KIMBURA Chapter 20

Anika

“Huh!”

Kinakabahan ako. Puro kadiliman at walang ingay akong maririnig. Para akong nasa lugar ng napakadilim na kawalan. Walang kahit ano sa loob matapos kong makapasok sa entrance door ng House Of Regrets. Wala na din ang pinto na dinaanan ko kahit ang exit door na sinabi ni Sir na dadaanan ko palabas.

And now I understand, hindi ito literal na bahay at figuratively lang na tinawag na ‘house’. Isa man itong napakalaking French tower kung titingnan sa labas pero sa loob ay walang hanggang kadiliman. Lumulutang lang ako at kahit anong lakad ko, parang hindi naman ako umaalis sa kinatatayuan ko.

“Anika…” boses ni Papa at Mama.

Tinatawag nila ako. Pinilit kong humakbang ulit para hanapin ang pinagmumulan ng boses.

“Anika…”

“Anika…”

“Anika…”

Ang mga boses naman nina Dach, Sir Elwood at… ang hindi ko kilalang boses.

Nagsimulang lumabas ng paisa-isa ang apat na pintuan. Mula doon, naririnig ko ang mga boses nila. Sa bawat pintuan, naririnig kong tinatawag nila ako. Madilim pa din ang paligid pero nakikita ko ang mga nakalutang na pintuan. At para akong mababaliw habang naririnig ko ang sabay-sabay na pagtawag nila sa akin. Anong pintuan ang bubuksan ko? Kaninong boses ang susundan ko? Nalilito ako.

Hindi ko alam kung sino ang pipiliin ko. Lahat sila, gusto kong puntahan, gusto kong lapitan, gusto kong piliin. Pero sino ang uunahin ko? Sabay-sabay na nagbukas ang mga pinto. At kahit hindi ako gumagalaw para lapitan ang maski isa sa mga iyon, ang mga bukas na pintuan ang lumapit at pumaligid sa akin. Pakiramdam ko, para akong nasa extra dimensional world. Ako ang nilalapitan ng mga bagay na alam kong walang kakayahang gumalaw pero dito ay nakagagalaw naman.

At sa bawat pintuan, may mga pinakikitang eksena sa akin. Hindi ko na mahanap ang takot at curiousity sa loob ko. Ang meron lang ako, confusion at realization.

May na-realize kasi ako habang pinapanood ang mga eksena sa bawat pintuan. Ang lahat ng magiging laman ng House of Regrets ay emosyon ko at mga bagay na nagpapagulo sa akin. Ang mga eksena ay gawa at nabuo dahil sa mga nararamdaman kong confusion at curiosity.

At anong eksena ang papasukin ko? Matagal akong nakatitig sa mga pintuan at parang nanonood ng TV sa iba’t-ibang channels.

Sa isang pintuan, ang masayang pamilya namin nina Papa at Mama. Sa isa pa, ang walang katapusang asaran namin ni Dach. Sa pangatlo, ang iilang eksena namin ni Sir Elwood at ang nakakatakot na karanasan ko sa field noong may yellow tornado na pumalibot sa akin. At ang huli at eksenang hindi pamilyar sa akin, ang labanan ng mga nilalang na hindi ko kilala. Doon ako napatutok.

May babaeng hinahabol ng dark shadow at may kargang sanggol. Ang babaeng naka-lace Arabian princess costume at may kung anong bagay na isinusuot sa damit ng baby na karga niya. May ibinubulong itong kung anong mga salita at sa isang sandali, umihip ng napakalakas ang hangin. Ibinaba ng babae sa ere ang baby na para bang may kung anong lalagyan itong pinaglagyan sa baby sa mismong ere. Hindi din nahulog ang baby. Lumutang lang iyon na para ngang may lalagyan na kinahihigaan. Isang beses pang bumigkas ng mga salitang hindi ko maintindihan ang babae. Ang mahinang kulay yellow na liwanag na nakabalot sa baby, tumingkad ang liwanag at kumapal ang pagkakabalot sa baby. Saka ‘yon inilipad ng hangin papunta sa kung saan. Ang babae naman, hinarap na ang mga dark shadows at nakipaglaban. At katulad ng nangyari sa akin, sunod-sunod din ang pagtarak ng mga daggers sa katawan niya. Ang iba ay naiiwasan pero mas madami ang tumatama sa iba’t-ibang bahagi ng katawan nito.

Hilakbot na hilakbot ako. At hindi ko maintindihan kung saan nanggaling ang pakiramdam na biglang dumaloy sa akin. Takot, sakit at galit. Hindi ko na din namalayan na umiiyak na ako. Nadakot ko ng mahigpit ang dibdib ko. Bakit ang sakit-sakit ng pakiramdam na pinapanod ko ang babae na pilit lumalaban sa mga dark shadow? Bakit may pakiramdam ako na kilala ko siya? Siya ba ang totoo kong Mama? Ito ba ang nangyari sa nakaraan ko? Ipinapakita ba ng pintuan na ito ang nakaraan ko? Kung ganoon, ito ang pintuan na dapat kong piliin.

Hahakbang na sana ako palapit sa huling pintuan nang marinig ko si Sir Elwood na tinatawag ako.

“Anika… help us, Anika.” Narinig ko ang nakikiusap na boses ni Sir Elwood.

At sinundan iyon ng boses ng iba pa. Sina Chloris, Soleih, Ceilah at… si Dach? Oo, ang boses ni Dach, naririnig ko din. Sa paningin ko, nagsanib ang dalawang pintuan. Ang pintuan kung saan nanggagaling ang boses ni Dach at mga eksena ng pinagsamahan namin, sumanib sa pintuan kung nasaan ang scene na kasama si Sir Elwood. Mula doon, ipinapakita ang pagpasok namin sa loob ng secret door. Pati iilang pagkakataon na nagkaharap kami ni Chloris, nandoon na din. Ang pag-uusap namin ni Serene at ang eksena na sabay naming nakita ni Dach ang clone eyes ni Sir Elwood sa kalangitan.

Si Dach…

Ngayon ko lang na-realize. Nakikita ni Dach ang mga mata ni Sir, ibigsabihin ba noon na Kimburian din si Dach? Pero bakit wala siyang sinasabi sa akin? Ni wala siyang nabanggit.

“Come with us, Anika.” Narinig kong tawag sa akin nina Sir Elwood.

Hahakbang na ako palapit doon nang may marinig akong halakhakan sa pintuan kung nasaan ang mga eksena kasama sina Mama at Papa. At ang malakas na tili at taghoy ng parang nasasaktan na babae.

Nahihirapan na naman akong mamili. Ngayon ko din totally naintindihan kung ano ang purpose ng House Of Regrets. It was like a place I should undergo some test. It is not only about cleansing my mind. It was also about choosing. What emotion is heavier? What door should I enter? What journey should I take? What is the most important thing for me?

Muli akong bumaling sa pintuan kung nasaan ang hindi pamilyar na eksena.

Kitang-kita ko kung paanong napagsamantalahan ng kung sinong mga nilalang ang babaeng naka-yellow lace Arabian pricess costume na ngayon ay punit na. Habang pinapanood ng isa pang babaeng, kulay itim at pula naman ang maluwag na kasuotan. Nakalutang lang ito sa ere. Nakakatakot ang paraan nito ng pagngisi habang pinapanood ang naunang babae na palagay ko, ang tunay kong ina. Pagkatapos ng walang katapusang kahalayan sa sugatang katawan niya, dark shadow naman ang lumapit dito. Pinanganga siya at sa palagay ko, katulad ng ginagawa sa akin ng mga dark shadow sa panaginip ko, hinigop nito ang kaluluwa ng kawawa kong ina. Isang nakakasindak na halakhak ang narinig ko habang parang sayang-saya ang isa pang babae. Parang mas lumakas ito. Bumabagsak naman sa lupa ang katawan ng Mama ko at unti-unting naging usok hanggang tuluyang naglaho.

“No!!!”

Isang nakakatulig na sigaw ang pinakawalan ko. Malakas ang pakiramdam ko na Mama ko ang babaeng naging usok. Siya ang Mama ko. At gusto ko siyang habulin. Gusto kong pumasok sa pinto na iyon. Humakbang ako palapit sa pintuan pero parang hindi naman ako makalapit. Tinakbo ko na ng mabilis ang papunta sa pintuan pero hindi ako makalapit. Palayo ng palayo ang pintuan at habang hinahabol ko iyon, pabigat ng pabigat ang loob ko. Pasakit na pasakit ang pakiramdam ko. Palakas ng palakas ang galit ko.

“Let go, Anika. Let go…”

Natigilan ako. Ayon na naman ang boses na hindi ko kilala. Boses ng babae na pinaniniwalaan kong posibleng ang totoo kong Mama.

“Let go the fear… the anger, baby. Don’t let the negative feelings consume you. Let the destiny happen. Hindi mo na mababago ang nangyari, pero ang mangyayari pa, ikaw na mismo ang gagawa. Ibigay mo ang lahat ng makakaya mo para sa misyon ninyo sa mundo natin. And from there you’ll find the peace you wanted. The reality you’re searching for.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.