“I love you, Mommy.”
“I love you, too. We’ll talk once you are back.”
“Yeah! Good night, Mommy.” Saka mabigat ang loob niyang tinapos ang pakikipag-usap dito. It must be the hellish night in her life. Kahit naman siguro sinong sasabihan na nakatanggap ng balitang mamamatay na ito ay ganoon ang mararamdaman. It was like hanging in a limbo. Hindi na yata siya makakatulog.
Lumabas siya sa terrace at sinalubong ng malamig na hangin. Pero mas matindi ang lamig na bumabalot sa puso niya. And she was wondering how she could spend the remaining days of her life. Magiging masaya pa kaya siya?
Napalingon siya nang bumukas ang pinto sa kuwarto ni Kraven. Pupungas-pungas itong lumabas. “Kraven, bakit gising ka pa?” tanong niya. “Maaga pa tayo bukas. Matulog ka na. Matutulog na rin ako mamaya.”
Baka kasi sermunan pa siya nito kung bakit hindi pa siya natutulog. Wala siya sa mood na makipagtalo dito.
Natulala ito habang nakatitig sa kanya. Parang nakakita ito ng kakaibang nilalang. Ipinilig nito ang ulo at nakatitig pa rin sa kanya.
“O, anong nangyayari sa iyo?” tanong niya.
He walked towards her without taking his eyes off her. “Is that really you?”
“Ha?” bahagya siyang natawa dahil mukhang naalimpungatan pa ito sa itsura nito. “Ako nga ito. Sino pa ba?”
He looked as if he was hypnotized or in a trance. Inangat nito ang kamay at hinaplos ang mukha niya. “I thought you are just a dream,” walang kakurap-kurap nitong usal.
Napapikit siya. His touch felt so good. Maybe she was also dreaming. Idinilat niya ang mga mata at parang nahihipnotismo pa rin sa kanya si Kraven. Ano ba ang nag-iba sa kanya para titigan siya nang ganoon? Nakakatunaw ang tingin nito.
“Are you okay?”
His thumb made light rotating motion on her cheek. “Never felt so good in my whole life. I never thought that dreams could be this real. I can’t believe that I could actually touch you and feel you.”
Lalo siyang naguguluhan sa mga sinasabi nito. Gusto niyang isipin na nagdedeliryo ito o kaya ay pinagti-tripan na naman siya nito. But he looked so damn serious. And so damn… enchanted.
Tinapik niya ang pisngi nito. “Nananaginip ka pa yata.”
Hinawakan nito ang kamay niyang nakahawak sa pisngi nito. “Maybe I am still dreaming. Pero gusto kong samantalahin ang pagkakataong ito bago ka na naman maglaho sa paningin ko.”
He bent and brushed his mouth against her. Then he suddenly became hungry and fiercely kissed her. Naguguluhan siya sa ginagawa nito. Pero hindi niya magawang tumutol. She liked it. She liked the feel of his mouth claiming and devouring her. Arousing emotions and sensations she never thought existed.
Naglakbay ang kamay nito sa likod niya. Then it went under her pajama top. Nahigit niya ang hininga niya nang maglakbay naman ang kamay nito sa balat niya. She thought that she was cold. She was not capable of feeling. But now, he was making her feel. She never felt more alive. Kung anuman ang mangyari sa gabing iyon ay wala na siyang pakialam. Wala siyang kontrol. Parang isa lang siyang dahon na tinatangay ng rumaragasang tubig.
“Aricka…”
She closed her eyes and smiled. “Hmmm…”
Naramdaman niya ang paglayo nito sa kanya at ang pagyakap sa kanya ng malamig na hangin. “Aricka!” anito sa gulat na boses.
Napadilat siya. Malayo na ito sa kanya. At sa itsura nito ay daig pa nito ang binuhusan ng malamig na tubig. And there was horror in his eyes. “Holy cow! I’m sorry. I’m sorry for what I did.”
Namula rin siya sa ginawa. She never thought that she was capable of such passion. And only Kraven could make her feel that way. Pero hindi niya ito matingnan nang diretso. Hindi pa niya ito kayang harapin. It was totally out of her character to give herself to the first time who kissed her.
“I am sorry as well.” Niyakap niya ang sarili. “I don’t know how to explain it.”
Ano ba ang dapat niyang sabihin? Na nawala siya sa sarili? What a lousy excuse! She enjoyed his kisses and his touch that’s why they nearly went out of line.
“No. I’m sorry because I thought…”
“You thought what?”
Yumuko ito. “I thought you are someone else.”
Nagpanting ang tainga niya. “At sino naman ang iniisip mong hinahalikan mo habang hinahalikan mo? Magkamukha ba kami kaya napagkamalan mong ako siya?” tanong niya sa naniningkit na mga mata nito.
Umiling ito at hindi pa rin kayang salubungin ang mga mata niya. “She’s totally different from you. She has a red hair and violet eyes. She’s like a fairy. Kaya nagtataka ako kung bakit nang makita kita kanina, inakala kong ikaw siya.”