kamay ko sa balikat niya at tinapik iyon. Mataas si Sir Elwood. Hanggang baba niya lang ako. Pero nang mga sandaling iyon, dinala ng hangin ang tunog ng resentment at grudge ni Sir. Ang mga tunog ng hikbi at iyak niya. Naririnig kong umiiyak siya. Sumisigaw sa galit. Ibinubulong ng hangin ang malakas na taghoy at sigaw ni Sir Elwood. Naririnig ko ang tunog ng paglulupasay niya sa lupa pero heto naman siya at nakatayo lang sa harapan ko. Nakangiti pa. Hindi mo kakikitaan ng paghihirap.
Parang bigla na lang, dinadala ng hangin papunta sa akin ang bigat na mayroon si Sir sa loob ng kanyang dibdib. It was as if I am wearing his shoes right now.
Bakit ko ba nararamdaman at naririnig ang mga iyon? Ano ang nangyayari sa akin?
“It’s okay, Sir. Everything will be fine.” Nasambit ko sa kanya. Gusto kong maluha. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko nang marinig ko ang pag-iyak. It was the wind that brings the sound of his sorrow. Isa ba iyon sa kakayahan ko?
“Ha?” Parang nagtatakang tiningnan ako ni Sir Elwood. Kumunot pa ang noo niya.
“I am hearing things, Sir Elwood. I don’t know why and how. Pero nararamdaman ko ang malamig na hangin na bumubulong sa akin. Kahit wala namang malakas na hangin na umiikot sa paligid.”
Ngumiti naman si Sir. Parang nabuhayan ang mga mata niya. “That means, nakikipag-communicate na sa `yo ang hangin. Sumasanib na sa `yo ang air element, ang kapangyarihan mo. Nati-trigger na kasing magparamdam at lumabas ang kapangyarihan mo, Anika. That also means, danger. Kaya kailangan mong maisalang sa training. Kailangan mo ng proper training para protektahan ang sarili mo. Dahil hindi kami palaging nasa tabi mo.”
Parang kinabahan ako doon. Danger.
Oo, alam ko naman na lahat ng kapangyarihan palaging may kasamang danger. Lalo pa nga at hindi ko naman alam paano gamitin iyon. Kaya palagay ko, tama naman si Sir, kailangan ko ng training at kaalaman patungkol sa kakayahan ko.
Tinapik niya ako sa balikat. “It’s about time you enter the House of Regrets.”
Napabuntong-hininga ako. Kinakabahan ako. Ano kaya ang mayroon sa House Of Regrets. Ano ang dapat kong asahan? At ano ang mga dapat kong gawin?
“Sir?” Gusto kong itanong ang kanina pa gumugulo sa isip ko.
“You have a witch blood, therefore, anak ka ng witch and wizards. Kung nasaan ang mga magulang mo at kung bakit ka nasa custody poster parents mo ngayon, hindi ko masasagot iyon.” Bigla ay sabi niya.
Napasinghap naman ako. Hindi pa ako nakapagtatanong, sumagot na agad siya. Psychic ba siya or something?
“Bakit alam na alam mo kaagad ang itatanong ko, Sir? Don’t tell me nababasa mo ang iniisip ko?” Hindi ko napigilang sabihin. Medyo naiinis ako sa idea. That means wala na akong privacy kung nababasa niya ang iniisip ko.
And at the same time, na-disappoint ako nang mag-sink in na nang husto sa isip ko ang mga sinabi niya. Hindi niya alam ang sagot sa tanong ko. Siya lang ang inaasahan kong makakasagot noon. Bakit alam niya kung anong uri ako pero hindi niya alam kung ano ang susi sa pagkatao ko?
Bigla naman siyang tumawa. “With ordinary humans, yes. I can hear their voices if I opened the communication with them. Pero sa mga katulad niyong mga priestess, sarado ang telephatic ability ko. Hindi ko kayo maririnig kahit anong gawin ko.”
Bigla akong nakahinga ng maluwag. Akala ko naman mako-compromise na ang privacy ko sa kanya.
“Nahuhulaan ko lang ang gusto mong sabihin based on your facial reactions. Besides, after telling you na isa kang witch priestess, bigla kang nagkaroon ng doubt sa pagkatao mo. And it can easily be read upon you, lalo na at may paniniwala ka na isa ka lang normal na tao. That means, mga normal na tao lang ang mga magulang mo. Unlike Soleih’s and Ceilah’s na mga bata palang, mulat na sa katotohanan ng uri nila. With your birthmark and upon seeing my clone eyes from the clouds, I knew it then. You are a Kimburian. You are a witch, too. Na-confirm na ikaw ang isa pa sa hinahanap namin dahil napaso ka sa pagkakahawak ni Chloris. Hindi man ganoon ang effect kina Soleih at Ceilah ni Chloris dahil walang refusal na nangyari, still may mga embossed birthmark sila. Isa iyon sa mga underlying.” mahaba pang dagdag niya.
“If so, then, bakit hindi niyo ini-pursue na makuha ako kaagad? Na ma-encourage na pumasok dito?”
Mahabang katahimikan ang gumitna sa amin. Pero isang buntong-hininga ang pumutol noon. Saka humarap sa mataas na tore na tinatawag niyang House of Regrets.
“Because… Gusto kong sa `yo mismo manggaling ang kagustuhang pumasok. It will electrify you kung pipilitin kita. Hindi ka makakapasok kung pipilitin kita. At lalong hindi ko naman gustong makuryente ka.”
Parang na-touch naman ako sa sinabi ni Sir. Kahit paano naman pala, may pakialam siya sa safety ng mga priestess. And because of that, nakuha niya ang respeto ko. That only means na hindi niya ako dadalhin sa kapahamakan. Hindi niya ako dadalhin sa lugar na masasaktan at mapapahamak ako kahit pa nga ang dahilan ng lahat ng ito ay dahil may kailangan sila sa akin. Mali si Dach nang sabihin niya na mapanganib si Sir. Elwood has a heart and concern about the safety of others.
Ngumiti ako sa sarili ko. Saka ko siya hinarap. Nang humarap din si Sir sa akin, tinanguan ko siya. “I am ready na, Sir. Gusto ko nang dumaan sa cleansing and purification.”
Isang tango at tapik sa balikat ang isinagot niya. “Good luck. Hihintayin ka naming lumabas sa exit door ng House of Regrets.” Itinuro niya ang katabing pinto ng entrance door. “Bago ka pumasok, isipin mong mabuti kung ano ang matinding dahilan kung bakit ka sasama sa grupo. Kung bakit gusto mong tumulong sa grupo. Kung ano talaga ang aim mo sa pagsama sa amin. Just promise me, kahit ano’ng mangyari sa loob, hindi ka bibitaw sa goal at aim mo.”
Bigla tuloy akong napaisip. Sobrang cluttered na kasi sa isip ko ang lahat-lahat. Hindi ko na alam kung ano ba talaga ang dahilan ng pagsama ko kina Sir Elwood. Basta ang alam ko, naniniwala ako na siya ang nakakaalam ng sekreto ng pagkatao ko. Pero pagkatapos ng sinabi niya kanina na hindi niya alam kung sino ang mga magulang ko, ano pa ang magiging dahilan ng pagsama ko sa grupo?
“Honestly, Sir. I don’t know now what my real purpose in entering the secret door was.” Medyo nahiya akong aminin. Pero mas mabuting malaman na niya.
Tinapik naman niya ako sa balikat saka ginulo ang buhok ko. “Deep inside your heart, malalaman mo. Hindi ka makakapasok sa loob ng secret door papunta sa time plane na ito kung wala kang napakatinding kagustuhan at dahilan para pumasok.”
Dahil sa pursuation niya, bigla kong naramdaman na naniniwala ako sa kanya. Na may tiwala ako sa mga salita niya. Hindi talaga niya ako ipapahamak. Ngumiti ako kay Sir. Saka sinimulan nang lumapit sa entrance ng House of Regrets. Kinakabahan ako na hindi ko maintindihan. Para bang sa bawat footsteps ko, nagtatalo ang loob ko kung tutuloy o hindi. Bawat footsteps ko, pumapasok sa isip ko ang lahat ng alalahanin. Mula sa mga bagong nalaamn, sa mga bagong karanasan, sa mga bagong kakilala, hanggang sa paghahanap ko ng katotohanan. Bigla ring pumasok sa isip ko si Dach.
“Huwag ka nang maglalapit sa kanya, Anika. He’s a dangerous man.”
“Paano kung engkanto siya at ipahamak ka lang?”
“No, please, Anika. Huwag kang sasama kay Sir Elwood. Hindi natin alam kung saan ka niya dadalhin sa pag-recruit sa `yo.”
Paulit-ulit sa isip ko ang mga salitang iyon ni Dach. Gusto ko na ayaw ko siyang pakinggan. But I am craving for the truth. Gusto kong malaman kung saan ako dadalhin ng lahat ng ito. Paano kung sa dulo ng lahat ng ito, makikita at mahahanap ko na pala ang sagot sa mga katanungan ko?
Bago ko tuluyang marating ang entrance door, nilingon ko uli si Sir. Tumango siya sa akin at nag-thumbs-up. Ngumiti at tumango din ako bilang sagot. Sa pagtapat ko sa entrance door, kusa itong bumukas. Lumabas ang napakalakas na hangin. At sa isang iglap, bigla akong nahigop ng napakalakas na puwersa papasok sa loob.