Love, Lust and Cherry Knots Chapter 9

Dumaan si Arthur Lance sa sariling bahay para kumuha ng ilang gamit. Naabutan niya roon ang kanyang ama. Siyempre, may kasama itong mga bodyguards.

“Naligaw ka yata dad,” aniya nang tumayo ang ama para yakapin siya. Hindi na nakaiwas si Arthur Lance.

“I miss you son,” ani Vice-Governor Arturo Natividad. Pinasadahan siya nito ng tingin. “Kamusta ka na? Hindi ka manlang dumadalaw sa bahay. Nami-miss ka na ng mommy mo at ni Maggie.”

Hindi na siya nagkomento at wala ring reaksyon ang kanyang mukha. Madalang umuwi si Arthur Lance sa kanilang bahay sa Laguna. Maliban sa trabaho, personal ang dahilan niya. Alam iyon ng kanyang mommy Fiona, maging ng kapatid niyang si Maggie. Labing-anim na taong gulang palang ito, menopausal baby.

Malapit si Arthur Lance sa ina at kapatid. Dalawang beses sa isang buwan ay dinadalaw siya ng mga ito. Puwera sa daddy niyang naaalala lang siyang dalawin kung may kailangan ito sa kanya.

Lumaki si Arthur Lance na kagaya ng karamihang batang lalaki ay idolo ang kanilang ama. Pero nagbago ang relasyon nilang dalawa nang tumapak siya ng kolehiyo at suwayin ang kagustuhan nitong mag-abogasya siya. He took up Nursing. Galit na galit ang ama niya.

“Anong kailangan mo dad? May duty pa ako.”

Nagkibit ng balikat ang ama. “I had a meeting with Congressman Cortez. Natapos kami ng maaga kaya naisipan kong puntahan ka.”

“And?”

“And he asked me about you. I told him that-“

Nagtiim ang bagang ni Arthur Lance. Parang alam na niya kung saan papunta to. “Dad, I know we had a deal. Hindi ko nakakalimutan iyon.” Kinuyom niya ang palad. Nangangati ang kamay niyang manuntok. Hindi siya bayolenteng tao. Galit lang siya. At gusto niyang ilabas iyon.

“Pare,” tawag niya sa isa sa mga bodyguard ng daddy niya. “Tara sa labas. Suntukan tayo.”

“Arthur Lance!” Mabilis na saway ng kanyang ama. Inutusan nito ang mga bodyguards na mauna na sa baba. Naiwan nalang silang dalawa. Hinarap siya nito.

Dismayado ang mukha. “Wait for my call.” Isang makahulugang tingin ang binigay ng daddy niya bago ito tuluyang umalis.

Si Arthur Lance naman, sira na ang mood.

Kung kailan may personal pa siyang pino-problema, saka naman dumating ang kanyang ama.

Ano ba ang kasalanan niya at pinaparusahan siya ng ganito?

------------------------------------------------------------------------------

Katatapos lang mag-reply ni Guinevere through e-mail sa prospective client nila dito sa Manila. May boutique daw kasi sa isang malaking mall ang nasabing kliyente na nagbebenta ng mga damit mula sa iba't-ibang international brand at designers.

Pagkatapos ng palitan ng mga mensahe ay nagdesisyon silang magkita. Malapit lang daw sa area niya ang lokasyon nito kaya pumayag si Guinevere. Mamayang gabi ang appointment nila. Kasalukuyan siyang nasa coffee shop na nasa lobby ng condominium building.

Siyempre pa, sa pinakasulok na bahagi siya pumuwesto. She always liked seating in a corner, yung malayo sa attensyon ng mga tao. Siguro dahil introvert siya kaya ganun. Or maybe there is just something so comforting about not being in the spotlight. Which is ironic because she ended up being a model.

"Is this seat taken?"

Mula sa pag-dial ng numero ni Tonette ay umangat ang tingin ni Guinevere sa nagsalita. It was a guy in checkered top with eyeglasses.

Para itong si Clark Kent na moreno version. May bitbit itong tray na may lamang kape at cake.

Awtomatikong ngumiti ang lalaking kamukha ni Clark Kent nang magtama ang mga mata nila.

Nice teeth. Pantay-pantay ang mga iyon at malinis.

Inulit ng lalaki ang tanong. Napakurap si Guinevere bago tumikhim. "No," sagot niya at saka inayos ang pagkaka-upo.

Nang makaupo ay bumaling ulit ito sa kanya.

"Bago ka ba rito? Parang ngayon lang yata kita nakita." Naglahad ito ng kamay bago muling ngumiti. "By the way, I'm Sebastian."

Tinanggap ni Guinevere ang pakikipagkamay nito at nagpakilala rin siya. Maliban sa gwapo ay mukha din itong mabait. Kaya naman nawili siyang makipag-usap sa binata. Nalaman niyang architect si Sebastian at isa ito sa mga nag-disenyo ng naturang condominium building. Nasa iisang floor lang ang unit nito at ni Leigh.

Masarap kausap ang binata. Sa States din ito lumaki pero nang maka-graduate ng college ay nagdesisyong magtrabaho sa Pilipinas. May construction business kasi ang pamilya nito.

Bahagyang naputol ang masaya nilang kwentuhan nang tumunog ang cellphone nito. Nag-excuse ito para sagutin ang tawag. Apologetic ang mukha nito pagkatapos ng tawag. Kailangan daw kasi nitong bumalik ng opisina.

"Can I see you again?" tila nahihiyang tanong nito bago magpaalam.

"Oo naman." Wala namang nakikitang mali si Guinevere sa pakikipag-kaibigan kay Sebastian. He was a decent guy.

"Great." Lumapad ang ngiti nito bago tila sumaludo. "See you around Guinevere."

--------------------------------------------------------------------------------------

Hinubad ni Arthur Lance ang suot na white coat at isinampay iyon sa likod ng pinto ng residen’ts quarters.

Tinanggal din niya ang suot na navy blue polo shirt at nagpalit ng pang-ibaba. Pabagsak na nahiga siya sa kama.

Tapos na ang duty niya. Pero bukas pa siya uuwi sa condo ni Leigh dahil sinabi niya kay Guinevere na bukas pa siya off. He had to lie.

Mabigat pa ang loob ni Arthur Lance pagkatapos ng pagkikita nila ng kanyang ama kanina. Baka mapagbuntungan pa niya si Guinevere at may magawa pa siyang labis niyang pagsisisihan. Mababa pa naman ang self-control niya kapag ganitong nafu-frustrate siya. Mariin siyang napapikit nang pumasok ang isang masamang alaala.

“Nandito ka pa pala?” untag ni Klyde na kapapasok lang. Kasama nito ang isa sa kambal, si Cray. Umupo ang kaibigan sa paanan ng kama.

“Gusto mo bang sumama?”

Alam niyang mambabae ito. Honestly, wala siya sa mood. Duda rin siya kung may mararamdaman siyang attraksyon sa kahit na sinong babae maliban doon sa babaeng nasa condo ngayon ng pinsan niya. Pero mapilit si Klyde.

“Bitawan mo na yang unan pare."

Aangal pa sana siya nang hilahin ni Klyde ang hugis-gamot niyang unan. Wala na siyang nagawa nang tuluyan na nitong nakuha iyon. Napaungol na naupo si Arthur Lance at napakamot sa batok.

"Kulit mo rin Klyde."

Ngumiti si Klyde at siniko pa siya na tila nanunukso. "Bakit ba ayaw mo? May magagalit na ba kapag may niyakap kang iba?"

Sinimangutan niya ang kaibigan. "Wala."

Kagaya ng lahat ng kaibigan nila, tinutukso rin siya nito kay Guinevere. Ang laki daw kasi ng pinagbago niya mula nang magkakilala sila ng dalaga. Nabawasan daw ang kakulitan niya at para siyang nag-mature overnight. Ngayon nalang din ulit siya sasama kay Klyde na lumabas.

Tumayo na siya mula sa kama at pumili ng damit na isusuot.

Wala rin sigurong masama kung sasama siya at bumalik sa dating gawi. Isa pa, gustong malaman ni Arthur Lance kung hopeless na ba talaga siya sa usaping attraksyon na tila kay Guinevere niya lang eksklusibong nararamdaman sa ngayon. Because as much as he wanted her, alam niyang hindi pwede.

Matagal na siyang tinanggalan ng karapatang pumili ng taong mamahalin. It was like some genetic defect that's been passed down from one generation to another. At pulitika ang tawag sa gene na iyon sa kaso niya.

"I'm giving you the freedom to choose what you want to be son. Kung gusto mong maging doktor, ikaw ang bahala. But this freedom comes with a price. And one day, you have to pay for it."

At dumating nga ang araw na kailangan nang bayaran ni Arthur Lance ang utang na iyon. Na-engage siya sa isang anak ng pulitiko. Mayor noon ang ama niya. May balak itong tumakbong congressman sa susunod na eleksyon dahil huling termino na nito. Para masiguro raw nito ang panalo, kailangang mag-isa ang pamilya nila at ni Denise-the Congressman's youngest daughter.

May girlfriend si Arthur Lance nang mga panahong iyon. Si Emily. Mahal na mahal niya ang kasintahan at halos magmakaawa siya sa ama na huwag siyang ipakasal sa iba. Emily was his life. They had three wonderful years together, and a lot of beautiful ones ahead.

Pero dahil sa lintik na pulitika, posibleng masira iyon.

Of course his father reminded him of his debt. Pero pinaglaban pa rin niya si Emily. Niyaya pa niya itong magtanan. Her girlfriend agreed. Pero naaksidente ito habang papunta sa meeting place nila, na naging dahilan para mabawian ito ng buhay.

And Arthur Lance died with her.

Pumayag siyang magpakasal kay Denise, because he didn't care anymore.

To hell with love and happiness.

Pero hindi rin natuloy ang kasal. Denise fell in love with another guy, got herself pregnant and their marriage didn't happen.

Natalo ang ama niya sa eleksyon. Siya naman, umalis ng bahay nila para mag-aral ng medisina. Ang totoo, gusto lang niyang makaiwas sa ama kaya ginawa niyang dahilan ang pag-aaral. Pero sa huli ay napamahal na rin siya sa pinasok na propesyon.

Hanggang sa isang araw ay dinalaw siya ng kanyang ama. Ipinaalala ang utang na hindi pa raw niya nababayaran.

Kasama niya noon si Leigh. Ilang buwan lang ang itinanda niya dito. Magkapatid ang ama niya at ina nito. Sa Amerika ito lumaki pero sa Pilipinas nag-aral nang medisina.

"If it's any consolation, you can ask me any favor too. And I won't say no," ani Leigh na madalas mang walang reaksyon ang mukha ay nakitaan niya ng simpatya ng mga sandaling iyon.

Sooner or later ay alam niyang may lilitaw na namang anak ng kung sinong pulitiko sa buhay niya at tatawagin niyang fiance. Pinangako ni Arthur Lance sa sarili na hindi na niya susuwayin ang kagustuhan ng ama pagdating sa bagay na iyon.

Dahil nang tangkain niyang ipilit ang gusto, buhay ng babaeng mahal niya ang naging kabayaran.

Matagal nang nangyari pero nag-iwan naman iyon ng malalim na marka sa pagkatao niya.

It was traumatic. Hindi na yata niya kakayanin kung may isang espesyal na tao na namang mapapahamak dahil sa kanya.

---------------------------------------------------------------------------------------------------

Sa paboritong bar ni Klyde sila pumunta, ang Skyloft.

Sa sobrang dalas nila doon, naging kaibigan na nila ang may-aring si Lucas. And speaking of that guy, kaarawan nito ngayon kaya punong-puno ang bar.

May naka-reserbang mesa sa kanila sa ikalawang palapag. Doon sila hinatid ni Lucas.

Ang laki ng ngiti ni Klyde nang may limang naggagandahang babaeng nakaupo na doon. Hindi mga bayaran ang mga babaeng iyon.

Nagkataon lang na pareho ang mga hilig nila. Karamihan sa mga ito ay anak ng mga negosyante at pulitiko.

Hinarap ni Klyde si Lucas at inakbayan. “Are you trying to set us up?”

Natawa si Lucas. "They seem to be your type and these girls happen to find you interesting. I don't know why though."

"These girls taste are immaculate," ani Cray.

"Alam mo Cray wag ka masyadong sumasama dito kay Klyde at Arthur Lance. Isipin mo na ang future mo habang maaga pa bago ka mapariwara katulad ng dalawang to." ​

Maya-maya pa ay nagpaalam na si Lucas.

Umupo lang si Arthur Lance sa dulo at tahimik na uminom. Wala siya sa mood makipag-usap. None of the girls interest him as well.

“Jessica!” tawag ng isa sa mga babae sa kung sinuman.

​Wala sa sariling nilingon ni Arthur Lance ang “Jessica” na iyon para lang matigilan.

Matangkad ang babae. Kahit medyo malamlam ang ilaw ay kita ang mala-porselana nitong balat. Nang makalapit ito ay napagmasdan niyang mabuti ang mukha ng babae.

Mukha itong… Barbie.

Napabuntong-hininga si Arthur Lance bago napamura. Naramdaman niya ang pag-upo ni Jessica sa tabi niya. Nang magtaas siya ng tingin ay nagsalubong ang mga mata nila ni Klyde. Makahulugan ang tingin nito sa kanya. Na para bang alam nito kung ano o mas tamang sabihin, kung sino ang naisip niya.

Damn it.

Parang nagi-guilty si Arthur Lance kahit wala pa naman siyang ginagawa kay Jessica.

Pero bakit ba siya magi-guilty? Wala naman siyang pinagtataksilan.

“Hi.” Si Jessica iyon. Ngumiti ito sa kanya. “I’m Jessica,” pagpapakilala nito at saka naglahad ng kamay. Nakipagkamay siya.

Sa halip na bitawan ang kamay ng babae ay dinala iyon ni Arthur Lance sa kanyang kandungan at nilaro-laro. Mukhang ikinatuwa naman iyon ni Jessica. She even leaned closer. Sa sobrang lapit ay ramdam na niya ang malusog nitong dibdib na nakadikit na yata sa kanyang braso. Ipinag-krus ng dalaga ang binti at na-expose ang mapuputi nitong legs.

Utang-na-loob, mag-react ka, kausap ni Arthur Lance sa alaga niya.

Arthur Lance was relieved when he felt a little… aroused.

Sinamantala na niya iyon at mabilis na inangkin ang labi ni Jessica. Ilang saglit pa ay niyaya siya nitong lumabas. Sumama naman si Arthur Lance at nagpaalam na sa mga kaibigan.

Nang marating ni Arthur Lance ang kanyang Everest ay isinandal niya doon ang babae at pinagmasdan ang kabuuan. Nang makuntento ay muli niyang sinakop ang mga labi nito. He was more aggressive now. Ganoon din ito.

“Let’s go inside,” hinihingal na bulong ni Jessica nang pansamantala nitong iwan ang mga labi niya. Agad naman siyang tumango. Binuksan niya ang pinto at pinapasok ito. Papasok na rin siya nang-

“Arthur Lance?”

Parang binuhusan si Arthur Lance ng isang drum ng yelo nang lumingon siya at makilala ang babaeng tumawag sa kanya.

Ito ang pinakahuling tao na gugustuhin niyang makakita sa kanya sa ganoong sitwasyon.

“G-Guinevere?”

Mabilis siyang napabitiw kay Jessica.

Shit.

---------------------------------------------------------------------------------------------------

"Hindi mo dapat iniwan ang babae kanina para lang ihatid ako. I can manage," ani Guinevere nang malapit na sila sa condo ni Leigh. "Kawawa naman siya. Baka di na iyon makipag-date sa'yo sa susunod," dagdag pa niya sa boses na pilit nilagyan ng simpatya sa babaeng kalingkisan nito kanina sa parking lot ng bar na katabi ng restaurant kung saan sila nagkita ng kanyang kliyente.

In fairness naman sa binata, hinatid nito pabalik sa loob ng bar ang babaeng nag-uumapaw yata ang inis sa kanya dahil na-interrupt ang dapat ay mangyayari sa pagitan nito at ni Arthur Lance.

Okay, may kasalanan siya dun.

Sana di nalang niya pinansin si Arthur Lance nang makita niya ito kanina. Pero masyado siyang nagulat at naunahan siya ng sariling emosyon.

Malay ba naman niyang sasama sa kanya ang binata? Nag-insist naman si Guinevere na mag-isang uuwi. Mapilit lang talaga ito.

Speaking of Arthur Lance, wala itong imik buong biyahe. Madilim din ang mukha nito.

Galit ba ang binata dahil hindi ito naka-score ngayong gabi?

Pero ito naman ang nagpumilit na i-drive siya pauwi. Kaya hindi siya dapat ma-guilty. Pero hindi naman yata guilt ang tawag sa nararamdaman ni Guinevere. Parang pinaghalong inis at tampo. O baka inggit para dun sa babaeng pinagpala na magawaran ng halik ng binatang may mapupulang mga labi?

Lihim siyang napaismid. Hindi siya naiinggit dun sa babae. Nahalikan na din naman siya ni Arthur Lance minsan...at higit pa.

Napalunok si Guinevere at napamula ng sabay. Nakakahiya na talaga minsan ang itinatakbo ng isip niya. Kailangan na niyang mag-meditate sa lalong madaling panahon.

Pagkatapos ng isang malalim na buntong-hininga ay hinarap siya ni Arthur Lance. He looked uncomfortable. Bahagya itong nakangiwi habang tila iniisip kung ano ang sasabihin.

"Hindi mo dapat nakita iyon Guinevere."

Kinalma ni Guinevere ang sarili. Nagkunwari siyang di affected.

"Ano bang masama sa nakita ko? Normal lang naman iyon."

His face was smug. "Kahit na. Mali pa rin." Napahigpit ang hawak nito sa manibela. "I'm sorry."

"Doon ka sa babae mag-sorry. Iniwan mo siyang...bitin." She bit her lower lip. "Alam mo ba kung gaano ka-frustrating iyon?" Sinubukan niyang magbiro pero nadagdagan lang yata ang discomfort sa mukha ng binata. Hindi na ito nagsalita pa.

Nang makarating sila sa condo ni Leigh ay dumiretso si Arthur Lance sa kusina at akmang papasok sa silid na ginagamit nito bitbit ang apat na beer in can.

Tumayo si Guinevere sa tapat ng pinto para harangan ang binata. Pakiramdam niya ay kailangan nilang mag-usap. Or atleast let the guy know that he's not in for any trouble. Baka hindi pa ito makatulog sa pag-iisip ng kung anu-ano. Kawawa naman.

"Arthur Lance, may problema ka ba?"

Nag-iwas ng tingin ang binata. Parang nahihiya. Kung si Leigh siguro ang nagkakaganito, baka natawa na siya. Pero hindi niya iyon magawa kay Arthur Lance.

"I'm fine Guinevere."

"Tungkol ba to sa nangyari kanina?"

Nagtiim ang bagang nito. Mukhang tama siya. Masyado itong affected. Kung umakto ito, talo pa nito ang lalaking nahuli ng ina habang nagma-masturbate.

"Wala naman iyon sa akin. Kahit saan naman may PDA. At sa New York ako nakatira, so it's not really a big deal."

Sinalubong ni Arthur Lance ang tingin niya. Parang hirap na hirap ito na hindi niya alam. May mas malalim na dahilan ba ang binata kaya nagkakaganito ito ngayon?

Napaatras si Guinevere nang humakbang si Arthur Lance palapit. Napako ang likuran niya sa pinto. Nakulong siya sa magkabilang braso ng binata na ngayon ay nakasandal sa pader.

Niyuko siya nito.

There was struggle on his face. Na para bang nagtatalo ito sa pagitan ng tama at mali.

His eyes were locked on hers. May hatid na kakaibang init ang mga titig ni Arthur Lance. Something below her belly felt hot. She subconsciously wet her lips. Napamura ito.

"Do you know what you're doing to me"

He's blowing off her mind just being this close to him. Paano nito nagawang mag-question and answer portion?!

"Ako?" wala sa sariling tugon niya.

She saw him smirk. Lalo pa nitong inilapit ang sarili sa kanya. Napalunok si Guinevere.

"Oo. Ikaw."

Parang wala siyang naintindihan sa sinabi ni Arthur Lance. Her brain was too occupied with a tormentingly sweet sensation that their almost-touching bodies are creating. Idagdag pa ang mga labi nitong kaunting galaw lang ay maaabot na niya.

Napasinghap si Guinevere nang walang sabi-sabing pinulupot nito ang isang kamay sa baywang niya at binuhat siya. Nawindang yata ang lahat ng pwedeng mawindang sa kanya nang buksan ni Arthur Lance ang pinto sa kanyang likuran.

Shit. Magkakasala ba ulit sila? Magkakaroon ba ng repeat ang nangyari sa Hong Kong?

Nalaglag si Guinevere sa bundok ng pagpapantasya nang ilapag siya ni Arthur Lance. Pumasok ito sa pinto at bago iyon isinara ay may kung ano itong binulong na hindi niya gaanong narinig.

"Stop teasing me, will you?"

Bago pa man siya makapag-react ay nagsara na ang pinto.

Napaawang si Guinevere.

Kailan niya tinukso ang binata?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.