Hinatid ni Arthur Lance si Leigh sa condo nito. Halos alas-kuwatro na iyon ng umaga. Napasarap kasi ang kwentuhan.
At ang kaka-engage na pinsan niya, napasubo sa inuman. Mababa ang alcohol tolerance ni Leigh kaya ilang baso palang ng whisky ay hindi na makalakad ng matino.
"Sa lagay na to, bawal kang malasing sa gabi ng kasal niyo ni George. Baka tulugan mo lang siya. Kawawa naman," aniya nang matapat na sila sa pinto ng condo nito.
Kinuha niya ang susi sa bulsa ng pantalon ni Leigh.
Nang makapasok ay hindi na binuksan ni Arthur Lance ang ilaw. Idiniretso na niya sa silid nito si Leigh at inihiga. Bago umalis ay hinubad muna niya ang sapatos ni Leigh at kinumutan ito pagkatapos.
Pasalamat talaga si Leigh at may mabait itong pinsan na gaya niya. May bonus pang Georgina sa buhay nito. Ang sarap din minsan suntukin ng kolokoy na to. Bukod nga namang pinagpala.
Nang makalabas na si Arthur Lance ng silid ni Leigh ay nakarinig siya ng boses na nagsasalita.
Boses ng babae iyon.
Binuksan niya ang isang ilaw. Isang pamilyar na bulto ng babae ang nakita niyang nakahiga sa sofa, patalikod sa kanya. Hindi na kailangang humarap ng babae para makilala ito ni Arthur Lance.
Suot pa rin nito ang damit na suot nito kanina. A white dress fit for an angel.
Naalala pa ni Arthur Lance kung paanong tila mabuwal siya sa kinatatayuan nang pagyuko niya ay ito ang nahagip ng kanyang mga mata.
Arthur Lance knew this girl is special. He knew when his lips met hers. Wala naman siyang balak makipag-one night stand nang gabing iyon sa Hong Kong. He has a flight back to the Philippines early in the morning.
But he met Guinevere and she was one attractive lady that Arthur Lance couldn't pass on. So he spent the night with her just like what he always do.
Kinabukasan ay late siyang nagising. He got his flight rescheduled. Which was a first.
He was a doctor. Innate na para sa kanila ang maging light sleeper. Kahit kaunting kaluskos lang ay nagigising siya. But that night, he slept soundly.
Nagising siya na yakap-yakap ang pinakamagandang babaeng kanyang nasilayan buong buhay niya.
He was like an idiot just staring at the girl's face. Sa sobrang titig niya, he thought of doing something out of his character.
He left her a note with some silly lines from a song and bought her breakfast.
Pero hindi na niya ito hinintay na magising. Na ilang linggo rin niyang pinagsisihan. Because after that day, he's been hoping to see her again.
Akala niya ay hopeless na ang pagkikita nila ng dalaga.
Sa unang pagkakataon, he was never been glad to be wrong.
Bitbit ang ngiti dulot ng mga alaala ay lumapit si Arthur Lance sa dalaga. Tinunghayan niya ang mukha nitong hindi niya alam kung nabasa sa pawis o sa luha.
Mukha talaga itong manyika. Mula sa maalon at kulay tsokolate nitong buhok na hanggang balikat ang haba hanggang sa mala-porselana nitong balat na konting pisil lang ay agad namumula. Maganda ang bilugang mga mata ni Guinevere na kakulay ng tubig sa dagat. Nag-aagaw ang berde at bughaw. And her lips, man, he couldn't even find a word that would justify how beautiful Guinevere's lips were. Probably the best-looking lips there is.
Naputol ang malayang paglalakbay ng mga mata ni Arthur Lance nang gumalaw ang best-looking lips. Hindi niya maintindihan ang sinasabi ng dalaga. Maya-maya ay napahagulhol ito.
Arthur Lance froze.
Hindi niya alam ang gagawin. He never saw a girl cry in her sleep before. It felt bad. Every tear felt like a jab in the stomach.
Napaluhod si Arthur Lance at masuyong hinawi ang buhok ni Guinevere na nagkalat na sa mukha nito na basang-basa na ng luha. She's probably having a nightmare.
Dapat ba niya itong gisingin? Paano kung magalit ito sa kanya? Pero hindi naman niya maatim na panoorin lang itong umiyak.
Bago pa man siya makapag-desisyon ay tumahan na ang dalaga.
"Pinakaba mo ako," mahina niyang sambit sabay iling.
He looked at the girl intently and wondered what her dream was. Gamit ang likod ng kanyang kamay ay tinuyo niya ang mga luhang natira sa pisngi ng dalaga. "What's your story Guinevere?"
Arthur Lance knew that shouldn't get himself involve with a girl who is neither a friend, a patient nor a family.
Hindi si Guinevere ang unang babaeng pumukaw ng interes niya.
And she probably won't be the last. Because there will always be someone more interesting.
Isang mabigat na buntong-hininga ang pinakawalan ni Arthur Lance bago tuluyang tumayo.
He left Leigh's condo but his mind was definitely stuck in there.
-------------------------------------------------------------------------------
"No Arthur Lance. You can't date her."
Isang ungol ang kumawala kay Arthur Lance. Ilang araw na niyang kinukumbinsi si Leigh na payagan siyang makita ang kaibigan nito.
Pero nagmamatigas ang pinsan niya. Wala raw itong tiwala sa kanya.
But he's not giving up. Hindi siya nagpalit ng oras ng duty para magkasabay sila ni Leigh sa resident's quarters para lang sa wala.
"Hindi naman iyon ang balak ko pinsan."
Mula sa pagtitipa sa laptop ay umangat ang tingin ni Leigh sa kanya. Ipinag-krus pa nito ang mga kamay sa harap ng dibdib. "Anong gusto mo kung ganoon?"
"Well, I, uh-"
"You want to take her to bed."
"Of course not!" mabilis na tanggi ni Arthur Lance.
Pinagtaasan siya ni Leigh nang kilay. Halatang hindi naniniwala.
Hay, minsan ang hirap din pag binansagan kang playboy. Palagi nalang siyang pinag-iisipan ng masama kahit na minsan ay may mga mabuti rin naman siyang hangarin sa kapwa.
"Really?" nang-uuyam na sabi ng pinsan. He can't blame Leigh though. Sino ba naman kasi ang maniniwala na wala siyang malagim na balak sa babaeng kasingganda ni Guinevere?
Oo, lalaki siya at sumisigaw ang hormones niya pero-
"Mahirap mang paniwalaan pero oo, hindi iyon ang intensyon ko sa kaibigan mo," pagdadahilan pa niya.
Napauga si Arthur Lance ng hininga nang diskumpyado pa rin ang mukha ng pinsan. Masyado itong protective kay Guinevere. Kung hindi lang niya alam na mahal nito si George, baka isipin niyang may gusto si Leigh sa kaibigan nito.
"So what's your intention then? Be her saviour?"
Nalaman ni Arthur Lance na kaya pumunta ng Pilipinas si Guinevere ay dahil sobra itong nasaktan sa paghihiwalay nito at ng dating nobyo.
Leigh told him that hoping he'd leave his friend alone. Pero tila naging dahilan iyon para mas gustuhin niyang mapalapit sa dalaga.
"I don't think she needs saving."
"Then she won't be needing you Arthur Lance," pagdi-dismiss ni Leigh sa kanya. Bumalik na ito sa ginagawa.
Mula sa pagkaka-upo sa isa sa mga double bed ay napatayo si Arthur Lance. Lumapit siya kay Leigh na nakaupo sa sofa. Wala na siyang choice. Kailangan na niyang ilabas ang kanyang huling alas.
"Naalala mo ba ang pangako mo sa akin dati pinsan?" ani Arthur Lance na agad namang nakakuha ng attensyon ni Leigh. Hindi makapaniwalang napatingin ito sa kanya.
"You're going this far Arthur Lance?"
Tumango siya. Nagkatitigan sila ni Leigh. Sa huli ay napabuntong-hininga nalang ang pinsan niya.
"Guinevere would kill me for this," tila sumusukong sabi ni Leigh. "At gustong-gusto kitang bugbugin ngayon."
"Saka mo na ako bugbugin kapag may ginawa akong masama."
"Siguraduhin mong wala. Kahit pinsan pa kita, hindi ako magdadalawang-isip na sirain iyang mukha mo kung sakali."
Umupo si Arthur Lance sa tabi ni Leigh at inakbayan ito. "Trust me, will you?"
"Bakit mo ba kasi ginagawa to?"
Sumilay ang isang tipid na ngiti nang maalala niya ang mukha ni Guinevere. She was too pretty to be sad.
"Because I hate to see a woman cry in her sleep."
-------------------------------