Masakit ang ulo ni Guinevere nang magising kinabukasan. Madaling-araw na yata siya nakatulog dahil binabagabag siya ng eksena sa pagitan nila ni Arthur Lance kagabi.
When she thought that they will finally give in to the sexual tension that's been building like alps between them, Arthur Lance walked away and closed his goddamn door.
Naaagnas na ba ang kanyang sex appeal? Matanda na nga yata talaga siya.
Gustong matawa ni Guinevere sa sarili. Pakiramdam niya ay napilay ang mala-higanteng pride niya.
But she saw desire in his eyes too. Arthur Lance seem to want her in the most intimate way possible.
Bago pa man siya mabaliw sa kakaisip ay tumayo na siya at lumabas ng silid.
Past nine A.M. na. Tiyak na nakaalis na ang binata.
May isang note sa ref. Kinuha niya iyon at binasa.
I'm really sorry about last night. Won't be home for dinner.
-Arthur Lance.
Naupo si Guinevere at tiningnan ang food containers na malamang ay si Arthur Lance ang bumili para sa kanya. Binuksan niya ang mga iyon at agad na nakaramdam ng gutom nang maamoy ang mga pagkain.
"Nakakasira ka nga ng tulog pero ang thoughtful mo naman. Lubos-lubusin mo nalang kasi ang masamang pag-uugali para naman madali akong ma turn-off sa'yo."
Nasa kalagitnaan siya ng pagkain nang tumunog ang kanyang cell phone. Unknown number.
"Hello Guinevere. Si Sebastian to. Naaalala mo pa ba ako?" may himig ng pagbibiro ang boses nito. Of course she remembers him.
"Mukha na ba akong ulyanin?" ganting-tanong niya. Biglang tumahimik ang linya.
"Wala akong maisip na punchline," pagtatapat nito. Pareho silang natawa bago ito muling nagsalita. "Actually meron kaso korny kaya di bale na."
"Gaano ka-korny?"
"Gusto mong marinig?"
Tumango siya. "Oo."
"Okay. Pero buksan mo muna ang pinto."
Awtomatikong napatingin si Guinevere sa direksyon ng pintuan. Kunot ang noong tumayo siya. "Nasa labas ka?"
"Yup."
Tinungo ni Guinevere ang pinto at binuksan iyon. Isang pumpon ng assorted na bulaklak ang unang tumambad sa kanya. Then came Sebastian's sheepish grin.
Inabot nito sa kanya ang dala.
"So, nasaan na ang korning punchline?" aniya nang tanggapin ang mga bulaklak.
Napakamot ito sa batok, making him looked boyish na bumagay sa kulay nito.
"Hindi ko talaga kayang bitawan. Baka kasi hindi mo na ako kausapin pagkatapos."
She squinted. "Ganoon kasama?"
Tumango ito. "Parang pochero na limang araw na sa mesa."
"Malamig na?"
Pigil ang ngiti nito. "Panis."
She rolled her eyes smiling when he burst out laughing. "Do yourself a huge favor Sebastian Alfonso Jr. Pakitago ng mga punchlines mo. Please lang."
"I will." Ngumiti ito. "Do me a favor too, will you?"
"Ano iyon?"
"Have dinner with me."
Napaisip si Guinevere habang nakatingin sa mukha ng binata. Mukhang okay naman ito. Mabait, matalino at higit sa lahat, hindi nakaka-praning kasama.
So...
Nagkibit siya ng balikat bago tipid na ngumiti. "Oo naman. Bakit hindi?"
------------------------------------------------------------------------------------------------------
Kaninang umaga ay tinawagan si Arthur Lance ng ama. Magkita daw sila pagkatapos ng duty niya. Wala na siyang nagawa kundi pumunta.
Doon niya nakilala si Veronica Cortez. Ikalawang anak ni congressman Cortez at ang babaeng nakatakda niyang pakasalan- na naman.
The girl seemed okay. Maganda at matalino ayon na rin sa pagbibida ng ama nito.
May-ari si Veronica ng iba't-ibang restaurants na sana naman hindi nanggaling sa kaban ng bayan ang puhunan. There's no bigger turn off than a girl who tolerates corruption. Pwede kayang gawing basehan iyon ng annulment kung sakali?
Pagkalipas ng ilang saglit ay iniwan sila ng kani-kanilang ama on purpose para makapag-usap ng maayos at magkakilala ng husto. Na mahirap yatang gawin .
Abala si Veronica sa pagkutingting ng cell phone. Maya't-maya ay may tinatawagan. Mukhang lulong sa negosyo ang fiance niyang hilaw na halata namang napipilitan lang din na sundin ang kagustuhan ng sariling ama.
Umayos si Arthur Lance ng upo. Mukhang iniinis siya nito. Sinusubukan yata ang pasensiya niya.
Too bad cause she's messing with the wrong guy. Patience is every doctor's virtue.
"So, what's your story?" ani Arthur Lance nang mawalay saglit ang attensyon ni Veronica sa hawak na cellphone para uminom ng red wine.
Nagtaas ito ng kilay bilang tugon. Hindi iyong tipong nagmamaldita. Parang nagtatanong lang. He shrugged then elaborated his question.
"I mean, bakit ka ipapakasal ng daddy mo sa akin? Wala namang kalaban bilang Congressman ang daddy mo sa darating na eleksyon. Why would he agree to have his precious daughter marry a stranger?"
Ibinaba nito ang hawak na inumin sa tabi ng plato nitong may lamang steak na hindi pa nagagalaw. Sinalubong nito ang tingin niya. Lungkot ang unang nakita ni Arthur Lance sa mga mata nito pagkatapos ay sakit. Mukhang may personal din yata itong pinagdadaanan.
"Tingin kasi ni daddy, gold-digger ang boyfriend ko. He wanted to break us up." Nabahiran na ng galit ang boses ni Veronica. Or rather, tampo. "Di ba mahal dapat tayo ng mga magulang natin? Pero bakit nila tayo sinasaktan ng ganito? Tinatanggalan nila tayo ng kalayaang pumili ng taong mamahalin." Nagulat siya ng bahagya sa pagsasabi nito ng saloobin sa kanya. Well, di rin naman niya ito masisi. Marahil ay napuno na ito at gusto lang maglabas ng hinanakit. "Ang laking joke di ba?"
Sumang-ayon siya. Tama nga naman ito. Isang malaking kalokohan ang fixed marriage. Its like going against the course of nature.
Somehow, he felt bad for her. For them.
Napabuntong-hininga si Arthur Lance habang nakatingin sa kuyom na palad ni Veronica sa ibabaw ng mesa. Another brokenhearted woman.
Lapitin yata siya ng mga babaeng sawi lately.
He reached for her hand and patted it gently. Mapait itong ngumiti. Saka kinuha ang wineglass para mag-toast.
"For us who are sentenced to a lifetime of wrong decisions."
Itinaas din ni Arthur Lance ang sariling wineglass. "For politicians who are doing a great job in creating a mess out of their children."
"Cheers to that."
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sa isang steakhouse dinala si Sebastian ni Guinevere. Halos puno na ang lugar nang dumating sila. Mabuti nalang at nagpa-reserve ang ka-date niya.
Agad naman silang inalalayan ng waiter papunta sa kanilang mesa.
"Veronica?" tawag ni Sebastian sa babaeng mag-isang nakaupo sa mesa na katabi ng sa kanila. The girl looked a little tipsy. Panay kasi ang pikit nito.
Umangat ang tingin ng babae kay Sebastian. Bahagyang kumunot ang noo nito na tila inaalala kung sino ang lalaki.
The girl snapped. Saka ngumiti. "Uy Sebastian Junior. Ikaw pala."
"Mag-isa ka lang?" tanong naman ni Seb.
Umiling ang babae. "Nope. I'm with my fiance." Tumawa ito sa huling salita na para bang isang napakalaking biro niyon.
What is so funny about it?
"By the way, this is Guinevere. Kaibigan slash temporary neighbor," nakangiting pagpapakilala sa kanya ng binata. "And this is Veronica. Kababata ko. We used to be neighbors bago ako nagsolo."
Nagpalitan sila ng hello. Pagkatapos ay nagpaalam na sila kay Veronica.
"If you would ask me for recommendations, it would definitely be their mixed grill," suhestyon ni Sebastian nang hindi pa rin siya makapili ng kakainin.
Mixed grill. It remined her of her favorite restaurant ni New York. Mula sa menu ay inangat ni Guinevere ang tingin sa kasama at ngumiti. "I think I'll have that-"
Tumigil yata ang mundo nang lumagpas ang tingin niya sa likuran ni Seb. Si Arthur Lance iyon at kasama nito si... Veronica.
Ang sabi ng babae, kasama nito ang fiance. Wala namang ibang kasama si Veronica maliban kay Arthur Lance kaya possible bang...
Napasinghap siya. Sakto namang dumako ang tingin ni Arthur Lance sa kanya.
Tila namutla ito. She even saw him mouthed her name.
Guinevere, wala kang karapatang masaktan kaya umayos ka!
But damn. Bakit ang sakit-sakit?
Para siyang pinagtaksilan kahit di naman.
Kumunot ang noo ni Arthur Lance nang mapatingin sa kasama niya. Parang nagtatanong.
"Guinevere? Okay ka lang?" pukaw ni Seb at saka lumingon sa taong kumuha ng attensyon niya. "Is that Veronica's fiance?" bulong nito sa sarili bago siya muling hinarap. "Do you know the guy?"
Sinubukan niyang ngumiti. "Oo. Pinsan siya ni Leigh."
"Ah. Kaya pala medyo hawig sila ni doc."
Maya-maya pa ay umalis na si Arthur Lance kasama ang fiance nito.
Fiance. Wow.
Ang bigat sa dibdib ng salitang iyon.
Seryoso ba to?
Kahapon lang ay single na single si Arthur Lance. Tapos ngayon bigla nalang itong ikakasal?
Ano iyon? Love at first sight?
Halos wala nang naunawaan si Guinevere sa mga ikinuwento ni Sebastian buong dinner. Nawiwindang ang utak niya. Gusto na niyang umuwi at mag-demand ng paliwanag kay Arthur Lance kahit wala naman siyang karapatan.
Hay, may mas sasaklap pa ba sa buhay niya?