Love, Lust and Cherry Knots Chapter 3

“The famous St. Gabrielle International Hospital,” Hinarap ni Guinevere si Leigh. "This place suits you."

The hospital lobby is huge and luxurious. May malaking chandelier na puno ng mamahaling kristal. May grand piano sa tabi ng tila isang grand staircase paakyat sa ikalawang palapag. Maging ang mga puting muwebles ay mukhang ipinasadya pa sa ibang bansa. Everything looked expensive.

Dinala siya ng kaibigan sa Resident’s quarters. Walang tao doon nang dumating sila. May kalakihan ang silid na may dalawang double deck beds. Doon daw natutulog ang mga resident doctors na may 24-hour duty.

“Dito ka muna. Sasaglit lang ako sa pediatric office.”

“Okay.”

Nang makalabas si Leigh ay umupo si Guinevere sa pang-isahang sofa. Kinuha niya ang isang hugis drug pill na unan at niyakap. Naamoy niya ang pabango ng huling gumamit ng unan. It was a good scent. Clean and masculine.

Nagdikit ang kilay ni Guinevere at napatuwid ng upo. She stared at the pillow, a little confused. Inilapit niya ang mukha sa unan at muling inamoy iyon, pilit na inaalala kung paano tila naging pamilyar sa kanya ang naturang amoy.

Nope. It was definitely not Frank’s perfume.

It was somebody else’s…

Napalunok si Guinevere nang pumasok sa isip niya ang ingay ng bar, ang may kadilimang paligid, ang cherries at ang labing kakulay ng cherr-

Shit!

It was the guy in Hong Kong two weeks ago!

Wala sa sariling napabitaw si Guinevere sa unan at tila bumalik ang hangover niya nang magising siya kinabukasan at may estrangherong katabi. Hindi niya masyadong natatandaan ang mukha ng lalaki maliban sa mapupula nitong mga labi. Kasing-pula ng cherries.

Sinita ni Guinevere ang sarili. Saka napasimangot.

Bakit ba bigla niyang naalala ang lalaki? Malay ba niya kung saang lupalop ng daigdig na iyon napadpad.

Ang mahalaga, wala ito sa Pilipinas.

---------------------------------------------------------------------------------

Nang maihatid siya ni Leigh sa condo nito pasado alas-singko ay agad din namang bumalik ang binata sa ospital. Hindi pa daw kasi tapos ang duty nito.

Kaya naiwan na naman siyang mag-isa at walang magawa. Ayaw ni Guinevere nang nabo-bore. Para lang kasi siyang bumili ng isang bagay na hindi naman niya magagamit. You spend your time in exchange for nothing.

Wala pang dalawampung minuto mula nang makarating siya sa condo ni Leigh ay lumabas na naman si Guinevere. May nakita siyang kalapit na mall nang pauwi sila kanina. Naisip niyang pumunta doon kahit wala naman siyang gustong bilhin. Maglilibot lang. Bawas calories din iyon.

Nang tila mapagod sa paglalakad ay nagdesisyon siyang manood ng pelikula. Nang makita niya ang listahan ng mga pelikula ay nagbago na ang isip ni Guinevere.

Dalawang horror at tatlong romantic films ang nandoon. Mamamatay muna si Guinevere bago siya manood ng horror film nang mag-isa. Kailangan pa ba niyang ipaliwanag kung bakit ayaw rin niyang manood ng romantikong pelikula?

Masokista lang ang mga babaeng nanonood ng romantic movies pagkatapos ng hiwalayan. Kapag naka move on na siguro siya, pwede na. Pero ngayon…nah.

Baka maitapon lang niya ang suot na sapatos sa big screen.

Pauwi na sana si Guinevere nang makatanggap siya ng text mula kay Leigh. Baka umagahin na raw ito kasi may emergency sa ospital. Napasimangot si Guinevere. Kung babalik na siya sa condo ni Leigh, mababagot lang siya.

It would be depressing.

And so Guinevere went to a place where she would feel less lonely…and miserable.

------------------------------------------------------------------------------------------------------

“Isandaang stuffed toy ang binili ko tapos wala akong discount? Krescent naman, parang di tayo magkaibigan.” Pumalatak si Arthur Lance.

Kagaya niya ay doktor din si Krescent. Nakita niya ito kanina kaya naman hinila niya ito at nagpasama siya sa toy store na pag-aari ng pamilya ni Krescent. Inutusan kasi siya ng chief resident nila na bumili ng mga laruan para sa gaganaping medical mission sa isang orphanage.

“Ang yaman mong tao, humihingi ka ng discount? Bayaran mo na nga iyan Arthur Lance at nang hindi natataranta ang mga tauhan ko dito,” sita ni Krescent na napasulyap pa sa mga babaeng staff niya na saglit na napatigil sa pag-aasikaso sa mga customers nang makita siya.

“Kasalanan ko bang ipinanganak akong gwapo? At huwag ka ngang madamot Krescent. Hayaan mo namang kiligin ang mga tauhan mo.”

“Sobrang kapal mo Arthur Lance. Aware ka ba dun?”

“Aware saan? Na sobrang gwapo ko?” Ngumisi ito. "Oo naman, aware ako dun."

Eksaheradong pinaikot ni Krescent ang mga mata. “Sarap mong tadyakan.”

"Masarap talaga ako. Malas mo lang kasi di mo ko matitikman."

Hindi na nagkomento pa si Krescent. Inasikaso nalang nito ang mga pinamili niya na sa huli ay nauwi rin sa libre. Maya-maya pa ay nagpaalam na rin si Krescent. Nagpaiwan saglit si Arthur Lance dahil nira-wrap pa ang mga pinamili niya.

Habang naghihintay ay naglibot muna si Arthur Lance sa toy store. Nang mapatingin sa mga manyika ay bigla niyang naalala ang sariling ina.

Kolektor ng mga manyika mula sa iba’t-ibang bansa ang kanyang mommy Fiona. Sa katunayan ay mayroong silid sa bahay nila na sadyang ipinagawa para lang lagyan ng mga koleksyon ng kanyang ina.

Arthur Lance didn’t understand the fascination about dolls. They were creepy and-

Nakuha ng makinis na braso ang attensyon ni Arthur Lance. Kung may sarili man siyang bersyon ng Kryptonite, magandang kutis ang tawag doon.

At ang babaeng to, naku. Braso palang, ulam na.

Dahan-dahang naglakbay ang mata ni Arthur Lance paakyat sa balikat, leeg, labi-

Sabay na nanlaki ang mga mata nila ng babaeng nagmamay-ari ng katakam-takam na braso.

Hindi si Arthur Lance ang tipo na may photographic memory ng mga babaeng nakasiping niya.

But this girl, the one he’s staring at and can’t seem to get his eyes off was an exception.

---------------------------------------------------------------------------------------------------

What the-

Napalunok si Guinevere. Para siyang minumulto kahit matagal pa ang araw ng mga patay.

Nakatayo sa harap niya ang lalaking hinukay mula sa libingan ng mga kapalpakan niya sa buhay.

Sa laki ng Earth, sinong mag-aakala na magkikita sila ng taong minsan niyang nakilala at well, uh, naka one night stand.

One night stand.

Nanuyo ang lalamunan ni Guinevere sa tatlong salitang iyon. Tumatayo ang lahat ng balahibo niya sa katawan.

Iyon ang unang beses na nakipag-one night stand si Guinevere. Oo, moderno siyang babae pero hindi naman niya binibigay ang sarili ng basta-basta. But thanks to her broken heart. Ngayon ay sising-sisi siya.

Mula sa gulat na mukha ng lalaki ay bumaba ang mga mata ni Guinevere. Napako ang tingin niya sa bahaging agaw-pansin; ang mga labing kasing-pula ng cherries.

Fascinating. Pero mapanganib.

Parang ang ipinagbabawal na prutas sa hardin ng Eden.

Tempting.

Nakagat niya ang ibabang labi.

Ano kaya ang gagawin ng lalaking to kung bigla nalang niya itong halikan?

Bago pa man niya masagot ang sariling tanong ay gumalaw ang mga labing kanina pa sentro ng pakikipag-debate niya sa sarili.

“It’s a small world, isn’t it?”

Nakatanga lang si Guinevere. Ayaw gumalaw ng leeg niya palayo sa pinakamagandang labi sa history ng human anatomy. Talo pa niya ang may stiff neck.

"Miss?"

Dahan-dahan at puno ng panghihinayang na umangat ang tingin niya. She met his gaze.

Bigla ay nagkaroon ng mala-pirated DVD na replay ang nangyari sa Hong Kong. Mala-pirated kasi malabo na, illegal pa. Because nothing too detrimental should ever be legal.

The mere thought of his lips pressed on hers is making her feel hot on all the wrong places.

Shit.

Shit talaga!

Dala marahil ng panggigilalas sa sarili dahil sa naiisip at sa napakalakas na presensiya ng kaharap o sa pagkabigla dulot ng muli nilang pagkikita, napaatras si Guinevere at nabitawan ang manikang balak sanang bilhin. She ran out of the store.

Malayo sa lalaking may nakakalokang mga labi.

At ang mas nakakaloka, labi palang iyon.

-------------------------------------------------------------------------

"Did I scare her?" kausap ni Arthur Lance sa manikang pinulot. Nabitawan iyon ng babaeng- God, he couldn't even begin to describe her. Walang sapat na salita para ilarawan ang babaeng iyon. She was everything perfection is made of.

"Sabihin mo nga, sobrang laki ba ng nabawas sa kapogian ko dahil sa dalawang araw na pagpupuyat sa ospital?"

Of course, the poor doll didn't reply. Nakatitig lang ang tsokolateng mga mata nito sa kanya.

Katulad nalang ng babaeng pwedeng maging human version ni Barbie.

Ibinalik ni Arthur Lance ang tingin sa hawak na laruan saka napailing.

He was wrong. The girl looks waaay better.

----------------------------------------------------------------------------------

Sabi nila, curiosity daw ang madalas na dahilan kaya nakikipag-sex ang mga kabataan.

Laro-laro lang.

Eksperimentong pang-dalawahan.

Sexual tension naman ang tawag doon ng mga magkasintahang nasa legal na edad na pero nasa illegal na sitwasyon pa.

Siyempre pa, sa mga maswerteng nakarating sa finish line aka sa altar, lovemaking na iyon. Union of body and soul. Pwedeng for pro-creation or pure pleasure.

At ang common denominator nila? Love daw.

Tama nga naman. Pag mahal mo, ibibigay mo lahat.

Guinevere remembered a distant memory from her earlier days. It was when her first relationship became shaky. Naaalala pa niya ang sinabi ng dating kasintahan. "If you love me, prove it."

Ang proof of love? Sex.

For a while, she thought it was true. Na ang pakikipagtalik ay synonymous ng salitang I love you, only better. Kaya hindi siya nakikipag-sex sa lalaking hindi niya mahal.

Pero sa pagkakataong iyon, buong puso ang pagtutol ni Guinevere sa bagay na ilang taon niyang pinaniwalaan.

Hindi love ang common denominator ng curiosity, sexual tension at lovemaking.

It's lust.

At iyon ang tamang salita para ilarawan ang nararamdaman ni Guinevere sa lalaking nakita sa toy store.

Pagnanasa.

Hindi niya alam kung epekto lang iyon ng pinagdadaanan niya ngayon o sadyang may kakaibang epekto ang lalaking ito, brokenhearted man siya o hindi.

-----------------------------

“Saan tayo ngayon?” Naramdaman ni Arthur Lance ang pagsiko ni Klyde sa kanya.

Hindi niya napansin ang pagpasok nito sa resident’s quarters. “Nakikinig ka ba?” tanong pa nito.

Nagkibit siya ng balikat. “Oo.”

“So, saan nga?”

“Kahit saan,” tinatamad niyang tugon.

Tuluyang nagdikit ang mga kilay ni Kylde. Sinipat pa nito ang leeg niya. “May sakit ka ba Arthur Lance? Para kang sinapian ni Leigh.”

Biglang bumukas ang pinto. Pumasok doon si Cray. Umaapaw ang pabango. Malapad ang ngiti. Agad itong lumapit sa kanila.

“Nagkaroon ng himala. Ang kakambal kong tuod, sasama raw,” deklara ni Cray.

“Si Calvin, mambababae? Himala nga iyan,” sabi naman ng kasunod ni Cray na si Mhyco.

“Dahil himala na rin lang naman ang pinag-uusapan, eto ang mas hindi kapani-paniwala,” sabad ni Klyde. Tumingin ito sa kanya at ngumiti nang nakakaloko. “Si Arthur Lance, nawalan ng gana sa babae!”

Sabay na napatingin ang lahat ng nandoon sa kanya. Iba’t-iba ang reaksyon. Pero ilang saglit pa ay bumunghalit na ang mga ito sa kakatawa.

“Impossible,” ani James Carlo na nagising dahil sa ingay nila. Binato niya ng unan ang kaibigan. Sinalo nito iyon at bumalik sa pagtulog.

“Malay niyo naman, in love,” ani Mhyco na matagal-tagal na ring nag-resign bilang playboy. Nabiktima ng pag-ibig eh.

Pumalatak si Klyde. “Love? Talaga? Magkaka-world peace muna siguro bago ma inlove si Arthur Lance.”

“Intindihin niyo na, nagmamahal iyong tao,” singit na naman ni James Carlo.

“Hoy James Carlo, huwag kang magmalinis,” sita ni Mhyco dito. May seryosong girl friend din kasi si James Carlo. At malapit na rin yatang ikasal.

“Iyong mga taken, pwede bang magsilabasan? Nakaka-istorbo kayo eh.”

“Para namang kay laking tulong sa bansa tong ginagawa niyong pagpupulong,” komento ni James Carlo na tumayo na mula sa higaan.

Lumapit ito kay Mhyco at umakbay. “Halika pare, iwan na natin tong mga kunehong to.”

Nang makalabas sina James Carlo at Mhyco ay nagsalitang muli si Klyde. Bigla namang napatayo si Arthur Lance. Tiningnan siya ni Klyde sa nagtatanong na mga mata.

“Saan ka pupunta?”

Dumiretso si Arthur Lance sa kanyang kabinet at kumuha ng towel. “Maliligo. Aalis tayo di ba?” Nang matapat sa pinto ng banyo ay napailing siya. “What’s wrong with me?” mahinang sambit ni Arthur Lance na hindi alam kung bakit parang mas gusto nalang niyang matulog at makasama ang babaeng mukhang Barbie doll sa panaginip niya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.