KIMBURA Chapter 3

Elwood

PALINGON-LINGON ako sa paligid. Dito ko nakita na pumasok ang babaeng walang utak matapos ko siyang sundan.

Matapos kong makita ang liwanag, sa isang masikip na pamayanan ako lumabas. At nakakuha ng babaeng mahirap kausap. Ni wala akong nakuhang magandang impormasyon mula sa kanya kaya nag-teleport na lang ako sa pinakamalaking puno na mayroon ang lugar na iyon. Papagabi na kasi at gusto kong mamahinga.

Ah! Bago ko pala makalimutan. Ako si Elwood, dalawampo at apat na taon. Isang Kimburian o mamamayan ng Kimbura. At ang ika-sandaan at limampong prinsipe ng buong Wushimye, ang bansa sa North Kimbura.

Ang Kimbura ay ang inner world or astral world ng mahihinang mortal. In short, parang mirror world ng mga abaturage (tao). Nababalot nga lang kami ng kapangyarihan. Napakalaking mataas ang quality ng buhay namin kaysa mga tao. Napakalaking mataas din ng kakayahan naming mag-survive sa kahit saang athmosphere or other dimensionsal/other mirror world.

Nasa hollow ng Earth ang mundo namin at wala pang mortal na nakapasok na nagawa ding lumabas doon. May ilang mga mahihinang mortal na masyadong curious sa sekreto ng mundo at naligaw sa Kimbura. Hindi na sila pinaalis at ginawang alipin ng hari sa bansa na napasukan. Para iyon sa kaligtasan ng buong Kimbura—ang mundo ng mga wizards at witches. Hindi puwedeng ma-exposed sa mga mahihinang mortal ang aming mundo. Lalo pa at nababalot ito ng magic.

Ang mga Kimburian ay mababagal tumanda. Inaabot ng halos isang milenyo ang pagiging young adult ng isang Kimburian. At pagsapit palang ng ika-isang milenyong kaarawan nagsisimulang tumanda at humina ang katawan ng mga tulad namin, pwera lang kung gamitan ng spell bound weapon at itarak sa mismong puso. O di kaya ay malason ng dugo ng kapwa namin Kimburian na gumagamit ng black magic.

Mahirap din naman nga kaming magpadami kaya hindi kami nagiging over populated. Inaabot ng halos isang century bago magkaroon ng anak ang isang royal blood couple na Kimburian.

'Yon din ang dahilan kung bakit hindi nagmamadali ang mga maharlika o royal blood na magkaroon ng tagapagmana.

Ang Kimbura din ang kinalimutang mundo ng mga ordinaryong shaman na tumawid at naghahangad ng higit na kontrol at kapangyarihan mula sa mas mahihina kaysa sa kanila.

Tanging ang mga royal blood Kimburian lang na tulad ko ang may kakaibang kakayahan na wala sa mga low class Kimburian. Ang spells ng mga royal blood ay hindi kayang baliin ng mga iyon. Mas mahaba din ang buhay namin kaysa sa kanila. Kung kami ay nabubuhay ng mahigit isang milenyo, sa kanila ay pinakamatagal na ang five century. Pero kung gaano kahirap para sa mga royal blood na magkaroon ng anak, ganoon naman kadali para sa mga low class Kimburians.

Ang mga kapangyarihan namin ay nakabase sa kung anong uri ng elemento ang pinangangalagaan ng aming bansa. At nakamarka sa kahit saang bahagi ng katawan ng isang Kimburian ang alinman sa apat na elemento. Ibigsabihin, ang mga marka namin ay pagkakakilanlan ng lahi, bansang kinabibilangan at kung anong klaseng kapangyarihan mayroon kami. May mga pre-destined priestess ang bawat bansa sa Kimbura at ipinapanganak ang mga iyon kung may nagbabantang matinding panganib sa mga Kimburian. Ang identification ng mga pre-destined priestess ay ang mga marka din ng mga ito bilang mga Kimburian, pero naka-embossed sa balat. Hindi katulad ng sa amin na parang itinatak lamang.

Apat na elemento ng kalikasan mayroon ang buong Kimbura. Ang hangin, apoy, tubig at lupa. Bawat isa ay may unique na lakas at kapangyarihan na ibinibigay sa pinunong tagapangalaga. Ang Wushimye sa North Kimbura, ang elemento ng lupa ang pinangangalagaan. Ang kapangyarihang manggamot. And the vice versa. We can heal and we can harm. And of course, royal bloods from our country had the more advanced power from the lower class. Wushimyan royal bloods can balanced and out balanced the world. Can penetrate to other time and dimensions and create a portal to enter the world of time, forward. Siyempre ay gamit ang power weapon. Pero bukod sa natatanging kapangyarihan na ito ay marami pa din kaming abilidad at kakayahan na natututunan gamit ang training and spells na mayroon din sa iba pang uri ng witches and wizards.

As per the other elements, like air, they are the air shapers. Ang bansang Orlithio sa East Kimbura ang nangangalaga at nabiyayaan ng kapangyarihan ng air element. Orlithions can mold the air element into different thing, based on what they wanted. Kayang mag-rebuild ng shaped powers and energies ng mga bagay na nawasak. Orlithion royal bloods can also enter the world of time, backwards. Kung kami ay nakakasampa sa future plane, sila naman ay nakakapag-sneak sa past. Orlithions had the power of learning. Matatalino sila pero sobrang mababait. Sa sobrang kabaitan, nagiging tanga na.

The water element was inside the Caligo country in West Kimbura. Ang mga Caligonians ay may kakayahang mag-reproduce ng kahit ano. Kaya nilang padamihin ang kahit na anong bagay pero hindi ang buhay. They can also use water as their weapons if ever they didn’t brought their power weapons. Caligonian royal bloods had the special abilities pero hindi ko na nalaman dahil masyadong tight ang secrecy ng kapangyarihan nila. Isa pa, masyadong peace loving ang mga nakatira sa Caligo kaya hindi mariringgan na nagkaroon ng digmaan sa bansang ito. Hindi minsan man kinailangang gamitan ng special power ng mga royal blood ang mga maliliit na kaguluhan. Dahil kung may mga maliliit na away man ay mabilis ding naaayos ng namumuno.

The fire element. Sa Fotora mula sa South Kimbura. Sila naman itong may mga fire ball powers that can destroy enemies and even the world. Sa lahat ng element powers and abilities, ang mga Fotorians ang pinakamalalakas at makakapangyarihan. Fotorian royal bloods can destroy yet they can build again, in a more advance and powerful thing.

At dahil hindi maganda ang sitwasyon sa mundo namin sa ngayon kaya tumakas ako. Hindi pala. Itinaskas ako ng mabait na heneral na si Hino mula sa mundo namin na malapit nang mabura sa mapa ng buong Kimbura.

Una akong lumabas sa United Kingdom. English ang salita ng mga abaturage. Okay lang naman at madali para sa akin ang magpalit ng lenggwahe dahil virtual world nga ng mga abaturage ang Kimbura. Lahat ng bagay na nagagawa nila ay kaya din ng mga Kimburian na gawin, and more. Makita lang namin ay magagaya na namin. Matatahimik na sana ako dahil wala namang pakialaman ang mga abaturage sa buhay-buhay nila pero nagliwanag ang power weapon ko. Sa isang iglap ay nilamon ako ng liwanag. Nang mawala iyon ay nasa isang mahirap na siyudad na ako ng Pilipinas. At nakausap nga ang walang utak na babae.

Sa kauna-unahang pagkakataon, pagkatapos ng napakahabang panahon ng mga nakakatakot na bangungot, nakatulog ako ng payapa sa itaas ng malaking puno. May bonus pa kasi may bunga ang puno na siya kong ginawang dinner. Maski hindi maganda ang lasa, ayos na din.

Kung ano ang nangyari kay Hino sa mundo namin, hindi ko alam. Basta ang alam ko lang, nag-teleport kami papunta sa sekretong lagusan. Habang papunta kami doon, mabilis niyang isinalaysay sa akin ang lahat ng mga kailangan kong gawin na kahit ayokong intindihin, kusang tumatanim sa utak ko.

Isang rectangular na abyss na nakatago sa likod ng mataas na mga damo. Akala ko, patay na balon lang iyon pero nang itapat ni Hino ang purple crystal pendulum na hawak niya, nagliwanag ang abyss. Saka nagmamadali niya akong pinatatalon.

Nakita ko mula sa background niya na mas mabilis ang pagkalat ng pulang hamog kaya ganoon din ang pagmamadali ni Hino na tumawid ako. Naiintindihan ko naman siya. Ako lang ang inaasahan niyang huling pag-asa bago siya lamunin ng pulang hamog.

“Zeuk araberakoa, Regis Filius. Umu Rego. Guhaga con uburake, credo icyo nonaha, ariko me kubona icyo en de ignosco.”

(“Umaasa ako sa 'yo, mahal na prinsipe. Ang totoo naming hari. Napupuno ka man ng galit ngayon, pero umaasa pa din ako na matututunan mong kilalanin ang pagpapatawad.”)

Iyon ang huli niyang salita bago ako nakatawid. At aaminin ko, talagang nayanig no'n ang pagmamatigas ng puso ko. May mga taong katulad ni Hino na umaasa at naniniwala sa 'kin. Nahati tuloy ako bigla. Sa pagiging makasarili at sa paglambot sa mga katulad ni Hino. O kung nag-iisa man si Hino na naniniwala sa akin, hindi pa din tama na nadadamay siya sa kasamaan ni Aunt Petunia.

Pero ano ba? Hindi mapapagaling ng simpleng mga salita ang sugat na ginawa ng kahapon sa buong pagkatao ko. Ginamit ko lang si Hino para makaligtas ako mula sa kapahamakan ng mundo namin. Ngayong nakaligtas na ako, mamumuhay ako ng tahimik sa bagong mundong kinaroroonan ko. Hindi ako dapat na ma-guilty dahil sooner or later, mamamatay din naman si Hino.

Kakalimutan ko na sila at ang mga pangit na alaala. Kakalimutan ko na ang Kimbura, ang mundo ko.

Bahala na sila sa mga buhay nila.

“Teka, hijo. Bakit hindi ka naka-uniform. Saka nasaan ang ID mo? Estudyante ka ba o guest?” pigil sa akin ng lalaking may hawak na maliit at payat na itim na cane.

Kaibahan sa cane ko, mas maigsi ang sa kanya, mas mapayat at walang crystal. Ibig sabihin, isa lang itong ordinaryong wizard. Kung may kapangyarihan ang payat na cane niya, hindi nito matutumbasan ang sa 'kin.

“Papasukin mo ako.” utos ko sa kanya na nakapigil pa din ang cane sa dadaanan ko.

“'Yong ID mo muna o guest pass.” sagot naman nito.

Hindi ko siya maintindihan. Ano bang pinagsasasabi niya? May dumaan na lalaki na nagdiin ng rectangular at manipis na baraha sa umiilaw na makinarya. Hindi ko alam kung ano iyon pero nagbukas ang harang sa dadaanan niya. Iyon ba ang hinihingi ng lalaking ito?

“Bigyan mo ako ng ganoong uri ng baraha.” sabi ko sa lalaking pumipigil sa 'kin.

Bigla naman siyang tumawa na ikinalipad ng isa kong kilay. Anong nakakatawa?

“Aba, hijo, naka-drugs ka ba? Bawal dito 'yan. Ipapa-tokhang ka kapag magpilit kang manggulo dito. Sige na. Umalis ka na.” pilit niyang pagtataboy niya sa 'kin.

Lumalim ang kunot sa noo ko. Hindi ko kasi siya maintindihan.

“Saka magbihis ka na ha, matagal pa ang Halloween.” Tinapik-tapik niya ako sa balikat habang tumatawa. Saka ako pilit itinataboy palayo.

Nagpataboy na lang ako at tumalikod. Naisip ko, kailangan ko munang pag-aralan ang mga galaw ng mahihinang abaturage. Hindi ako makakahanap ng taga-silbi kapag ganitong hindi ko alam ang kahinaan nila. Hindi ko din kasi alam kung gagana ba sa kanila ang mga kapangyarihan ko. Lalo at wala ako sa sarili kong mundo.

Naghintay na lang ako sa labas. Siguro naman ay lalabas din ang babaeng walang utak. Doon ko na lang siya kakausapin.

Kung bakit ko siya sinundan, simple lang. Kaninang naglalakad ako para maghanap ng pagkain, nakita ko ulit siya at biglang umilaw ang power weapons ko. Palagay ko, may kaugnayan siya sa 'kin. O baka sinasabi ng orb na ang babaeng 'yon ang makakatulong sa 'kin. Wala kasi ang familiars ko at naiwan sa Kimbura kaya hindi ko din alam ang dahilan. Sa power weapons ko lang ako umaasa na ituturo ako sa maayos at ligtas na lugar. At ang babaeng iyon ang itinuturo ng power weapons ko. Kailangan ko siyang makausap.

Pero agad siyang may nakasabay na babae sa paglalakad, katulad ng suot niya, kaya nag-alangan akong lapitan siya. Siguro kapag mag-isa na lang siya, saka ko siya tatangayin.

Ganoon na naman ang suot ng babae. Maigsing stripped na palda at puting blouse na may gray vest. Tapos may ribbon sa may collar. Parang 'yong alaga kong batang sakraman (lobo) na si Juno. Isang familiar, o iyong nag-re-render ng certain service para sa mga witches and wizard. Kumbaga alagang taga-silbi. May nakasabit din sa leeg ni Juno pero maliit na bell ang inilagay ko sa kanya. Tanda iyon para alam kong nasa paligid na siya.

Bigla ko tuloy na-miss si Juno. Magmula nang umalis ako sa palasyo, hindi ko na din siya nakita. Ayoko din naman siyang maghirap katulad ko kaya ayos na din. Sa palasyo, madami siyang malalapang karne.

Nanood na naman ako sa paligid. Ang mga babae, pare-pareho ng suot. Ang mga lalaki, din, ganoon. Sila yata ang tinatawag na estudyante.

Pero mas nakatawag ng pansin ko ang lalaking niyuyukudan ng mga estudyante at tinatawag na Sir o Prof. Pumitik ako sa hangin kasabay ng pagbulong ng spell na ‘Subisto’ para alamin kong gagana ba ang pagpapatigil sa oras. At laking tuwa ko na huminto nga ang lahat.

Napasuntok ako sa hangin habang tumatawa.

Magaling!

Dapat talaga, kanina ko pa sinubukan ang lahat ng kakayahan at spell na alam ko sa mundong ito. Hindi na sana ako naglagay ng limitasyon sa sarili ko.

Mabilis kong nilapitan ang lalaki at sinilip ang baraha na nakasabit sa leeg niya. Iyon malamang ang hinihingi sa akin ng lalaki. Pinanood ko siyang mabuti. Kailangan kong gayahin ang lalaking ito para yuyukudan din ako ng mga estudyante.

Pero mukha siyang kasing edad ni Ama at Ina. Ganoon din ang iba pang may ganoong uri ng pananamit. Hindi kaya ang uri ng pananamit ng mga abaturage ay base sa edad?

Ah! Ang daming tanong! Maigi pa, basahin ko na lang ang lalaking ito habang nakahinto pa ang oras. Hinawakan ko ang noo niya para malaman ang lahat ng kakayahan ng lalaking ito.

Hindi ako nabigo. Nakuha ko ang lahat ng detalye patungkol sa kanya. Uri ng pamumuhay. Antas sa lipunan. At maski kaliit-liitang detalye.

Malapad na napangiti ako sa aking sarili.

"Effingo!" (Duplicate!)

Sa isang kumpas ng aking power weapons, pababa sa kabuuan ko, nagbago ang kasuotan ko. Kuhang-kuha ko na ang katulad na paraan ng pananamit ng professor.

Gray polo at slacks na itim. Makintab na itim na sapatos. Ganoon din ang katulad na baraha na nakasabit sa leeg niya. ID daw ang tawag doon.

Ugh! Ang pangit!

Ayoko man sa bago kong kasuotan, kailangan kong pagtiisan. Kung gusto kong yukudan ako ng mga mahihinang abaturage, ganito dapat ang suot ko. Mukha na akong professor ngayon.

Napahalakhak ako ng malakas. Ang sunod na hakbang, humanap ng tirahan.

"Retracto!" Bulong ko sa aking power weapon at mabilis iyong nag-retract sa pagiging maliit na holen. Isinuksok ko ang holen sa aking bulsa. Hindi naman kasi bagay sa aking outfit ang may bitbit na cane.

Bago ako naglakad palayo, pumitik ulit ako sa hangin kasabay ng pagbulong ng spell na: ‘Laxo’. Muling dumaloy ang oras sa buong paligid. Ako naman, tumuloy na sa paglalakad. Kailangan ko munang bumuo ng sarili kong katauhan sa mundong ito bago ako makapamuhay ng maayos.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.