Love and Magic Series Chapter 64

Tahimik sina Liatris at Cid nang sila na lang dalawa sa silid. Magkatalikuran sila at nakaupo sa magkabilang gilid ng kama. Malakas na malakas ang kaba ng dibdib niya. Katulad ng tunog ng tambol sa hardin ng palasyo. Patuloy pa rin ang pagdiriwang para sa mga Vinca. Di niya alam kung ano ang dapat na gawin.

Bahagya niya itong nilingon. Mukhang labag pa rin sa loob nito na may mangyari sa kanila sa gabing iyon. Pwede naman niyang gamitin ang hipnotismo dito pero di niya gagawin. Nangako siyang di niya ito pipiliin kung ayaw mo.

Huminga siya nang malalim at tumayo. “Matulog ka na.”

Nilingon siya nito. “Ha? Bakit?”

“Wala akong gagawin sa iyo. Saka pwede namang walang mangyari sa atin. Ako na lang ang gagawa ng paraan. Basta dito lang ako matutulog sa tabi mo para wala silang mahalata.”

Naalarma ito nang ilabas niya ang maliit niyang kutsilyo. Mabilis nitong inagaw iyon. “Anong gagawin mo?”

“Gagawa lang ako ng maliit na sugat para papatakin ko ang dugo sa kama. Tapos iisipan na nilang may nangyari sa atin.”

Inilapag nito ang kutsilyo sa mesa malayo sa kanya. “Hindi mo kailangang saktan ang sarili mo. Saka di mo sila makukumbinsi kung iyan lang ang paraan na naiisip mo. Maraming paraan para malaman kung birhen na o hindi ang babae.”

Pagak siyang tumawa. “Ano bang kaibahan? Sa kaarawan ko, pipilitin na nila ako sa lalaking di ko gusto. Sa lalaking sila ang pumili. At sa pagkakataong ito, wala na akong kontrol sa kung ano ang mangyayari. Pati ako kokontrolin din nila.”

“Bakit kailangan nilang gawin iyon?”

“Ako ang susunod na reyna ng mga Vinca. Kailangan kong tiyakin ang pagkakaroon namin ng susunod na tagapagmana. Responsibilidad ko iyon sa lahat ng nasasakupan ko.”

Nakita niya ang pag-amo ng mga mata nito. Di niya inaasahan nang lapitan siya nito at yakapin. “Alam ko ang pakiramdam mo.”

Sinalubong niya ang lungkot sa mga mata nito. Katulad din ba niya ay may malaki itong responsibilidad sa pinanggalingan nitong kaharian? Anong nangyari?

Iniwas niya ang tingin. “Magpahinga na tayo.” Kahit ang ilusyon na mahal siya nito ay di niya makukuha mula dito. “Iisip pa ako ng ibang paraan para di ka nila putulan ng ulo bukas.”

“Ayokong pilitin ka nila sa lalaking di mo gusto.”

Mapait siyang ngumiti. “Wala naman akong magagawa, hindi ba?”

Kung may makakarinig ng pag-uusap na iyon, tiyak na matindi ang parusa sa kanya. Walang sinumang Vinca ang pumapayag sa kagustuhan ng isang alipin. Pero si Cid ay di karaniwang alipin. Di simpleng metal sa leeg ang magpapasunod dito.

“Pumapayag na ako sa gusto mong mangyari.”

Lumipad ang tingin niya sa mukha nito. “Totoo?”

“Alipin mo ako at gaya ng sinabi mo, iyon lang ang silbi ng katulad ko sa inyong mga Vinca. Pero isa lang ang hihilingin ko. Huwag mo akong tratuhing alipin kahit sa gabing ito lang. Ito ang unang pagkakataon sa iyo at maari kang masaktan. Hayaan mong alagaan kita.”

Hindi sarili nito ang iniisip niya kundi ang kapakanan niya. Tumango siya. “Pumapayag na ako sa gusto mo.”

Marahan nitong inangkin ang labi niya. Parang nananantiya. Nang ibuka niya ang labi ay naging mas malalim ang halik nito. Naramdaman din niya ang dahan-dahang paglalakbay ng kamay nito sa katawan niya.

Iniingatan nito ang bawat kilos. Parang isa siyang babasaging porselana. Tinanggal nito ang pang-itaas niyang damit. Ilang sandali itong di gumalaw.

“Bakit?” tanong niya. Ayaw na ba nito sa kanya?

Umiling ito. “Gusto lang kitang pagmasdan.”

Hinagkan nito ang paligid ng dibdib niya nang paulit-ulit. Mariin siyang napapikit dahil di nito hinahagkan ang tuktok ng dibdib niya. Sinabunutan niya ang buhok nito at hinila ito upang ituro dito kung saan siya nito dapat hagkan. Nakita niya ang pagngiti nito bago hinagkan ang korona ng kanyang dibdib.

Pakiramdam niya ay mababaliw siya. Humigpit ang pagkakahawak niya sa buhok nito. Naalarma siya nang lisanin nito ang dibdib niya at dahan-dahang naglakbay ang labi nito pababa. Hinawi nito ang palda niya.

Nakagat niya ang labi upang pigilang mapasigaw nang ituon nito ang atensiyon sa sentro ng kanyang pagkababae. “Cid,” paungol niyang tawag dito.

Inangat nito ang ulo at tiningnan siya. Subalit kahit na lumisan ang labi nito ay pumalit naman ang pangahas nitong kamay sa pagbibigay ng sensasyon sa kanya. “Sabihin mo sa akin kung ano ang gusto mo.”

Pilit niyang sinalubong ang tingin nito na parang nakikiusap. Pakiramdam niya ay pinahihirapan siya nito. Gusto nitong magdusa siya. Ito ang alipin subalit parang siya pa ngayon ang kailangang makiusap dito.

Bumangon ito at tinanggal ang natitira pang damit. “Maari kang masaktan,” bulong nito nang saluhan siya sa kama.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.