Last Night's Fantasy (Compilation of Gothic Romance) Chapter 26

MABILIS na nakabawi si Theron. Iyong tayo ng binata ay pagalit binaklas niya palayo ang lalaki kay Lori. Saka ito inundayan ng suntok. Gigil na gigil siya sa lalaki. Bakit ito basta nanghahalik?

Pero sa malas ay parang hindi naman nito ininda ang pagsapak niya sa panga nito. Ngingisi-ngisi pa sa kanya ang tinawag na Axyl na lalo niyang ipinanggalaiti. Muli sana siyang bibira ng sapak rito nang marinig niyang nagsalita si Lori sa likuran niya.

“Enough. There’s no sense fighting him.”

Sa lalong pagkamangha ni Theron ay maayos nang nakakatayo si Lori. Parang hindi ito nanggaling sa pamimilipit sa sakit at paghihirap kanina.

“Yeah. Wala sigurong kwenta para sa kanya ang kamao ko.” Sarkastikong tiningnan ni Theron ang sariling kamao. Hindi na niya gaanong inintindi kung bakit nahahawakan niya sina Axyl at Lori maski nasa astral form siya. Baka sadyang may kakayahang ganoon ang mga ito. Besides, they are dimensional creatures. “But my spell might do something…”

Nang magtangkang umusal ng chant si Theron ay mabilis na tinapalan ni Lori ng kamay nito ang bibig niya.

“What’s your problem, you idiot?!” galit na sita nito sa kanya.

Binaklas ni Theron ang kamay ni Lori na nakaharang sa kanyang bibig. “Ano’ng problema ko? Hinalikan ka lang naman ng lalaking iyan sa harap ko!”

“Hinalikan?” Lori rolled her eyes in disbelief. “It was just a simple transferring of energy. At kahit pa halikan ako ng kahit sino, ano ba’ng pakialam mo?”

Natigilan si Theron. Ano nga ba ang pakialam niya? Bakit siya nagkakandagalaiti ng ganoon?

At sa lalong pagkairita ni Theron ay ngumisi si Axyl. Pasarkasikong tiningnan siya saka ito iglap na tumalon papalayo sa kanila.

“Now, go back to your sleep. I need to find an astral plane. I need to eat.”

Napabaling si Theron kay Lori. “I am your food. Bakit maghahanap ka pa ng ibang pagkain. Heto nga at nakahain na ako sa harap mo.” Hindi niya napigilan ang sarkasmo sa kanyang tinig.

Walang emosyon namang tumitig si Lori kay Theron. “Bayad ka na sa utang mo kaya hindi na kita guguluhin. `Wag mo na rin akong guluhin.”

Hindi makapaniwalang umawang ang bibig ng binata, mayamaya ay napatiim-bagang. “So, you’re really playing games with me, huh?” Kulang sa conviction na tumawa siya. “After making me curious, you’ll drop me just like that?”

“I never intended to.”

“Really? Kaya pala gumagamit ka pa ng ibang katawan para magparamdam sa akin.”

And just then he knew he had pulled the trigger of her anger. Nanlilisik ang mga mata nitong tinitigan siya. Kung sa karaniwang pagkakataon ay magigitla siya at kikilabutan. Pero sa pagkakataong iyon, parang normal na lang na makita niya ang mabangis na anyo ng babaeng bampira. It amazed him though. Ang pabago-bago ng emosyon nito, talagang nakakahanga para sa kanya. She was breathtakingly beautiful already but it seems it doubled when she gets angry.

And to think na isa itong bampira at naa-amaze si Theron? Nababaliw na yata siya.

“Don’t be too conceited, Mr. Spell-Wizard.” She faked a smile. At noon napatunayan ni Theron na kahit anong lagim na hatid ng aura nito, mas mangingibabaw ang mapang-akit na ganda ng bampira.

“I have my personal reasons why I am using that body. And please… if you were kind enough, leave Marjayrie alone.” May diin ang bahaging may pakiusap.

“Silly girl. Why will I do that? Ngayon pa na alam kong ikaw ang nasa loob ng katawan ng babaeng iyon?”

“Fuck!” asar na singhal nito sa kanya.

“Don’t say that again or I’ll do what you say.” Magkahalong himig pagbibiro at pagbabantang sabi niya saka ito kinabig mula sa bewang palapit sa kanya. There was this worldly feeling she used to arouse in him whenever they were together. At walang kahit na sino ang nakapukaw ng ganoon sa kanya. He wanted to kiss his luscious lips. Kissed them carnally and sensually until she begged him to take her.

God! He was having a carnal desire towards her just by touching the vampire woman.

Nararamdaman niya ang kalamigan ng katawan nito, yet the heat and desire from her eyes mixed all together. Sapat para makaramdam si Theron ng kakaibang damdamin habang nakatitig dito. Ito ang pakiramdam na hindi niya alam kung paano pangalanan. Para kasing nawala sa tamang ritmo ang pintig ng kanyang puso. Pabilis nang pabilis at palakas nang palakas.

Ganoon ba siya naakit sa bampira para makatuklas ng kung anu-anong damdamin? And to think na isa siyang mortal at ito ay alagad ng dilim. Nilalang na matagal niyang kinasuklaman.

“Let go!” Singhal nito sa kanya at isinalya palayo sa bampira.

Tumilapon ang astral body ni Theron. Kung nasa sarili siyang katawan, baka nawasak ang mahinang railings ng concrete bridge at nahulog siya sa pinakagitnang bahagi ng ilog na kinaroroonan nila.

“Dapat na magpasalamat ka na lang sa akin. Iniligtas lang naman kita sa isang soul sucker na walang hinihinging kapalit. Kung hindi ka ba naman nag-iisip? Nakakita ka lang ng maganda, susundan mo na! Bwisit ka!” Paangil pa nitong sigaw sa kanya.

Soul sucker? Isang soul sucker ang sinusundan niya kanina? Biglang natauhan sa sariling kalokohan si Theron. May karapatan ngang mayamot si Lori sa kanya. Hindi siya nag-iingat. To think na matagal na siyang nagliliwaliw sa kabilang dimensyon na iyon ng mundo at ni hindi niya naisip na pwede siyang mabiktima ng iba pang nilalang ng dilim dahil hindi siya protektado.

Pero kasi, walang nasa isip niya kundi si Lori. Kapag ang babaeng bampira na ang sangkot, tila nagiging careless na rin siya.

“Lori…”

Hindi nagawang makalapit kaagad ni Theron sa bampira. Naging mabilis kasi ang mga galaw nito at nakalayo sa lugar na iyon. Ni hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na habulin ito sa sobrang bilis ng paglayo ng babaeng bampira.

There was something in her.

Napapaisip si Theron habang bumabalik sa concrete bridge at tinatanaw ang lugar na pinuntahan ni Lori. He saw the glitter of sadness from her sparkling blue eyes the moment they made an eye to eye contact. At pilit iyong itinatago ng malagim na aura nito. Pilit nitong pinapangibabaw ang sindakin siya. Pero ano pa ba ang nakakasindak na bagay kesa sa makitang nasasaktan ito dahil sa iniingatang bagay sa sariling palasingsingan? At ano ang meron sa singsing na iyon?

Sa pagkakaalala niya ay walang ganoon si Lathan. Maski ang Axyl na nakaharap niya kanina.

Para saan ang ring band at bakit iyon iniingatan ni Lori kahit ang kapalit ay maghirap ito nang sobra?

MALAKAS ang kabog ng dibdib ni Lori habang pilit nagtatago sa madilim na parte ng tenement building. Pinanood niya ang pagbabalik ni Theron sa sarili nitong katawan nang sa palagay ng huli ay hindi na siya nito nakikita.

Damn her!

Tama ang mga kapatid niya. Hindi na siya dapat nagpakita kay Theron dahil ngayon, ipinagsasapalaran naman niya ang kaligtasan nito.

Though alam ni Lori na kayang pangalagaan ni Theron ang sarili dahil sa malakas na uri ng mga spells nito, hindi pa rin isang daang porsyento na masasabing ligtas ang mortal. Katulad na lang kanina.

Isang Avergou ang nagpanggap na si Marjayrie at hinalina si Theron para sundan iyon.

“That bastard!” she hissed to herself. “Basta talaga magaganda at mapuputi, pinapatulan ng walanghiya!”

Kung paanong nalaman ng mga Avergou na pwedeng gamitin si Marjayrie kay Theron ay hindi niya alam. At kung na-establish ang eye contact sa pagitan ng dalawa, malamang na wala na ngayon ang kaluluwa ni Theron. Mamamatay na rin ang katawang-lupa nito at ang diagnosis ay lalabas na isang bangungot ang cause of death.

“Idiot!” Nagkakandagalaiting sambit ni Lori sa sarili. “Hindi man lang naisip na hindi normal ang nangyayari. Na imposible siyang makita ni Marjayrie dahil nasa astral form siya? Ang tanga-tanga! Akala ko ba, henyo siya?”

Bakit ba masyado siyang apektado? Oo nga at naging obligasyon na nilang pangalagaan ang mga mortal. Pero kahit minsan, hindi siya naapektuhan nang ganoon kapag may muntik-muntikan nang mapahamak. Kapag may mga mortal na hindi nila nagagawang iligtas ay tinatanggap nila na parang isang pagkaing naagaw sa kanila. They will get mad but moved on after.

Pero iba ang sitwasyon kapag si Theron na ang sangkot. Hindi niya gustong mapahamak ang lalaki. Siguro dahil nakokonsensiya siya. Hindi papasok sa mundong iyon si Theron na walang gamit na protection spell kung hindi niya ito minarkahang source of food. At dahil hindi ito gumagamit ng protection spell, malapit ito sa panganib. Nangangahulugan pa rin iyon na kasalanan niya.

Teka nga. Bakit ba siya tinutubuan ng konsensiya?

Ang pinakaunang dahilan kung bakit siya umaaligid kay Theron at pumapasok sa panaginip nito kapag nasa state of lucid dreaming ang lalaki ay dahil gusto niyang gumanti. Hindi siya kasi makakain mula rito kapag nag-o-OBE ito kaya kapag nasa lucid dreaming na lang siya sumasalisi. Besides, hindi na naman nito iniintindi ang mga nangyayari rito kapag nasa ganoong uri ito ng panaginip. And she never showed her face to him too. Kaya walang problema.

Kaya lang, noong nakita niyang umaaligid si Theron kina Lathan at Scylla ay naimbyerna si Lori. Sinusubaybayan pa rin nito ang kasintahan ng kapatid maski alam nitong walang kapag-a-pag-asa sa dalaga. Hindi niya eksaktong alam kung naaawa siya o naiinis. At kung para saan ang dalawang damdamin ay hindi rin niya eksaktong mapagdesisyunan. Sa pagkalito ay inagaw na lang ni Lori si Theron sa mga kapatid na nagbabalak biktimahin ito.

“Darn thing!” Hinampas ni Lori ang sariling dibdib nang maramdamang kumabog na naman iyon ng malakas. Hindi niya gustong isiping may ibang ibig sabihin ang pagwawala ng laman na iyon sa loob niya.

Iniangat niya ang kanang kamay kung saan nakasuot ang anulum commode at itinapat paikot sa buong paligid. Detecting if there was trouble around.

Wala.

The coast was clear. Pwede na siyang kumain.

Binaybay ni Lori ang daan pabalik sa kanilang kuta para makalabas na ang kanyang astral form. Kailangan niya ng sapat na enerhiya. Kung hindi dahil sa ibinigay na lakas ni Axyl sa kanya, baka ngayon ay nanlulupaypay pa rin siya.

She cursed once more. Nakakainis talaga! Bakit ba ang hina niya? Kung hindi dahil sa anulum commode, walang-wala siya sa kalingkingan ng mga Monfort. Hindi niya maririnig, maaamoy at mararamdaman ang mga Avergou. At hindi siya magiging karapat-dapat sa katawan ni Lori.

Gusto niya minsang mag-self-pity. Alam naman niyang kaya nagiging mapagbigay sa kanya ang mga kapatid ay dahil alam ng mga itong hindi siya kasinlakas ng mga ito. Wala siyang kakayahan na tulad ng sa mga ito. At pilit lang siyang pinapaniwala na dahil bunso siya kaya ganoon siya i-spoiled.

KATATAPOS lang mag-hunt ni Lori at balak nang bumalik sa kanyang katawan pero may malakas na pwersa sa loob niya ang gustong silipin sandali si Theron. Ilang araw na niyang pinigilan ang sarili na gawin ang nakahiligang gawin. Napagtagumpayan niya ang bagay na iyon. Pero kagabing magkita ulit sila sa isang hindi magandang sitwasyon, muling nabuhay ang kagustuhan niya na muling madalaw si Theron sa panaginip. At sa pagkakataong iyon ay hindi niya kayang pigilan ang sarili. Lumipad ang astral body ni Lori papunta sa town house ni Theron. Tumagos siya sa panel window ng silid ng binata. Mahimbing pa rin ito sa pagtulog maski alas-tres na ng madaling-araw. Kung ganoon ay pwede pa rin siyang pumasok sa panaginip nito.

Pero bago iyon ay hinagod muna niya ng tingin si Theron habang nakalatag ang matipunong katawan sa kama. Nasa bewang pababa ang kumot at hubad ang paitaas. Kitang-kita tuloy niya kung gaano kaganda ang katawan nito.

Matitigas ang mga kalamnan at nasa tamang puwesto ang mga muscles. Though hindi ito sobrang maskulado. Tama lang. Matangkad ang lalaki. Na sa tuwing magkakaharap sila ay halos tingalain niya ito para lang magsalubong ang kanilang mga mata.

And when he smiles… muy simpatico! Kailan ba niya iyon unang napansin? Noong gabi na sinimulan niyang subaybayan ang binata. Noong gabi na gustong-gusto niyang makaganti sa paghigop ng spell nito sa kanyang enerhiya.

And those deep, penetrating eyes he had when he looked at her. Like she was the most beautiful woman he had ever seen. Na alam ni Lori na imposible. Wala naman itong ibang ginustong babae kundi si Scylla. Too bad, hindi ito kayang pag-ukulan ng damdamin na kasintindi ng ibinibigay nito sa dalaga.

And why the thought brings pain inside her? Hindi siya dapat nakakaramdam ng ganoon!

Dapat ay umaalis na si Lori sa silid na iyon pero kabaligtaran ang kanyang ginawa. Sa halip ay lumapit siya sa kama. Naupo sa gilid at malayang pinagmasdan ang kagwapuhang nakalatag sa kanyang harapan.

Makikisig at simpatiko rin ang kanyang mga kapatid at pinsan. Lalo na ang kanilang ama na doon yata minana ang pagiging good-looking nilang lahat. Pero iba ang panghalina ni Theron sa kanya. Kung anuman ang gamit nitong chant para maagaw nito ang kanyang pansin, hindi niya alam. At wala siyang balak na alamin pa kung paano iyon pipigilan.

She had this feeling that she wanted to be near beside him. Kahit sa panaginip lang. Pero nandoon din ang takot na alamin ang damdaming hindi pa niya mapangalanan.

Tahimik na hinaplos ni Lori ang makinis na mukha ng natutulog. Kung nalalaman lang nito ang mga pinaggagagawa niya, baka matakot na ito sa kanya. She can interlope inside his dreams. She can be beside him by day. Wala itong kawala sa kanya maging sa oras ng pamamahinga. At ang isiping iyon ay nagbibigay sa kanya ng ligaya. Natatakpan noon ang insecurity at pagkalito niya sa sarili.

Tatayo na sana si Lori para umuwi na dahil may kailangan pa siyang asikasuhin gamit ang katawan ni Marjayrie, nang marinig niyang magsalita si Theron gamit ang isip nito.

“Stay, Lori. Please stay.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.