Last Night's Fantasy (Compilation of Gothic Romance) Chapter 27

NAPASINGHAP si Lori. Gumapang ang pagkabigla at pag-aalala. Nilingkis siya ng kalituhan. Yes, naririnig niya ang iniisip nito nang mga sandaling iyon.

“I know it’s you,” Dagdag pa ni.Theron.

He maybe in his lucid dreaming state. Tulog ito pero nararamdaman ang buong paligid.

“How can you be so sure? Hindi mo nakikita ang mukha ko.” Nag-isip siya ng pwedeng ipananggalang sa hinala nito.

Hinaplos ni Lori ang malapad at matigas na dibdib ng binata. At nakapagtatakang masarap sa pakiramdam ang init ng katawan nito. Gusto niyang matakot sa sariling pakiramdam pero mas nangibabaw ang pagkatakam sa nilalasap.

“I am a succubus, Theron. And I am going to rape you,” sabi niyang nagpatuloy ang mga kamay paibaba sa may bewang nito. Hinila ang kumot at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ng makita ang malaking bagay sa gitna ng mga hita. Nakatago sa kulay itim at maigsing panloob.

Gusto niyang manginig sa ginagawa. Kailanman ay hindi siya nang-akit ng binibiktima. At hindi rin siya umabot sa ganitong punto para lang makapagpalusot. Kahit pa nga, parating nagte-take over sa kanya ang carnal desire na hirap na hirap siyang pigilan.

Hell! And the man was aroused even in his dreams!

Narinig niyang tila humahalakhak sa isip si Theron.

“Walang succubus na nagpapaalam na manre-rape.” Tila naaaliw ang tinig sa kanyang isip. “But if you do. I will gladly let you.”

Sunod-sunod na napapalunok si Lori habang naglilipat ang tingin sa maumbok na bahagi ng katawan nito at sa payapang mukhang natutulog sa ibabaw ng kama.

“Just wait me up. I am going to do an OBE. Unfair na ikaw lang ang kikilos.” Himig nanunukso pa rin si Theron.

Bigla siyang napatayo. May masarap na kilabot na biglang kumidlat sa buong katawan ni Lori. At higit na natatakot siya sa pakiramdam na iyon kesa sa lagim na ibinibigay ng mga soul suckers sa kanya.

“Then that will never be rape if you will make a deed too,” nalilitong saad niya. Ni hindi niya alam kung paanong lumabas ang mga salita sa kanyang bibig. “Go back to sleep. I wanted to rest, too.”

Ang akmang paglayo ni Lori ay nahinto nang maramdaman ang malakas na kamay ni Theron. Sa isang sandali ay nakalabas na ang astral body nito sa human form.

“You started it.” He huskily whispered against her ears. At gusto niyang panuyuan ng lalamunan maski pa nga nasa astral form siya. What kind of being was he to make her feel that way? Mas malakas siya rito kaya bakit sa isang mainit na bulong lang nito ay parang gustong manlambot ng mga tuhod niya? “I’ll finish it, though.”

Bago pa mahagip ni Lori ang kumakaway na katinuan ay hawak na nito ang magkabilang pisngi niya. At hindi lumipas ang segundo ay sakop na ng mga labi nito ang mga labi niya. Mapusok siyang hinahalikan. Hindi mapigil ni Lori ang sariling mapasinghap kasabay ng pag-awang ng bibig. Na sinamantala naman ni Theron. He had deepened their kisses. His tongue thrust inside her mouth and search for wonders. Sa pagkamangha pa ni Lori ay sumalakay sa kabuuan niya ang masarap at mainit na sensasyon. It was flaming desire na gusto siyang tupukin. Nanlalambot na siya sa loob ng mga bisig nito habang marahas na hinahalikan ang kanyang mga labi. Yet the movement of his lips became gentle in a short time. Became drastic again in claiming her mouth.

Kung bakit niya nararamdaman ang passion and desire sa mga sandaling iyon ay hindi niya gustong isipin. Gusto niyang lasapin ang masarap na sandali na sigurado niyang hindi niya mararamdaman sa kahit ilang siglo pa ang lakbayin niya.

And when he released her, parang gustong mapugto ng kanyang hininga. She wanted more. And she was sure that the passionate need in his eyes mirrored hers.

“You are lethally beautiful…” His husky voice penetrated inside the center of her chest. May kung ano ring gumuguhit na pakiramdam sa kanyang tiyan.

At hindi tama ang lahat ng ito!

Mabilis na tumayo si Lori. “I have to go.”

Hindi niya binigyan ng pagkakataong pigilan ulit siya ni Theron. Dahil sigurado siyang may mas malalim na mangyayari kung magtatagal pa siya roon.

At bakit ba siya pumapayag na lang ng ganoon? The man was so attractive but he is not the only attractive man she met. Sapat bang dahilan ang isiping na-attract siya ng kagwapuhan nito para basta na lang itong payagang halikan siya? At hindi simpleng halik ang ibinigay sa kanya ni Theron. It was an earth-shattering kiss!

No!

This is insane!

NAGPAPALAKAD-LAKAD si Lori sa loob ng silid ni Marjayrie. Gising ito kaya hindi siya makapasok sa katawan nito. Kung bakit ba naman kasi ayaw pa nitong matulog.

Pinili niya si Marjayrie na i-possess dahil bukod sa mayaman ito ay mahina rin ang katawan. Mas madaling pasukin ng tulad niya, kung may katulad man siyang uri ng nilalang.

May pumasok na katulong sa loob at inabutan ito ng plantsadong damit. Itim na red fitted dress. Nang pumasok sa ward robe ay nahulaan na ni Lori ang mangyayari. Aalis si Marjayrie. Saan ito pupunta?

Nakaisip na ng solusyon si Lori para sa problema niya kay Jerome. Kukuha na lang siya ng taong pwedeng pabilhin ng property nito na hindi madadawit ang pangalan ni Marjayrie o ng kahit sinong Castellejo. Hindi naman kasi niya pwedeng payagan ang gusto ng manyak na Jerome na iyon. Sa kanya man o hindi ang katawan ni Marjayrie.

Pero paano siya maghahanap ng tao ngayong ayaw matulog ng dalaga? Tsaka bakit ito aalis? Kailangan nitong ipahinga ang katawan. Iyon ang bilin ng doktor nito. Kagigising lang nito sa pagkaka-comatose, may isang buwan na ang nakararaan. Mahina pa rin ang katawan pero sinasalinan niya ng enerhiya para magamit. At kailangang makuha na niya ang pakay bago pa man muling magdeteriorate ang katawan nito.

Sandali pa at sinusundan na ni Lori ang papaalis na si Marjayrie. Sakay ng magara nitong itim na Ferrari. Napapaisip siya habang daan sa tabi nito. Saan pupunta ang babae? Imposibleng sa doktor nito dahil hindi pa naman schedule ng check up. Magsha-shopping? Pero hindi sa mall ang destinasyon ng sinasakyan nila. Wala rin itong isinamang driver. Hindi rin sa building ng ama nito.

Kung ganoon, saan?

Bumaba sila sa engrandeng entrance ng isang five-star hotel hindi kalayuan sa subdivision. Matapos ibigay sa valet ang susi ng Ferrari nito ay dumeretso na papasok ng hotel. At ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang sa bungad pa lang ay salubungin na ni Jerome Carriedo si Marjayrie.

Ano ang nangyayari? Bakit magkakilala ang dalawa? Siniguro niyang walang kaugnayan kay Carriedo ang taong gagamitin niya. Paano nangyari ito?!

Nang magsimulang akayin ni Jerome si Marjayrie papunta sa isang restaurant na nasa lower ground ng hotel ay nagsimula rin siyang mataranta. Hindi niya malaman kung susundan ang dalawa o ano.

Tinangka ni Lori na pasukin ang katawan ni Marjayrie pero sa malas, hindi siya makapasok. Malakas ito sa pagkakataong iyon. Mahihinang nilalang lang ang pwede niyang i-possess.

Papasok sina Marjayrie, papalabas naman sa exit door si Theron. Natuon dito ang kanyang atensyon. She needed some help. Bahala na sa kung ano ang susunod na mangyayari, basta kailangan niyang mailayo si Marjayrie kay Jerome.

“HELP me, Theron!”

Napabaling sa kaliwa si Theron. Para kasing narinig niya ang boses ni Lori na humihingi ng tulong. Pero imposible. Day time. Masusunog ang katawan nito kung lalabas ito.

“Please… kailangan ko ng tulong mo.”

Napahaplos sa sariling batok ang binata. Biglang nagtayuan ang mga balahibo niya roon nang tila may humaplos na malamig na hininga sa kanyang tenga. Gusto niyang kilabutan. Naririnig niya si Lori. Pero nasaan ito?

At higit sa lahat, mabilis ang pagbagyo sa kanya ng pag-aalala. Nasa panganib ba ang babaeng bampira? Hindi ito hihingi ng tulong kung hindi nito sobrang kailangan.

“Nasaan ka, Lori?” bulong niya sa sarili. Nahiling na sana ay makaabot iyon sa pandinig ng bampira.

“Here… near you. Huminto ka muna sa paglalakad. Hindi tayo dapat makalayo.”

Nahinto nga sa paglalakad si Theron at nagpalinga-linga sa paligid. Walang Lori siyang makita. But of course! Hindi ito lalantad sa ganoong oras.

“Listen, Theron. Nasa restaurant na pinanggalingan mo si Marjayrie. Kasama niya ngayon si Jerome at kailangan mo siyang mailayo sa manyak na iyon!”

Natataranta ang boses ni Lori at inaaniban na rin siya ng pag-aalala para dito. At bakit wala ito sa loob ng katawan ni Marjayrie? Hindi ba at gamit nito ang katawan ng babae?

“Teka… teka,” Iniangat ni Theron ang cell phone sa tapat ng tenga at nagkunwaring may kausap roon. Para naman hindi siya magmukhang tanga sa mga nagdadaan. “Ano ba talaga ang nangyayari? Bakit ko siya ilalayo kay Jerome?”

“Dahil hindi sila pwedeng mag-usap! Malalaman ni Marjayrie ang lahat at posibleng hindi ko na magamit si Marj para mabili ang property!”

Napatiim-bagang si Theron. Hindi niya gusto ang naririnig. Kung dati ay parasite na ang tingin niya sa mga astral vampires, ngayon ay mas lumala. Gumagamit ang mga ito ng inosenteng tao para makuha ang gusto!

“No,” mariing tanggi niya. “Hindi ko gagawin `yon.”

Nagtangka siyang tumalikod. Kung nasa astral form si Lori, hindi siya nito mapipigilan dahil nasa human form siya. Kung siya ang nasa astral form at ito ang nasa human form, pwede pa.

“Hindi mo naiintindihan, Theron. Nakasalalay dito ang kaligtasan ng buong pamilya ko.” Puno ng desperasyon ang tinig ni Lori na siyang nakapagpalambot kay Theron.

Her voice was helpless. And as if she was gentle sobbing. Hindi pa niya narinig sa ganoong tono si Lori. Parati itong buo, malakas at tipong hindi matitibag ng kahit na sino. Pero iba ito ngayon. Siguro dahil sa usaping pamilya.

Ah! Even vampires have feelings too. At marunong ding magpahalaga sa pamilya. Napabaling tuloy siya pabalik.

“Please, ibibigay ko ang gusto mo, tulungan mo lang ako…”

Nasisiguro ni Theron na out of desperation lang kaya nito nasabi iyon. At tuluyan siyang natunaw sa pakiusap ng bampira.

“Okay.”

“Thank you.”

Nahuhulaan na ni Theron na ngumingiti si Lori sa mga sandaling ito dahil na rin sa nahimigan niyang relief sa boses ng babaeng bampira. Napangiti rin siya at isinuksok na ang cell phone sa bulsa ng kanyang slacks. Gusto niyang mapailing. Dapat ay kinikilabutan na siya sa kanyang karanasan sa mga sandaling ito. Nakikipag-usap siya sa isang nilalang na hindi niya nakikita. At pinaniwalaan at sinusunod pa niya ang pakiusap. Gaano kabaliw iyon?

But he will deal with her, later. After this. He started to walk back. Step inside the restaurant and find the woman, Lori was up with. Sa isang sulok na bahagi niya nakita si Marjayrie at kausap ang lalaking malamang ay si Jerome.

Now what? Ano’ng sasabihin niya para mailayo ang babae sa Jerome na iyon?

“Ah! Bahala na.”

SANDALING pinagtaasan ng kilay ni Marjayrie si Theron nang pabasta niyang hablutin ang braso nito. Sandaling-sandali lang dahil bigla ay tumitig ito sa kanya. Para bang kinikilala siya. Na imposibleng makakita ito ng rekognasyon. Isang beses pa lang silang nagkaharap at si Lori ang nasa katawan nito ng araw na iyon.

“Let’s talk, Marj,” sa hindi mababaling tono ay sambit niya.

And Theron had that kind of authority. Iyong tipong hindi siya pwedeng balewalain. Na kapag nag-utos siya ay hindi pwedeng hindi susundin.

Napatayo si Marjayrie. Umawang ang bibig para magsalita pero naunahan ito ni Jerome.

“Hindi pa tayo tapos mag-usap, Miss Castellejo.”

“Some other time, Mr. Carriedo.” Si Theron ang tumugon sa lalaki. Na bigla na lang napanganga sa pagkabigla. Siguro ay dahil hindi inaasahang kilala niya ito. Bumaling si Theron kay Marjayrie. “Let’s go.” Inabot niya ang mamahaling wristlet pouch nito. Saka iginiya palabas ng restaurant. Naghanap siya ng lugar na tahimik at may privacy. Isang coffee shop ang nahagip ng tingin ng binata at doon inakay si Marjayrie.

“Excuse me?” Asar na bawi ng babae sa pupulsuhan nitong mahigpit na hawak niya. “Bakit parang kilala kita na hindi naman?”

Sandali lang na binalingan ni Theron ang babae, saka muling itinutok ang atensyon sa daraanan. “I have a bit of memory of you. Hindi ko maintindihan,” nalilitong sabi ng babae.

“Oh, shit! Nag-contaminate ang memory ko sa kanya. Paano na `to?!”

Narinig ni Theron ang gustong matarantang boses ni Lori.

“Kalma, Lori. Mamaya natin pag-usapan `yan,” mahinang sabi ni Theron.

“Hindi ako si Lori!” The woman beside him snapped.

“I know,” baling niya rito. “I am talking to Lori, sweetheart.” At matamis itong nginitian para mapakalma.

“What?” nalilitong tanong nito. “Wala akong maintindihan. Tayo lang ang magkasama. Sinong Lori ang sinasabi mo?”

“Ang nanghihiram ng katawan mo. Ang may-ari ng memory na sinasabi mong naaalala mo.” Napasinghap ito. Kung sa pagkabigla, pagkalito o pagtataka man ay hindi niya sigurado.

Pero nanahimik na si Marjayrie at sumusunod na lang sa mga hakbang niya. Siguro ay gusto rin nitong malinawan. Naririnig naman ni Theron ang sunod-sunod na pagbuntong-hininga ni Lori sa kanang tabi niya. Sigurado siyang nandoon ito. Doon malakas ang pakiramdam ng nakakakilabot na aura.

Nakapagtataka lang na kanina pa niyang nararamdaman ang nakakapanindig balahibong enerhiya nito pero hindi niya magawang matakot. Siguro, dahil nakasanayan na niya ang ganoong aura ni Lori. And also, that he knew, she was not really a bad entity. Iniligtas nga siya nito sa nilalang na hindi niya alam kung ano kahit pa ang kapalit ay ito ang nahirapan at nasaktan nang sobra.

Nang maalala ni Theron ang eksenang halos pumunit sa dibdib niya, ang pamimilipit ni Lori sa matinding sakit, gusto niyang magalit sa sarili. Wala siyang nagawa para dito. Tama lang na tulungan niya ito ngayon sa pinoproblema nito.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.