Love and Magic Series Chapter 45

“We can chat for a while if you want.”

Umiling ito at hinaplos ang mukha niya. “No. After this dilemma, we have plenty of time to talk. Good night, Aricka.” Saka nito binitiwan ang kamay niya.

Dali-dali siyang pumasok sa loob ng kuwarto niya. Mabilis ang tibok ng puso niya habang mariing hawak ang shell. Humiga siya sa kama at inilapag sa tabi niya ang shell. Hindi niya maialis ang tingin doon na parang nakikita niya doon ang mukha ni Kraven. Hindi rin niya maiwasang mapangiti.

Hindi niya alam kung bakit simpleng shell lang iyon pero parang mamahaling regalo na ang natanggap niya. O dahil si Kraven ang nagbigay kaya espesyal sa kanya? Naipilig niya ang ulo ang umiling. Espesyal si Kraven o iba na ang pinatutunguhan ng utak niya. Is she falling for him? Because of a shell?

Mukhang naapektuhan na ng hangin ang utak niya. She couldn’t think of falling in love at a time like this.

Napipikit na siya nang humangin nang malakas. Kasabay niyon ay narinig niya ang malamyos na tinig na umaawit. Bumalikwas siya ng bangon at hinanap ang pinagmulan ng tinig. Humantong siya sa harap ng salamin at nakita doon ang repleksiyon ng isang babae na mukhang kalahi ni Yvanna. Subalit sa tingin niya ay mas matanda ito sa isang katauhan niya.

Napahakbang siya paurong sa sobrang gulat. “S-Sino kayo?”

Ngumiti ito at naging maamo ang mukha nito. Parang may mainit na kamay na humaplos sa puso niya. “Ako si Arabella. Ako ang iyong ina.”

“Kayo ang nanay ko?O kayo ang ina ng babaeng nagsasabing iisa lang kami?”

“Tama siya. Iisa lang kayo. At siya ang tunay mong katauhan.”

“K-Kayo po ba talaga ang nanay ko?”

Nagkabikig ang lalamunan niya. Pinipigilan ang sarili na umiyak. Matagal na niyang hinihintay na may magsabing ito ang kanyang ina. At nararamdaman nga niya na ang babaeng nasa harap niya ay ang kanyang ina dahil iyon ang sinasabi ng puso niya. Dali-dali niya itong niyakap subalit tumagos lang siya sa hangin. “P-Paanong… Bakit hindi ko kayo mahawakan?”

“Isa lang imahe ang nakikita mo. Ginagamit ko lang ang kapangyarihan ko upang makita mo ako at magkausap tayo.”

Nanlalambot siyang umupo sa kama. Isa lang palang hologram ang nakikita niya. “M-Marami po akong gustong malaman. Kung totoo ang sinasabi ninyo na iisa kami ng babaeng kahawig ninyo, bakit mukha akong tao? Bakit di tayo magkasam?”

“Kailangang gawin iyon para iligtas ka kay Yvanna.”

“Kilala ninyo si Yvanna?”

Tumango ito. “Siya ang prinsesa sa planetang Rojo.” Ikinumpas nito ang kamay at sa isang iglap ay nagsilbing telebisyon ang harap ng salamin. Nakikita niya doon imahe ni Yvanna na pinagsisilbihan ng mga alagad nito. “Sa aming planeta, mataas na ang sibilasasyon o ang tinatawag ninyong teknolohiya. Bawat nilalang ay nagpapagalingan na makagawa ng makinaryang pamuksa o mas mataas na uri ng kapangyarihan. Malayong-malayo sa planetang daigdig na mabagal ang pag-unlad.”

“Kung ganoon, bakit pumunta siya dito?”

“Lumaki kami sa mundo na puro digmaan. Walang ginagawa ang mga nilalang kundi gamitin ang kapangyarihan laban sa isa’t isa. Kaya interesado si Yvanna sa planetang ito. Gusto niyang malaman kung ano ang makapangyarihang pag-ibig na nagpapapayapa sa mga nagdidigmaan. Hinintay niya ang pagbukas ng lagusan patungo sa mundong ito sa pamamagitan ng paglapit ng planetang Rojo sa mundo ninyo. Isinama niya kaming mga alagad niya. At sa paglapag sa mundong ito ay nakita niya sa tabing-dagat ang binatang si Victor at umibig siya.”

“Pero may mahal nang iba si Victor.”

“Nagalit si Yvanna kaya kinuha niya ang nobya nito. Umaasa kasi siya na iibigin na siya ni Victor kapag nakita nito na mahina ang nobya nito.”

“Hindi ganoon ang pag-ibig. Hindi iyon ipinipilit. Kusa iyong nararamdaman.”

“Akala niya na ang pag-ibig ay tulad sa planeta namin. Isang labanan. Na sinuman ang siyang makapangyarihan ay siyang makakakuha ng tagumpay.”

Nakadama siya ng lungkot para kay Yvanna. Naghahanap lang naman ito ng taong magpapadama dito ng pagmamahal. Gusto lang nitong makatakas sa isang mundo na puno ng digmaan.

“Ano po ang nangyari matapos matalo si Yvanna at naikulong sa salamin?”

“Nagsara ang lagusan at hindi na namin magawang makabalik sa aming mundo. Nakakulong si Yvanna at hindi niya magagamit ang kanyang kapangyarihan. Kailangan naming hintayin ang muling paglapit ang planetang Rojo. Sa limitado naming kapangyarihan ay itinago namin ang islang pinamumugaran namin. Na bagamat nakikita nila ay di nila maaring pasukin. Habang si Yvanna naman ay nagpapalakas kahit na nakakulong siya sa salamin?”

“Sa pamamagitan ng ano? Ng pagpatay sa mga kalahi ni Victor?” aniyang hindi maitago ang matinding pagngingitngit.

“Hinagpis at sakit ng mga kalahi ni Victor ang nagpapalakas sa kanya. Apat na araw mula ngayon ay sisikat na ang dalawang buwan.Nakatakdang mamatay ang ika-isandaang kadugo ni Victor. Makakalabas na si Yvanna sa salamin.”

“Mapuputol na rin ang sumpa? Babalik na siya sa planeta niya?”

Malungkot itong umiling. “Nais niyang sirain ang mundo at lipulin ang lahat ng nilalang na naririto. Ayaw niyang makakita pa ng ibang nilalang na masaya at nagmamahalan. Gusto niyang makaganti.”

Nakuyom niya ang palad at binayo ang kama. “Hindi ako papayag! Hindi niya pwedeng sirain ang mundong ito dahil marami akong taong poprotektahan. Pipigilan ko ang lahat ng mga balak niya.”

“Mahal mo rin ba ang lalaking kahawig ni Victor?”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.