“SO, WHAT now?”
Nakaupo sina Theron at Marjayrie sa pinakatagong parte ng café na pinasukan nila. Si Lori ay nakatayo sa tabi ni Theron, tensyonado. Sasabihin ba ni Theron kung ano ang nangyayari? Pero hindi pwede. Mabubulilyaso ang mga plano niya. Paano ang mansyon?
“Ano ang mga alam mo?” mahinahong tanong ni Theron kay Marjayrie.
“That I am looking at you when you were sleeping. I am wandering in your house at night. I am touching your handsome face and it felt warm, I like the feeling.” Ngumisi ang tinamaan ng magaling na si Theron. Naipadyak ni Lori ang mga paa. Bakit sa dami ng alaala niya na pwedeng mag-leak sa memory ni Marjayie, `yon pa?! “But I am confused. Hindi naman kita kilala. Mas lalong hindi ako nagpupunta sa bahay mo. I-I am s-sick.” Halos pautal na pag-amin ni Marjayrie. “Bihira akong makalabas ng bahay. At ang Jerome Carriedo na iyon. Why is he telling me that I am interested in his property? I even considered being with him and warm his bed? God! What the hell?!”
“Because someone is using your body. And that memory was hers.”
Kalmado ang pagsasalita ni Theron pero nakita niyang nanginig sa takot si Marjayrie. Na mabilis napalitan ng kalituhan.
“What. Are. You. Saying?”
“Someone possesses your body and she was here.” Luminga sa bahagi niya si Theron. Alam niyang nararamdaman siya nito.
“What the fuck!?” mahina pero pagalit na singhal ni Marjayrie kay Theron. “Are you crazy?”
Malinaw na hindi ito naniniwala. Pero nang manahimik ay parang ikinonsidera na rin ang ideya ni Theron.
“But how? Why?” mahina at nalilitong tanong pa rin ni Marjayrie.
“You are sick. Mas madali kang i-target ng mga dark… I mean, mga other dimensional creatures.”
“Pero bakit?” Biglang nahalinhinan ng galit ang pagtataka ni Marjayrie. “At balak niyang ibigay ang katawan ko sa hayup na Jerome na `yon? I can pay the property ten times of his price. Maski pagkatao ng Carriedo na `yon, kaya kong bilhin! Magkano ba siya, ha? At kung sino man `yang ispiritu na gumagamit sa katawan ko, ano’ng karapatan niyang ibigay na lang ako basta sa manyak na `yon?!”
“Tell her I didn’t plan to bed the guy using her body,” pabulong na sambit ni Lori kay Theron. Nauunawaan niya ang galit ni Marjayrie pero dapat din naman nitong pakinggan ang side niya.
“Hindi naman niya pinlanong ibigay ang katawan mo sa hayup na Jerome na `yon. Nag-assume lang ang walanghiya kasi nakipagkita ka sa kanya.”
“And why was the soul wants the property?” Iritado pa rin si Marjayrie.
“Kung nag-contaminate ang memory ko sa kanya, dapat na alam niya,” bulong ulit niya kay Theron.
“Bakit hindi mo alam? Naghahalo ang mga memory n’yo, `di ba?”
“Hindi ko alam! Ano’ng magagawa ko? `Yong mga patungkol lang sa `yo ang naaalala ko,” atribidang tugon nito.
Ngumisi uli si Theron. Sa pagkairita ni Lori, mukhang tuwang-tuwa sa naririnig ang tinamaan ng lintik!
“Tell her I need the property. Walong nilalang ang maililigtas niya kapag nabili ang property.”
Sinabi ni Theron kay Marjayrie ang mga binulong niya.
“At ano’ng mapapala ko ro’n? Sinong mga nilalang `yon? May kinalaman ba ako sa buhay nila? Bakit kailangan kong maglabas ng pera para sa property na `yon?”
“Wala. Wala kang mapapala. At sobra-sobra na ang kayamanan mo. Bawasan mo naman! Tutal, hindi mo rin mapapakinabangan `yan kapag namatay ka na,” naiinis na sabi ni Lori.
Naiinis na siya sa prinsesa ng mga pera na ito. She had a serene beauty. Pero may angkin din palang kamalditahan. Akala niya, ang tipo ni Marjayrie ang madaling mapakiusapan. At bakit ba niya naisip na ganoon nga?
What would she expect from an heiress?
But she was sick. Ang alam niya kapag may sakit ang mga mortal at bilang na ang mga araw ay nagiging mabait. Kabaligtaran ang babaeng ito.
“Kailangan niya `yon to save her family,” sabi na lang ni Theron sa halip na sabihin ang mga binitiwan niyang salita.
“Nasaan ba ang pamilya niya? Bakit hindi ang mga `yon ang gumawa ng paraan? Kaluluwa na siya, dapat hindi na siya nakikialam sa mga buhay. Bumalik na siya sa kung saan siya nararapat. Wala na siyang lugar sa mundong ito kaya dapat umalis na siya.”
Napasinghap si Lori sa sinabi ni Marjayrie. She hits home. At napakasakit ng parte na iyon na nasagasaan nito nang hindi sinasadya. Wala siyang lugar sa mundong iyon.
Somehow, tama naman si Marjayrie. Hindi niya dapat na pinakikialaman ang buhay ng mga mortal. Pero kasi…
“Just cooperate, okay?” Mukhang napipikon na rin si Theron.
Napabuntong-hininga na lang si Lori. Kailangan niyang umipon ng maraming pasensiya. Naiintindihan niya ang reaksyon ni Marjayrie. It is not easy to accept that there was someone using her body for oneself’s purpose. At wala naman itong mapapala. Plus, she was a brat. Hindi nito gusto ang kinokontrol because all her life, she controlled everything and everyone around her.
“No, way! Please tell him or her to leave me alone!”
At padaskol na tumayo si Marjayrie, iniwan si Theron na napapailing na lang.
Nawalan ng lakas si Lori na umupo sa inalisang silya ni Marjayrie at naihilamos ang kamay sa mukha.
“Are you still here, Lori?”
Hindi siya sumagot. Naglagay na rin siya ng harang para hindi na nito maramdaman ang kanyang presensiya, gamit ang anulum commode.
“Ang babaeng `yon! Napaka-user! Hindi man lang nagpaalam na aalis na siya. Hah! Grabe!” Iiling-iling na kausap ni Theron sa sarili.
Tumayo na rin ito at nagsimula nang humakbang paalis.
“WHY ARE you so obsessed with the property?”
Napabaling si Lori sa nagsalita. Theron was in his astral form. Nandoon na naman ito sa tenement building kung saan niya ito nakitang inaakit ni Ganaiah. At wala na naman itong protection spell kaya nakakalapit sa kanya.
Such an idiot! Ipinapahamak lang nito ang sarili!
O baka kaya ganoon ito ay dahil tiwala na ipanananggalang na naman niya ang sarili laban sa soul sucker. Well, that was her obligation. Ang ilayo ang mga ito sa panganib. Pero napakahirap yatang ilayo ang mortal na inaanyayahan pa ang panganib na lumapit dito.
Damn!
“Ano’ng ginagawa mo dito?” paasik na tanong niya.
“Well, hinihintay kitang dalawin ako sa bahay pero hindi ka dumating.” Nagkibit-balikat ito kasunod ang nakakalokong ngisi.
Pinukol naman ni Lori ng matalim na titig si Theron. `Yong tipong kikilabutan ito. Katulad ng kung paano niya sindakin ang mga tulad nitong astral travellers. Pero sa malas, ipinagkibit-balikat lang nitong muli ang bagay na iyon.
“So, ikaw pala `yong parati kong nararamdaman sa bahay ko kapag gabi?” Umigkas ang gilid ng mga labi nito sa paraang nang-aasar. “Ganoon ka ka-obsess sa akin para parati akong lapitan?”
“Excuse me?” Mula sa balustre sa rooftop ng tenement building ay nilusob niya si Theron at pinameywangan. “Gusto ko lang gumanti. Ninanakawan kaya kita ng blood energy kapag natutulog ka.”
“Really? Bakit hindi ganoon ang dating ng pagkukuwento ni Marjayrie kanina?”
“She was just exaggerating things.”
Sino’ng niloko niya? Alam niya, hindi lang siya aware na hinahaplos pala niya madalas ang gwapong mukha ni Theron. Kung bakit, hindi rin niya alam. Maybe, he really had that kind of charm, no woman can resist.
Oh, not precisely. Wala ngang epekto ang lalaki sa bratinella na si Marjayrie.
What the hell!?
Ilang dekada na rin siyang namumuhay sa magkaibang daigdig na iyon. At palagi na lang, pakiramdam niya may kulang. Kahit pa nga pinapaliguan siya ng pagmamahal ng pamilya Monfort.
Pero nang makilala niya si Theron, nang makaharap niya ito, pakiramdam niya, may bahagi niya ang biglang nabuo. Hindi niya alam kung bakit naipaparamdam iyon ni Theron sa kanya. Samantalang siya nga mismo, hindi alam kung paano bubuuin ang sarili. Dahil paano niya bubuuin ang hindi niya alam kung ano at paanong nawasak.
Narinig niya ang malalim na buntong-hininga ni Theron. “Back to my question. Bakit gustong-gusto mo ang property? Doon kayo nagkukuta ng pamilya mo, ano?”
Bahagyang kinabahan si Lori. Hindi niya pwedeng aminin. Paano kung bigla nitong ipasunog ang bulok na mansyon habang namamahinga ang buong pamilya niya? Ipapahamak lang niya ang mga taong totoong tumanggap at nag-aruga sa kanya!
“Pwede naman kayong lumipat na lang. Besides, astral vampires can wander everywhere in no time. Kaya n’yong mag-travel sa kahit saan sa maigsing oras lang.”
Hindi malaman ni Lori kung makakahinga na nang maayos. Sa tono ng pananalita nito, wala sa intensyon ang ipahamak ang angkan niya. Binibigyan pa nga siya ng suggestion para mapunta sa mas ligtas na lugar.
“Why would I tell you what our plans, are? Who knows, nagtatangka ka lang wasakin kami. Hindi ba at galit na galit ka sa mga kauri ko?” Nanlisik ang mga mata ni Lori.
Naalala kasi niya ang mga pinaggagawa nito para pahirapan ang kapatid na si Lathan at mahadlangan ang pag-ibig noon kay Scylla.
“Hey… easy…” Umuurong na sabi ni Theron, inihaharang ang dalawang kamay na parang sinasabing kumalma siya at huwag aatake. “Dati lang akong nagagalit sa mga katulad n’yo. But not until I saw a lethally gorgeous woman on earth!” Kumindat pa ang walanghiya. Hindi niya iyon ikinatuwa. Pakiramdam niya kasi, pinaglalaruan siya nito.
At bakit ba hindi ito masindak-sindak maski naglalabas na siya ng makapanindig-balahibong aura?
“I am literally fatal. I can kill you with just a snap. Lalo pa at…” Inabot niya ang balikat nito, mariing pinisil, saka mapanindak na ngumisi. Ang mga tulad niyang astral vampires, maski nasa human form ay kayang hawakan ang mga astral bodies. “Napakalapit mo lang, Theron De Juego.”
Ni hindi namamalayan ni Lori na tuwing naglalabas siya ng malagim na aura, lalo lang nahu-hook sa kanya si Theron. The man was into eerie feels. Na para bang ang ideya nito ng seduction ay ang mga nakakatakot na bagay o experience. The eerier her aura, the seductive she was.
“My name sounds great when you utter it.”
Naiinis ng binitiwan ni Lori si Theron. Damn him! Nakukuha pang manlandi maski sinisindak at pinagbabantaan na niya ito?! What a crazy… crazy man he was!?
“Get out! Habang kaya ko pang magtimpi,” inis na sikmat ni Lori sa binata.
“Why hold yourself? I am lending myself to be your food, darling.”
Darn! His voice, husky and warm. At may nakakakiliting sensasyon ang dumadaloy sa kanyang mga ugat. It stirs the inside of her stomach. What the hell is that kind of feels?!
“Is that your idea of Seduction 101?”
“Umeepekto ba?” Nakakalokong balik-tanong nito.
“No. I am not into that.” Kaila ni Lori. Pero kung magiging totoo siya sa sarili, may masarap na kilabot na lumilingkis sa buo niyang katauhan. At nagugustuhan niya ang epekto ng buong-buo at lalaking-lalaking namamaos na boses nito.
“Really?”
Hinablot niya ang lalaki sa batok nito, saka direktang tinitigan ang mga mata ni Theron. His dark brown penetrating eyes were the sexiest among all she had ever seen. It seems they smile and it tingles all the way to her toe.
Bumaba ang mga mata niya sa katawan nito. Napakatangkad ng binata, about six feet two inches, na kanina, sa tangkad niya ay kinailangan pa rin niyang tingalain ito.
And very, very attractive. He had a lean yet well-trimmed body, muscles on the right places. Hindi kasimbrusko ng iba ang pangangatawan nito, pero masasabi niyang matipuno. Humaplos ang isa niyang kamay sa malapad at matigas nitong dibdib, paibaba sa torso.
Heat spread through her when her eyes focused on the lower part. She literally stopped from breathing. Ano pa kaya ang itinatago ng jeans nito?
“Woman, let’s get laid.” His voice became huskier.
Napasinghap si Lori at noon lang na-realize kung ano ang ginagawa. Ang plano niya ay sindakin pa itong lalo para tantanan na siya pero bakit parang nauwi sa pang-aakit ang lahat?!
Shit! Bakit ba hindi niya makontrol ang sexual need? Akala niya ay nalagpasan na niya iyon. Pero mukhang hindi. Mukhang minana niya ang ugaling taglay ng kanyang pinagmulan. At gusto niyang kasuklaman ang sarili.
“Ginahasa ako ng pinagmulan mo! You are a fruit of a crime!”
“Hindi kita matatanggap! Impakta ka!”
Nang marinig na naman ni Lori ang boses ng ina sa kanyang isip, mabilis na napalayo siya kay Theron. Tatalon na lang sana siya paibaba, palayo sa tenement building nang maramdaman ang isang kamay na mahigpit na pumipigil sa kanya.
“I’ll help you buy the property. Kung hindi natin mabili sa gahamang lalaki na iyon, ako ang maghahanap ng bago n’yong tutuluyan.”
Natigilan si Lori sa akmang pagsalya kay Theron. Napatitig na naman siya sa nakakaakit na mga mata nito. Gusto niyang matakot dito. Bakit ba para itong soul sucker na kayang mag-establish ng eye contact sa pagitan nila? And once she was caught, nahihirapan na siyang kumawala.
“Bakit mo ginagawa ito?” wala sa loob na naitanong ni Lori habang kinukumbinsi ang sarili na ilayo ang tingin dito. Pero hindi niya magawa. “Bakit mo kami tutulungan?”
Nagkibit-balikat ang lalaki. Noon niya napansin kung gaano kalapad ang mga iyon. At para bang kay sarap humilig, kay sarap sumilong...
“Gusto ko lang.”
“Ano ang kapalit?”
Natural na may kapalit. Alam niyang walang nilalang na nag-o-offer ng tulong na walang inaasahang kapalit.
“Kapalit?” Nagsalubong ang mga kilay ni Theron na nakadagdag lang ng atraksyon nito. Kahit ano yatang gawin nito sa sariling mukha, mananatili itong kaakit-akit sa mga paningin niya. At iyon ang gusto niyang ipanghilakbot ng higit pa sa presensiya ng mga kalaban. “Uhm, sige. Let’s be friends.”
Friends?
Hindi niya ito gustong maging kaibigan!
“Okay.”
Dahil sa ilalim na bahagi niya, gusto niya ding mapalapit dito. Kahit pa nagsusumigaw ang kanyang isip na isa `yong katangahan!
Bakit kasi kapag nasa paligid si Theron, nagiging payapa ang naliligaw niyang isip at damdamin?