Dach
MEDYO nag-aalala ako kay Anika. Was she pretending to be all right? Kasi kahapon lang, nakita ko siyang tumatakbo galing sa bahay nila. Umiiyak. Hahabulin ko sana siya pero mas inuna kong alamin ang dahilan.
Papalapit pa lang ako sa gate nila, naririnig ko nang umiiyak si Tita Lia. Magdo-doorbell na sana ako sa may-kataasan nilang gate nang matigilan sa narinig.
“Hindi ko kaya, Gerald. Hindi ko kayang ibalik si Anika sa tunay niyang magulang kung sino man siya. Mahal na mahal ko ang anak natin. Atin siya. Anak natin siya…”
Parang lumobo bigla ang ulo ko sa mga narinig. A-ampon lang si Anika? Paano nangyari iyon?
Sa buong buhay ko, kahit minsan, hindi ko nakita na iba ang turing nina Tito Gerald at Tita Lia kay Anika. They were fair. Hindi aakalain ng sinuman na magkaiba ang pagmamahal ng mag-asawa sa mga anak nila. Palagay ko nga, higit pa sa anak ang turing ng mga ito kay Anika. Lalo na noong mawala si Art. They treasured her so much. Na para bang ito na ang nag-iisa nilang kayamanan. They love her so much. Kaya ano itong naririnig ko?
Mabilis akong tumakbo noon para hanapin si Anika. Pero hindi ko na siya nakita sa daan. Baka nakasakay na or what. Dumeretso ako sa school at hinalughog ang lahat ng alam ko na puwedeng puntahan ni Anika pero hindi ko siya makita. Wala siya sa mga klase na dapat ini-attend niya. Wala siya sa kahit saan, pero kinumpirma ng guard sa akin na pumasok si Anika sa loob ng University. Halos mabaliw na ako sa kakaikot sa buong campus pero wala siya.
Kung saan-saan na ako naghanap. Kung kani-kanino na ako nagtanong. Pero hindi ko siya makita. At ngayong lunchtime, nakita kong masaya siyang kausap sina Chloris at dalawa pang babae sa ibang department. Sabay-sabay silang nag-lunch. Hindi ko alam kung paanong napasama siya sa tatlo. At hindi ko rin maintindihan kung bakit ganoon kaaliwalas ang mukha ni Chloris. Parang ang gaan ng mood niya. Parang hindi siya nanggaling sa pag-iyak. Parang wala siyang natuklasan tungkol sa pagkatao niya.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mag-aalala. Ah, mas lamang ang pag-aalala ko. Paano kung nagpe-pretend lang pala siyang okay pero ang totoo, gulong-gulo na pala? Hindi ko pa siya nakitang na-depress sa buong buhay niya maliban dahil sa mga panaginip. Kaya naman ngayong alam ko na mas nakaka-depress para dito ang katotohanan, talagang nag-aalala ako. She must be pretending right now.
Pero bago pa ako makalapit sa kanila, biglang sumulpot si Guimard. Nandoon na naman ang mapanganib na pakiramdam ko pagkakita sa kanya. Sa paningin ko, para siyang nababalot ng itim na enerhiya. Agad umangat ang protective instinct ko.
Sa palagay ko, nagtanong siya kung puwedeng maki-share sa table ng grupo ng mga iyon. Dahil nang tumango si Anika at umusod palapit kay Chloris, umupo si Guimard sa tabi ni Anika.
Na-badtrip ako pagkakita sa eksena. Lalo pa noong makita ko na sobrang lapad na ng ngiti ni Anika habang katabi si Guimard. Panay din ang ngitian ng mga babae. Ang nakakabuwisit pa, panay ang usod ni Chloris kay Anika. And I know what that means. Para mas mapadikit si Anika kay Guimard.
Pakshet!
Hindi na ako nakapagpigil, lumapit na ako sa table nila.
Isang malakas na tikhim at nakuha ko ang atensiyon nilang lahat. Pero mas nakatutok ang mga mata ko sa iisang tao.
“I’ve been looking for you, Anika. Nandito ka lang pala.” Gustong sumabog ng emosyon ko. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa galit o sa matinding pagkaasar. Basta naiinis ako.
Natigilan si Anika na tiningala ako. “I’m with my new friends. Bakit mo naman ako hinahanap?” parang clueless na tanong niya.
Clueless pa talaga siya. Alam ba niya kung paanong halos hysterical na ako kaninang hindi ko siya makita? Sobrang nag-alala ako na baka kung ano na ang nangyari sa kanya. Na baka napahamak na siya. Baka nawalan ng malay kakaiyak. O baka kung ano na ang ginawa niya sa sarili. Pagkatapos, heto makikita kong nakikipagkasiyahan sa mga new friends daw nito? May mali eh. May mali sa mga nangyayari. How could Anika act just like that? Happy and free. Hindi ko maintindihan. Unless, hindi niya nalaman at narinig ang katotohanan. At kung hindi nga, then why she was running away from their house crying her heart out like that?
Hindi naman sa gusto kong umiyak na lang siya nang umiyak hanggang sa maubos na ang luha niya. Kaya lang kasi, mali ang ikinikilos niya ngayon eh. Because recently, preposterous things were happening to her. Lalo iyong nakakadagdag sa pag-aalala ko. Pero kasi, ang mga nakikita ko ngayon ay contrast sa dapat na reaction ni Anika. Thing were not normal. Something might have happened.
“Hindi ka pumasok sa mga klase mo ngayong umaga. I’m just worried,” nasambit ko na lang sa kawalan ng maipaliwanag. And that was true. I’ve almost gone crazy finding and worrying about her.
Narinig ko ang malalakas na singhapan ng mga babae sa table ng mga ito.
“Oh, my God! Ang haba naman pala ng hair nitong si Anika,” sabi ng isa na may patch na pang journalism.
“Oo nga! Nainggit naman ako bigla. I hope I have someone who’s hell worried about me.” Isang malapad na ngiti naman ang pinakawalan ng babaeng naka-uniform na tulad ng mga nasa science department.
Tumikhim si Guimard. “Saan ka nanggaling, Anika? Kung hindi ka um-attend ng klase mo?”
Natigilan si Anika, saka tumingin sa mga kasamahan, parang nanghihingi ng tulong. And I know, something was really happening among them. Parang gusto kong dukutin ang mga mata ni Guimard habang nakatitig kay Anika at naghihintay ng sagot. Maski ako, hinihintay rin ang sagot ni Anika. Pero mas nakalalamang ang kagustuhan kong hablutin si Guimard at palayasin sa tabi ni Anika.
“Nagkaroon lang kami ng org meeting kanina kaya nawala si Anika.” Si Chloris ang sumagot.
Medyo duda ako sa sagot ni Chloris. Pansin ko kasi na uneasy ito sa pagsagot.
“At ano namang klaseng organization mayroon kayo?” madiin kong tanong.
I need to fish some information. Alam kong may dapat akong malaman.
“It’s a girl thing, Dach.” Biglang singit ni Anika. “Saka ano bang pakialam mo? Bakit ka ba ganyan magtanong? Para kang nang-i-interrogate eh wala naman kaming ginagawang masama.”
Nagtiim ang mga bagang ko. Matapos ang lahat nang pag-aalala ko, ito pa ang mapapala ko sa kanya? What. The. Fuck!
“Kung wala kang ginagawang masama, then bakit hindi mo ipinapaalam sa akin?”
Naningkit ang mga mata ni Anika na tumitig sa akin. “At bakit kailangan kong ipaalam sa `yo? It’s not as if I have obligations to explain myself to you, Dach. Sino ka ba? Tatay ba kita? Boyfriend ba kita para mag-demand ng ganyan?”
Para akong sinampal ni Anika sa sinabi niyang iyon. Sino nga ba ako sa kanya? Ano nga lang ba ako sa kanya? Wala lang ba ako sa kanya? Sa haba ng pinagsamahan namin na kahit puro asaran kami madalas, wala pa rin ba ako sa kanya?
Ang sakit naman yata niyon. I cared for her deeply. Not that I am expecting her to give a fuck about it. Pero iyong irespeto man lang niya ako, kahit hindi na bilang isang malapit na kaibigan kundi bilang isang nagmamalasakit na kapitbahay, hindi niya magawa?
I should not care for her. I shouldn’t have. Pero kasi, hindi ko iyon mapigilan. Nakatahi na sa sistema ko na mag-alala para sa kanya. Hindi ko na iyon kayang baguhin pa.
“Please, excuse me, girls.” Narinig kong sabi ni Anika at tumayo na. Tumayo din si Chloris para makadaan si Anika. Walang lingon at dere-deretso siyang umalis ng university cafeteria. Hindi ko alam kung hahabulin ko ba siya ganitong nakita ko na nagbago na ang mood niya. From happy to irritated. Oo, ako ang may kasalanan kung bakit nagbago ang mood niya. Pero, ano ba ang magagawa ko? Nag-aalala lang naman ako kaya ko siya nasinghalan.
“Excuse me,” sabi din ni Guimard. At bago ko pa mamalayan, umalis na rin para sundan si Anika.
Nayamot na naman ako. Ako dapat ang humahabol kay Anika para i-console siya. But I may worsen her irritation if I did.
“Dito ka muna, guwapogi. Usap muna tayo.” Narinig kong sabi no’ng Journalism student. Sa hindi ko maintindihang dahilan, naupo nga ako sa puwestong inalisan ni Guimard.
“I’m Soleih,” sabi ng isa na iniabot ang kamay sa akin.
Tinanggap ko iyon. “Dach,” pakilala ko sa sarili.
“Ceilah, here,” pakilala naman ng isa from science department.
Tinanggap ko rin ang pakikipagkamay niya. Tapos si Chloris naman ang nag-abot ng kamay. Inunahan ko na siyang banggitin ang pangalan niya bago pa niya ilahad ang kamay sa akin. “Chloris,” sabi ko.
Parang hindi naman na nagulat si Chloris. Hindi naman na bago na makilala ko siya. Sikat siya sa university sa pagiging consistent captain ball ng volleyball team.
“Isa ka yata sa mga fans ko,” natatawang sabi ni Chloris bago iniabot ang kamay sa akin.
Hindi naman ako makangiti. Naiinis pa rin kasi ako dahil sa sagutan namin ni Anika. Saka nag-aalala ako sa kanya talaga kasi alam kong may mali.
Nang abutin ko ang kamay ni Chloris, tuluyang nanlaki ang mga mata ko at bigla ko rin iyong nabitawan. Napadaing din ako dahil para akong napaso. Maski siya, parang gulat na gulat. Namimilog ang mga mata na napatitig sa akin. Naramdaman din ba niya?
“Bakit…?” mahina niyang tanong na napalingon sa dalawang babae na kasama.
Kahit ako, gusto ko ding magtanong kung bakit ko iyon naramdaman.
Elwood
“Something is really off. May hindi ka ba sinasabi sa akin o si Hino?”
Naipikit ko nang mariin ang mga mata ko. Heto na naman si Chloris, binubulahaw na naman ang pananahimik ko dito sa malawak na pool area. Akala ko, makakapagpahinga na ako tutal nakuha na namin si Anika. Tinanggap na din ni Anika ang kapalaran niya at natapos ang cleansing na pinili niyang tanggapin ang kapalaran na maging isang witch priestess. Si Serene na lang naman ang problema namin. Ang hirap kausapin ng babaeng iyon.
O puwede ring sabihin na ang hirap kausap ng mga babae. Mga topakin. One moment, akala mo okay na sila. The next moment, kung ano-ano na namang ipagta-tantrums. Goodness!
“Ano namang hindi ko sasabihin sa `yo? Ang nalalaman ko lang ay kung ano lang din ang sinabi sa akin ni Hino. Na ipunin ko ang mga witch priestess para sa ritual na gagawin. Tapos, saka tayo tatawid papuntang Kimbura.”
Which, actually the thing I didn’t want to do. Paano kung hindi kami magtagumpay sa ritual? Puwedeng maipahamak ko ang mga ito. Puwedeng hindi na sila makabalik at habang-buhay nang mananaginip kapag nilamon ng pulang hamog. Makakalimutan na din sila ng kanya-kanyang pamilya.
“Then, bakit siya napaso? At ako? Bakit ako napaso nang hawakan ko siya? Hindi ba sabi ni Hino, kapag napaso ang isang tao na hawakan ko, kasama siya sa misyon at hindi pa lang siya aware doon? Mawawala ang pagkapaso kung tatanggapin niya ang misyon,” frustrated niyang tanong sa akin.
“Aba, malay ko?” Humilig ako sa divan at nagtangkang matulog.
Mas gusto kong matulog dito sa time plane. Mas presko at tahimik. Puwera lang kapag nasa paligid ang maingay na si Chloris.
“Lintik ka!” Naramdaman ko na lang na may sumasakal sa akin. Napabangon ako at pilit inalis ang mga kamay ni Chloris sa leeg ko. “Kailan mo ba seseryosohin ang lahat ng ito? Hindi ka ba nag-aalala? Nilalamon na rin daw ng pulang hamog ang Fotora. Ini-update na ako ni Hino!”
Bigla akong natigilan. Halos wala pang kalahating taon mula nang tumawid ako dito sa mundo ng mga tao at pati ang kabilang bansa ay naabot na din ng mapaminsalang kapangyarihan ni Aunt Petunia?
“Sooner or later, mawawala na ang buong Kimbura. Gagawa ng panibagong mundo ang kalaban at siya ang maghahari doon. Habang-buhay na natutulog na alipin ang mga Kimburian. Ang mga kauri mo! Wala ka man lang bang pakialam?!” galit na niyugyog ako ni Chloris.
Wala nga ba akong pakialam? Dapat lang na wala akong pakialam, `di ba? Wala din naman silang pakialam sa akin.
Pero kung wala akong pakialam, hindi ba dapat na hindi ko tinutulungan sina Chloris? Kaya ko namang bale-walain ang lahat ng pangungulit ni Chloris at bahala na itong makipag-deal sa pagpapakita ni Hino sa panaginip nito.
Kaya lang, hindi ko nga siya matiis.
Isang buntong-hininga ang ginawa ko. Maski ako, hindi ko maintindihan ang sarili. “Anong gusto mong gawin ko?” Baling ko naman sa kanya.
Tinigilan na ni Chloris ang pagyugyog sa akin. “Alamin mo kung ano si Dmitri Chad del Fierro. Kung ano ang role niya. Kailangan ko ring mag-astral travel para makausap ko si Hino. Kailangang malaman niya ang tungkol kay Dach.”
Pagkasabi noon ay tumayo na si Chloris at dumeretso sa loob ng chateâu. Matutulog malamang at mag-a-astral travel nga para makausap si Hino. Lahat kami ay may ginagamit na silid kapag nandoon para makapagpahinga. Lalo na ang mga priestess na mas kailangang matulog dahil hindi nila iyon magagawa sa present time. May mga simulacrum kasing nakaabang sa pagtulog nila. Nasa other dimensions pa ang mga sugo ng kalaban na karamihan nga ay mga simulacrum o dark shadows. At ang pinupuntirya ay ang mga astral ng mga priestess. Kapag nandito sila sa time plane, hindi mahihila ng mga simulacrum ang mga astral nila dahil protected ang time plane. Nakakatulog at nakakapagpahinga sila nang sapat lang para manatiling gising sa present time kahit magdamag.
At ako, madalas na nandito ako sa fool area, pinapanood ang mga puno at halaman.
Huh! How I missed my world. The surroundings around Wushimye. I missed the forest. I missed Juno. Kumusta na kaya si Juno? Nakatulog din ba siya katulad ng iba pang mga nilalang sa bansa namin?
Nilingon ko si Chloris na tuluyan nang nakapasok sa loob ng chateâu. Bahala na nga siya. Mula nang matuto siyang mag-astral travel, madalas makipag-meet halfway ang astral niya kina Hino at Verniechelle.
Si Verniechelle ang ikatlo sa pinakamababang ranggo ng mga shaman na namumuhay sa kabilang dulo ng Wushimye. O `yong mga low class witch. Hindi kasi siya paniwalaan sa mga prediction niya at sinasabing baliw. Kaya itinago niya ang sarili sa lahat. Ngayon, gusto kong maawa kay Vernichelle. Pareho lang kami. Pareho lang kaming hindi pinapaniwalaan kahit kami naman ang nagsasabi ng katotohanan.
Nakakapagod nang magpaliwanag kaya sinukuan ko na iyon. Pero si Verniechelle, hindi yata mapapagod na sabihin ang lahat ng nalalaman kahit wala namang naniniwala rito.
‘Buti pa siya. Walang pagod.