Love and Magic Series Chapter 49

“Aricka, pumasok ka na sa loob. Malamig dito,” malambing na sabi ni Kraven nang lapitan siya. Nakaupo siya sa labas ng pumpboat kung saan walang tabing.

Wala pang alas sais ng umaga ay umalis na ang pumpboat papunta sa Isla ng Maripipi sa Biliran. Mula noon ay di na niya ito kinakausap. Kung pwede nga lang ay hindi na niya ito tingnan. Kaya niyang tiisin iyon. Hindi pa rin humuhupa ang inis niya dito. Limang oras daw ang biyahe pero matitiis niya na manatili sa labas.

Halos manigas na ang leeg niya sa kaiiwas ng tingin dito. “Kung nalalamigan ka, ikaw ang pumasok sa loob. Mas gusto ko dito sa labas.” O kahit saang lugar basta hindi niya ito makikita.

“Pero malapit nang umulan. Sinabi sa akin ng pahenante ng barko na papasukin ka na dahil mababasa ka dito.”

“Tell him that I am okay. I want to stay here.”

Gusto niyang pagsawaang tingnan ang malawak na dagat. Her end would be somewhere in that sea. She might not be able to travel back anymore.

Hinawakan siya nito sa braso. “Are you trying to kill yourself?”

Pumiksi siya at matalim ang mata nang iangat ang tingin dito. “So what if I am. It is none of your business.”

“Hindi kita isinama dito para magpakamatay!”

“I am sure you would be very happy once I am gone,” mahina niyang usal. Kapag namatay na siya, makakasama na nito ang isa niyang pagkatao. Ang babae sa panaginip nito. And she would be just a part of history.

“Shut up!” sigaw nito. “Wala akong iniisip na maaring magpahamak sa iyo. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, hindi na sana kita isinama.”

“Ako ba ang may kasalanan?”

Lumambot ang anyo nito. “Look, I’m sorry. Alam ko na walang kapatawaran ang ginawa ko sa iyo. What I did was insane. Unforgivable. But please let me make it up with you.”

Naniningkit ang mga mata niya itong tiningnan. “Just leave me alone, Kraven! Dahil tuwing nakikita kita, naalala kung paano mo ako ginawang tanga.”

She was a fool let him kiss her. Drat! Kung hindi lang niya ito mahal, baka siya mismo ang nagtulak dito sa dagat. Funny. She was competing with her own self. They were one yet they were so different. And she would be out soon to take everything away from her. But she was able to capture Kraven’s heart first. Isang bagay na hindi niya magagawa kahit kailan.

Nagsimulang pumatak ang ulan at umupo ito sa tabi niya. “Hindi kita pwedeng iwan dito. Kung magpapakabasa ka sa ulan, pareho na tayo.”

Napalingon siya dito. Nakatingala ito sa langit, tinatanggap ang bawat patak ng ulan. Lumalakas na rin ang hangin. Mukhang wala itong balak na umalis.

“Anong kalokohan ito? Akala mo ba mawawala ang galit ko sa iyo dahil lang sasamahan mo akong magpakabasa dito?”

“What I did was unforgivable. Hindi ko naman sinasabing mapapatawad mo ako dahil lang sinamahan mo ako dito. Ayoko lang na mag-isa ka,” anito at tinangkang ihilig ang ulo sa balikat niya.

Itinulak niya ang ulo nito. “Huwag ka nga dito! Ayokong kasama ka!”

Nangalumbaba ito. “Pumasok ka sa loob kung ayaw mo akong kasama. Kasi hindi mo ako mapapaalis dito.”

Nakasimangot siya nang tumingin dito. Prenteng-prente ito sa pag-upo kahit na nababasa na ito ng ulan. At hindi niya matagalan na manatili sa tabi nito. Unti-unti kasing nawawala ang inis niya dito. Wala siyang pagpipilian kundi tumayo at iwan ito. “I hate you!” At naglakad siya papunta sa tabing.

Tumawa ito. “Nanalo ako! Napapasok kita sa loob.”

He was laughing like crazy while the rain was falling and the wind was howling. As if he was the most powerful man. He overpowered her. Ano ba ang mayroon dito at hindi niya kayang labanan ang nararamdaman para dito?

Napayukyok siya sa isang tabi at umiyak. “Lahat na lang laro para sa iyo.” At lagi na lang ito ang panalo. He had the power to shred her heart into pieces.

All she wanted was a little time alone. Gusto niyang pag-aralan na hindi masaktan dahil dito. At hindi siya nagtagumpay.

Hinaplos nito ang buhok niya. “God, Aricka! Don’t cry. I don’t want to see you cry. Hindi ko naman gustong saktan ka. Natutuwa lang ako nang pumasok ka dito sa loob dahil hindi ka na mababasa. Ayokong magkasakit ka. Concern lang talaga ako sa iyo. I won’t do anything to deliberately hurt you.”

“But there are times that you hurt me still.”

“I didn’t mean them.” He caressed her face and smiled. “Maniniwala ka ba sa akin na hindi kita sasaktan?”

Tuluyan nang naglaho ang galit niya nang makita ang sinseridad sa mga mata nito. How could she say ‘no’ if his eyes were pleading? Kaya nitong palambutin ang puso niya sa isang tingin lang.

“Just don’t kiss me and mistake me for someone else.”

Itinaas nito ang isang kamay. “I will cut my own hand if that will happen.”

Ipinikit niya ang mga mata. His words were comforting. Kahit paano ay nagkaroon siya ng kapayapaan. Naramdaman niyang kinabig nito ang ulo niya at ihinilig sa balikat nito. Hindi siya tumutol. She just wanted to feel him near her. It would make good memories for the remaining days of her life.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.