Love and Magic Series Chapter 39

He held her hand and tucked it in his arm. “Iyon nga mismo ang gusto kong mangyari. Para naman tigilan na ako ng mga babaeng naghahabol sa akin. Sabi ko kasi may iba na akong gusto. Hinihintay ko lang na sagutin ako. Kunyari sinagot mo na ako. Wala na akong problema.”

Pumiglas siya. “Ginawa mo pa akong human shield.”

Sinagot lang nito ng tawa ang sinabi niya. Pero hindi pa rin siya nito pinakawalan. Ngayon pa lang ay nakikita na niya ang sarili na sinasaksak ng matatalim na tingin ng mga babaeng may gusto dito. And worse, she might be in for a confrontation. Baka masira pa ang birthday ni Faith. It would be Kraven’s fault.

“Faith!” malakas na sigaw ni Amelia, ang Mama ni Kraven. Kasunod niyon ay ang pag-iipon-ipon ng mga tao.

“Anong nangyari?” tanong niya.

Hawak ang kamay niya ay sabay silang tumakbo ni Kraven papunta sa pinanggalingan ng sigaw. Naabutan nila si Faith na walang malay.

“HOW are you feeling?” tanong ni Aricka nang dalawin si Faith sa ospital. She went to her first thing in the morning. Magdamag kasi itong inobserbahan ng mga doctor.

“I feel so tired. Na parang ang layo-layo ng nilakbay ko.”

Hinaplos niya ang buhok nito. “You just need some rest. Baka masyado ka lang na-excite sa birthday mo. Sinabi naman sa akin ng kuya mo na wala naman daw nakitang sakit ang mga doctor sa iyo. Pwede ka na ngang lumabas bukas.”

“I messed up my own party,” anitong hindi maiwasang maluha.

“Come on. It is not the end of the world. You can have another party again. Kaya huwag ka nang masyadong magpagod, okay? Look at yourself. Parang tumanda ka ng ilang taon.”

Nagtaka rin siya dahil parang tumanda ang mukha nito. Marahil ay dahil nga sa pagod. Kahit pa may events coordinator na kinuha si Kraven para asikasuhin ang party nito, hands on pa rin ito sa paghahanda.

Tumango ito at maya maya pa ay namungay na ang mga mata. “Siguro nga kailangan ko lang magpahinga. Inaantok ako.”

Ngumiti siya nang tuluyan na itong makatulog. Paglabas niya ay naabutan niya na nakayakap ang Mama ni Kraven na si Amelia habang inaalo sa Papa nito na si Samuel. “Amelia, huwag kang haharap nang ganyan kay Faith. Lalong mag-aalala ang anak mo sa iyo.”

“Paano akong hindi iiyak? Ilang araw na lang, mawawala na sa atin si Faith. Mamamatay na siya! Sino ba ang hindi masasaktan?”

“Tita, huwag po kayong umiyak,” aniyang hindi maiwasang ayuin ito. “Okay na po si Faith. Sinabi po ng mga doctor na mailalabas na siya bukas sa ospital. Everything will be okay.”

Sa kanya yumakap si Amelia. Patuloy pa rin ito sa pag-iyak. “Nagkakamali ka. Malapit na siyang mawala sa atin. Ilang araw na lang ang nalalabi sa buhay niya.”

Naguguluhan pa rin siya sa mga narinig. Hiningi niya ang kumpirmasyon sa mukha ni Samuel pero malungkot lang ang mukha nito. Pagkuwan ay lumapit sa kanila si Kraven. “Pa, nandiyan na ang kotse. Ako na po ang magbabantay kay Faith. Ihatid na ninyo si Mama sa bahay para magpahinga.”

“Sobra yata ang pag-aalala ni Tita Amelia kay Faith. Sabi niya mamamatay na si Faith,” sabi niya kay Kraven nang makaalis na sina Amelia at Samuel. Niyaya siya nito na pumunta muna sa cafeteria.

Walang kangiti-ngiti siyang sinulyapan nito. “Hindi exaggerated ang reaksiyon ni Mama. Malapit na talagang mamatay si Faith.”

Pati siya ay hindi na rin magawang ngumiti. “Ano ba ang sinasabi mo? Ikaw mismo ang nagsabi na walang nakitang sakit kay Faith.”

Huminga nang malalim si Kraven. “The doctor cannot detect anything. Faith has an unusual sickness that runs to female member of our family. Kapag may nag-eighteen na babae, paglipas lang ng ilang araw namamatay na. Maswerte siyang abutin ng isang buwan. It is a curse.”

For a modern man, she couldn’t believe that she could hear those words from Kraven. “P-Paano nangyari iyon?”

“A tennyo fell in love with my great grandfather. A tennyo is a celestial maiden. Galing sila sa kalawakan. Siguro sila ang tinatawag sa time natin na mga alien. Isa sa kanila ang na-in love sa lolo ko. Ginawa niya ang lahat para mahalin siya lolo ko. Pero may mahal nang iba si lolo. Hindi matanggap ng tennyo na iyon ang kabiguan niya kaya ikinulong niya sa salamin ang girlfriend ng lolo ko. Nagawa rin nilang talunin ang tennyo pero nag-iwan siya ng sumpa. Isandaang higit na sakit ang ipaparanas niya kay lolo at sa lahat ng magiging anak niya. Kinukuha ng tennyo na iyon ang bawat babae sa pamilya namin. Bawat babae na tumuntong sa eighteen ay dinadapuan ng kakaibang sakit. Sinumang doctor ay di iyon makikita. Nanghihina hanggang mawalan ng lakas. At namamatay sa susunod na full moon. Kaya sa darating na full moon, mawawala na sa amin si Faith.”

She couldn’t believe it. Naririnig niya mismo dito ang laman ng panaginip niya. Si Yvanna, si Victor at ang paglalaban ng mga ito sa isla. Ngayon ay naintindihan niya kung sino si Victor. Ito ang ninuno ni Kraven. At maaring nasa kwento rin nito ang susi sa pagkatao niya.

“Kraven, anong magagawa para mawala ang sumpa?”

“Maaring malapit na.” Tumingala ito at mariing pumikit. “Dahil si Faith na ang pang-isandaang biktima.”

“Oh, my God!” usal niya at pinagsalikop ang mga kamay.

“I want to save her. Kahit naman noon pa ay sinusubukan na ng mga ninuno namin na tapusin ang sumpa. Pero wala nang makakita pa kung nasaan ang tennyo na iyon. Lumubog na ang isla kung saan siya huling nakita. Ni wala nang bakas pa doon. Baka tuluyan na nga siyang naglaho. Pero hanggang ngayon ay parusa pa rin sa amin ang sumpa niya. And there is nothing we can do but watch her die. Napaka-inutil kong kapatid, hindi ba?”

Pinisil niya ang balikat nito. Ngayon ay naiintindihan na niya kung bakit mahal na mahal nito si Faith. He was overprotective yet he was spoiling her at the same time. Gusto niyang makatulong pero ano naman ang sasabihin niya? Na isa rin siyang tennyo? But would it help. Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin malinaw ang pagkatao niya.

“Mabuti pa humingi tayo ng tulong kay Mommy,” suhestiyon niya. “Maraming alam si Mommy sa mga kakaibang bagay. Matutulungan niya tayo.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.