Last Night's Fantasy (Compilation of Gothic Romance) Chapter 3

Kibit-balikat ang itinugon ni Lathan. “We were born this way. Pasalamat nalang kayo at hindi kami kasing sama ng ibang lahi ng bampira. Pinoprotektahan pa nga namin kayo laban sa kanila.”

Maski hindi niya gaanong naunawaan ay tumango nalang siya. Nalilito siya sa pagpapaliwanag nito. Kakaiba kasi at ngayon lang niya narinig na may ganoon palang klase ng bampira. Ang alam niya lang sa bampira ay yung mga classic stories na sumisipsip ng dugo ng tao hanggang sa mamatay ang biktima. O di kaya ay yung mga bampira na nagre-recruit para maging kalahi ng mga ito.

Pero kung anuman ang ibigsabihin ni Lathan na sa panaginip ng tao lamang ang mga ito nakakain at di naman pinapatay ang biktima, palagay niya ay hindi na rin iyon gaanong masama. May pakiramdam rin siya na katiwa-tiwala naman ang kagwapuhan nito.

As a matter of factly, hindi siya makaramdam ng panganib kasama ito. Mas nararamdaman pa nga niya ang panganib kapag wala ito sa tabi niya. Siguro dahil, masyado itong magandang lalaki para katakutan.

Napangiti siya sa naisip. Napakagwapo naman kasi nito. Kaya nga kahit nakakatakot ang mga ipinagtapat nito ay di pa din niya magawang lubusang kilabutan. Natakot siya nang una, ngunit napalis rin naman iyon kaagad. Lalo pa nga at kaakibat noon ang katotohanang hindi naman siya sinaktan ni Lathan.

“Pwedeng huwag mo akong basta iwan nalang ng ganon? Wala na nga akong makausap, bigla ka pang mawawala?”

“Para sa isang kaluluwa na hindi ko naman kilala, masyado ka naman yatang demanding.” Sabi nito.

Inirapan naman niya si Lathan. “At ikaw, para sa isang bampira na nagta-transform bilang kabute, masyado kang arogante.” Ganti niya rito.

Hindi niya alam kung namalik-mata lang ba siya o totoong nakita niyang sumilay ang ngiti sa maninipis at mamula-mula nitong mga labi.

“Teka, saan ka ba nagpunta kagabi? Bigla ka nalang nawala, tapos ngayon, nandito ka na naman.”

Nag-iwas ng tingin si Lathan. “Kumain.” Tugon nito.“Kailangan ko din namang kumain matapos ang encounter ko sa Soul Sucker kagabi. Masyadong maraming enerhiya ang nawawala sa amin kapag napapasabak kami sa paglipol sa mga Avergou.”

Oo nga. Naalala na niya. Sa bilis nitong kumilos kagabi habang nakikipambuno, maraming enerhiya ang nawala rito. Natural na kailangan din nitong mag-recharge.

“Avergou?”

“Ang angkan ng mga Avergou ay malalakas at makakapangyarihang Soul Suckers. At dahil mahirap silang kalaban, kailangan namin na parating busog para handa kami sa laban.”

“Ngayon, busog ka na?”

Kibit-balikat ang itinugon ni Lathan.

“E bakit ka pala nandito?”

“Wala. Nainip lang ako sa tahanan namin. Tapos nakita kita.”

“Sus! Sabihin mo, talagang hinahanap mo ako.”

Isang malutong na halakhak ang pinakawalan ni Scylla nang makita ang parang nasukol na dagang reaksyon ni Lathan. Nagtiim-bagang ito pagkatapos.

“Your reaction, it’s priceless!”

Pinigilan niya ang sariling matawa na naman. Dumidilim na kasi ang mukha ni Lathan. Nagmumukha itong mapanganib subalit hindi niya naman maramdaman ang takot rito. Bakit wala siyang maramdamang takot rito? Na-a-amaze pa nga siyang masdan ang pagbabago sa expression sa gwapo nitong mukha. He looks devilishly gorgeous!

“Bakit naman kita hahanapin?” pasupladong tanong nito. “Diyan ka na nga. Assuming ka masyado.”

Bago pa makakilos si Lathan ay mabilis na niyang hinawakan ang braso nito.

“Ito naman, pikon agad.”

Masama ang tingin nito sa kamay niyang nakahawak sa braso nito.

“Ay, bawal ba kitang hawakan? Sorry.” Nginitian niya ito ng matamis. “Ikaw naman kasi, iiwan mo na naman ako. Kasasabi ko lang na wag mo akong basta iwan.”

“Alam mo?” Bumaling ito sa kanya at humalukipkip. Nahigit ni Scylla ang hininga nang unti-unting lumapit ang mukha ni Lathan sa kanya. Napatda siya sa kinatatayuan. Hindi niya maunawaan ang sarili pero bigla siyang kinabahan nang magtagpo ang kanilang mga mata. Titig na titig ito sa kanya. “Para sa isang kaluluwang nanganganib na nga ang buhay ng pisikal na katawan, hindi ba masyado yatang in-appropriate ang mga reaksyon mo ngayon? Nagagawa mo pang ngumiti sa ganitong sitwasyon?”

Noon siya nagkaroon ng pagkakataon na bawiin ang mga paningin. Lumamlam ang pakiramdam niya. Positibong uri siya ng tao kaya naman kahit nasa mabigat na sitwasyon siya ngayon, pinipilit niyang maging masaya at pagaanin ang damdamin sa kabila ng mabigat na pinagdadaanan.

“E kasi, kung parati akong iiyak, wala naman iyong maitutulong sa sitwasyon ko. I should atleast… you know, make my self strong. Ang pagiging masaya ang magpapatatag sa akin. Ayokong magpakalunod sa lungkot dahil kapag ganoon, mawawalan ako ng pag-asa. Gusto ko pa ding maging positive at isiping mabubuhay ako. At habang nagpapakatatag, naghahanap ako ng paraan para makabalik sa katawan ko.” Sumimangot siya matapos maalala ang biglaan nitong pagsingit sa plano niya kanina. “Sabi mo, magtatanong ka sa mga kasamahan mo ng pwedeng makatulong sa akin. Pero mukha namang wala kang maibibigay na tulong. At yung paraan ko sana na naisip kanina, sinabotahe mo pa.” asar na singhal niya rito.

Bumuntong-hininga ito. “Kasi, hindi tamang pakialaman mo ang katawan ng iba. Sasanib ka na din lang, dun pa sa mukhang hindi pa nakakapagpahinga. Have a heart.”

Iningusan niya ito. “Have a heart, have a heart ka diyan. Sabihin mo, ayaw mo lang maagawan ng pagkain. Ganyan kayo e.” Inirapan niya ulit si Lathan.

Pumalatak lang ito. Yamot namang humalukipkip siya.

“Ano nang balak mo ngayon?” tanong nito pagkuwan.

Pinandilatan nga niya ng mga mata ang gwapong lalaki. “Balak? Ano pa sa palagay mo? Yung balak kong gawin, sinabotahe mo na.” asar na angil niya.

Parang wala lang rito ang pagkaasar niya. Muli itong nagkibit-balikat. At nakakainis iyon. Bakit ba parang wala itong pakialam sa mga reaksyon niya? Ganoon ba talaga ang mga bampira? Mga walang pakiramdam? Pero yung mga napapanood naman niya, mga marurunong naman magmahal. Ibigsabihin, nakakaramdam rin ang mga bampira.

‘Nobela ang mga iyon, ano ka ba? This is the reality. Totoo ang kaharap mo. At ang lalaking iyan ay bampirang arogante, walang damdamin at walang pakialam.’

“Alam mo, nakakaloko ka na a?”

“What did I do?” kalmado at painosenteng tanong nito.

“Maang-maangan ka pa. Ewan ko sayo!”

Pinakatitigan niya si Lathan pagkuwan. Ang gwapo talaga ng loko. At mukhang wala naman itong pakialam pagdating sa bagay na iyon. Parang di ito aware na kulang nalang ay pagpantasyahan niya ang kagwapuhan sa kanyang harapan.

Pantasya?

What the heck is she thinking? Talagang sa ganitong sitwasyon pa niya naisip ang bagay na iyon ha?

Naiinis sa sariling ipinilig niya ang ulo. Kung anu-anong iniisip niya. Magnanasa nalang din siya, sa bampira pa?

Ano bang iniisip niya? Kapag bumalik siya sa katawan niya, hindi na niya ito makikita pa muli. Pwera nalang kung kumain ito sa kanyang panaginip.

“May itatanong pala ako sayo.” Untag niya kay Lathan na nakatunganga lang din sa kanya.

“Ano iyon?”

“Kung bampira ka, paano kayo nakaka-survive sa pagkain lang sa panaginip? Isn’t that absurd? I mean―”

“We were created to live that way. Deal with it.” Pamamatlang nito sa kanya.

“Pero para kasing ang hirap paniwalaan e.” giit pa ni Scylla.

“Mga modern vampires’ kami. Ang mga traditional vampires ay naglaho na, maraming daang taon na ang lumipas. Pero hindi ibigsabihin ng paglalaho nila ay wala nang sisibol na kauri ng mga naunang bampira. Hindi kami nawala sa kultura ng mundo. Just like how the world evolve and had been modernized, ganoon din kaming mga bampira. Sumibol ang iba’t-ibang uri ng mga tulad namin. At heto ako, napunta sa pagiging Astral vampire. Yung iba, mga sanguines at soul suckers.

Para sa akin, mapalad akong nabilang sa mga Astral Vampire, kami ng buong angkan ng mga Monfort. Hindi nakakakonsensiya ang paraan namin para mabuhay dahil hindi naman kami pumapatay na tulad nung dalawa. Nakikibahagi lang kami ng enerhiya ninyong mga tao sa inyong panaginip. At dahil dumadami na ang mga Astral Travellers, mas madali na para sa amin na mag-hunt. Hindi na kami nagiging nakakatakot at kasumpa-sumpang bangungot ng mga mortal.”

Hindi malaman ni Scylla kung ano ang sasabihin. Nalilito man siya sa mga sinabi ni Lathan ngunit hindi siya makadama ng kahit katiting na pag-aalinlangan upang paniwalaan ito. Katunayan, buong puso niyang tinatanggap ang lahat ng natuklasan at inilahad nito. Hindi rin niya magawang matakot maski pa may hatid na kilabot ang presensiya ng lalaki. Basta, chill lang siya kapag kaharap ito. At hindi niya iyon maunawaan.

Siguro, kaya ganoon ay dahil isa lang siyang kaluluwa. Hindi niya magawang matakot rito dahil pareho silang nasa ibang dimensyon ng mundo.

“Papadilim na, dapat na bumabalik ka na sa ICU. Bantayan mo nalang doon ang katawan mo.” Sabi nito matapos ang mahaba niyang pananahimik at paglilimi sa mga sinalaysay ni Lathan.

Humalukipkip siya. “Nakakapagod nang parating bantayan ang sarili ko. Wala rin namang nagbabago kahit bantayan ko pa iyon. Much better if I would walk and roam around. Baka may makita pa akong katulad ko at may matuklasang paraan para makabalik sa katawan ko.”

“Sa pagkakaalam ko, babalik ka lang sa katawan mo kung naka-recover iyon ng maayos. At kung ganito na inuubos mo ang enerhiya ng kaluluwa mo sa halip na impukin iyon para makatulong sa pagpapanumbalik ng lakas mo, mas magtatagal kang nakahiwalay sa pisikal mong katawan.”

“Ganoon ba iyon?” napaisip si Scylla.

Sa totoo lang, may punto ito.

“Oo, kaya bumalik ka na sa ICU bago mo pa makasalubong ang isa sa mga Avergou. Mapahamak ka pa.”

“Concern?” panunukso niya. Bakit kasi parang lihim na natutuwa siya rito.

Yun bang tipong, ang bait nito sa kanya maski nagsusungit. Kahit hindi naman nito dapat na ipaliwanag at ibahagi sa kanya ang ibang bagay patungkol sa sarili ay ginagawa nito. Samantalang hindi naman sila magkakilala. Kagabi nga lang sila nagkaharap. At sa halip na pabayaan nalang siya nito ay tinulungan at binabalaan pa siya nito sa mga dapat pag-ingatan.

“Hindi. Ano namang pakialam ko sayo? Lumapit lang talaga ako sayo para pigilan ka sa pagsulot sa pagkain namin.”

Sinimangutan nga niya si Lathan. “Sama mo!”

Hindi niya alam kung ano ang nangyari at narinig niyang tila nagkaroon ng tunog ang tipid na ngiting bahagyang-bahagya lang niyang makita mula rito. At sa kabila ng lahat ng mga pinagdadaanan niya ngayon, natagpuan niya ang sarili na panatag at masayang nakikinig sa gwapong tunog ng tawa ni Lathan.

“Halika.”

Biglang hinablot ni Lathan ang isa niyang braso. Nagulat pa siya ng pabigla siyang hilahin nito palabas sa madilim na eskinita. Papalubog na ang araw.

“Teka…”

“May pupuntahan tayo.”

“Saan naman?”

Tumitig ito sa kanya. Matagal. Hindi niya maunawaan ang mga damdamin na nasasalamin sa mga mata nito. Nakakalito.

“Malalaman mo din. Huwag ka nang magtanong.”

At nagpatangay na nga siya kay Lathan paalis sa madilim na eskinita na iyon. Kaluluwa lang siya. Pero sa kabila ng katotohanan na iyon, pakiwari niya ay nasa normal siyang katawan na kinikilig sa pakikipag-holding hands.

What the heck?

Nakikipag-holding hands rin naman siya sa mga naging nobyo niya ngunit bakit iba ang pakiramdam niya ngayon?

At ano ba sa akala mo ang mga itinatakbo ng isip mo, Scylla? Comatose ka na nga, lumalandi ka pa?

Inis sa sarili na inilayo niya ang isip sa kung anu-anong kalokohan na tumatakbo sa loob ng kanyang utak. Ano ngaba itong pinag-iiisip niya. Para siyang tanga.

Mas maraming importanteng bagay ang dapat na iniisip sa halip na ang paglandi ng kanyang puso. And speaking of puso, hindi iyon dapat lumandi sa mga katulad ni Lathan. Dahil kay Lathan, wala siyang Forever. Kung forever ghost or forever soul siya, baka pa. Pero hindi pwede, kailangan niyang mabuhay.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.