“Oo. Sa tingin ko malaki ang maitutulong ko sa paghahanap sa isla.”
“But you can’t!” tutol nito.
“Bakit hindi? Kaligtasan ni Faith ang nakasalalay dito.”
“I know you want to help. Pero ayokong may iba pang mapahamak. Hindi mo alam kung ano ang maaring mangyari sa iyo kapag natagpuan natin si Yvanna. Ayokong ilagay ang buhay mo sa alanganin.”
“Kailangan kong gawin kahit mapanganib, Kraven. Dahil hindi lang buhay ni Faith ang nakasalalay dito. Maaring nasa islang iyon din ang susi sa pagkatao ko.”
Natigilan ito. “Bakit naman? Alien ka rin ba?”
Malungkot siyang ngumiti. “Kahit ako hindi ko alam kung ano ba talaga ako. Kung saan ako nanggaling. Kaya aalis ako kahit na kumontra ka pa. Saka wala ka namang magagawa, hindi ba? Dahil ako ang nakakaalam kung saan matatagpuan ang artist na nag-paint niyan,” sabi niya at naglakad palayo.
“That’s not fair, Aricka!” reklamo nito at hinabol siya.
Nakaimbi ang ngiti sa labi niya nang tumigil siya. “Pwes, sasama ako!”
Itinaas nito ang mga kamay bilang tanda ng pagsuko. “I don’t have any other choice, do I? I am stuck with you.”
“Hindi ako magiging pabigat sa iyo. I can assure you.”
Warmth shone in his eyes when he smiled. “It is somehow comforting to have you with me. I don’t have to fight this battle alone.”
PARANG hinila agad ng antok si Aricka nang makita pa lang ang cottage na tutuluyan nila ni Kraven. Masakit na ang ulo niya paglapag pa lang ng eroplanong sinakyan nila sa Calbayog Airport sa Samar. Mula doon ay sasakay sila ng pumpboat papunta Maripipi Island sa Biliran kung saan nila matatagpuan si Celeste.
“Dito muna tayo magpapalipas ng gabi,” sabi ni Kraven. Wala silang makuhang pumpboat na bibiyahe sa isla dahil masama ang panahon. Inilapag nito ang gamit sa paanan ng kama niya. “Kung may kailangan ka, sabihin mo lang sa akin. I’m sure gusto mo nang magpahinga dahil napagod ka sa biyahe.”
Tumango siya at umupo sa kama. “Anong oras ang alis natin bukas?”
“Six in the morning. Nasa kabilang room lang ako. Basta huwag kang aalis nang hindi nagpapaalam sa akin.”
“I am twenty-one, Kraven. I am old enough. Hindi na ako bata.”
Humalukipkip ito. “Hindi ka pwedeng umalis nang hindi ako kasama.”
“At saan naman ako pupunta, aber?”
“Baka mamaya mag-swimming ka nang hindi ako kasama. Ma-kidnap ka pa ng syokoy at agawin ka sa akin.”
Natawa siya. “Agawin ako sa iyo?” He was talking as if he owned her.
Natigilan ito. “Mas gusto mo pang sumama sa syokoy kaysa sa akin?”
Itinulak niya ito. “Lumabas ka na nga! Pinasasakit mo ang ulo ko.”
Mas apektado na siya sa mga panunukso nito. Hindi niya alam kung bakit sineseryoso niya ang sinasabi nito.
Nang makalabas ito sa pinto ay bigla itong tumigil at humarap sa kanya. Napasinghap siya nang unti-unting lumapit ang mukha nito sa kanya. As if he was about to kiss her. “Aricka, kapag natapos ang lahat ng ito…”
“Ano?” pabulong niyang tanong.
Bumuntong-hininga ito at umiwas ang tingin sa kanya. “Saka ko na sasabihin kapag tapos na ang lahat ng problema natin.”
Nanlambot siya nang iwan siya nito at pumasok sa sariling silid. Paano kung hindi matapos ang problema na iyon? Malalaman pa kaya niya ang sasabihin nito?
ALAS siyete pa lang ng gabi at katatapos maghapunan ni Aricka pero hinihila na siya ng antok. Napahikab siya at sinulyapan si Kraven na kanina pa nasa tabing-dagat. Kinawayan siya nito para lumapit. Nang umiling siya ay ito ang lumapit sa kanya.
“Bakit ayaw mong lumapit?” tanong nito.
“Ayoko. Inaantok na ako. Saka madilim na.” Kahit pa nga may hilera ng ilaw na naiilawan ang beach, ayaw pa rin niya.
“Ang aga mo namang antukin.” Hinawakan nito ang kamay niya. “Mamulot muna tayo ng shell. Gusto ko kasing ibigay kay Faith pag-uwi natin. I am sure matutuwa siya kapag nakita ang mga shells na napulot ko.”
Na-touch siya. Hindi kasi nito nakakalimutan si Faith. Naalala niya kapag pumupunta sa beach ang pamilya nito ay kasama nito si Faith mamulot ng shells.
“May napulot ka na ba?”
Dumukot ito sa bulsa. “Heto. Kakaiba nga ang mga kulay ng shells.”
“Wow!” Dumampot siya ng isa. “I am sure she will like it. Bukas na lang ako mamumulot ng shells bago tayo umalis.”
“It would be too late by then.”
Sumimangot siya. “Sayang! Tinatamad na kasi akong mamulot.”
Dumampot ito ng shell na may Venus comb shell. “Pinulot ko para sa iyo.”
Nag-alinlangan siyang kunin iyon. “Hindi ba para kay Faith ang mga shells?”
“Masyado na itong marami. Ikukuha ko na lang siya ng iba.”
“Thank you!” Inabot niya ang kabibe. Pagkakuha niya sa shell ay hinawakan nito ang kamay niya. “B-Bakit?” She went still. She barely controlled her shaking. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Hindi na normal ang paghinga niya.
Huminga ito nang malalim. “W-Wala lang. Gusto pa sana kitang maka-kwentuhan pero inaantok ka na.”