Love, Lust and Cherry Knots Chapter 4

Umakyat si Arthur Lance sa ikalawang palapag ng Love in a Mist. Kauuwi lang niya galing sa isang convention sa Cebu. Ilang araw lang siyang nawala pero tila andami nang nangyari.

Kagaya ngayon. Nagkukumpulan ang mga kaibigan niya. Mukhang may seryosong pinag-uusapan. Lumapit siya sa mga ito.

"Anong meron?" tanong ni Arthur Lance kay Rain na agad napasimangot nang makita siya.

Pinitik pa nito ang ilong niya nang kumindat siya dito.

"Magpo-propose na si Kennett kay Nadalie," pag-iimporma sa kanya ni Maia na naging dahilan para matawa siya.

"Lalanggamin na naman pala tayo neto," napailing na komento niya pagkatapos ay kumuha ng beer. "Wala pa naman akong insect repellant ngayon," biro niya.

Bumaling sa kanya ang mga babaeng doktor na katabi ang kani-kanilang mga boyfriend. Masama ang tingin ng mga ito na ara bang isang maling salita pa na lalabas mula sa kanyang bibig ay matatagpuan nalang niya ang sariling nakalutang na sa Pasig river. Damn girls and romanticism.

Tinapik siya ni Cupid sa likod. "Makakahanap ka rin ng para sa'yo pare."

"Or, pwede natin siyang hanapan," suhestyon ni Mhyco na tila sinang-ayunan naman ng lahat.

"May naisip na akong babagay sa'yo Arthur Lance. Actually, kaaalis lang niya. Sayang at di kayo nagpang-abot."

Nagkatinginan ang mga kaibigan niya. Tila may tinitimbang.

"Parang masyado namang maganda ang best friend ni Leigh para kay Arthur Lance."

"Oo nga. Awayin pa tayo ni Leigh pag pinahamak natin ang kaibigan niya."

Napasimangot si Arthur Lance. "Kung may kaibigan mang babae si Leigh na hindi ko kilala, malamang, weird iyon. Ayoko sa mga babaeng weird kaya tigilan niyo ako."

"Pare, hindi mo tatanggihan ang kaibigan ni Leigh. She is definitely your type. Kung hindi nga lang ako ginayuma ni Maia-"

"May sinasabi ka Mhyco?" putol ni Maia sa sasabihin ng boyfriend. Agad na nilambing ni Mhyco ang girlfriend.

"She's got nice skin too. Long neck for you to prey on, and longer limbs you'll surely love," sabi naman ni Cupid na may makahulugang ngiti sa mga labi. Alam na alam talaga ng kaibigan ang mga tipo niya.

Arthur Lance could have been tempted. But-

"Nah, sa inyo na iyang chicks na pinaghalong giraffe at gagamba. May nakilala na ako at pupusta ako ng malaki na mas maganda siya kaysa sa best friend ng pinsan ko."

Napailing nalang ang mga kaibigan niya at bumalik na sa pagpa-plano ng proposal.

Umupo si Arthur Lance sa isang tabi at tahimik na pinagmasdan ang mga kaibigan.

So, isa na naman pala sa kanila ang nabiktima ng dakilang si Kupido.

Masaya siya para kay Kennett. Matagal na ring emo ang taong iyon. Dapat lang na sumaya na siya.

As for him, well, sumubok siya minsan. But love doesn't seem to work well for him. Kaya di bale nalang.

Isa pa, bakit pa siya magmamahal kung hindi rin naman niya pwedeng pakasalan ang babaeng iyon?

-------------------------------------------------------------------------

"You look pretty Guinevere," puri ni Leigh nang lumabas siya ng kanyang silid. She was wearing a white Mullet dress, a pair of her favorite YSL pumps and her all-time favorite Chanel pearl neacklace. Light make-up lang ipinatong niya sa mukha.

Kung anong gaan ng make-up niya, iyon naman ang ikinabigat ng kanyang loob.

Irony fits a girl with a broken heart.

Sinalubong niya ang mga mata ni Leigh at pinilit na ngumiti. "The least a brokenhearted woman can do is to look pretty even if she's feeling ugly inside."

Napailing ang kaibigan. Tila ikinalungkot ang narinig. "Broken maybe, but not ugly." Inabot nito ang ilang hibla ng kanyang buhok at inipit iyon sa likod ng kanyang tenga. It was so gentle that she wanted to cry.

Oh God. Talo pa niya ang buntis sa sari-saring emosyong pinagdadaanan.

Nagpatuloy si Leigh. "That word never suits you Guinevere. Not in a million years. Not after a couple of heartbreak." He gave her an encouraging smile na para bang may karugtong na "Naiintindihan mo ba?"

Tumango si Guinevere at tuluyang napangiti. Hindi umiikot ang mundo para lang sa kanya.

And tonight, is not her night. Ayaw niyang maging drama queen at manira ng gabi.

Marahan niyang pinahid ang mga luha gamit ang iniabot na panyo ni Leigh kahit na hindi pa naman siya naluluha. Leigh has always been like that. Alam na nito ang mga bagay na kailangan niya bago pa man niya hilingin iyon. "Nakakainis ka naman Leigh. Pinapaiyak mo ako. Ayoko pa namang maluha dahil baka masira ang make-up kong hindi ko alam kung bakit sinabing waterproof pero nasisira naman tuwing nababasa ng luha. Tingin mo, hindi kaya compatible ang make-up ko sa Philippine weather? O sinunggaling ang brand na to?"

Napakurap si Leigh. Na-weirdohan yata ito bigla sa pinagsasabi niya. Pero sanay naman na ito sa ugali niyang iyon. She tends to blabber nonsense when she's trying to take her tears back.

"O baka masyado ka lang nag-expect," mahinang komento ng kaibigan na nagpakunot ng noo niya.

"Huh?"

Binuksan ng binata ang pinto ng passenger seat bago muling nagsalita. "Waterproof lang yang makeup mo, hindi tear proof. Kaya huwag kang mag-expect ng mga bagay na hindi naman ipinangako sa'yo."

Tulala lang si Guinevere buong biyahe. She was contemplating about what Leigh said about expectations.

Nag-expect ba siya ng sobra?

Pero wala naman siyang ibang hinangad maliban sa mahalin siya ni Frank.

Was it wrong to expect love from someone who promised to give it to you?

Sabi ni Frank mahal siya nito. Sabi pa nito, walang kamatayan daw ang pag-ibig na iyon. Ang paboritong linya pa ng talipandas dati "Forever finally made sense when I met you."

Forever, my ass.

Forever ang salitang madalas na ipangako pero mas madalas namang napapako.

Forever is such a stupid word.

Marahil ay magkasing-kahulugan ang mga salitang iyon. And maybe, what Frank actually meant was "Stupidity finally made sense when I met you."

Kasi ang laki niyang tanga. Ang bilis niyang naniwala. Dapat pala, hindi siya nagtanim ng kahit anong expectation para wala siyang maani na disappointment.

Malapit nang matapos ni Guinevere ang nobela tungkol sa stupidity at forever nang maagaw ng maingay na paligid ang attensyon niya. Nakarating na pala sila sa venue.

Sa Love in a Mist iyon. Ang restaurant na malapit sa SGIH. Nakapunta na siya doon a couple of times kung saan niya nakilala ang mga kaibigan ni Leigh.

Ang sabi ni Leigh, may pupuntahan silang party. Hindi na siya nag-abalang magtanong kung anong klaseng party iyon. Because all she wanted was to go out and "try" to have a little fun.

Ngayon ay sising-sisi si Guinevere kung bakit di manlang siya nag-usyoso. Base kasi sa mga bulong-bulungan ng mga bisitang kasama nila sa mesa ay hindi lang iyon isang simpleng party.

It was a freakin wedding proposal!

Parang gustong tumalon ni Guinevere mula sa terrace. Bahala na kung magtamo siya ng samu't-saring gasgas at bali sa buto. Huwag lang to.

Tila naramdaman naman ni Leigh ang discomfort niya. Bigla kasi itong namutla pagkatapos ay dumilim ang mukha. He was probably mad at himself.

"I'm sorry about this Guinevere. I didn't know about this proposal. Akala ko party lang to...,"

Hindi na nito tinapos ang sasabihin. Mabilis na tumayo si Leigh at kinuha ang kamay niya. "Halika na."

She was still a little disoriented. "S-saan tayo pupunta?"

"Aalis." Tila galit ang boses ng kaibigan. Napahigpit rin ang hawak nito sa kamay niya. Nang tila hindi pa rin siya tumatayo ay bumalik si Leigh sa pagkaka-upo at humarap sa kanya. Bigla ay lumambot ang ekspresyon sa mukha nito.

"I feel awful about this. I'm so sorry."

Guinevere felt bad for how Leigh felt. Kasi hindi naman dapat nito maramdaman iyon. His friend has nothing but good intentions.

"Hindi mo kasalanan kung hindi ka tsismoso Leigh." She tried grinning. Pero lalo lang nagdikit ang kilay ng kaharap. "I'll be fine. Hindi ako iiyak o magse-senti. Hindi rin ako magpapaka-lasing o maghahanap ng away." Itinaas niya ang kanang kamay nang tila diskumpiyado pa rin ang kaibigan. "Promise. Behave ako."

Sinuri ni Leigh ang mukha niya. Tila naghahanap ng isang butas sa kanyang pagbabalat-anyo. Isang mabigat na buntong-hininga ang kapagkuwan ay pinakawalan nito.

"I am not taking any risk Guinevere. Ayokong mapagalitan ni tita Catherine." He eyed the left side of her chest. "At ayokong dagdagan pa ang bigat na nararamdaman niyan."

"You don't trust my sanity?"

"I don't trust your slightly impaired heart Guinevere," sagot ni Leigh na ngayon ay hawak na ang parehong kamay niya.

Wala nang nagawa pa si Guinevere. Napabuga nalang siya ng hininga.

Hay, ang hirap makipagtalo sa taong madalas ay tama.

Because Leigh was right. It was impossible for her not to be melodramatic and eventually get herself drunk. And hell knows what she could do next. The last time she got wasted, she end up waking up with no clothes on and a stranger beside her.

Na isa rin palang Pinoy!

God. It gives her the creeps just thinking about bumping into that guy at the toy store two days ago. That guy was her personal scar. But he was one good-looking scar.

"Shall we?" untag ni Leigh na wala pa rin yatang balak na hayaan siyang manatili sa lugar na iyon. Susuko nalang sana si Guinevere at uuwi na nang bigla siyang makakita ng dahilan para manatili si Leigh.

Gusto niyang manatili hindi dahil matigas ang ulo niya o di kaya ay umaanib siya sa samahan ng mga taong masokista. She wanted to stay because she knew that pain will still be lurking somewhere near her. Kahit umuwi pa siya, maiisip at maiisip pa rin niya si Frank. She would still grieve over her wasted love. Hanggang sa makatulugan na niya ang pag-iyak. Pagkatapos ay gigising siya at uulitin na naman ang nakakapagod na ritmo ng mga nakalipas niyang mga araw.

"So ano? Alis tayo?" pigil ang ngiting tanong ni Guinevere. Alam niyang nagdadalawang-isip na si Leigh. Kitang-kita iyon sa maya't-maya nitong paglingon sa kinaroroonan ni Georgina- ang babaeng gusto ni Leigh.

Lumipas ang hindi mabilang na buntong-hininga bago umimik ang binata. And Guinevere knew that she's getting what she wanted tonight.

Ang hayaan ang sariling malayang maramdaman ang sakit.

Because what could probably be more painful than a brokenhearted woman celebrating true love that is not hers? Something that might never happen to her at all?

When you face your pain at its strongest, the rest will be easy, iyon ang sabi ng kanyang ina nang magpaalam siyang pupunta ng Pilipinas. And maybe her mom was right.

"Are you sure you won't do anything stupid?" paniniyak ng kaibigan na tila suko na sa pakikipag-debate sa sarili. "Kapag-"

Magsasalita pa sana ang kaibigan nang may kung anong umagaw ng attensyon nito. Nagusot ang mukha ni Leigh habang nakatingin sa bandang likuran niya.

"Akala ko ba pupunta kang Thailand? You hate proposals, right?"

"Minsan lang maging korny si Kennett kaya papanoorin ko na," sagot ng kung sinong bigla nalang umupo sa bakanteng silya at napatingin sa kanya-

"Ikaw?!"

Nalaglag ang panga ni Guinevere kasabay ng panunuyo ng lalamunan.

It was the guy she had one night stand with!

Anong ginagawa ng mokong na to dito?

Kilala ba ito ni Leigh?

"Do you know my cousin?"

Pagsasatinig ng lalaki sa sinisigaw ng utak niya.

Halos lumuwa ang mga mata ni Guinevere sa narinig. Muntik pa siyang mapatayo sa kinauupuan.

Cousin?! As in pinsan? Magkamag-anak ang dalawa.

Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawang lalaki.

Leigh was curious. The other guy was, well, uh, grinning from ear to ear.

"Siya ba ang dahilan kung bakit nagmumukmok si George ngayon pinsan?" kaswal na tanong ng lalaki na walang bakas ng pagka-ilang sa pagkikita nila.

Samantalang siya, heto at malapit nang humiling ng delubyo na pwedeng lumamon sa kanya.

Malamang ay gabi-gabi itong nakikipag-one night stand sa kung sinu-sinong babae. Isang bagay na nagpagusot ng mukha ni Guinevere. Paano pala kung may nakakahawang sakit ang lalaking to?

Ipapa-assassinate niya talaga ito pag nagkataon!

Pasimple niyang hinagod ng tingin ang binata para maghanap ng senyales na may sakit ito. Nagsimula siya sa paa hanggang sa mukha-oops, wait! Mabilis siyang napapikit at sinita ang sarili.

HUWAG KANG TUMINGIN SA LABI NIYA!

Shit. Muntik na siya roon!

Marahang iniwas ni Guinevere ang leeg at iminulat ang mga mata para ibalik ang tingin sa kaibigan na ngayon ay dikit na dikit ang kilay habang nakatitig sa kanya.

Bakit ganyan makatingin si Leigh? May ginawa ba akong mali?

"Tingin mo Leigh, may gusto kaya siya sakin?"

"Shut up Arthur Lance," saway ni Leigh sa pinsan nitong Arthur Lance pala ang pangalan. Pagkatapos ay bumaling sa kanya. Speculative ang mukha. Parang naka-amoy ng something fisy. "Did you two-"

Nanggilalas siya. "No Leigh, of course not!" Mabilis niyang tinapakan ang paa ng lalaking ngayon ay nakaupo na sa kaliwa niya. "Walakaming affair."

Isang mahinang "ouch" ang narinig ni Guinevere mula sa kanyang biktima pero mukhang hindi naman iyon nakaabot sa pandinig ng kaibigan. Magso-sorry nalang siya mamaya.

Ang mahalaga sa ngayon, hindi malaman ni Leigh ang nangyari sa kanila ni Arthur Lance. Baka wala na siyang mukhang maiharap sa kaibigan pag nagkataon.

Worse, ipatapon siya nito pabalik ng New York.

Mabuti at mukhang mabilis namang pumick-up ang pinsan nito. Itinikom ni Arthur Lance ang bibig pero pigil naman ang ngiti sa mga labi.

Like something was really funny. Tinapunan ito ni Guinevere nang masamang tingin. He just grinned at her.

"You don't have to be so defensive Guinevere. Itatanong ko lang naman kung nagkakilala na kayo dati." Isang makahulugang tingin ang binigay ni Leigh.

Kasing-putla na yata ni Guinevere ang suot na damit. Ramdam niya ang namumuong butil ng pawis sa kanyang noo. Lihim siyang nanalangin sa kapangyarihan ng kanyang foundation. Huwag sana itong matibag at matalo ng kanyang pawis. Sapat nang binigo siya ng kanyang masskara minsan.

"Nobody said about having an affair." May diin ang pagbanggit ng kaibigan sa huling salita.

Guinevere realized how she woud fail as a lawyer or a state witness. Siya mismo ang gumisa sa sarili sa kumukulong mantika. Siya ang nagbanggit ng salitang "affair."

Hirap nga namang maging guilty.

Kaya pala halos tumawa na ang Arthur Lance na iyon kanina. Ni hindi manlang siya nagawang tulungan. Bagkus ay kumuha pa ito ng gin mula sa dumaang waiter at tila aliw na aliw sa panonood sa kanya habang nire-redeem niya ang sarili.

"Bakit ba sa akin napunta ang usapan?" galit-galitang tanong niya. Sana pala tinanggap niya ang offer dati na mag-acting workshop siya. Hindi sana siya tense na tense ngayon. Malay ba niyang may silbi pala iyon?

"Kasi-"

"I think Klyde has a crush on George. Ano sa tingin mo pinsan?" agaw ni Arthur Lance sa dapat ay sasabihin ng pinsan nito. Siyempre pa, mabilis na gumalaw ang leeg ni Leigh at napako ang tingin kay George na may ibang kasayaw.

Dumilim ang mukha ni Leigh at ikinuyom nito ang kamay. Walang sabi-sabing tumayo ito at lumapit sa isang babae na ngayon ay kasayaw na rin nito. Pumuwesto ito malapit kay George.

"Hindi ko talaga alam kung saan namana ni Leigh ang pagiging torpe."

Nilingon ni Guinevere ang natatawang si Arthur Lance. Niyuko rin siya nito saka matamis na ngumiti.

Muntik na niyang makalimutan ang inis dahil sa ngiting iyon.

"You're welcome," ani Arthur Lance. Nakangiti pa rin.

Napako bigla ang mga mata sa labi ng kausap. "Huh?"

Napakurap si Guinevere kasabay ng isang mura at hindi maipintang mukha.

The guy smirked as if sensing her trouble. Inubos nito ang natitirang alak at nang mailapag ang baso ay nagsalita. "Kung ayaw mong malaman ng iba ang sekreto mo. Huwag mo lang basta itago. Kalimutan mo rin."

Napamata siya sa kaharap.

Ano to? Bakit ito nagbabahagi ng wisdom sa kanya?

Pagkatapos niyang pagpawisan ng isang drum sa kakaisip kung paano makakalusot kay Leigh kanina at maisalba ang sarili, friends na sila?

Nang ganun-ganun nalang? Aba naman. Ibang klase ang lalaking to.

Hanep.

"Kalimutan?" Umismid siya. "I don't think I have control over the things I could remember or not."

"But you could always pretend that you don't remember it."

Pinagtaasan ni Guinevere ng kilay si Arthur Lance. "So, that's how you handle girls you've had sex with? Forget it didn't happen?"

Nang mga sandaling iyon, alam ni Guinevere na dapat ay ma-relieve siya. At least hindi pala paulit-ulit na nagre-replay sa maduming utak ng lalaking to ang nangyari sa kanila.

Sa halip ay gusto yata niyang ma-offend.

Ganoon ba siya kadaling kalimutan?

Kaya ba ganoon nalang kung itapon ni Frank ang apat na taong relasyon nila? Kaya ba ni katiting na effort ay hindi manlang ito nag-aksaya para paaganin ang loob niya para eventually ay makapag-move on siya?

Was she that insignificant?

Mabuti nalang at madilim ang paligid at nakatutok ang attensyon ng lahat sa magaganap na proposal. Everyone was anticipating for the big gesture. While she was anticipating for a tear anytime soon.

God, isn't she pathetic? Ang bilis niyang masaktan. Masyado siyang sensitive.

Para siyang nag-transform at naging worst version of herself.

"I do it for a good cause. Una na doon ang maiwasan ang pagka-ilang na kitang-kita ko sa'yo ngayon."

She fake a laugh. "Hindi pagka-ilang ang nararamdaman ko mister, pagka-asar ang tawag dito."

"Akala ko pagka-asar ang mararamdaman ko kapag may tumawag sa akin na mister. Hindi ko alam na kilig pala ang tawag dito."

Guinevere could swear she could feel the heat all over her face. Lumutang yata kasama ng mga salita ang kaluluwa niya sa hirit ng Arthur Lance.

"Speechless?" His face broke into a ridiculous grin.

And just like that, the Devil who used to wear Prada couldn't be more proud and jealous.

Arthur Lance was a re-incarnation of temptation.

Naikuyom ni Guinevere ang palad para pigilan ang sarili na suntukin ang mukhang iyon para pumangit naman.

Because damn, how could that guy look incredibly handsome? Ni wala manlang itong masamang anggulo.

And how could she be so vulnerable over something as insubstantial as good looks?

Her teenage self would hide in disgust. Mas may sense pa yata siya noong teenager siya.

"I-I think I need to pee."

With an excuse as horrible as that, tumayo si Guinevere mula sa kinauupuan at dali-daling lumayo mula kay Arthur Lance.

Better safe than sorry. Sa itinatakbo kasi ng isip niya, hindi malayong magkaroon ng round two ang nangyari sa Hong Kong.

At hindi pwede iyon!

------------------------

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.