Love and Magic Series Chapter 43

Nanonood ng TV si Aricka sa sala nang biglang magbago ang paligid niya. She found herself in the middle of the ocean, riding a raft. Katanghaliang-tapat noon pero madilim ang paligid niya. Ang tanging nakikita niya ay ang isla sa di kalayuan at ang liwanag ng buwan na nagsisilbing gumagabay sa kanya.

Palapit siya sa isla nang marinig niya ang magandang boses ng isang babae na umaawit. Parang nanghahalina na lumapit siya doon. “Ito na ba ang isla kung saan naroon si Yvanna?” usal niya sa sarili.

Humangin nang malakas at kasamang tinangay ang magandang boses. Pagdilat niya ay wala na ang isla sa harap niya. Ang tanging naiwan na lang ay ang malawak na karagatan at ang buwan na nakatanglaw. “Nasaan na ang isla?”

Nang tingnan niya ang tubig ay naroon ang pa rin ang repleksiyon ng isla sa tubig. Kumunot ang noo niya at tumingin ulit sa dating kinalalagyan ng isla. Naglaho na nga ito ngunit nananatiling naroon ang imahe nito sa tubig. Anong klaseng isla iyon ay nagagawa nitong maglaho?

Nagbihis siya para pumunta sa gallery ng mommy niya. Kailangan niyang I-kwento dito ang nakita niya. Iyon marahil ang isla kung saan niya matatagpuan sa Yvanna. Baka sakaling matulungan na siya nito sa pagkakataong ito.

Pagdating sa gallery ay abala ang mga tao. Ilan kasi sa mga bagong paintings ang isinasabit sa showroom. Natigilan siya nang makita ang isang particular na painting. Katulad na katulad iyon ng isla sa pangitain niya kanina. Na bagamat walang makikita sa ibabaw ng dagat ay nakikita naman ang repleksiyon sa tubig.

“Do you like the painting, Aricka?” tanong ni Mimosa na nakatayo sa likod niya. “Gawa iyan ng isa sa mga bago nating painters.”

“Mom, where can I find the artist of this painter? Gusto ko siyang makita.”

Nagkibit-balikat ito. “She must be hibernating somewhere. Bakit interesado kang makita siya? Ngayon ka lang yata naging interesado sa artist ko.”

“It is her painting. Nakita ko na ito sa vision ko. Kanina lang. Hindi mo makikita ang isla pero nasa tubig ang image niya.” Humarap siya sa painting. “Natitiyak ko na sa islang ito nagtatago si Yvanna. Nandito rin sa islang ito ang susi sa pagkatao ko. Maililigtas ko na rin si Faith. Nasaan ang Celeste na ito? Saan niya nakita ang isla na ito?”

“Calm down, honey. I’ll try to contact her.”

Niyakap niya ito at hindi maiwasang maluha. “Thanks, Mom!”

Tama ito. Kailangan lang niya nang kaunting pasensiya dahil dadating din ang lahat ng sagot sa mga tanong niya. May panahon pa para iligtas si Faith. Bago dumating ang pagbilog ng buwan.

“Let’s just pray that she’s not island hopping with her merman boyfriend. Baka mahirapan tayo na hanapin siya.”

“SORRY, Aricka. Alam ko na gusto mo akong makasama at miss na miss mo na ako. Pero si Faith ang priority ko ngayon,” malambing na sabi ni Kraven nang pumunta ito sa gallery dahil ipinatawag niya ito. Kadarating lang nito galing sa Siquijor. Nagbabaka-sakali na may makuhang impormasyon doon pero wala pa rin. Nasabi sa kanya ni Faith na naghahanda na naman itong pumunta sa kung saang lupalop ng Pilipinas mahanap lang ang nawawalang isla.

“Don’t worry. Hindi magtatagal ang ‘date’ natin,” aniya at ngumiti. Nakikita niyang pinipilit nitong maging masaya kahit na mabigat ang loob nito. Hinila niya ito papunta sa painting ng isla. “Sa tingin ko dito mo makikita ang hinahanap mo.”

“Hindi ba kathang-isip lang ang painting na ito? Tingnan mo ang title. An Island of Illusions.”

Umiling siya. “Iisipin mo na likha lang ng malikot na imahinasyon ng mga artist ang nandito sa gallery namin. Pero lahat sila ay may basehan.”

“Paano ka nakakatiyak na nariyan nga ang tennyo na nagsumpa sa pamilya ko? At paano ko naman makikita ang lugar na iyan?”

“Doon sa unang tanong mo, nakita ko sa panaginip ko.”

“Panaginip mo?” Napailing ito. “Kung si Tita Mimosa ang magsasabi sa akin, maniniwala ako. Pero ikaw… I don’t think so.”

Humarap siya dito. “Matagal ko nang napanaginipan ang lahat ng sinabi mo. Kung paanong binawi ni Victor si Graciella kay Yvanna.”

“S-Sandali. Alam mo ang pangalan ng mga ninuno ko? At si Yvanna…”

“Siya ang tennyo. Nakita ko ang lahat. Pati ang paglubog ng isla kasama si Yvanna na nakakulong sa salamin. Noong una akala ko panaginip lang ang lahat. Hanggang umepekto na ang sumpa kay Faith. I realized that it was a scene from the past. At nakita ko ulit ang lugar na ito sa pangitain ko. Ito rin ang isla ni Yvanna.”

“Saan matatagpuan ang isla na ito?” determinado nitong tanong.

“Kakausapin natin ang artist na nag-paint. I’m sure she knows the place. Nagpa-reserve na ako ng ticket for tomorrow. Pupuntahan natin siya sa Biliran.”

Pinigilan siya nito sa balikat. “Wait! Natin? Sasama ka sa akin?”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.