Last Night's Fantasy (Compilation of Gothic Romance) Chapter 6

NAKATULALA lang si Scylla sa harap ng kanyang katawang nakaratay pa rin sa hospital bed habang kausap naman ng kanyang kuya ang kanyang doctor. Inilipat na sa private room ang katawan niya dahil may maganda na daw na improvement iyon.

Hanggang ngayon ay tumataginting pa din sa kanyang pandinig ang mga sinabi ni Lathan.

“Dito ka nalang. Hindi kita pakikialaman kung mananatili kang ganyan.”

Anong ibigsabihin nito sa mga sinabing iyon? Magtatanong pa sana siya nang bigla siyang hilahin ng isang malakas na enerhiyang nagmumula sa kanyang tagiliran. Noon lang niya nawari na ang silver cord niya ang humihila sa kanya dahil sa isang sandali ay naroroon na siya sa harap ng kanyang pisikal na katawan. Nagkakagulo rin roon nang dumating siya at iniistima ng mga doktor ang kanyang katawan. Natulala nalang siya habang nagkakagulo ang mga ito. Bakit kasi parang co-incidence na biglang hiniling ni Lathan na manatili nalang siyang ganoon tapos ay heto at hinihila naman siya ng kanyang silver cord pabalik?

Bakit nga ba? Anong iniisip ni Lathan nang sabihin iyon? Anong intensyon nito at ayaw na siyang pabalikin sa katawan niya?

Maya-maya, lumabas na ang doctor at naiwan nalang ang kanyang kuya roon.

“Kuya is waiting for you, Scylla. Come back to us, come back to me.” Narinig niyang bulong ng kapatid sa nakahimlay niyang katawan.

Anuman ang napag-usapan nito at nang doctor, natitiyak niyang magandang bagay iyon. Nakakangiti na kasi ang kanyang kapatid, hindi tulad ng unang araw niya sa ospital.

Napangiti nalang din siya saka nagtungo sa pinto at tumagos roon. Mauupo nalang siya sa labas ng silid nang mapansin ang kapatid ni Lathan na naengkwentro niya kagabi. Papalayo na iyon nang tawagin niya.

“Sandali, Tori!” pasigaw na tawag niya rito.

Nasa astral form ito kaya tulad niya ay wala ring nakakakita rito.

Lumingon ito. At hayun na naman ang nakakapangilabot na aura ng babae. Bakit ganoon? Bakit kapag nakakaharap niya ito, nakakaramdam siya ng kilabot samantalang kapag si Lathan ang nasa harapan niya, wala siyang maramdaman na ganoon? Kapantagan pa nga ang nararamdaman niya sa halip na takot. To think na iisa ang lahi ng mga ito. Parehong bampira ang mga ito.

“It’s Lori.” Pagtatama nito. “I have to go.”

“Sandali lang!”

“Wala akong intensyon na magpakita sayo. Pinasilip ka lang sa akin ni Lathan. Hangga’t maaari, I don’t want to get near you. Nakakatakam ang amoy ng enerhiya ng dugo mo. Ang hirap magpigil. At baka hindi ako makapagpigil ay mapakialaman kita.” Napangisi ito nang tila may maisip. “Siguradong magwawala si Lathan.”

“N-Nasaan nga pala siya?” Gusto niyang makaharap ulit si Lathan. Pero saan niya hahanapin ang lalaki?

“Nasa astral plane at nagha-hunt.”

“Hanggang ngayon?” takang tanong niya.

Hindi ba’t kagabi pa kumakain si Lathan? Hanggang ngayon ba ay hindi pa din ito nabubusog?

“Gutom pa din siya. Isang gabi at isang araw na siyang hindi kumakain. Malaking diyeta na iyon para sa tulad namin. Lalo pa nga at dalawang beses na siyang napaengkwentro sa pangalawa sa panganay ng pamilya Avergou. Malaki na ang nabawas sa enerhiya niya.” Bumuntong-hininga si Lori. “Ano bang namamagitan sa inyo ng kapatid ko? Bakit masyado siyang protective sayo?”

“Ha?”

“Hindi siya dating ganyan na protective sa mga mortal. Oo at tumutulong kaming protektahan ang buhay ng mga pagkain namin, pero hindi up to the extent na pabayaan namin ang mga sarili namin.” Mataman siyang minasdan nito. “Bakit ganoon nalang ang pagprotekta niya sayo? Lumalabas siya kahit maliwanag pa para lang silipin ka, para siguraduhing ligtas ka. May pagkakataon na di siya nagha-hunt para lang bantayan ka.”

Ipinagtaka niya ang sinabing iyon ni Lori. Hindi niya iyon alam. Wala siyang alam sa mga sinasabi nito. But it somehow gave her heart a warm feeling.

Ginagawa ba talaga iyon ni Lathan para sa kanya? Hindi niya alam. Wala siyang kaalam-alam!

“Source of food ang tingin niya sa akin, kaya siguro siya ganon.”

Bigla niyang naalala ang dahilan ng mga ginagawa ni Lathan para sa kanya.

“Kahit minarkahan ka na niya ng ganoon, hindi iyon ang nakikita namin ni Helios.”

“Sinong Helios?”

“Panganay na kapatid namin.” Isang buntong-hininga ang pinakawalan nitong muli. “Hindi sumusuway sa family rules si Lathan. Pero ngayon, ginawa niya iyon. Para lang matuklasan ni Helios na ikaw ang pupuntahan ni Lathan. Bakit? Ano bang meron sayo? Anong meron sa inyo?”

Umawang ang bibig niya. Hindi niya ito maunawaan.

“Ano man ang meron sa inyo, putulin mo na. Kung kinakailangang isalin ko sa iyo ang enerhiya na nahigop ko para lang lumakas ka na ulit at makabalik sa katawan mo ay gagawin ko, tigilan mo nalang siya. Ipapahamak mo lang siya. Hindi kayo para sa isa’t-isa.” Matigas na sambit ni Lori. “Besides, hindi kayo magkauri. Hindi ka maaaring maging kaluluwa habambuhay. Hindi ka pwedeng maging comatose habambuhay. Kapag namatay ang katawan mo, maglalaho na din ang kaluluwa mo.”

Tama ito. Hindi sila magkauri ni Lathan. Pero hayun at may pakiramdam siya na gusto niya ang ideya na nakakasama ito at pinoprotektahan siya nito. Tama rin si Lori na sabihing hindi siya pwedeng maging ganoon habambuhay, pero bakit hanggang ngayon, tila unconsciously ay ikino-consider niya ang kahilingan ni Lathan?

Oo, totoo, kino-consider niya ang manatiling nasa astral form. Kung hindi, bakit kailangang paulit-ulit niyang isipin ang mga binitiwang salita ni Lathan?

Bakit ba siya ganito? Bakit siya nagkakaganito?

Lumingon si Scylla sa nakasaradong pinto ng private room. Naroroon ang kapatid niyang patuloy na umaasa na gigising siya. Napakawalang puso niya para biguin ito. Isa pa, hindi ba’t dapat ay mas matimbang ang kagustuhan niyang bumalik dahil iyon ang totoo niyang buhay, ang totoo niyang mundo. Hindi siya nabibilang sa mundo ni Lathan. Maganda na ang offer ni Lori. Dapat ay kagatin niya iyon. Dapat ay bumalik na siya. Ano pang hinihintay niya?

Pero kasi…

She was torn between coming back to her real world and be with Lathan. Hindi niya maipaliwanag pero gustong-gusto niya ang pakiramdam na kasama ang lalaking bampira. Gustong-gusto niya ang pakiramdam kapag kausap ito, kapag nagkukwento ito ng tungkol sa paano ito mabuhay at higit sa lahat, gustong-gusto niya ang pakiramdam kapag pinoprotektahan siya nito, maski pa ang totoo ay ginagawa lang nito iyon dahil isa siyang source of food para rito.

Katangahan na nga iyon kung tutuusin. Tanga na kung tanga. Pero hindi niya maramdaman ang takot at pangamba sa dimension na iyon ng mundo kung si Lathan rin lang ang kanyang kasama.

Hindi pa man ganoon katagal silang nagkakasama pero ganoon ang pakiramdam niya. Hindi niya maipaliwanag kung bakit. Hindi siya makahanap ng sagot sa tanong na bakit. Basta iyon ang nararamdaman niya.

Subalit, mas dapat niyang ikonsidera ang buhay at damdamin ng kapatid. Paano na ang kuya niya kapag iniwan niya ito? Masyadong mabilis ang lahat para kay kuya Timothy. Baka hindi nito makayanan kapag pati siya ay iiwan ito.

‘Ano ba ang gagawin ko?’

Gusto niyang makasama si Lathan. Pero hindi rin naman niya maaaring iwan ang kapatid. Hindi pa ngayon. Hindi makatarungan, lalo at halos sa kanya umikot ang buhay nito. Baka hindi nito makayanan. Puno ng pag-asa ang kanyang kapatid na babalik siya. Kailangan niyang bumalik.

“Kapag may desisyon ka na, tawagin mo lang ako. Maririnig kita maski nasaan ka pa.” narinig niyang sabi ni Lori.

Napansin siguro nitong malalim ang kanyang iniisip.

“Paano?”

“Lagi lang akong nasa paligid. Mas madalas akong nasa astral form kesa nasa katawan ko.” Ngumiti na ito sa kanya. Isang aral na ngiti. Detach pa din ito sa kanya. At hindi niya iyon ipinagtataka. Kalabisan kung aasa siyang magiging close ito sa kanya gayong against nga itong mapalapit siya sa kapatid nito. “Kailangan ko nang umalis.”

Hindi na niya pinigilan si Lori. Kailangan niya din namang mapag-isa. Kailangan niyang mag-isip.

TWO DAYS and two nights. Ganoon na katagal magmula nang hilahin si Scylla ng silver cord nito palayo sa kanya. At ganoon na din katagal na nagmamasid lang siya sa paligid ni Scylla upang tiyaking maayos at ligtas ang kaluluwa nito.

Habang hinihila ito ng silver cord nito palapit sa katawan nito, bigla siyang natauhan. Hindi pwede ang gusto niya. Hindi pwedeng manatili si Scylla sa kabilang dimension na iyon ng mundo. Hindi ito ang mundo ng dalaga.

Oo, ilang araw pa lang silang nagkasama. Pero tiyak na niya ang ibigsabihin ng mga nararamdaman niya patungkol sa dalaga. Marami na siyang nakasalamuhang naggagandahang babae sa mahabang panahon ng pag-e-exist niya sa mundo, pero iba si Scylla. Dito lang niya naramdaman ang kagustuhang tulungan at protektahan ito. Ang kagustuhang parating makasama ito.

Noong una ay ayaw pa niyang aminin, kung anu-ano ang iniisip niyang dahilan. Pero habang lumalaon, hindi na niya pwedeng linlangin ang sarili. Malalim na damdamin ang dahilan kung bakit niya nararamdaman iyon kay Scylla.

Kung bakit at paano, hindi niya rin alam. Basta isa nalang ang alam niya, umiibig siya sa isang mortal. At ang hilingin itong manatiling comatose para makasama niya ang kaluluwa nito ay isang malaking kahangalan. Magkaiba silang nilalang. Mortal ito, may hangganan ang buhay. Sa sandaling mamatay ang katawan nito, aalis din ang kaluluwa nito. Hindi tulad niya na immortal. Hindi sila pwedeng magsama nang matagal. Kung tutuusin, mas maigi pa nga na bumalik na ito sa katawan nito. Baka sakali, magkasama pa sila sa mga panaginip nito.

Hindi maganda sa kanyang pakiramdam ang ideya na iyon. Hindi niya iyon matanggap. Kaya nga umiwas muna siyang magpakita kay Scylla. Ipinakiusap muna niya sa kapatid na si Lori na ito ang tumingin kay Scylla. Pero hindi rin siya nakatiis. Hindi niya kayang hindi ito makita man lang. Hindi siya mapanatag na hindi ito nababantayan. Lalo pa’t mapanganib para sa tulad nito ang kadiliman ng gabi. Maigi nalang at wala itong ibang destinasyon kundi ang rooftop ng ospital, sa hallway at sa private room nito.

Alam niya, nang mga sandaling hilahin ito ng silver cord nito, nangangahulugan iyon na malapit na itong bumalik sa katawan nito. Ni hindi man lang siya nabigyan ng mahabang panahon para makasama pa si Scylla ng mas matagal.

“Scylla…” pabulong na saad niya habang tinitingala ang nakatalungko na dalaga roon sa railings ng rooftop.

Naroroon lang si Lathan sa isang malaki at mataas na puno malapit sa ospital. Mula sa pwesto niya ay kitang-kita niya si Scylla. Walang ligtas sa paningin niya ang bawat kilos nito. Maski ang malilit na paggalaw ng dalaga.

Pagsasawain pa sana niya ang sarili sa panonood sa dalaga nang may marinig na singasing. Naging alerto ang mga senses niya. Hinanap ng matatalas na mga paningin ang pinagmumulan noon. Kilala niya ang tunog ng pagsingasing na iyon. May Soul Sucker sa paligid. Siguradong mambibiktima na naman iyon anumang sandali.

Di nga nagtagal at nahagip ng kanyang matatalas na mga paningin ang bulto ni LachAvergou na papaakyat sa madilim na bahagi ng hospital building.

Naghanda siya sa pag-atake. Sa isang mabilis at siguradong kilos ay dinamba niya ito na mabilis na umaakyat ng building. Maigi nalang at nasa pisikal siyang katawan. Kung nagkataon na nasa astral form siya ay hindi niya ito malalabanan.

Nakipagbuno si Lathan roon sa madilim at abandonadong lugar sa likuran ng ospital. Hindi naging madali na gapiin si Lach. Mas malakas na ito kumpara sa una nilang engkwentro.

Ito ang pangalawa sa panganay ng pamilya Avergou. Ang siya ring Soul Sucker na ang pinupuntirya na ay ang lugar na iyon. At sa bawat engkwentro nila, parati itong nakakatakas. Malakas ito. Marahil, napakadami nitong nahigop na kaluluwa sa tuwing bago sila magharap. Samantalang siya ay halos hindi nakakapag-hunt.

Ah, hindi siya maaaring magpabaya. Hindi niya ito hahayaang makalapit man lang kay Scylla. Gagawin niya ang lahat, maprotektahan lang ang dalaga hanggang sa pagbabalik nito sa sariling katawan.

Sa muling pag-atake ni Lach sa kanya ay itinodo niya ang kanyang pwersa. Wala pa, ni isa sa mga Avergou na napadpad sa lugar niya ang hindi niya napaslang. At hindi niya maaaring hayaang patuloy na lamunin ni Lach ang mga mortal na matipuhan nito.

Ngunit habang nakikipagbuno siya kay Lach, nang mapitaw na niya ang ulo nito ay nagbago ang anyo ng mukha nito.

Hindi ito si Lach!

Dagli ang buhos ng kaba kay Lathan at tiningala ang roof top!

“Hindi maaari! Si Scylla! Nasa panganib si Scylla!”

NAPAIGTAD si Scylla mula sa pagkakatalungko sa railings roon sa rooftop ng ospital nang may marinig na kaluskos. Madilim ang gabi. Nagtatago ang buwan sa mga ulap. Kanina pa siya roon nakatambay at hindi niya rin alam kung bakit. Siguro, dahil hinihintay niya si Lathan. Umaasa siyang magpapakita ito sa kanya ngayon. Dalawang araw na kasi itong missing in action at hindi niya alam kung bakit. Samantalang nung nakaraan ay basta nalang itong sumusulpot sa kanyang harapan. Minsan nga, naiisip na niyang ipahamak ang sarili at baka bigla itong magpakita sa kanya.

Pero sa naging pag-uusap nila ni Lori, hindi kaya sadyang ayaw na itong palapitin ng pamilya nito sa kanya?

Isang kaluskos na naman ang nagpaalis kay Scylla sa kinapupwestuhan. Bigla siyang kinabahan at kinilabutan na hindi niya mawari. Hindi naman siya matatakutin, lalo pa nga at nasa astral form siya. Pero nang mga sandaling iyon, kakaibang kilabot ang sumasalakay sa kanyang pagkatao. Tila ba may nagbabadyang panganib.

Kikilos nalang siya para umalis sa rooftop at bumalik sa hospital room kung nasaan ang katawan niya nang may biglang humablot sa braso niya. Paglingon niya ay nabungaran niya si Lathan. Ngumiti ito. Hindi niya magawang kumilos. Gusto niyang magsalita, magtanong kung bakit ngayon lang ito nagpakita sa kanya.

Pero bakit ganoon? Bakit iba ang pakiramdam niya? Bakit natatakot siya sa presensiya ni Lathan samantalang wala naman itong ginagawa kundi ang titigan lang siya. Para siyang naparalisa habang sumasalakay ang kakaibang kilabot sa buo niyang katawan. Anong nangyayari sa kanya?

Lumapit ang gwapong mukha ni Lathan sa kanya. Nawalan siya ng kakayahan na kumilos habang nakatitig ito direkta sa mga mata niya. Para siyang naparalisa. Hindi siya makakilos maski gusto niya. Hindi niya maunawaan kung bakit iyon ginagawa ni Lathan.

Habang lumalapit ang mukha nito sa kanya ay nadodoble naman ang kilabot na nararamdaman niya. Ngayon lang nangyaring kinilabutan siya sa presensiya ni Lathan. Ano bang nangyayari sa kanya? Maski naman maraming kababalaghan sa madilim na dimensyon na iyon ng mundo, kapag si Lathan na ang kasama niya ay hindi siya nababahala at natatakot. Pero bakit ngayon…

Lathan dropped his face on hers. That was when she realized he was going to kiss her. He was going to kiss her and yet it was giving her a fright. Why?

Hindi ba’t nagagandahan nga siya sa mga labi nito? There was a time that she was thinking how it feels to be kissed by Lathan. But now… what is happening to her? Why was she frightened?

“L-Lathan…”

“Open your mouth, dear…” mahina ngunit maangas na saad nito.

Tila may kakaiba rin sa timbre ng boses nito. Muli, isang kilabot ang bumalot sa kanya. Kakaibang kilabot at hindi niya mawari kung bakit niya nararamdaman iyon.

And when she was about to open her mouth, isang malakas na pagbalya ang narinig niya kasabay ng pagkawala ni Lathan sa harapan niya. Isa pang Lathan ang naroroon at tila galit na galit na nakikipambuno sa kanina lamang ay nagtatangkang humalik sa kanya…

But what the heck? Bakit dalawa ang Lathan sa harapan niya? Sino ang totoo?

“Unbelievably past ha, Monfort.” tila nangungutyang saad ng Lathan na sumalya sa railings ng rooftop.

Wasak ang bahaging iyon ng rooftop sa lakas ng impact ng pagkakabalya rito ng bagong dating na Lathan. The new Lathan covered his body to protect her from the other one.

And there!

Ang pakiramdam ng total security na parati niyang nararamdaman kapag nasa paligid si Lathan ay muli niyang naramdaman sa presensiya ng bagong dating.

Tama.

Ito si Lathan. Ito ang totoong Lathan na dalawang araw na niyang hinihintay na magpakita sa kanya. Ito ang Lathan na… miss na miss na niya.

“At sa akala mo ba ay maiisahan mo ako, Lach? Hindi mo ako malilinlang.” Angil ng totoong Lathan sa alam niyang huwad na Lathan.

Kaya pala ganoon nalang ang kilabot niya kaninang kaharap niya ito at lapitan siya. Hindi pala ito ang totoong Lathan.

Ngumisi ng nakakakilabot ang huwad na Lathan at unti-unti ay nagbago ang anyo nito. Iyon siguro ang totoo nitong katauhan. Nasa anyong tao, maputla, maputlang-maputla tulad ng complexion ni Lathan at Lori subalit ang mga mata nito… nakakakilabot ang pamumula at panlilisik noon. Lumabas rin ang mga pangil nito at doon na ito nagsimulang umatake sa kanila. Kasabay ng pagtili niya ang pambubuno ng dalawa roon sa rooftop hanggang sa tuluyang mahulog ang mga ito roon habang nagpapambuno. Dali-dali siyang lumapit sa pwestong kinahulugan ng dalawa subalit hindi niya maaninaw sa madilim na likurang bahagi ng ospital ang mga nagpapambuno.

Nauunawaan na niya kung bakit paboritong lugar iyon ng mga bampira. Dahil madilim, masukal at may malaking abandonadong espasyo ang likurang bahagi ng ospital. Kung doon man maganap ang labanan, walang posibleng makaalam.

Kinabahan si Scylla, natatakot at nag-aalala siya para kay Lathan. Baka kung anong gawin rito ng Lach na iyon! Gusto sana niyang bumaba para sundan ang mga nagpapambuno pero baka lalo lang malagay sa alanganin si Lathan. Kapag sumunod siya sa mga ito, baka magulo ang konsentrasyon ni Lathan sa pakikipaglaban. Isa pa, saan niya susundan ang mga iyon samantalang hindi na niya maaninag ang mga ito mula sa kinaroroonan niya. Wala na rin siyang maramdamang presensiya ng mga ito.

“God… tulungan niyo po si Lathan.” Usal niya.

Ngunit bigla siyang natigilan. Wala sa panig ng panginoon ang mga bampira na tulad ni Lathan. Subalit alam rin naman niya na hindi ito panig sa kadiliman. Imposible. Hindi masama si Lathan. Hindi naman nito kasalanan kung lumitaw ito sa mundo na ganoong klase ng nilalang. Wala man ito sa panig ng panginoon subalit alam niyang hindi rin ito kampon ng kadiliman. Dahil kung nasa panig ito ng dilim, sana, noon pa man ay pinaslang na siya ng lalaki. Pero hindi. Sa halip na patayin o pabayaang mamatay ay tinutulungan at pinoprotekatahan siya nito.

Lathan was somehow a good creature. Naniniwala siya sa bagay na iyon. Hindi ito masama.

Walang nagawa si Scylla kundi ang maghintay sa pagbabalik ni Lathan. Subalit hanggang sa mag-umaga ay hindi na iyon nangyari. Lumitaw at lumitaw ang haring araw sa silangang bahagi ng mundo ngunit walang Lathan na bumalik. Hindi siya binalikan ni Lathan. Lalo lang siyang nag-alala para rito. Ano na kaya ang nangyari kay Lathan? Baka napahamak na ito sa pakikipambuno sa soul sucker. Palagay niya kasi ay napakalakas ng nilalang na kaengkwentro nito kagabi.

Bumalik si Scylla sa silid niya na hindi mapakali. Dala-dala niya sa dibdib ang takot at pangamba sa maaaring kinahantungan ni Lathan. At dahil din roon, nakadama siya ng panghihina ng kanyang kaluluwa. Para siyang inaagawan ng enerhiya.

Dahil doon, nagkaroon na naman ng problema ang pisikal niyang katawan na nakaratay. Alam niya, dahil biglang nagkagulo sa loob ng silid at iniistima ng mga nurse at doctor ang katawan niya.

Ang kapatid niyang kararating lang sa ospital dahil sandaling umuwi ay natataranta na ring napasugod sa silid niya. Naaawa na siya sa kapatid. Halos napapabayaan na nito ang sarili dahil sa pag-aasikaso sa kanya. Pero wala nang panahon para magsisi. Nangyari na. Sinayang na niya ang enerhiya niyang dapat ay isini-save niya para makabalik sa katawan niya. Pero paano kasing hindi siya made-drain sa energy kung ganitong wala siyang ibang ginawa kundi ang mag-alala sa napakaraming bagay?

Ipinasya ni Scylla na ipamahinga ang sarili. Pumasok siya sa isang bakanteng silid malapit sa silid na inuokupa ng katawan niya. Doon muna siya mamamahinga. Baka makabawi pa siya ng lakas. Ayaw muna niyang makita ang kaaba-abang anyo ng kapatid.

Nakakakonsensiya ang takot at pag-aalala na nakikita niya sa mukha nito. Hindi niya kayang patuloy na panoorin si Kuya Timothy sa ganoong estado. Papaupo na sana siya sa upuang metal na nasa tabi ng maliit na glass window nang may mapansing kung ano na mabilis na kumikilos sa ibabaw ng mga puno. Dumadamba iyon sa mga puno at bubungan na nadadaanan.

Napigil niya ang hininga nang lubusang mapagwari kung ano ang bagay na iyon… ah, hindi iyon bagay… Isang lalaki ang karga-karga sa balikat ang tila walangmalay na katawan ng isa pang lalaki. Napatayo siya ng tuwid at pilit inaninag sa kabila mula sa glass window ang mga bulto ng mga papalayo.

Si Lathan!

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.