KIMBURA Chapter 5

Chloris

Nakakaasar lang, ha? Ilang araw na akong napupuyat dahil sa lintik na panaginip ko. Hindi ko kilala ang lalaki sa panaginip ko pero parang kilalang-kilala niya ako. Matangkad siya. Nakasuot ng dark camouflage suit ng mga ancient warlords. At pinipilit niya akong kausapin ko daw ang kung sinong Elwood para ipaalala ang misyon nito sa mundo naming mga tao.

Like, hello? Tao din naman siya. Mukha siyang tao na nakasuot ng pang European ancient war lords. May armor pa and whatsoever na kasuotang hindi ko gets. Infairness to him, gwapo siya. Like a Greek God turns to life. Mukhang matigas ang katawan kahit hindi ko pa nahahawakan. Isa siyang fafanes incarnate! Hindi ko lang talaga gets ang pananamit niya. Para siyang galing sa sinaunang mundo ng mga warlords nga. Basta ang sure ko lang, gwapo nga siya at ‘yong mark sa noo niya, katulad no’ng sa gwapong weird na nakasalubong ko nitong nakaraan lang. ‘Yong supladong ewan. Gwapo na sana, suplado nga lang. Pero sige na nga, super gwapo niya. Mga mata palang niyang intense makatingin, kinikilig na ako. Shet!

Anyway. Hindi ko sana gustong paniwalaan na true nga ang mga panaginip ko. Paulit-ulit nalang kasi iyon. May mga sinasabi sa akin si Hino A.K.A, Mr. Hot-Warlord-In-His-Shinning-Armour na mga dapat kong gawin pero binabalewala ko lang. Naisip ko kasi na baka masyado akong hooked kay guwapogi kaya ako nakakapanaginip ng ganoon.

Pero hello! Bakit naman ganoon ang panaginip ko? Aba! Pareho nga silang gwapo pero bakit magkaiba ng mukha? Parang magkaiba din ng karakter. Ang galing din naman ng panaginip ko na bumuo ng panibago pang character out of Mr. Gwapogi-Na-Kinain-Na-Yata-Ng-Dinosaur.

Anyway ulit. Ini-research ko kung anong klaseng panaginip ba ang napapanaginipan ko at hindi na nga ako matahimik. Ang consultant ko, ang resident genius na si Google. Too bad, walang tumugma sa klase ng panaginip na nararanasan ko. Ang mas lalo ko pang ikinawindang, nang sumunod na managinip ulit ako, sinabi ni Hino na hindi kayang ipaliwanag ng mga taong tulad ko ang sitwasyon ng mundo nila at kung paano kami nagkakausap. Gumagamit daw sila ng spells and chants no’ng Verniechelle para makipag-communicate sa akin. Sarado daw kasi ang telephatic communication no’ng Elwood. O, ‘di ba, petmalu!

Updated siya sa mga ginagawa ko. Sinabi niya din sa akin na professor na sa university na pinapasukan ko ang Elwood na ipinapahanap niya sa akin kaya hindi na ako mahihirapan.

At ‘yon nga! Lodi ko na talaga itong si Hino. Kinabukasan kasi, may bago na ngang salta na professor sa University namin. Hindi ko gets kung bakit nag-hire ng new professor samantalang ilang buwan nalang at magco-close na ang school year. Hindi naman kami nakukulangan ng instructor. Pero pakialam ko ba sa trip ng school supervisor? Ang mas nakakawindang kasi sa lahat ng iyon, ang Elwood palang sinasabi ni Hino ay si guwapoging kinain ng dinosaur.

Kaya naman pala!

Kaya naman pala pareho sila ng logo. Takte!

Hindi ako mapaniwalaing tao lalo na kung panaginip lang. Imposible iyong magkatotoo. Inisip ko pa nga minsan na baka nababaliw na ako. Bakit kasi may ganoon akong mga panaginip? Ang weird lang talaga. At ang pinaka-weird, ‘yong dumadating ako sa point na gusto kong maniwala na totoo si Hino at ang mga sinasabi niya. Kaso, imposible eh. Imposible talaga. Parang nakakatanga at nakakabaliw ang karanasang ito.

And then, time came na maraming beses pinatunayan ni Hino na totoo lahat ng sinasabi niya. Pinapakita niya kasi sa akin ang mga eksena na mangyayari palang. At lahat ay tugma. Ano pa ba ang dapat na maging dahilan para hindi ako maniwala? Kung sasabihin ko siguro sa ibang tao, baka nga isipin pa na baliw na ako. Kaya sinarili ko nalang.

Sa isang tao ko nalang ise-share. Sa lalaking alam kong alam niya kung bakit nagpapakita sa mga panaginip ko ang weird na lalaking mukhang warlord. Tinuruan din ako ni Hino ng art of astral travelling. Para daw makapag-usap ang mga astral namin kapag natutulog ako. May mga spells din siyang itinuro sa akin para daw protections sa mga dark entity kapag lumalabas ako sa katawan ko. Hindi daw kasing bisa kapag mga katulad niyang wizard ang gumagamit dahil mortal lang ako pero malaking tulong na din.

Kita mo na? Tinulungan nga ako pero nilait din ang pagkamortal ko.

Anyway version 3.0, nakita ko si Sir Elwood. Papuntang canteen ang way niya ngayon pero biglang lumihis ng daan. Dumeretso siya sa way papuntang old science building at sinundan ko. Na-curious kasi ako sa kung ano ba ang gagawin niya doon. Dahil tahimik naman akong maglakad at malayo ang distance namin sa isa’t-isa, hindi niya napansin.

Nagtago ako sa malaking pader nang makita kong palinga-linga siya sa paligid. At napasinghap ako ng malakas nang bigla siyang mawala, right before my eyes. Nanlaki na talaga ang mga mata sa pagkagulat at pagka-amaze.

So, totoo nga! Wizard nga si Sir Elwood at may magic? Totoo nga lahat ng sinasabi ni Hino sa akin! OMG! Dapat ko ba talagang sundin si Hino? E sa hilatsa ng pagmumukha nitong si Sir, mukhang ito ang tipo ng nilalang na maigsi ang pasensiya. Palaging poker faced. Baka gawin niya akong ipis o palaka kapag nainis siya sa akin kasi may alam ako patungkol sa kanya.

“You are protected. Hindi ka niya magagalaw.” Naalala kong sabi ni Hino sa akin.

Hindi pa ako tapos mag-isip ng next move ko nang bigla na namang lumitaw si Sir sa mismong lugar na nawala siya kanina. Nagsusuot na ng coat. Aba, saan nito nakuha iyon?

Sandaling natigilan si Sir Elwood nang makita ako. Bigla naman akong nataranta. Hindi ko alam kung anong gagawin. Caught-in-the-act ako na nagsi-spy sa kanya. Naku! Lagot na!

Ah! No! Uunahan ko nalang siya sa pagsita.

“Aha! Sinasabi ko na nga ba at hindi nagsisinungaling si Hino! Isa ka ngang wizard, Elwood!”

Mabilis ko siyang sinugod at dinuro sa dibdib niya. Sinadya ko ding hindi siya i-address na Sir dahil sabi ni Hino, halos magka-edad daw kami ng master niya. At hindi naman daw talaga ito professor. Nanggagaya lang daw ito. Estudyante o fresh graduate palang daw talaga ito dapat, kung tutuusin. Mukha naman nga. Pinasadahan ko ng tingin ang… shit! Nakaka-distract ang kagwapuhan nito! Baka mamaya nito, mawala ako sa pokus at mabaliw nalang sa kakatitig sa kagwapuhan niya. Ang sarap naman kasi niyang titigan. Ang sarap niya ding ngitian kahit na nga alam kong kahit minsan, hindi pa nabanat ang magagandang labi niya sa isang matamis na ngiti.

Asar!

“Hino? Did you say, Hino? Nandito siya? Paano mo siya nakilala?” sunod-sunod na tanong niya. Sandali siyang parang nagtaka pero mabilis na nakabawi at nagpaka-poker faced na naman.

So, it was confirmed! Kilala nito si Hino, meaning totoo nga ang lahat. Nagtitiwala at naniniwala ako kay Hino na hindi ako mapapahamak sa mga kamay ni Elwood kaya naman itinodo ko na ang werpa ko. Kailangan ko siyang makumbinsi na gawin na ang dapat gawin nang tigilan na ako ni Hino sa mga panaginip ko.

“Wala siya dito. Nasa panaginip ko. Doon kami nag-uusap.”

Hah! Ang alien pakinggan ng mga pinagsasabi ko. Pero dapat gets niyo, ha? Sinabi ko na sa inyo ang petmalu kong panaginip.

So, ayon nga na-confirm ko na ngang totoo si Hino, ngayon pa ba ako aatras? Baka gawin niya akong palaka kung hindi ko iga-gather ang sarili ko.

“At bakit ba ayaw mong buksan daw ang telephatic communication mo sa mga nasa Kimbura? Para kayo na ang nag-uusap. Ginugulo niyo ang nananahimik kong kagandahan eh. Ngayong nagawa ko na ang passed the message kong misyon, iiwan na kita. Mag-usap kayong dalawa ha? Sige, bye!” Dere-deretso ang bibig ko sa pagtalak sa nakatungangang kagwapuhan sa harapan ko. At kung hindi ako nakakapagpigil, baka nahablot ko na siya sa batok o nahaplos ko na ang kapogian niya. Nakakagigil eh!

At bakit ganoon? May intense feels na nag-i-stir sa kalooban ko. ‘Yong pakiramdam na gusto kong abutin ang magagandang mga labi niya.

Deymwit!

Tinalikudan ko na siya bago pa ako tuluyang hindi makapagpigil sa sarili. Pero bigla din akong bumaling paharap sa kanya nang may maalala. Tinitigan ko siya ng mata sa mata.

“Anyway,”

Peyborit ko talaga ang salitang “anyway.”

“…paano ba isarado ang telephatic communication na sinasabi ni Hino? Tsaka paano ko siya mapagsasaraduhan sa panaginip ko? Turuan mo naman ako…” At matamis na nginitian ko siya. ‘Yong tipong hinding-hindi siya makakatanggi.

Napatunganga na naman siya sa akin. Natitigilan at parang hindi makapaniwala sa mga narinig mula sa akin. Maya-maya ay nagsalubong ang mga kilay niya. Umigkas ang isa pa. Tapos nag-dark face naman sa pinakahuli.

“Crazy.” Aniya at nilagpasan na ako.

Aba’t! Bastos ito ah. Kinakausap ko pa, nilayasan ako…

“Hoy! Bumalik ka dito! Hindi mo pa ako sinasagot!”

Lumingon siyang bigla sa pagkagulat ko. “Bakit? Nanliligaw ka ba?” Nakaigkas ang kilay na tanong niya.

Napatunganga ako sa birada niya sa akin. Bukod sa parang hindi nga siya teacher kung makitungo sa akin, bakit biglang may kumislot sa loob ng dibdib ko?

Tongono!

Anika

NAGLILIPARAN ang mga kilay ko pagkakita sa bagong professor. As usual, buhay estudyante na naman. Second year college na ako at bagong bukas na naman ng school year. Fourth year naman si Dach. Pagkatapos ng nakakainis na asaran namin ni Dach no'ng bago ang closing ng school year, bale 3months ago, hindi ko na pinapansin si Dach. At ganoon din naman siya sa akin. Parang busy siya. Pero mabuti na din. Matapos kasi ang araw na iyon, madalas akong managinip kasama ang mga taong hindi ko naman masyadong kilala. Well, mga schoolmates ko sila pero hindi kami close. They’re also from different departments. Nandoon din si Dach at nasa panganib siya palagi sa mga panaginip ko. Mga eksena kung saan, sasaluhin niya ang mga dangerous energies na papunta sa akin. Hinaharang niya ang mga dark shadows na humahabol sa akin. At hindi ko alam kung bakit ba ako hinahabol at bakit ako tumatakbo. At ang pinakanakakatakot, iyong eksena na nilamon si Dach ng dark shadow. Sobrang natakot ako. Kahit naman naiinis ako sa kanya, hindi ko naman siya gustong mapahamak. Lalo pa nga kung ako naman ang dahilan.

At kung hindi na nga kami magkakasama, malamang na hindi magkatotoo ang panaginip.

OA at paranoid na nga siguro akong mag-isip. Pero kasi, madami sa mga panaginip ko ang nagkakatotoo. Katulad nang kung ano ang mangyayari sa klase. Noong nagkasunog sa loob ng pantry. Noong nahiwa ang kamay ng isa kong kaklase. Noong may sumabog sa science lab. Lahat ‘yon, napanaginipan ko, a day or two bago mangyari ang mga masasamang kaganapan na iyon. Parang premonition ang mga panaginip ko. Mga babala sa masasamang mangyayari. Binababalaan ako, ahead of time.

Ayokong isipin na ganoon nga. Pero mabuti na ang praning at makakagawa ng back up plan. Kaysa naman sa walang pakialam at saka pa magpapanic kapag nando'n na ang panganib. Though, duda ako kung talagang may dark shadow na lalabas sa harapan ko, dahil imposible talaga iyon.

Anyway, balik tayo sa professor. Kay Sir Elwood Dredsnette. Pronounce as Dre-des-ney. Half-European half-Pinoy daw kasi siya kaya fluent managalog.

He looks so young. As if he was in our age, or maybe twenty-three, twenty-four? Pero imposible siyang matanggap sa school namin as professor kung wala siyang magandang background at malawak na experience. The youngest professor in our school was twenty-eight years old. So, malamang na twenty-eight na ito. But...

He looks younger than his age.

Anyway, malalaman na lang kung ano ba ang kayang ituro ng professor na ito. Bilang isa lang naman itong substitute sa isang subject namin.

“Ang boring! Kung hindi lang talaga siya guwapo! Sheeeet nemen girl! Ang guwapo talaga ni Sir Elwood.”

Parang uod na binudburan ng asin si Solen sa tabi ko. Kilig na kilig habang nakatitig sa guwapo naming prof. But she was right. Our teacher is really a handsome guy. Kung hindi siya teacher ay isa na siya sa mga crushes ko. Pero siyempre, nasa etiquette ng school ang hindi dapat lumandi sa mga professor. So, hanggang kilig na lang itong si Solen.

“Tumigil ka nga diyan, Solen. Marinig ka ni Sir, isipin pa niya na pinagnanasaan mo siya.” Sita ko sa kaklase ko.

“Totoo naman na pinagnanasaan ko siya.” Walang kiyeme na sagot niya.

I rolled my eyes upward. Talagang proud pa!

Anyway, tama din naman si Solen sa isang bagay. Ang boring ni Sir Elwood mag-discuss sa topic na napili niya.

Mas interesting pang tumunganga sa labas at manood ng cloud formation. Do'n na lang nga ako nagpokus. Ilang minuto na akong nakatitig doon nang parang may kakaiba sa cloud formation. Para iyong left eye na nakatitig sa akin. At ewan ko ba kung imagination ko lang iyon pero kitang-kita ko na kumurap ang mata na cloud formation lang naman.

Napatili akong bigla sa pagkagulat. Gusto kong ipikit ang mga mata ko para makatakas sa nakakagulat na eksena. Pero hindi ko magawa. Kusang nakikipagtitigan ang mga mata ko sa cloud formation na hugis left eye.

Nakakakilabot!

“What is it, Ms. Danfort?”

Lalo akong kinabahan nang sa isang sandali, nasa tabi ko na si Sir Elwood. Bakit ang bilis naman niya? Parang katitili ko lang, nandoon na siya kaagad sa tabi ko.

At bakit... Bakit?

“Your eyes, Sir...”

Katulad na katulad iyon ng mga mata ni Sir Elwood. Maaaring kulay amber nga ang mata niya na talagang hindi maipagkakamali na half-bred pero ang hugis at kurba. Bakit katulad na katulad ng mata sa cloud formation? Ganoon na ganoon din kung kumurap.

“Anong nangyari sa 'yo, girl?” tanong ni Solen sa 'kin na nasa likuran ko lang naman.

Itinuro ko ang cloud formation at lumingon sa panel window ang mga classmates ko. Pero mga nakakunot ang mga noo nila na bumalik ang tingin sa akin.

“Anong meron?” Tanong na naman ni Solen na obviously, hindi nage-gets ang ibig kong sabihin. Pero ilang beses namang tumingin sa labas. Sa mismong cloud formation na itinuturo ko.

“Hindi niyo ba nakikita?” muli akong tumitig sa mata na cloud formation lang naman. At nagtitindigan ang mga balahibo ko dahil tuloy iyon sa pagkurap na parang may buhay.

“Ayon o? May mata sa cloud formation! Kumukurap pa.”

Nagkagulo ang mga classmates ko sa pagsilip sa panel window para makiusisa. Pero lahat sila, iisa ang reaksiyon. Wala silang nakikita. Pero bakit?

Bakit ako lang ang nakakakita?

“Okay, class. Go back to your seat and open your books into page 166. Read and analize...”

Hindi ko na masyadong maintindihan ang sinasabi ni Sir dahil may mahapdi naman sa balikat ko. Parang pinapaso. Parang may mainit na malamig na pakiramdam na sumisingaw roon. Binuklat ko ang collar ng uniform ko para makita kung ano ba ang mahapdi sa parteng iyon.

Ang birthmark ko. Parang biglang nag-spark ang birthmark ko sa kulay dilaw na liwanag. Triangular shape iyon na may guhit sa gitna at naka-embossed ang pagkabalat. Hindi ko iyon pinapansin noon at alam ko nga na birthmark lang. Pero ngayong biglang nagliwanag ang birthmark ko, para akong sinalakay ng takot.

What is happening to me?

“You're pale, Ms. Danfort. I'll escort you to the clinic.” bigla ay announced ni Sir Elwood na nasa tabi ko pa din.

“Ah, no, Sir. I'm fine.” tanggi ko naman. Medyo nagfe-fade na din kasi ang mahapding pakiramdam ng birthmark ko.

“Are you sure?” parang nagdududa pa ding tanong ni Prof. sa 'kin.

Tumango ako at ngumiti para i-assure siya. Tumitig si Sir sa 'kin. Matagal. At gusto kong kabahan sa paraan ng pagtitig niya. Para kasing hinahalukay niya ang buo kong pagkatao. May pakiramdam ako na hinihila niya ang kaluluwa ko. At kinikilabutan na ako talaga. Sobrang intense makatitig ng amber na mga mata niya. Katulad na katulad kung paano tumitig ang peculiar cloud formation.

Napalingon na naman ako sa panel window. Wala na ang left eye na kinatatakutan ko. Pero bakit gano'n? Pakiramdam ko, may mga matang palaging nakasubaybay sa 'kin.

“Alright. If happened you didn't feel so well, just inform me.”

At lumayo na si Sir Elwood sa 'kin. Hindi pa din nawawala ang kaba ko kahit nagbubuklat na ako ng book ko. Kinalabit naman ako ni Solen.

“Girl! Ano ka ba? Dapat pumayag ka nang magpa-escort kay Sir. Kung ako sa 'yo, magkukunwari pa akong nagco-collapse para naman makatsansing sa kanya. Sheeet!” Impit na napatili si Solen. “Ang swerte mo naman girl! Ang intense makatitig ni Sir sa 'yo. Parang concern na concern! How to be you po?”

Eeerrr!

Naipaikot ko na naman ang mga mata ko kay Solen. Kung kilig ang nararamdaman niya sa titig ni Sir Elwod, kilabot naman ang nararamdaman ko.

Our professor spells danger!

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.