Love and Magic Series Chapter 21

Hindi maiwasang mapangiti ni Yelena habang ini-sketch ang falls. She was painting Andros’ face with her memory. Magaling na ito. Paggising kinabukasan ay wala man lang bahid na sugat ang katawan nito.

“Mahal na prinsesa?” anang malumanay na boses ng isang babae na nakasuot ng white gown na may puti rin na hood.

Nagulat siya at nabitiwan ang colored pencil. “A-Ano po iyon?” Hindi pa rin siya sanay hanggang ngayon na may basta-basta sumusulpot sa tabi niya.

Tinanggal nito ang hood at tumambad ang magandang mukha ng babae. Kulot ang itim nitong buhok at natatampukan ng makakapal na pilik-mata ang berde nitong mata. “Ako ang oraculo, mensahero ni Bathala. Nais kitang bigyan ng babala. May mga nilalang na nagnanais sirain ka. Maitim ang kanilang budhi. Huwag mo silang hahayaan. Dahil nakasalalay sa iyo ang kaligtasan at ang pagpapatuloy ng kaharian ng Tarragon. Mag-iingat ka. Huwag mo itong sasabihin sa iba.”

Sa isang iglap ay nagging kuwago ito na kulay puti at lumipad palayo. “Sandali! Marami pa akong gustong itanong sa iyo! Sino ang may masamang tangka sa akin?” pasigaw niyang tanong at nagtatakbo siya sa tubig.

“Sundin mo ang puso mo. Pakinggan mo ang bulong nito, ang natural na pakiramdam ng tao sa panganib. Iyon ang magliligtas sa iyo,” anang boses nito.

Nakadama siya ng takot. Hindi niya alam kung paano poprotektahan ang sarili mula sa may masamang tangka sa kanya. Paano niya makikilala ang mga ito?

“Yelena, anong ginagawa mo diyan?” tanong ni Andros na nakasakay sa kabayo. Nag-ikot ito sa Tarragon upang tingnan ang pag-aani ng prutas sa Hilaga.

“Tinitingnan ko ang mga isda,” palusot niya at ngumiti.

Bumaba ito sa kabayo. “Wala kang makikitang isda diyan. Doon ka sa gitna.”

“Ayoko! Mababasa ang damit ko kapag lumangoy ako.”

Hinawakan nito ang kamay niya. “Hindi iyan mababasa. Lalakad ka sa tubig.”

“Hindi ko kaya iyon!”

“Lahat ay possible kung mabuti ang nasa isip mo,” sabi nito. “Ipikit mo ang mata mo at paulit-ulit mong isipin na kaya mong lumakad sa tubig.”

Ginawa niya ang sinabi nito. Inisip niya na magagawa niya. Inisip niya na parang lupa lang ang nilalakaran niya at hindi tubig.

“Humakbang ka,” malumanay na utos ni Andros. “Huwag kang matakot.”

Sumunod siya. Naramdaman niya na tubig ang inaapakan niya pero parang hindi siya lumulubog. Siguro dahil sa mababaw pa rin sila naglalakad ni Andros. Bakit naman siya matatakot kung nasa mababaw lang sila.

“Pwede mo nang idilat ang mata mo,” pabulong nitong utos.

Hindi siya makapaniwala nang makitang nasa gitna sila ng tubig. Napakalayo ng pampang. Nang tingnan niya ang inaapakan ay kitang-kita niya ang mga bato sa ilalim at ang mga isdang lumalangoy. “Nagawa ko ba talaga iyon? O baka ginamitan mo lang ako ng magic mo.”

“Nakaya mo dahil naniwala ka sa sarili mo.”

Umiling siya. “Hindi. Dahil naniwala ka sa akin.” Kinintalan niya ito ng halik sa labi. “Yehey! Nakakalakad na ako sa tubig!” Inangat niya ang laylayan ng gown at parang bata na nagsasayaw sa ibabaw ng tubig.

“Gusto kong nakikita kang nakangiti,” nakangiting sabi ni Andros.

“And I want to kiss you when you smile,” she said then tiptoed to kiss him.

Umangat siya nang buhatin siya nito. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin nito. She didn’t seem to care. Pero sa halik pa lang ay nagkaka-intindihan na sila. If she would surrender herself now, it was meant to happen.

Dahan-dahan siya nitong ibinaba sa damuhan. Wala siyang pakialam kung sa ibabaw pa iyon ng tubig o sa ibabaw ng ulap. All she wanted was to feel Andros.

Parang may sarili siyang mahika dahil kusang bumukas ang harap ng damit nito nang madaanan ng daliri niya. She felt herself burning. Her eager hands explored his body. Nang dumampi ang hangin sa balat niya ay saka lang niya natuklasan na wala na rin siyang suot na damit. Parang nag-evaporte lang iyon sa isang tingin ni Andros. But she didn’t seem to care. She wanted his eyes on her body. Para ipakitang pag-aari na nito ang lahat ng nakikita nito.

He kissed every inch of her body. He covered her breast with his hand. Then it was replaced by his lips. Tumigil ang isip niya. He was driving her mad yet she wanted more. At sa palagay niya ay ganoon din si Andros.Nakikita niya sa mata nito.

Her blood drummed like a pagan drum. Sinalubong niya ang mata nito at naging hudyat iyon ng kanilang pag-iisa. Nagtago ang araw sa ulap, tumigil ang ihip ng hangin maging ang paghuni ng mga ibon. Or maybe time stand still for them.

Wala siyang naramdamang sakit. Maaring ginamit nito ang mahika para di niya maramdaman. But what she was feeling was more magical. She made love with the man she loved. Isa iyong bagay na inaakala niyang hindi mangyayari sa kanya-ang magmahal.

Mahigpit siyang kumapit sa balikat nito. She felt her world explored. Nakita niya ang pagbabago-bago sa kulay ng mata ni Andros. From violet, to blue, to green. Maaring imahinasyon lang niya iyon. The result of too much passion.

Hinaplos niya ang pisngi nito. Pareho silang ngumiti nang magsalubong ang mga mata nila. Muli nitong inangkin ang labi niya. Hindi na nila kailangan pa ng anumang salita. Pareho nilang alam na walang katumbas na kaligayahan ang nararamdaman nila nang mga oras na iyon.

“ANO ang masasabi ninyo sa aming lupain, mahal na prinsesa?” tanong ni Halcyon. Nasa villa siya ng pamilya nito sa Petronades na napapaligiran ng taniman ng ubas.

“Maganda ang vineyard,” aniya at huminga nang malalim. Namamasyal siya sa bawat lupain upang kilalanin isa-isa ang mga mamamayan ng Tarragon. At ang lupain ng Petronades ang huli niyang destinasyon sa araw na iyon.

“Sa amin din nagmumula ang pinakamasarap na alak,” wika ng Punong Ministrong si Victorino. Inabutan siya nito ng kopita ng alak. “Tikman mo.”

Atubili niyang tinanggap. “S-Salamat!” Hindi siya umiinom ng alak. Subalit hindi siya maaring tumanggi. May lamat na ang kanilang pagsasama at ayaw niyang palalain pa. Ayaw niyang masamain pa ng mga ito kung sakaling tatanggi siya sa alok ng mga ito. They were gracious hosts after all. Sumimsim siya. May pumipigil sa kanya ngunit itinuloy niya ang pag-inom. Naubos niya ang laman ng kopita.

“Masarap po ba, mahal na prinsesa?”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.