Love, Lust and Cherry Knots Chapter 11

Dahan-dahang inilapat ni Guinevere ang pinto nang makapasok na siya ng condo ni Leigh. Madilim na sa loob, baka natulog na si Arthur Lance.

Muntik na siyang mapasigaw nang biglang bumukas ang ilaw.

Pagpihit niya paharap ay nakita niya si Arthur Lance na nakaupo sa sofa. Titig na titig sa kanya sa mukhang hindi niya alam kung nagtatanong o nang-aakusa.

May kasalanan ba siya?

Biglang lumamlam rin ang ekspresyon sa mukha nito pagkatapos ng isang malalim na buntong-hininga. Tumayo ito at lumapit sa kanya.

"Napagod ka ba?" tanong nito sa malumanay na boses. Pagkatapos ay kinuha nito ang dala niyang bag. "Magpahinga ka na."

Hinatid siya nito hanggang sa harap ng pinto ng kanyang silid. Binuksan pa nito ang pinto. "Good night."

Tumango lang si Guinevere. Still feeling weird about Arthur Lance's sudden change of mood. Parang bigla itong naging sweet na ewan.

Papasok na sana siya nang hawakan siya ng binata sa siko. Hinarap niya ito.

"Bakit?"

He shrugged. Pagkatapos ay ngumiti. "Anong gusto mong breakfast bukas?"

"Huh?"

Para itong nahimasmasan. Napabitaw ito sa kanya at napatuwid ng upo. "Never mind."

Pinagtaasan niya ito ng kilay. "Arthur Lance okay ka lang ba?"

Hindi ito sumagot. Nakatingin lang ito sa kanya. He had that bizarre expression on his face.

Nang maalala ang nakita niya kanina sa steakhouse ay kating-kati si Guinevere na itanong kung ikakasal na ba talaga ito. But she doesn't want to sound... prying.

Baka kung ano pa ang isipin nito.

"Ikaw ha? Na-engage ka lang nagiging weird ka na," biro niya at binuntutan pa iyon ng isang halakhak na wala yatang kasing-peke. "So kailan ang kasal?"

Napakagat siya sa ilalim ng kanyang labi nang mapansin niyang hindi yata natuwa si Arthur Lance sa biro niya. Dumilim ang mukha nito.

He looked dangerous. And... in pain.

"Probably soon," tanging nasabi lang nito at saka mabilis na tumalikod sa kanya. Pumasok ito sa sariling kwarto.

Naiwan si Guinevere na nakatingin sa kawalan. Ramdam niya ang pagkirot ng puso niya. Na para bang muling nasugatan iyon. This time, mas masakit.

Funny how it felt more painful now than what she felt during her last heartbreak. Is this even fair? Pero bakit ba siya nasasaktan?

Sa pagkakaalam niya ay attracted lang naman siya kay Arthur Lance. Mali ba siya? Hindi lang ba simpleng pagkagusto ang nararamdaman niya para sa binata?

Ipinilig ni Guinevere ang ulo. No, she can't be in love with him.

--------------------------------------------------------------

"Good morning!"

Natigil sa paghikab si Guinevere paglabas niya ng pinto. Agad kasi siyang sinalubong ng malapad na ngiti ni Arthur Lance.

Parang kagabi lang ay para itong kakain ng tao. Tapos ngayon... may pa-breakfast na ito mismo ang nagluto. Weird.

Nang makalapit siya sa hapag ay ipinaghila siya nito ng upuan.

"Anong gusto mo?" Kumuha ito ng plato at ibinaba sa kanyang harap. "Gusto mong mag-kanin?" Tumango si Guinevere habang pinag-aaralan ang kakaibang ikinikilos ng binata. Still wondering what's gotten into him.

Nilagyan nito ng kanin ang plato niya. "Here. Ham? Egg? Bacon?" tanong ulit nito.

She absentmindedly answered. "Bacon."

"Okay. There," anito at saka ngumiti. "Kumain ka ng marami ha?"

Umupo na si Arhur Lance sa tabi niya at kumuha ng sariling pagkain. Naka-dalawang subo na ito pero siya naman ay hindi pa ginagalaw ang pagkain.

"Gusto mong subuan kita?" alok nito sa boses na walang halong biro.

"Ha?"

Walang sabi-sabing kinuha nito ang kutsara niya at umakto ngang susubuan siya.

Mabilis niyang inagaw ang kutsara dito. Hindi naman siya bata o may sakit para subuan pa nito. At ikakasal na ang tao. Ang landi naman niyang nilalang kung magpapasubo pa siya dito.

"Ako na." Hinayaan naman siya nito saka nagkibit ng balikat.

Bumalik ito sa pagkain bago muling bumaling sa kanya. Sinalubong niya ang tingin ni Arthur Lance. Mukha itong may itatanong pero nagdadalawang-isip pa. Pagkatapos ng isang buntong-hininga ay nagsalita rin ito.

"S-sino iyong...," tumikhim ito. "Iyong kasama mo kahapon?"

"Si Sebastian." Kibit ang balikat na sagot niya. "He lives here. A couple of doors away."

"Ah," walang ganang tugon nito. "Nanliligaw sa'yo?"

"Parang di naman. Gusto lang yatang makipag-kaibigan?"

"May nakikipag-kaibigan bang nagbibigay ng mamahaling bulaklak?" He eyed the flowers Seb has given her. Nasa gitna iyon ng dining table.

"At kung pagka-kaibigan ang gusto niya, sa coffee shop ka sana niya dinala at hindi sa mamahaling restaurant para magpa-impress," puno ng disgustong sabi nito na ikinagulat ni Guinevere. It was unlikely of Arthur Lance to sound...rude.

At ano naman kung manligaw sa kanya si Sebastian? Single naman ito. Hindi kagaya ng katabi niyang ikakasal na. At probably soon na daw ayon na rin dito.

Nainis bigla si Guinevere. Mostly to herself. Kasi masyado na siyang inaalipin ng sariling emosyon. Mga bagay na ayaw sana niyang maramdaman. Pero hindi naman niya magawang kontrolin.

"I'm sorry," paghingi ni Arthur Lance ng paumanhin ng ma-realize na medyo wala ito sa lugar para magbitaw ng mga ganoong salita.

"I...I just can't help but be a little overprotective. Inaalala lang kita. Kagagaling mo lang sa break-up at-" natigilan ito at napatingin sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ni Guinevere. Hindi makaaniwala. "Alam mo?"

Wala na itong nagawa kundi umamin. Sinabi nito ang tungkol sa naabutan nito noong gabi ng engagement nina Kennett at Nadalie nang ihatid nito si Leigh. Nakita raw siya nitong umiiyak habang natutulog sa sofa at tila tinatawag ang pangalan ni Frank.

Guinevere cringed at the memory. Ang pathetic niya nung mga panahong iyon.

Kaya nagtanong ito kay Leigh tungkol sa bagay na iyon na obviously ay ikinuwento naman ng best friend niya.

"Oh God. That was so embarassing," tanging nasabi niya.

Agad naman siya nitong inalo. "Don't say that. Nagmahal ka lang...at nasaktan. Wala kang dapat ikahiya."

Sumimangot si Guinevere. "Nasasabi mo lang yan kasi hindi naman ikaw iyong involved. Hindi ikaw ang umiyak na parang tanga. For sure, hindi mo naranasan iyon."

"Hindi naranasan ang alin?" tanong nito. "Ang umiyak dahil iniwan ng taong mahal niya?"

"Oo." She snorted. "Sigurado namang ikaw ang nagpapa-iyak sa mga babae."

He gave her a dry laugh. Then smirked. "Hindi mo lang alam."

Kung makapagsalita ito, akala mo naman may masalimuot na nangyari sa love life nito. Si Arthur Lance ang tipong pinagkakaguluhan ng mga babae mula elementary hanggang sa matapos ang forever. Iyong kahit i-two time ka ay hindi mo pa rin hihiwalayan. Ang mga tipo nito ang dahilan kung bakit nagpapaka-tanga ang karamihan ng babae sa pag-ibig.

"O sige nga. Kailan ka umiyak dahil sa babae? At ilang minuto ang iniyak mo?" hamon niya.

Sandaling napatitig si Arthur Lance sa kanya. Ngumiti ito ng mapait. Pagkatapos ay nabahiran ng lungkot ang mukha nito.

"It was back in college," pagsisimula nito. "She's my first girl friend. SI Emily." Sa paraan ng pagbanggit ni Arthur Lance sa pangalan ng babae ay damang-dama niya ang paghanga at pagmamahal ng binata. Tila lumiwanag din ng bahagya ang mukha nito. Na para bang nakakita ito ng milagro.

Kung mahal na mahal ng binata si Emily, bakit ang Veronica na iyon ang pakakasalan nito?

Nasagot lahat ng tanong ni Guinevere nang ikuwento sa kanya ni Arthur Lance ang pag-iibigan nito at ni Emily. Kung gaano ito kasaya noong mga panahong magkasama sila ng dalaga. Ang mga planong binuo ng mga ito.

She could almost imagine a perfect relationship. Until Guinevere heard the ending.

"Guinevere... you're crying."

Napahawak si Guinevere sa mukha. It was wet with tears. Hindi manlang niya namalayang umiiyak na pala siya.

Napatingin siya kay Arthur Lance. Wala siyang ideya na ganoon kasakit ang pinagdaanan nito. Ang sama ng ugali niya para pag-isipan pa ito ng masama kanina. Gusto niya itong yakapin.

And so she did.

"I'm s-sorry," she sobbed. "I'm really really sorry for your loss Arthur Lance." Hinigpitan niya ang pagyakap dito. She felt bad for what he'd been through.

Kaya siguro ito nakipaglapit sa kanya nang mga panahong nakakulong pa siya sa sakit na dulot ng paghihiwalay nila ni Frank. Nakita nito marahil ang sarili sa kanya. And he wanted to help her. Because he understood the pain. He experienced the misery.

"Don't be sorry. Wala ka namang kasalanan." Niyuko siya nito para ngitian. Inilapat nito ang hintuturo sa ilalim ng kanyang mata. He brushed a tear that fell. Lalo siyang naiyak. He was such a decent guy.

Humikbi siya. "Life was so unfair to you."

Napatingin si Arthur Lance sa malayo at mapait na ngumiti. "Iyon din ang naisip ko dati." Bumaba ang tingin nito sa kanya. Ang hintuturo nito ay naglakbay sa gilid ng mukha niya. There was so much tenderness in his stare now. "But I guess life has other plans for me. Maybe I was not supposed to end up with Emily."

Sinubukan niyang ngumiti bago nag-iwas ng tingin. "Yeah. M-maybe it w-was...," Guinevere wanted to say me. "Veronica." That name felt like a hundred dagger down her throat.

Kumalas siya sa pagyakap sa binata. Dapat niyang ipaalala sa sarili na may fiance na ito. She can't be too close with him. Para kay Veronica at para na rin sa sarili niya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.