Last Night's Fantasy (Compilation of Gothic Romance) Chapter 4

NAPATUNGANGA nalang si Scylla nang mapagtanto kung saan sila pupunta ni Lathan. Sa ICU. Pipigilan pa sana niya ito para tanungin subalit dere-deretso ito habang mabibilis ang hakbang.

“Idikta mo sa akin ang mga gusto mong sabihin sa kuya mo at ako ang magsasabi sa kanya.” Pabulong na saad nito, ni hindi ito lumilingon sa kanya.

Ah, kaluluwa nga pala siya. Magmumukha lalo itong weird kung gagawin nito iyon. Weird na nga ito sa outfit nito, magsasalita pa ito ng mag-isa?

Dahil maliwanag sa pasilyo kahit gabi na dahil sa liwanag ng mga bombilya ay suot pa din ni Lathan ang shades nito. At wala naman itong kiyeme kung tinitingnan ito ng mangilan-ngilan nilang nakakasalubong.

“Ha? Teka? Bakit?” nalilitong tanong niya.

“Gusto mo siyang makausap, hindi ba? Pwede akong magpanggap na kaibigan mo at sabihin ang mga gusto mong sabihin sa kanya.”

“Pero…”

“It is a wiser way. Kesa naman sa nauna mong naisip na mag-possess ng ibang katawan.”

Oo nga naman. Bakit hindi niya iyon naisip? Napangiti siya sa sarili. Tinutulungan siya ni Lathan maski hindi niya hilingin. What a nice guy…

Deretsong pumasok si Lathan sa ICU kasunod siya. Tumagos lang siya sa pinto nang awtomatikong sumara iyon.

Halatang nagulat ang kapatid niya na tila naalipungatan sa pagkakatulog. Maigi nga at nakaagaw ito ng tulog habang nagbabantay sa kanya. Hindi pa ito natutulog buhat nang unang beses na sumugod ito sa ospital. At dahil liwanag pa nang makatulog ito, madilim ang silid, hindi na rin marahil binuhay ng hospital staff, bilang konsiderasyon sa natutulog.

“Hi! I’m Lathan. Kaibigan ako ni Scylla.” Walang prenong pakilala nito sa sarili kay Kuya Timothy habang inaalis ang shade nito.

Napakurap-kurap lang ang kanyang kapatid. Pasimpleng binalingan naman siya ni Lathan. Alam na niya ang ibigsabihin noon. Kailangan na niyang ihanda ang linya niya. Pumuwesto siya sa likuran ng kapatid.

“I’m Timothy, kuya niya.” Sandaling bumaling ang malungkot na mukha ng kapatid sa kanyang nakaratay na katawan. “Wait, buhayin ko lang ang ilaw.”

“Don’t bother. Hindi rin naman ako magtatagal. Gusto ko lang sumilip sa kanya sandali. At sabihin sayo ang ilang bagay na sinabi niya sa akin bago siya maaksidente.”

Pilit inaninag ni Kuya Timothy ang mukha ni Lathan. Tila sinisino ang kaharap.

“Kaibigan ka ng kapatid ko? Boyfriend?” Takang tanong nito.

“Nope.” Maagap na sagot ni Lathan. “Just a close friend. Madalas kaming magkakwentuhan at ikaw ang topic.”

“Estudyante ka rin sa university nila?” Muli ay nagtatakang tanong ng kanyang kapatid. “Bakit hindi ka yata niya nababanggit sa akin?”

“Maybe, I’m not that important to her. But you. I know how important you are to her.” Muli ay pasimpleng bumaling sa kanya si Lathan. Humanda naman na si Scylla.

“Pakisabi sa kanya na salamat sa lahat-lahat. Thank you for being such a perfect brother to me maski may pagkakataon na nagiging pasaway na ako. Thank you for spoiling me, for giving me everything more than I need. Thank you for taking good care of me up to the extent that he had forgotten to take care of himself. Inuuna niya parati ang kapakanan ko. He always make sure I’m more than okay.” Tumulo ang masasaganang luha sa mga mata ni Scylla at buong pagmamahal na tinunghayan ang kapatid. Gusto niya itong yakapin. Pero alam naman niyang tatagos lang siya rito. Napahikbi nalang tuloy siya.

“Sabi niya sa akin sa huli naming pag-uusap bago ito mangyari sa kanya, nagpapasalamat raw siya dahil binigyan siya ng kapatid na kasing perfect mo. Kapatid na selfless at inuuna parati ang kapakanan ng kapatid. Ikaw na daw ang pinaka-the-best na kuya.”

Hindi iyon ang eksaktong sinabi ni Scylla subalit namangha siya sa revision na ginawa ni Lathan. Ginawa nitong past at summarize. If it would sound present, hindi nga naman papaniwalaan ng kapatid niya. What a brilliant vampire he is.

“She was the only family I have. Kung hindi ko siya aalagaan, ano pa ang silbi ko rito sa mundo? I lived to protect my little sister. Ipinangako ko iyon sa mga magulang namin, pero nabigo ako.” Batid ni Scylla ang labis na paninisi ni Kuya Timothy sa sarili nito. Gusto na naman niyang maghurumentado. Masyado na itong nalulubog sa kalungkutan at pagsisisi. Ayaw niyang patuloy itong malunod sa maling kaisipan na iyon.

“No, kuya! Hindi totoo iyan! Ibinigay mo na nga ang lahat sa akin. Ginawa mo ang lahat para sa akin. Hindi mo kasalanan ang aksidenteng nangyari sa akin. Kuya, wag ka namang ganyan. Babalik ako, pangako, babalik ako.”

Tigmak sa luha na itinakip ni Scylla ang dalawang kamay sa mukha habang humahagulhol. Nakakainis. Mali yata ang desisyon ni Lathan na dalhin siya roon sa harap ng kapatid. Pakiramdam niya ay nade-drain ang energy niya habang ibinubuhos ang lahat ng emosyon. Hindi niya mapigilan, kusang bumubuhos ang kanyang damdamin dahil sa nakikitang estado ng pinakamamahal na kapatid. Sila nalang dalawa, sila nalang pero heto at hindi maganda ang kondisyon niya.

Natatakot siya na baka hindi magtagal at mag-break down ito. Kung bakit kasi kailangan niya ulit umiyak samantalang na-compose na nga niya ang sarili niya maghapon at ipinasyang pipiliting kumilos ng magaan at hindi nalulugmok sa lungkot para naman hindi maubusan ng energy. Pero anong nangyayari ngayon?

“Accidents happen everytime, Timothy. Hindi mo kasalanan ang nangyari. Besides, alam ko na naging napakabuti mong kapatid kay Scylla. I knew it based on how she tolds me stories about you. Alam ko rin na babalik si Scylla. I believe she will be back. She was such a brave woman. Babalikan ka niya, bro.” Tinapik-tapik pa ni Lathan ang balikat ng kapatid niya.

Ikinagulat na naman niya ang galing ni Lathan na humabi ng mga sasabihin. At alam niyang ang mga sinabing iyon nito sa kanyang kapatid ay nagpatatag sa loob nito para hintayin siya. She somehow felt better now. Kahit paano ay nabawasan na din ang nararamdaman niyang bigat sa dibdib. She smiled to Lathan and say her thank you. Lathan just nod at her.

“Tama, babalikan niya tayo.” Bigla ay usal ni Kuya Timothy.

Sandaling tila nagulat si Lathan. Oo nga naman, nakakagulat ang ginamit na pantukoy ng kanyang kapatid. Dahil sa pagbabalik niya sa kanyang katawan, hindi naman kasama si Lathan sa kanyang babalikan.

“I guess I have served my purpose here. I have to go.”

Hindi na hinintay ni Lathan na makasagot pa ang kanyang kapatid at tumalikod na ito. Kasabay ng pagbukas ng pinto ng ICU ang pag-usal ni Kuya Timothy ng pasasalamat. Sumunod siya kay Lathan at sa pagkagulat niya ay dagli siya nitong hinawakan sa braso saka tila ipu-ipong kumilos ito palabas ng ospital. Sa back door na swerteng hindi naka-lock sila dumaan. Napakabilis ng pagkilos ni Lathan na halos hindi niya namalayan kung paano siya natangay nito patungo roon sa rooftop ng ospital sa isang kisapmata lang.

“ANONG ginagawa natin dito?”

Palinga-linga si Scylla sa buong paligid roon sa rooftop ng ospital.Madilim na ang paligid. Lumubog na ang araw kanina pang pagpasok nila sa ICU. Kaya naman malaya nang naibilad ni Lathan ang kagwapuhan nito sa kadiliman ng gabi. At dahil sa magandang liwanag ng buwan ay lalo pang tumingkad ang kakisigan ni Lathan. Napakagwapo talaga nito sa suot na itim na leather hooded jacket at maong pants. Wala siyang makitang senyales sa hitsura nito na magsasabing isa itong bampira pwera sa maputlang kutis. Pero marami na namang normal na tao ang maputlang-maputla ang balat.

Ah, malamig ang katawan nito. Malamig ang kamay nitong humahawak sa kanya. Maski kaluluwa siya, ramdam pa rin niya ang kalamigan ng kamay nito at nang katawan nitong nadidikit sa kanya kapag basta nalang siyang ililipad sa kung saan. Vampires in human form are like corpses. Malamig na bangkay. Kaya anong nakakapagtaka kung malamig man ang katawan nito?

“Wala naman. Dito muna tayo.” Narinig niyang tugon ni Lathan.

“Bakit?”

“Basta.” Anito. “Dito ako tumatambay sa mga ganitong oras.”

Tumalungko si Lathan sa railings roon sa rooftop at nagmasid sa paligid.

“Salamat nga pala sa ginawa mo. Maski paano, mababawasan ang alalahanin ko. Alam ko, maski paano, napatibay mo ang loob ni Kuya. You are such a blessing in disguise.”

Thankful na bigla niya itong niyakap. Halatang nagulat ito sa ginawa niya dahil hindi ito kaagad nakakilos. Pero kung nagulat ito ay mas lalo naman siya. Hindi naman niya ugali na basta yumayakap sa kung kanino.

Maybe, she was overwhelmed with what Lathan did for her. It was surprising, unexpected indeed.

“Nah! Give it a break, Scylla. I’m not even a good creature.” Pabaklas na inalis nito ang kanyang mga brasong yumakap sa leeg ng bampira.

Napahiya rin siya sa kanyang ikinilos kaya dagli siyang lumayo rito.

“But you were nice to me. You help me.” Giit niya. “Bakit mo gagawin iyon kung hindi ka mabuti?”

Sandali itong natigilan. “Because I felt it was the right thing to do.”

“You felt it right because you were such a good creature.” Lumabi pa siya.

Magaan na naman ang pakiramdam niya. Ewan nga ba kung bakit kahit galing siya sa mabigat na sitwasyon, dagling gumagaan ang kanyang pakiramdam kapag kasama niya si Lathan. Being with him, talking to him gave her a nice feeling.

“Nah. I just did that para mapigilan ka sa pambabawas sa mga sorce of food namin ng pamilya ko.” Biglang banat nito.

Sinimangutan niya si Lathan. Pakibit-balikat na nagmasid nalang ito sa madilim na paligid. Kaasar din talaga ang isang ito. Nagpapakasasa na siya sa magandang ideya sa kanyang isip nang sirain nito iyon. Bakit ba ipinipilit nito na hindi ito mabuti samantalang nakikita naman niya ang kabutihan mula rito? Parang nais tuloy niya itong batukan.

Kung hindi ka lang talaga gwapo…

Nangalumbaba nalang siya habang matamang minamasdan ang kagwapuhan sa kanyang harapan. Mukhang wala naman itong pakialam dahil abala ito sa pakikiramdam sa paligid. Ano na naman kaya ang nasa isip nito ngayon? Ano na naman kaya ang binabalak nitong gawin? Huwag sabihing papanisin lang siya nito roon sa rooftop?

Ah, di bale. Hindi naman ito nakakasawang panoorin…

Magpapakasasa pa sana siya sa panonood sa napakagwapong tanawin sa kanyang harapan ngunit naputol iyon nang tila maalerto na ito. Umalis ito sa pagkakatalungko sa railings at bumaling sa kanya.

“Huwag kang aalis dito.” Anito sa kanya.

May awtoridad ang tinig at hindi niya mawari kung bakit tila sa paraan ng pananalita nito ay may nagbabadyang panganib. Kasabay ng pagtango niya ang mabilis na paglalaho nito sa kanyang mga paningin. Sa isang kisap-mata ay nasa ibaba na ito, sa madilim na likurang bahagi ng ospital at nakikipagbuno sa kung sinong nilalang.

Mabibilis ang kilos ng mga ito habang nagpapambuno at tuluyang nawala sa kanyang mga paningin. Kinabahan tuloy siya. Anong nangyayari? Sino ang sinugod ni Lathan? Bakit ito basta sumugod nalang? Paano kung mapahamak ito sa ginawa nitong iyon?

Pilit inaninag ni Scylla si Lathan at ang nilalang na kapambuno nito subalit wala na siyang mahagip maski ano sa madilim na likurang bahagi na iyon ng ospital. Ano ba talagang nangyayari? Nasaan na si Lathan?

“Lathan…” mahinang saad niya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.