Love and Magic Series Chapter 51

Muli niya itong niyakap. “I love you, Mommy. Kahit anong mangyari, gusto kong malaman ninyo na natutuwa akong kayo ang naging mommy ko. And someday, I want you to be proud of me.”

“I am already proud of you. Hindi ako nagkamali ng pagpapalaki sa iyo. But I want you to promise me one thing. I want you to come home to me.”

“Pero Mommy…” Nagkabikig sa lalamunan niya at hindi niya maituloy sabihin na maaring di na siya makabalik pa dito.

Hinalikan nito ang pisngi niya. “Hihintayin ko ang pagbabalik mo.”

“MUKHANG malalim ang iniisip mo.” Nagulat si Aricka nang ilagay ni Kraven ang jacket sa balikat niya. “Masyado nang malamig dito.”

“I am just thinking,” aniya at pilit na ngumiti.

Tinabihan siya nito. “Ano na naman ang iniisip mo?”

“Sa tagal ko na sa mundong ito pero parang wala naman akong significance. Parang dumaan lang ako sa buhay ng mga tao. At kung mawawala man ako, walang maghahanap sa akin. Nobody would care.” Wala siyang masyadong naging kaibigan. Ang iba naman niyang kakilala ay hindi malapit ang loob sa kanya. Palibhasa ay kinatatakutan siya dahil iba ang character ng Mommy niya.

“Iyan ba ang tingin mo sa sarili mo?” Kinurot nito ang pisngi niya. “Silly. Your mother loves you. My family too. Well, special mention ako sa makaka-miss sa iyo.”

Sinulyapan niya ito. “Importante ba ako sa iyo?” Gusto niyang malaman kung ano ang lugar niya sa puso nito bago man lang siya mawala.

His eyes became tender when he looked at her. “More than you ever know, Aricka. Next to Faith, you are the most special girl in my life.”

Tipid siyang ngumiti at yumuko. Ayaw niyang makita nito ang sakit sa mga mata. Kapatid lang pala ang tingin nito sa kanya. Hindi na sana siya nagtanong.

“Tungkol sa babaeng inaakala mong ako…”

Umasim ang mukha nito. “Let’s not talk about her. She’s just a dream.”

“Ayaw mo ba siyang makita?”

Pagak itong tumawa. “Are you kidding me? She’s just a dream. A product of my imagination. Minsan may mga bagay na magandang makita lang sa panaginip.”

“Paano kung totoo siya?”

Lumapad ang ngiti nito. “It won’t hurt if I’ll see her in person.”

Tinitigan niya ito. “Paano kung kailangan kong mamatay para makita mo ang babae sa panaginip mo?” hindi niya mapigilang itanong.

Naglaho ang ngiti nito at hinampas ng palad ang tuhod. “No way! Hinding-hindi kita ipagpapalit sa kanya! Are you crazy?”

“Nagtatanong lang ako. You told me that you like her. Paano kung iyon lang ang paraan para makita mo siya?”

Tumiim ang anyo nito at hinawakan siya sa magkabilang balikat. “She’s not important to me. Hindi ako papayag na ikaw ang mawala para sa kanya.” Pinisil nito ang ilong niya. “Stop asking silly questions.”

“Then I won’t,” she said then smiled to her self.

Parang isang malaking bato ang nawala sa dibdib niya. May mga bagay na hindi mapipigilan pero hahayaan niya ang sariling sumaya. Importante siya para kay Kraven. At hindi siya nito ipagpapalit sa iba. Kahit sa isa pa niyang katauhan. Kahit na alam niyang maari iyong magbago kapag wala na siya. Hindi nila mapipigil ni Kraven ang nakatakda ng tadhana.

Kinintalan niya ito ng halik sa pisngi. “I’m glad that you care for me.”

“I hope that she doesn’t bother you anymore. After all, she’s just a dream.”

“Kraven, ano nga pala ang sasabihin mo sa akin na importante?”

“Anong importante?” nakakunot-noo nitong tanong.

“Iyong sasabihin mo sa akin kapag nakaligtas na tayo. Pwede bang ngayon mo na sabihin sa akin?”

“Kung magsalita ka, parang hindi na kita makakasama pabalik. After all these dilemma, I will tell you right away.”

Umiling siya. “Ngayon mo na sabihin.”

Inilapit nito ang mukha sa kanya. “Hindi mo ba ako titigilan?”

Nahigit niya ang hininga at umiling. He was so near. And if she won’t collect her wit’s she’d be hypnotized by his eyes. “Will you tell me?” she asked huskily.

“Maybe.” He pulled her against him and his mouth hungrily took hers. It still had that same intensity. But his lips became tamer. Slowly caressing hers. At pakiramdam niya ay dumadaloy ang sensasyon sa bawat himaymay ng laman niya.

She promised herself that she wouldn’t be humiliated again. Pero bakit pinapayagan niya itong halikan siya? At hindi niya magawang tumutol.

“Why did you kiss me?” humihingal niyang tanong. “I told you not to kiss me anymore, Kraven.”

His thumb caressed her lower lip. “Aricka, I know who you are. Ang sabi mo sa akin, halikan lang kita kapag sure ako ikaw ang hinahalikan ko at hindi iba.”

Nanlaki ang mata niya. “I didn’t say that. I said…”

“That I shouldn’t kiss you again if I don’t know who you really are.”

“Stop twisting my words! I said don’t kiss me again. Period!”

Humalakhak ito. “Aricka, you are blushing!”

“Oh!” Naisubsob niya ang palad sa mukha. “You are embarrassing me!”

Umuklo ito sa harap niya at ginagap ang kamay niya. “Gusto ko na ganito pa rin tayo kasaya pagkatapos nating iligtas si Faith. Don’t leave me, Aricka. Sa mga oras na ito, ikaw na lang ang maasahan ko. You still make me feel alive. Noong una, suicidal ako sa pagliligtas kay Faith. Pero ngayong kasama kita, gusto ko na mabuhay pa ulit dahil gusto pa kitang makasama.”

“Anong ibig sabihin niyan?”

“Uh-oh!” usal nito at tumayo. “I’ll tell you once we get back.”

Nakaguhit pa rin ang ngiti sa labi niya nang mag-palipad ito ng halik sa hangin at pumasok sa loob ng bahay. She wished she could say the same. Sana ay maipagpatuloy niya ang buhay at marinig ang sasabihin nito sa kanya.

I’m sorry, Kraven. Looks like I won’t be alive to hear your words anymore. But I will still hear them… when I am in heaven.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.