MATAPOS ang limang oras na biyahe ay dumaong sila sa isang bahagi ng Isla ng Maripipi. The beach was secluded. Sila lang ang bumaba sa pantalan at naghihintay na sa kanila ang isang babae at isang lalaki.
“Maligayang pagdating,” bati sa kanila ng lalaki.
“Hi!” nakangiti niyang bati. “I am Aricka. Anak ako ni Mimosa, ang owner ng gallery kung saan ka nag-e-exhibit ng paintings. And this is my friend Kraven.”
Kinamayan siya ng babae. “I am Celeste and this is my boyfriend Raoul.”
Nagulat siya at napatingin sa paa ng lalaki. “I thought he is a merman.”
“A merman?” bulalas ni Kraven. “You must be kidding.”
“Wala siyang buntot ngayon. He is in his human form,” sagot ni Celeste.
Natulala si Kraven at hindi makapagsalita. “Holy cow!” bulalas nito.
“Pasensiya na. Hindi pa rin siya sanay sa idea ng fairies at iba pang entities.”
“But I am used to celestial maidens,” Kraven said with a grin. “First time ko lang kasing nakakita sa personal.” Ginagap nito ang dalawang kamay ni Raoul at kinamayan. “It is a pleasure you.”
“Sa akin rin ang karangalan na makilala ka,” pormal na sabi ni Raoul.
“Pumasok kayo sa loob. Kanina pa namin kayo hinihintay.”
Nagulat siya sa sinabi ni Celeste. “Bakit? Sinabi sa inyo ni Mommy?” Pero hindi naman ganoon kalakas ang kapangyarihan ni Mimosa para makipag-ugnayan sa mga nilalang sa malalayong lugar.
“The dolphins told us. Sinabi niya na may mga bisita kami,” paliwanag nito.
“The dolphins talk?” tanong ni Kraven.
Tumango si Celeste. “Si Raoul ay kaibigan nila at ng iba pang nilalang na nakatira sa dagat. Dahil sa kapangyarihan niya, nagkaroon din ako ng kakayahan na makipag-usap sa mga hayop.”
Tumuloy sila sa bahay na gawa sa indigenous materials. It looked like a simple cottage. Pero napakalawak niyon. At mukha ring presko at tahimik. Wala siyang makitang bahay sa malapit. Maganda ang tanawin dahil nasa harap ng dagat.
Idinala sila ng mga ito sa kanya-kanya nilang kuwarto. “Ipapatawag namin kayo kapag nakahain na ang pagkain,” sabi ni Raoul. “Magpahinga muna kayo.”
“Pero importante ang sadya namin sa inyo. At ilang oras na lang ang nalalabi sa amin,” sabi ni Kraven.
“Tungkol sa painting ng isla,” sabi niya.
“Island of Illusion?” usal ni Celeste.
“Kailangan naming makapunta doon,” aniya.
“Kailangan kong iligtas ang kapatid ko. Naniniwala ako na naroon ang babaeng nagbigay ng sumpa sa pamilya ko,” anang si Kraven.
“Kakaiba ang isla na iyon,” anang si Raoul. “Lubhang mapanganib. Kahit maganda ang panahon ay biglang nagbabago kapag papalapit na doon. Walang makalapit doon kahit ang pinakamakapangyarihang nilalang sa dagat. Kaya mabuti pang huwag na kayong pumunta doon.”
“Nang araw na maipinta ko ang isla ay payapa ang tubig,” paliwanag ni Celeste. “Iilang pagkakataon na nakakalapit ka sa isla. Pero repleksiyon lang ang nakikita ko. Hindi namin alam kung paano ka makakapunta sa mismong sa isla.”
“Tama. Isa lang ilusyon ang lugar na iyon,” malungkot na usal ni Kraven. “Pero handa akong sumuong sa panganib para iligtas ang kapatid ko. Kaya sana tulungan ninyo ako. Itinuro ninyo sa akin kung saan iyon matatagpuan.”
“Susubukan namin,” sabi ni Raoul.
“Pero isa pa ring palaisipan kung paano kayo makakapasok sa isla.”
“Malapit na ang kabilugan ng buwan.” Tumayo siya at tumanaw sa dagat. “Sisikat na rin ang pulang buwan. Baka iyon na ang pagkakataon natin para makapasok sa isla. At dalawang araw na lang iyon mula ngayon.”
“Kung buo na ang pasya ninyo, bukas na tayo pumunta. Dahil mauubusan na tayo ng oras,” wika ni Raoul. “Sa susunod na araw ay matutulog na ang lahat ng mga diwata. Tagalupa man, tagadagat o tagahimpapawid dahil sa pagsikat ng pulang buwan. Baka hindi ko na kayo matulungan.”
Nagkatinginan sila ni Kraven. Tinanguan niya ito. Ginagap naman nito ang kamay niya. “Nakahanda na ako,” sabi niya.
Handa na siyang harapin ang tunay niyang pagkatao. Ang kanyang tadhana. At ang kanyang kamatayan. Basta kasama niya sa huling sandali ang lalaking mahal niya, hindi na siya kailangang matakot.
NAGLALAKAD-LAKAD si Aricka sa tabing-dagat habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw. It must be one of the best sunsets she had watched. Kulay orange ang sinag nito na sumasabog sa kalangitan. Ganoon yata ang may taning na ang buhay. Saka lang naa-appreciate ang mga bagay sa paligid kapag malapit nang mawala. Kung alam lang niya, sana ay noon pa niya ito ginawa. Ang tumigil sa isang tabi at pabayaan lang lumipas ang oras.
Nilalaro ng paa niya ang alon nang maramdaman niyang may nakatingin sa kanya. Nang lingunin niya ay nakatayo doon si Mimosa. “Aricka!” anito at ibinuka ang mga kamay.
Nanlaki ang mga mata niya nang makita ito. “Mommy!” sigaw niya at niyakap ito. “Ikaw ba talaga iyan, Mommy? Anong ginagawa mo dito? Masyadong malayo ang lugar na ito para mag-teleport ka. Hindi kakayanin ng kapangyarihan mo.”
Kapag nasa mundo ng mga tao ay limitado ang kapangyarihan nito. At kapag nasobrahan ng gamit ay ilang araw itong nagkakasakit. Ayaw niyang iwan itong mahina dahil maaring di na niya ito maalagaan.
“Huwag kang mag-alala sa akin. Ikaw ang inaalala ko.”
Lalo niyang hinigpitan ang yakap dito. “I am okay now. Makita lang kita, masaya na ako.” Natupad na ang hiling niya na makita ito bago siya mawala.
Lumayo ito sa kanya. “Kailangan ko itong ibigay sa iyo.”
Nagsalubong ang kilay. “Kuwintas? Ano ang gagawin ko sa kuwintas?”
Ibinaligtad nito ang pendant at nalamang isa pala iyong salamin. “Magagamit mo ito sa paglaban sa tennyo na si Yvanna.”
“Katulad ba ito ng salamin na pinagkukulungan sa kanya?”
“Tama. Bagamat naglaho na ang tribo na may kapangyarihang gumamit ng salamin, natunton ko pa rin ang mga natitira pa sa lahi nila. Wala na silang kapangyarihan pero ang huling makapangyarihan sa tribo nila ay iniwan ang salamin na ito bago mamatay. Mukhang alam niya na makawala si Yvanna sa pagkakulong. Itapat mo lang ito kay Yvanna kapag inilabas niya ang kapangyarihan niya at siya na ang makukulong dito,” paliwanag ni Mimosa.
“H-Hinanap talaga ninyo ang salamin?” mangiyak-ngiyak niyang tanong.
“Dahil gusto kitang tulungan. Gusto kong maligtas ka dahil anak kita.” Hinaplos nito ang pisngi niya. “Hindi ako makakasama sa laban ninyo dahil sa nakatakdang pagsikat ng pulang buwan. Pero sa kabila ng aking paghimbing, gusto kong malaman mo na narito pa rin ako at kasama mo.”