“I fell in love with you because you cared for me a lot.”
Nagsalubong ang kilay nito. “Paano iyong ibang sinabi ko kanina?”
“Alin doon?”
“Handsome, intelligent, charming…”
Pinisil niya ang pisngi nito. “Okay. I’ll consider those. Nagustuhan ko rin ang ipinakita mong pagmamahal kay Faith. Kaya nang sabihin mo sa akin na special din ako, akala ko kapatid lang ang turing mo sa akin. I was disappointed.”
“Kung gusto mo na rin ako, bakit hindi mo sinabi sa akin.”
“Because I don’t know who I really am. At noong nalaman ko naman kung sino talaga ako, saka naman sinabi sa akin ng sarili kong ina na kailangan kong mamatay para lumabas ang isa ko pang katauhan.”
He grinned. “And you were jealous of yourself then.”
Hinampas niya ito sa braso. “Nakakainis ka kasi, eh!”
“You don’t have to be jealous of her because you are just the same. But I still prefer kissing you.” He reached up and kissed her. He kissed her as if there was no tomorrow. Halos pangapusan na siya ng hininga. And she answered his kiss with the same intensity. Naramdaman niya ang pagpatak ng luha sa mata niya.
Hindi siya makapaniwalang buhay pa siya at kasama ang lalaking mahal niya. Samantalang kanina ay ilang beses na nabingit sa kamatayan ang buhay niya. It felt so good to be alive and loved.
Umiyak muli ang balyena. “Ano na naman ang problema, Moby Dick? Naiinggit ka sa amin,” inis na wika ni Kraven.
Kinalabit niya ito. “Natatanaw ko na ang isla.”
“Thanks, Moby Dick,” anang si Kraven sa balyena.
“MOMMY!” tili ni Aricka nang makita sa dalampasigan ng isla si Mimosa. Hindi lang ito ang naroon. Maging si Faith na si Kraven naman ang sinalubong ng yakap. Dali-dali niyang niyakap ang ina. “Anong ginagawa ninyo dito? Kailan pa kayo dito?”
“Kanina lang ako nagising. As soon as I woke up, I checked on Faith. Nalaman kong buhay siya. Ibig sabihin ay nagtagumpay kayo sa laban. Nag-teleport agad ako papunta dito kasama siya. Gusto kong hintayin ang pagbabalik mo.”
“And I’m home, Mommy,” usal niya at hinigpitan ang yakap dito.
“Anong nangyari kay Yvanna?” tanong ni Celeste.
“Bumalik na siya sa planeta niya kasama ang mga alagad niya.”
“Kuya, ikaw ba ang tumalo kay Yvanna?” excited na tanong ni Faith.
“No. Si Aricka ang nakatalo sa kanya. She has super powers. Feeling ko nga kanina kamag-anak siya ni Storm ng X-Men.”
Namilog ang mata ni Faith. “Wow! May powers ka? Patingin naman ng sample. I-replay naman ninyo ang nangyari kanina.”
“I don’t have my super powers anymore. Ordinaryong tao na lang ako,” paliwanag niya. “But there is something more powerful what I lost. I still have my heart. At iyon ang totoong nagpanalo sa akin.”
“Mas pinili mong maging ordinaryong tao?” naguguluhang tanong ni Faith.
“Hindi niya lang maatim na iwan ako,” anang si Kraven at inakbayan siya. “Alam mo naman na in love na in love sa akin si Aricka.”
Lumabi si Faith. “Ikaw kaya ang patay na patay sa kanya. Hindi ba nagwawala ka nga noong isinama ko siya sa double date ko at…”
Nanlaki ang mata ni Kraven. “Huwag ka ngang maingay.”
“Anong nangyario sa isla ni Yvanna?” tanong ni Raoul.
“Lumubog na ang isla. Salamat nga pala sa pagpapadala mo ng kaibigan mong balyena sa amin,” wika niya.
“Thank you kay Moby Dick,” wika ni Kraven.
“Makakarating. Inutusan ko ang kaibigan ko bago pa man kami mahimbing na mga diwata. Natutuwa ako dahil malaki ang naitulong ko sa inyo,” wika ni Raoul.
“Cool! Sumakay kayo sa balyena?” Bumaling si Faith kay Raoul. “Kuya, baka naman may guwapo kang kamag-anak o kaya friend. Parang gusto kong magkaroon ng guwapong boyfriend na merman.” Namutla ito nang panlakihan ng mata ni Kraven. “I mean friend.”
“Nagkita kayo ng magulang mo,” anang si Mimosa.
Nagulat siya sa sinabi nito. “Bakit po alam ninyo?”
“Nababasa ko na ang isip mo.”
“Wow! Your powers are stronger now?”
Umiling ito. “Nakakapag-teleport lang ako nang mas malayo. But in your case, you are human now.”
Malungkot siyang ngumiti. “My father made me.”
“Natutuwa ako dahil hindi ka nila inilayo sa akin at ako ang pinili mo.”
“Sinabi nila na dadalawin pa rin nila ako sa panaginip ko. Magkakasama pa rin po kami,” nakangiti niyang sabi. Ngayon pa lang ay miss na niya ang mga magulang.
“Tita, okay lang po ba sa inyo na ako na ang boyfriend ni Aricka?”
Umiling si Faith. “Huwag kayong pumayag, Tita. Ayaw kasi niya na magka-boyfriend ako. Kaya dapat lang na wala rin siyang girlfriend.”
Tumawa si Mimosa. “Kung mahal siya ng anak ko. Mahal mo ba siya, Aricka?”
Tinitigan niya si Kraven. Nakita niya ang pag-asam sa mga mata nito. Na sabihin niyang mahal rin niya ito. Napahikab siya. “I want to go to sleep, Mom. Masyado akong napagod kanina.”
Bumagsak ang mukha ni Kraven. “Waaaa! Butata!” tukso ni Faith dito.
Bigla niyang kinintalan ng halik sa labi si Kraven. “I love you!”
Sumilay ang ngiti sa labi nito. “Mamaya ka na matulog.”
She accepted his kiss. No, she didn’t regret staying on Earth with the man she loved most. She definitely couldn’t find someone like him on Mars. And no matter how many times the red moon shine on Earth, there would only be one Kraven in her life and in her heart.