Isang misteryo para kay Aricka ang sarili niyang pagkatao. Hanggang nabingit sa kamatayan ang kaibigan niyang si Faith dahil sa isang kakaibang sakit na dala ng isang sumpa. At siya lang ang maaring makatulong dito.
Kaya naglakbay siya patungo sa Isla ng Ilusyon kasama si Kraven, ang kapatid ni Faith at pinaka-importanteng lalaki sa buhay niya. Pero may iba na itong babaeng mahal. Ang babaeng nabubuhay lang sa panaginip nito.
At maari lang mabuhay ang babaeng mahal nito kung mamamatay siya.
Nakasakay si Aricka sa isang balsa. Puno ng makapal na ulap ang paligid. Tumingala siya sa langit. Puro ulap din ang nakikita niya. Walang buwan o bituin na gumagabay sa kanya. Nasa gitna siya ng kawalan. Hindi niya alam kung saan siya papunta o kung saan siya nanggaling.
“Saan ako pupunta?” mahina niyang tanong. “Bakit ako nandito?”
Sa gitna ng makapal na ulap ay unti-unti siyang nakakita ng imahe. Hugis ng isang babae na may mahabang buhok at nakasuot ng mahabang damit. Pero hindi niya makita ang mukha nito. “S-Sino ka?” tanong niya sa nanginginig na boses.
“Magkikita rin tayo, Aricka,” anang malambing na boses ng babae. “Malapit na tayong magkita. Sandali na lang.”
“Daydreaming again, Princess?”
Napakurap siya nang marinig ang boses ng kapitbahay nilang si Kraven. Nakangisi ito haba ng nakatitig sa kanya. “H-Ha? May sinasabi ka ba?”
Sa isang iglap kasi ay naglaho ang makapal na ulap. Wala rin ang babae na tumatawag sa kanya. Wala rin siya sa isang bangka na nagpapalutang-lutang sa dagat ng kawalan. Nasa loob siya ng art gallery ng mommy niya at nagbabantay.
How odd! Parang totoong-totoo ang panaginip. O panaginip nga ba iyon?
Napakamot sa ulo si Kraven. “Hay, naku! Malala nga talaga ang tama mo sa akin. Nawawala ka sa sarili kapag nakikita mo ang kaguwapuhan ko.”
Iniikot niya ang mga mata. “Huwag ka ngang ambisyoso. Ano ba ang ipinunta mo dito?” Hindi naman ito madalas bumisita sa gallery nila. Kung bibisita man, wala lang itong gagawin kundi ipagduldulan sa kanya ang kaguwapuhan nito.
He was tall and slightly dark. Athletic ang pangangatawan nito. Malakas ang karisma nito. Kahit siya ay nanlalambot ang tuhod kapag nakikita ito. Pero oras na magsalita ito at sinimulan siyang inisin, nasisira ang araw niya.
Magkababata sila at nakatira sa isang subdivision. Magkasama silang lumaki. Mabait sa kanya ang pamilya nito. Lalo na ang kapatid na si Faith na kaibigan niya.
“Hey, don’t get mad at me. I am here to pick up the painting that my sister bought at the exhibit last night,” sabi nito at namulsa. Ibig sabihin ay tapos na itong makipag-inisan sa kanya.
“Oh, sure!” aniya at umalis sa counter. Nasa opisina ng mommy niya ang lahat ng mga paintings na ready for delivery. “I thought she wants to have it delivered instead. Hinihintay ko nga lang na dumating ang assistant ni Mommy para magbantay dito. Ako na sana mismo ang magde-deliver sa bahay ninyo.”
“She wants to have the painting so badly. Kaya kinulit niya ako nang kinulit para ako daw mismo ang mag-uwi ng painting sa bahay. That cruel brat!” reklamo nito. Ito ang namamahala sa exporting business ng pamilya nito.
Binuksan niya ang opisina. “Here is the painting.”
Natigagal si Kraven nang mahawakan ang nakabalot na painting. “Is this it? This small?” hindi makapaniwala nitong tanong. “I paid almost a hundred thousand for this small painting? Ano bang kakaiba sa painting ba ito?”
“That one is made by our most famous artist. It is a painting of a lake goddess. It was artistically done. And it looks so alive.” Kahit sinong makakita sa painting na iyon ay naaakit. Of course, it was no ordinary painting. Dahil totoong nakita ng artist ang diyosa ng lawa na naroon.
Her mother’s art gallery was not an ordinary art gallery. Ang mga artist na nagso-showcase ng mga art doon ay parang may paranormal vision. Lahat ng ipinipinta ng mga ito ay mga nilalang na nagmumula sa ibang dimensiyon. And her mother was one of them.
“That brat! Pinili pa talaga niya ang pinakamahal na painting.”
“But you paid for it anyway,” aniyang hindi maitago ang ngiti. Kahit ano kasing reklamo pa ang gawin ni Kraven, ibibigay pa rin nito anumang gustuhin ng kapatid na si Faith. “If she is spoiled rotten, it is all your fault.”
Hindi tuloy niya maiwasang magselos. Nag-iisa siyang anak. Mula pagkabata, sila lang ng mommy niya ang magkasama.
“Mukhang kailangan ko nga siyang bawian. Siya na lang ang paghahanapin ko ng ka-date ko.” Tumigil ito at tumingin sa kanya. “Or maybe I shouldn’t bother her at all. Ikaw na lang ang ide-date ko.”
Inirapan niya ito. “Ayoko ngang makipag-date sa iyo.”
“Sige na. Huwag ka nang pakipot. I know that you like me.”
“You are not my type at all.”
“At sino naman ang type mo?” tanong nito. “Huwag mong sabihing mas gusto mo pang maka-date itong tikbalang!” Itinuro nito ang picture ng kalahating-tao at kalahating kabayong nasa painting. “O itong prinsipe ng mga engkanto?”
Nagkibit-balikat siya at inilabas ang release form mula sa drawer. “Why not? Maybe they are not as arrogant as you are. And besides, it might be refreshing to see those entities. Kaysa naman ikaw ang lagi kong nakikita.”
Nagseryoso ang mukha nito. “Do you see entities, Aricka?”
“I do.”
Lalong napuno ng interes ang mga mata nito. “Anong klaseng entities ang nakikita mo? I-describe mo nga sa akin.”
“He is tall.”
“Baka higante.” He grinned. “Is he handsome?”
She twitched her lips. “Feeling handsome.”
“Ano pa? May sungay? May pangil? May buntot?”
“He is wearing a light blue long sleeve shirt and an Armani trousers. He loves driving fast cars and women. And I forgot that he is the most arrogant creature that I met!” nakangisi niyang sabi.
Nanlaki ang mata nito at itinuro ang sarili. “Are you pertaining to me?”
“Correct!” Pinalakpakan niya ito. “Yes, you got it right! Ikaw nga si Kraven, ang prinsipe ng mga impakto.”
“Who me?” angil nito.
“Oh, yes, Your Majesty,” aniya at bahagyang yumukod.
“H-How dare you say that?” ngitngit nitong sabi. She loved it when he looked mad and shaken. “Ikaw lang ang nagsabi na impakto ako.”
“So your bloated ego can’t take it. Nuknukan ka ng kayabangan. Akala mo lahat ng babae patay na patay sa iyo. Kaya pirmahan mo na ang release form para mawala ka na sa paningin ko at ibang nilalang na lang ang bulabugin mo.”
“Bakit ka naiinis sa panunukso ko sa iyo kung hindi naman totoo na type mo ako?” kontra naman nito sa kanya habang pinipirmahan ang form.
“Kung sa iyo ko kaya gawin iyon? Tuwing magkikita kaya tayo sabihin ko sa iyo na may gusto ka sa akin. Hindi ka kaya maiinis?”
“Not at all.” Pinisil nito ang baba niya. “Tutal mukhang willing ka namang maging prinsesa ko. Prinsesa ng mga impakto. Bagay tayong dalawa.”
“Ayoko!” sigaw niya.
He laughed and blew her a kiss. “Till next time, princess.”