Love and Magic Series Chapter 48

“What?” malakas niyang bulalas. “How dare you, Kraven!” Hindi niya napigil ang pag-igkas ng kamay at sinampal ito. Mukhang natulig ito sa sampal niya and it was not enough. Nagpupuyos pa rin siya. “Gising ka na ba?” mapanuya niyang tanong. Saka siya pumasok sa kuwarto at ibinalibag ang pinto.

Dumapa siya sa kama at iyon ang binayo. Doon niya ibinuhos ang galit niya. How dare he treated her that way? He had no excuse for insulting her. Damn him!

Maya maya pa ay kumatok ito sa pinto. “Aricka, I’m sorry. Let’s talk.”

“Kausapin mo ang sarili mo. O kaya kausapin mo na lang ang babae mo sa panaginip mo! I hate you!” sigaw niya dito.

“I know it is my fault. But if you hate me so much, hurt me instead. Para mabawasan ang sakit na nararamdaman mo.”

Kinuyom ang palad at isinubsob ang mukha sa unan. “Kahit na ilang beses pa kitang saktan, hindi mawawala ang galit ko sa iyo. Umalis ka na, Kraven!”

Narinig niya ang papalayong yabag nito at lalo siyang naawa sa sarili. Kraven was special to her. And he cut her so deep; it wounded her heart. Dahil lang sa isang babaeng may pulang buhok at violet na mga mata.

Bumangon siya sa kama at tumingin sa salamin. Naroon ang isa pa niyang katauhan na parang nakamasid lang sa kanya. “Bakit nandito ka na naman? May babala ka bang ibibigay sa akin?”

“Bakit ka umiiyak?”

“Don’t you know? Hindi ba iisa lang tayo? O baka naman masyado kang busy sa pag-iipon ng kapangyarihan mo. Well, ininsulto lang naman ako ni Kraven. He kissed me only to tell me that he thought I was someone else. How about that?”

“Hindi mo kailangang umiyak,” anito at ngumiti. “Dahil iisa lang naman kayo ng babaeng gusto niyang halikan.”

Naningkit ang mata niya. “Ano? Ikaw ang babaeng nasa panaginip niya. Ikaw ang nakita niya kanina sa halip na ako. Ikaw ang iniisip niyang hinahalikan niya. Nagpakita ka sa kanya kanina? Naging ako ikaw?”

Nang mga oras na iyon ay gusto niyang batuhin ang salamin. Para mabasag na ang mukha nito. Para kasing nakakaloko. She didn’t look apologetic at all.

“Anong mali? Iisa lang tayo. Kapag nakikita ka niya, ako ang nakikita niya. At kapag ako ang nakikita niya, ikaw din iyon,” paliwanag nito. “Kaya nang hinalikan ka niya, ikaw din iyon.”

“Shut up!” nanggagalaiti niyang usal. “Iniinsulto mo ba ako?”

“Bakit ko naman iinsultuhin ang sarili ko?”

“Dahil ikaw ang gusto niyang halikan at hindi ako! How dare you mess up with my life? Mula nang dumating ka, hindi na naging matino ang buhay ko!”

Bakit hindi na lang siya naging ordinaryong tao? Bakit kailangan pa niyang mamatay para mabuhay ang isa niyang katauhan at sagipin ang mundo?

“Iyon ba ang ginagawa ko?”

“You listen!” Dinuro niya ang salamin. “Ilang araw na lang ang natitira sa buhay ko, sinisira mo pa? Hayaan mo naman akong maging masaya!”

“Bakit ka nagagalit sa sarili mo? Iisa lang tayo.”

“No. Magkaiba tayo. You are a part of the prophecy. Destined to save the world. And how about me? I am just a front; your shell while you are preparing to face the evil. I have to bleed for you and die for you. Hindi mo naranasan ang lahat ng sakit na naranasan ko. Pagkatapos mo akong gamitin, itatapon mo na lang ako!”

Ngumiti ito. “Gusto mo pang maging masaya kasama si Kraven?”

“Oo. At ang iba ko pang mahal sa buhay.”

“Hindi mo ako kaaway. Iisa lang tayo. Pareho tayo ng gusto. Pareho tayo ng iniisip. Pareho tayo ng nararamdaman. Iisa lang ang tibok ng puso natin. At kung isa sa atin ang gusto ni Kraven, pareho niya tayong gusto.”

Pagak siyang tumawa. “Imposible! Wala ka namang alam, hindi ba? You are inside that protective shell. At ako ang sumasalo sa lahat ng pwede mong maranasan sa mundo. Pero sa huli, ikaw ang makikinabang sa lahat.”

“Kung ganoon ay maswerte ka dahil naranasan mong mabuhay.”

“At malapit nang matapos ang buhay ko para ikaw naman ang mabuhay. Isa lang sa atin ang matitira. If you want him, you can have him once I’m dead. Pero habang buhay pa ako, hayaan mong makita niya ako bilang ako.”

“Huwag kang magalit sa akin. Simple ang misyon ko. Ang pigilan si Yvanna sa masasama niyang balak. At kung may mamahalin si Kraven, ikaw iyon at hindi ako. Hanggang panaginip lang kami maaring magkasama. Hindi ito ang mundo ko. Ikaw ang nabibilang sa mundong ito.”

“Pero ikaw nga ang gusto niya at hindi ako!”

“Kailan mo ba maiintindihan na iisa lang tayo?”

“Tell me, how could we end up together if I am about to die? And how could you save the world if I am still alive?”

Hindi na nito sinagot ang tanong niya dahil naglaho at bumalik ang sarili niyang repleksiyon sa salamin.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.