Love and Magic Series Chapter 3

Yelena checked her painting paraphernalia inside her bag. Kumpleto na ang mga iyon. Pati ang babaunin niyang tanghalian at miryenda ay nakahanda na rin. Handang-handa na siyang magtrabaho para sa araw na iyon.

Pumunta siya sa kuwarto ni Eden. Naabutan niya itong nagsusuklay ng basang buhok. Kaliligo pa lang nito at naghahanda para sa pagpunta sa beach. “Nakabihis ka na agad?” anito.

“Oo. Actually, late na nga ako. Alas nuwebe na ng umaga. Mainit na ang araw.” Dapat ay alas siyete pa siya nakaalis. Pero katakot-takot na sermon ang inabot ng Eden ito mula kay Lola Delilah. Nagtalo pa ang mga ito kung sasama ba si Eden sa pamamasyal o pag-aaralan nito ang pamamalakad sa hacienda.

Hinalikan siya nito sa pisngi. “Okay. Mag-ingat ka na lang.”

Kinatok niya sa banyo si Maureen. “Aalis na ako. Behave! Huwag kang masyadong ma-excite na pinagpipiyestahan ka ng mga boys.”

Humalakhak ito. “Ikumusta mo na lang ako sa mga engkanto.”

Napangiti siya sa sinabi nito. Skeptical din siya pagdating sa mga engkanto. But if she would get the chance to meet one, walang masama.

Nang bumaba siya sa sala ay naabutan niya si Lola Delilah na nag-uutos sa kawaksi sa bahay kung ano ang iluluto para sa tanghalian.

“Lola, pupunta po ako sa lawa,” pagpapaalam niya dito.

“Mag-isa ka lang?” gulat nitong tanong.

“Opo. Malapit lang naman po iyon dito, di po ba? Magtatanong na lang po ako. Sabi po ni Eden, hindi po iyon mahirap hanapin.”

“Pero baka kung ano ang mangyari sa iyo. Wala kang kasama.”

“Hindi po ako makapagpipinta nang may ibang tao sa paligid ko,” paliwanag niya dito. “Kaya ko naman po ang sarili ko. Saka ligtas naman po dito, di ba?”

“Ligtas nga ang bayang ito dahil mababait ang mga tao. Likas din kaming matulungin. Ligtas din sa gubat at sa lawa. Basta huwag kang magpapagabi.”

Alam niya ang patakaran sa mga probinsiya. Bago pa lumubog ang araw, dapat ay nasa loob na ng bahay ang lahat para sabay-sabay maghapunan at mag-orasyon. “Pero kailangan ko pong I-paint ang sunset. Di bale, may dala naman po akong flashlight.”

Naging seryoso si Lola Delilah. “Maaring hindi ka maniwala sa akin. Ngunit pagsapit ng takipsilim, di na makakabuti pang gumala ang mga tao sa lugar na yon.”

“Bakit po?” tanong niya sa labis na pagtataka.

“Dahil pinamumugaran ng mga taga-ibang daigdig ang kagubatan paglatag ng dilim. At sinumang mga tao na maabutan nila ay di na nakakabalik pa sa mundong ito. Tuluyan na silang nagiging bihag ng mga engkanto. Kung may nakakabalik man, tulala na sila at wala sa sarili. O kaya ay walang maalala.”

“Huwag po kayong mag-alala, Lola. Mag-iingat po ako. Magdadasal po ako.” Iginagalang naman niya ang mga paniniwalang mas matanda pa sa kanya.

“Pagdating ng hapon, magpapadala ako ng tao na susundo sa iyo. Para lang matiyak na ligtas ka. Kung maliligaw ka man sa gubat, baligtarin mo ang suot mong damit. Magsaboy ka rin ng asin sa daraanan mo para di ka malapitan ng mga engkanto. O isaboy mo sa mga kakaibang bagay na makikita mo. Tandaan mo iyon.”

“Opo. Basta tatawag po ako dito sa bahay. Dala ko naman po ang cellphone ko,” wika niya para mapanatag na ang loob nito.

“Wala nang silbi ang telepono mo at ang paalala ko kapag lumabag ka sa bilin ko. Hindi ko na alam kung saan ka pa namin hahanapin kapag nagkataon.”

Tumahimik na lang siya para di na humaba pa ang usapan. Maybe those entities exist. She respected them even if she didn’t see them. Pero ano naman ang pakinabang ng mga engkanto sa mortal na tulad niya? Wala siyang third eye o anumang kakayahan na makakita o makipag-ugnayan sa mga nilalang sa ibang mundo. For sure, di siya pag-iinteresan ng mga ito.

YELENA held her breath as she sketched the lovely sunset. Kusang gumagalaw ang mga kamay niya. Ang isang ordinaryong lawa ay nagmistulang ginto dahil sa pagkislap ng papalubog na araw. Nakagawa na siya ng sketch kanina. Pero babalik pa siya sa lawa sa susunod na araw para sa actual painting. Tiyak na matutuwa ang professor niya na magre-refer sa kanya kay Mimosa. She would get a good recommendation at mapapabilang siya sa piling estudyante nito.

Hindi siya magtataka kung marami ang magsasabi na engkantado ang lugar na iyon. It showed nature at its best. She could even imagine fairies flying around. It was too beautiful to be tainted my human. Pero nakikita niyang pinangangalagaan ito ng mga tao doon. Nakatulong ang paniniwala na ang lugar na iyon ay engkantado. At sinumang lumapastangan sa lugar ay mapapurasahan.

Itinabi niya agad ang mga gamit nang magsimulang lumatag ang dilim. Inilabas niya ang flashlight. Labinglimang minuto lang lakarin ang lawa mula sa bungad ng gubat. Hindi na siya mahihirapan dahil isang trail lang naman iyon.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.