Love, Lust and Cherry Knots Chapter 12

"Paulo," tawag ni Arthur Lance sa kaibigang kasabay niyang naghahapunan sa cafeteria.

Umangat ang seryosong mukha nito. "Bakit?"

"Paano mo nalamang hindi mo lang basta gusto si Avia? I mean... how do you differentiate the feeling between simply wanting someone from lo-" Napabuntong-hininga siya. Hindi niya yata mabitawan ang salitang love.

Maybe because that word comes with responsibility and commitment.

She felt responsible for Guinevere but... he can't commit to her.

Ibinaba ni Paulo ang hawak na kubyertos at pinagsiklop ang mga kamay. Mariin siya nitong tinitigan. "Mahal mo na ba ang kaibigan ng pinsan mo?"

Natahimik si Arthur LAnce sa direktang tanong na iyon. Ano nga ba ang nararamdaman niya?

Love is the closest thing he could associate it with. Other words seemed inadequate to describe what he felt for her.

Sapat na ba iyon para masabi niyang mahal na nga niya si Guinevere?

"You do love her," deklara ni Paulo na tila siguradong-sigurado.

Nagdikit ang kilay niya. "You think so?"

"Have you seen your face lately?" ganting tanong nito sa kanya. "Mukha kang mister na laging nagmamadaling umuwi kay misis."

Well, that was true. Dati naman ay tulog lang ang nilo-look forward niya pagkatapos ng duty. Now, it was Guinevere.

Kahit antok na antok siya minsan at bugbog sa pagod ay hindi siya dumidiretso sa silid para magpahinga. He'd rather spend his time around her. Saluhan itong kumain, sabayang magligpit ng pinagkainan nila, samahang manood ng TV, ipagluto, kahit ano.

Nabawasan ang oras niya kasama ang dalaga nang sumulpot ang Sebastian na iyon. Guinevere seemed fond of him. Was she starting to like that Sebastian?

-------------------------------------------------------------------------

"May pupuntahan ka?"

Hindi ma-drawing ang mukha ni Arthur Lance nang makita siya nitong lumabas ng silid. Natigil pa ito sa paghubad ng sapatos. Kauuwi lang nito galing sa ospital. Past nine na iyon.

Niyuko ni Guinevere ang suot na sequined mini black dress. Hanggang gitna ng tuhod niya ang haba at backless.

"Hindi. Tatambay lang ako sa terrace."

"Don't be sarcastic Guinevere."

"Then stop asking stupid questions."

Isinuot nitong muli ang sapatos. Saka tumayo. "Sasama ako."

"Hindi ka pwedeng sumama!" Mariin ang pagtutol sa mukha at boses niya.

Umangat ang isang kilay ng binata. Namaywang pa ito. "Well, guess what? Wala kang choice."

Naglakad si Guinevere patungo sa pinto. Gusto niyang ignorahin si Arthur Lance. Pero mabilis siya nitong hinarangan.

"Hindi kita ama, kaya pwede ba?"

"Delikado na ang lumabas ngayon. Lalo na kung mag-isa ka." Umasim ang mukha ni Arthur Lance nang may maalala. "At wala akong balak na maging ama mo."

"Whatever. Just let me out, okay?"

"No."

Naiinis na nilagpasan niya ito. Bago pa man mabuksan ni Guinevere ang pinto ay nahawakan na iyon ni Arthur Lance. Sumandal pa doon ang loko.

"Ang kulit mo rin."

"Bakit ba kasi ayaw mo akong isama?"

Napabuntong-hininga si Guinevere. Hindi niya pwedeng sabihin kay Arthur Lance ang dahilan kung bakit hindi ito pwedeng sumama. Tiyak na pagtatawanan lang siya nito. "This is personal, okay? Kailangan ko tong gawin mag-isa."

Nagdikit ang kilay nito. "Ano ba ang gagawin mo?"

"Basta." Napabuga si Guinevere ng hangin. Ano na ang gagawin niya? Kinuha ni Guinevere ang kamay ng binata. Napalunok siya nang maramdaman ang kakaibang init dulot nang magkahugpong na mga kamay nila. Nagulat naman ang binata sa ginawa niya. Napatuwid pa ito ng tayo. Nagkatinginan sila.

Guinevere, focus!

Pasimple siyang tumikhim para paalisin ang kanyang evil thoughts. Mamaya na niya pakakawalan ang lahat ng kahalayang naipon sa kanyang utak. Sa ngayon, kailangan muna niyang makalabas.

Sinalubong niya ang mata ng binata. "Please Arthur Lance, ibigay mo na sa akin ang gabing to."

Pinisil niya ang kamay nito. Wrong move, tili ng isip niya.

"T-then y-you," Shit. Ba't ba siya nauutal? Inayos niya ang sarili. "Then you could spend the rest of the days pissing me off."

Pagkasabi niyon ay mabilis niyang binitawan ang kamay nito. Saglit na napatingin si Arthur Lance sa kamay nito bago muling ibinalik ang tingin sa kanya.

"Guinevere...," malat ang boses na wika nito.

"Please?"

Napaisip si Arthur Lance. Pagkatapos ay hinagod nito ng tingin ang kabuuan niya. Nakita ni Guinevere ang disgusto sa mukha ng binata kaya naman na-conscious siya.

Palpak ba ang outfit niya? But nothing goes wrong with something little and black especially for a dress.

Hmpf. Malamang hindi lang nakaka-intindi ng fashion ang isang to.

Sa wakas ay nagsalita si Arthur Lance. "Okay, pero sa isang kundisyon."

Yes! Nadadaan din pala sa pagpapa-cute ang isang to.

"Ano iyon?"

"Magpalit ka ng suot." Hinawakan siya ni Arthur Lance sa magkabilang balikat at marahang itinulak patungo sa silid niya.

"Wear something decent. Something... less distracting."

"This is decent," giit niya.

"Hindi. Mapapaaway ako sa suot mong iyan." Umiwas si Arthur Lance ng tingin. "Magbihis ka na. Iyong mahaba at di masyadong hapit sa katawan. Kung pwede, mag jacket ka. Malamig ngayon."

"Jacket? Hindi naman ako na-inform, may winter na pala sa Pinas?"

Matalim ang tinging ipinukol ni Arthur Lance sa kanya. "Magpapalit ka ba ng damit o mananatili ka dito sa bahay?"

Umingos siya. "Fine."

--------------------------------------------------------------------------

Naka-apat na palit na ng damit si Guinevere pero wala sa mga iyon ang pumasa sa mala-Mother Superior na panlasa ni Arthur Lance. Kasalukuyan ay isang bodycon dress ang suot niya, kulay pula iyon na may mga abstract na disenyo at lagpas tuhod ang haba.

"Eto, okay na?" naiinis na tanong ni Guinevere nang makalabas siya nang silid. Naaaksaya na ang oras niya.

"Ayoko niyan. Masyadong kita ang kurba ng katawan mo."

Ngayon palang ay nakikiramay na siya sa kapalaran nang mapapangasawa at ng magiging anak ng lalaking to.

Hanep sa pagiging conservative. Ano ba ang tingin nito, nasa panahon sila ni Rizal?

Tumayo si Arthur Lance at pumasok sa silid niya. SInundan niya ito.

"Patingin ako ng mga damit mo," utos nito.

Binuksan ni Guinevere ang cabinet kung saan nakalagay ang mga gamit niya. Inisa-isa iyon ni Arthur Lance. Maya-maya pa ay may kinuha ito at inabot sa kanya.

Tiningnan ni Guinevere ang hawak. Isang kulay itim na leather jacket at itim na skinny jeans.

Napamata siya dito. "Leather jacket, really? Gagawa ba ako ng action film?"

Ipinag-krus ni Arthur Lance ang mga braso sa harap ng dibdib. "Pinabantayan ka sa akin ni Leigh, kaya responsibilidad kita." Pinisil nito ang baba niya. "Just cooperate, will you?"

Binigyan ni Guinevere ng masamang tingin si Arthur Lance. "I changed my mind. Dito nalang pala ako sa bahay."

Biglang napangiti si Arthur Lance. He looked relieved. "That sounds better."

--------------------------------------------------------------------------------------------------

Naputol ang pagmumuni-muni ni Arthur Lance nang bumukas ang pinto ng silid ni Guinevere at iniluwa nun ang dalaga suot ang kakarampot na mga damit.

Bigla siyang napatigil sa pagbukas ng isa pang beer at dikit ang kilay na napatayo.

"Saan ka pupunta?"

Napalingon si Guinevere sa kanyang kinaroroonan. Bahagya itong nagulat nang makita siya. Abala kasi ang dalaga sa panonood ng isang TV series nang katukin niya ito kanina para magpaalam. Malamang ay nawili ito sa panonood maghapon at hindi nito namalayan ang pagdating niya.

"Ah, ano," niyuko ni Guinevere ang sarili.

Naka itim na bikini top ito at hindi alam ni Arthur Lance kung ano ang tawag sa suot nitong pang-ibaba. Basta maiksi din iyon. May manipis na telang nakabalot sa katawan nito na hanggang gitna ng legs ang haba. "Magsu-swimming lang."

May swimming pool sa rooftop ng building kaya malamang ay doon si Guinevere papunta. Alam ni Arthur Lance na maraming tao sa pool area lalo na kapag weekend. Dumilim ang mukha niya nang maisip ang mga lalaking magpi-piyesta sa katawan ng dalaga.

"Ang init-init sa labas. Mapapaso lang yang balat mo. Saka ka na mag-swimming."

"Hindi naman masyadong mainit ah," apela nito.

"Mainit kaya. Ang taas ng heat index sabi ni kuya Kim."

"Sino iyon?"

"Huwag mo nang kilalanin."

Nagkibit ito ng balikat. "Okay. Pero magsu-swimming pa rin ako."

"Hay ang tigas ng ulo. Mainit nga. Tsaka marumi ang tubig. Baka magkaroon ka pa ng skin disease. Hala ka," pananakot ni Arthur Lance. Pinaikutan lang siya ni Guinevere ng mata.

"Ang OA nang pagiging protective mo. Talo ko pa ang premature na sanggol."

Napakamot siya ng batok. "Ayoko lang kasing mapahamak ka. Kung pwede lang kitang ilagay sa incubator, ginawa ko na."

“Ang laking incubator naman nun pag nagkataon,” biro niya bago muling isiningit ang gusto. “Di ba ang mga nanay binibigay ang gusto ng mga anak? Kaya pagbigyan mo na ako.”

“Noong isang araw, ginawa mo akong tatay, ngayon nanay? Guinevere naman.”

Lumabi siya. “Payagan mo na kasi ako. Kating-kati na akong lumangoy.”

Nagmatigas pa rin si Arthur Lance. "Saka ka na mag-swimming. At doon tayo sa Dakak. Mas maganda dun."

Nag-iba ang mukha ni Guinevere. Tila may nakakabagabag na narinig. "Saan kamo tayo pupunta?" Dikit ang kilay na tanong nito.

"Sa Dakak nga."

Bahagyang napaawang ang mga labi ni Guinevere. "The what? The c-cock?"

"Oo, sa Dakak."

Napalunok si Guinevere. Ipinilig ang ulo. "Seriously? Someone named a resort over a cock? That's insane."

Ang lakas naman ng tawa ni Arthur Lance nang mapagtanto ang nasa isip ni Guinevere. "Hindi "the cock" yun. Kundi Dakak. As in D-A-K-A-K. Dakak. Okay?" Pumalatak si Arthur Lance pagkatapos. "Masyado kang green-minded."

Namula ang buong mukha ni Guinevere.

"Malay ko ba?" panggigilalas nito saka mabilis na tinungo ang pinto. "Magsu-swimming ako sa rooftop. Lamunin mo yang Dakak mo."

Hindi na niya ito napigilan nang padabog itong lumabas. Walang nagawa si Arthur Lance kundi sundan ito at bantayan.

------------------

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.