IHINAGIS ni Aricka ang ballpen at padabog na isinara ang libro sa Auditing Theory. Nagre-review siya para sa nalalapit na board exam pero hindi siya makapag-concentrate. Paulit-ulit niyang naiisip ang pangitain na nakita niya. Siya sa isang balsa at napapalibutan ng makapal na ulap. At ang babae na hindi niya makita ang mukha. Ang babae na tumawag sa kanya na anak.
“Is something bothering you, Aricka?” malambing na tanong ni Mimosa.
“Mommy!” bulalas niya. Hindi kasi niya inaasahan ang bigla na lang nitong pagsulpot sa harap niya. Nilingon niya ang pinto. Hindi naman niya iyon narinig na bumukas man lang. “You used your magic?”
Inilapag nito sa harap niya ang tasa ng tsaa. “I am too tired to use the stairs. Napagod ako sa pagda-drive kanina.” Kanina-kanina lang ito dumating mula sa Sorsogon. Isang artist kasi ang ini-refer dito para makasama sa gallery. “She’s very promising. I saw her paintings. A little polishing and she would be ready,” sabi nito.
“And what kind of entities does she see?”
“Her boyfriend is a merman.”
“Oh!” usal niya at hinigop ang tsaa. “Wow! This is wonderful!” bahagya siyang nakapag-relax dahil sa tsaa na ipinainom nito.
“Mukhang napagod ka sa pagre-review.”
“Yeah! Can you use your magic to…”
Umiling ito. “Uh-uh! You know that my powers are rusty. Hindi na katulad dati. The energy in this world would have different effects on my power.”
Her mother was not an ordinary woman. Ang tingin ng marami ay isa itong simpleng painter at gallery owner na nagpipinta ng mga kakaibang nilalang na di nakikita ng mga karaniwang tao. But the truth was she was one of those entities.
Mimosa was a real fairy. Tinangka itong ipakasal ng ama nito sa engkantado na hindi nito mahal kaya tumakas ito sa mundo nito. Nagawa nitong mamuhay tulad ng isang karaniwang tao. Hindi na nito nagawang makabalik sa dati nitong mundo kahit na gustuhin pa nito. Iyon ang parusa sa pagtakas nito.
Kaya para di nito masyadong ma-miss ang mundong pinanggalingan ay tinipon nito ang lahat ng kakaibang artist na nakakakita at nagpipinta ng kakaibang nilalang. Para rin malaman ng mga tao na hindi nag-iisa ang mga ito sa mundo. Marami ang nag-criticize sa mommy niya. Ang akala ng iba ay baliw ito dahil sa mga nakikita at nalalaman nito tungkol sa mundo ng mga engkanto. Pero walang sinuman ang maaring kumontra sa pagiging magaling nitong pintor.
Dahil sa pagiging kakaiba at sa galing nito ay nakilala ito sa mundo ng sining. Kaya naman maraming mayayamang patrons sa gallery nito. Hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Natutulungan pa nito ang ibang mga artist para malaman na hindi kahibangan ang kakaibang talento ng mga ito.
“Okay. Magpapahinga na lang po siguro ako. Bukas na lang ako magre-review.” Hinalikan niya ito sa pisngi. “Good night, Mommy.”
Hinawakan siya nito sa balikat at matagal na sandaling tinitigan. “Huwag ka munang matulog. Mag-usap muna tayo. Is there something wrong?”
“Wala po,” tanggi niya.
“No. Something is bothering you. Tell me.”
She drew a deep breath. “Mom, do you think I am like you?”
“What do you mean?”
“Well, sometimes I think if I am a fairy like you. O baka katulad din ako ng merman na boyfriend ng bago ninyong artist. I might be a sea fairy or a mermaid. Ano po sa palagay ninyo?”
Hindi lingid sa kanya na hindi siya tunay na anak ni Mimosa. Nagbabakasyon ito sa isang isla malapit sa Leyte nang makuha siya sa isang lumulutang-lutang na balsa. Nang walang umangkin sa kanya at di na matagpuan pa ang mga magulang niya ay ito na ang kumupkop. Inari siya nitong tunay na anak.
Hinaplos nito ang buhok niya. “Honey, I don’t know. Sa loob ng matagal na panahon, wala kang naipakitang kakaibang kapangyarihan. You don’t manifest any special powers. If you do, I would know right away.”
“But you told me that I am special.”
“Yes, you are. You are miracle, sweetheart. Nakuha kita sa isang lumulutang na balsa. Nagawa mong makaligtas sa bagyo nang palutang-lutang sa dagat pero wala ka man lang kahit isang galos. But maybe it is your guardian angel. And you really are a miracle.” Niyakap siya nito. “You make me so happy. Kung wala ka siguro sa buhay ko, mag-isa pa rin ako hanggang ngayon.”
“I am also grateful to have you in my life, Mom. But I still don’t know who I am. I wish I am also like you.”
Minsan nahiling niya na totoo siyang anak nito. Na isa rin siyang diwata. At least she knew where she belonged. Hindi iyong patuloy pa rin siyang nagtatanong kung sino siya. Ni hindi niya alam kung sino siya. Ni wala ngang nakuhang anumang palatandaan kung sino siya maliban sa nakuha siya sa isang balsa.
“Honey, for me you are a normal human. Wala akong nararamdamang kakaiba sa iyo. If you are a fairy, I would know right away. Mararamdaman ko rin agad ang kapangyarihan mo. Pero wala. Isa pa, gusto ko ring mamuhay ka bilang isang normal na tao. Dahil imposible sa akin iyon. When I left my world, it was my choice. At kahit na anong pilit kong mamuhay bilang normal na tao alam kong may bahagi ako na hindi ko pwedeng alisin. I am what I am.”
Malungkot siyang yumuko. “I wish I could live a normal life. But it is not that easy when I don’t know who I am.” Kalahati ng pagkatao niya ang nawawala. Paano niya bubuuin ang sarili niya? Ni hindi nga niya alam kung sino ba talaga siya.
“You are my daughter, Aricka. Iyon ang importante. Ako ang nagpalaki sa iyo. Ako ang nanay mo. So what if we are different? We love each other.”
“Mom, hindi ko sinasabi na hindi ko kayo mahal kaya gusto kong malaman ang totoo kong pagkatao. But you must know the feeling…”
“I know, sweetheart,” anito at ngumiti. Tumayo ito at kinintalan siya ng halik sa noo. “I won’t stop you if you want to find out who you really are. But you have to be patient. Darating ang lahat sa tamang panahon.”