Love, Lust and Cherry Knots Chapter 6

Nahihirapan ngumuya si Guinevere.

Paano ba naman kasi siya makakakain ng maayos kung may isang pares nang mga matang kanina pa nakatingin sa kanya?

Nang malaman niyang pinsan ni Leigh si Arthur Lance, inihanda na niya ang sarili na possibleng mag-krus nang paulit-ulit ang mga landas nila.

Pero mali siya. Hindi yata siya magiging handa.

He makes her nervous. And conscious!

Damn. Masyado na siyang matanda para ma-conscious sa mukha, katawan, kilos o maging sa salita.

This is insane. Para siyang binabangungot dahil sa isang gabi na sising-sisi siya.

Maybe if she and Arthur Lance didn't have sex, malamang ay balewala lang ito sa kanya.

Oo, sinisisi ni Guinevere ang lahat ng ka-praningang nararamdaman niya dahil sa naganap sa kanila ni Arthur Lance sa Hong Kong.

Hindi rin nakakatulong na maya't-maya ang pagsulpot ng binata sa condo ni Leigh.

Kaninang umaga ay dumaan si Arthur Lance sa condo ng kaibigan niya at nakikikain ng breakfast.

Hindi daw kasi ito nabusog sa dinaanang coffee shop.

Kagabi ay dumaan din ito dahil may hihiramin daw itong libro. Nakipag-usap ito sa kanya at nang makaalis ay wala naman itong bitbit na libro na hihiramin kuno.

Ngayon ay nasa isang mall sila. Kumakain sa paboritong seafood restaurant ni George.

Nagyaya kasi si Leigh. Nag-request daw si George na mag-bonding silang dalawa. Excited pa naman si Guinevere sa pagbo-bonding nila ng kasintahan ni Leigh pero hindi niya inasahang makiki-bonding din si Arthur Lance. Parang gusto na tuloy niya itong sungitan kahit pinsan ito ni Leigh.

"Guys, puntahan ko lang ang chef. Kaibigan kasi iyon ni mommy. Magtatampo iyon kapag di ako nagpakita," paalam ni George nang matapos na itong kumain.

Sinamahan ito ni Leigh kaya naiwan na naman siyang kasama si Arthur Lance.

Minsan ay gusto nang magduda ni Guinevere. Parang lahat nalang kasi ng lakad nila ni Leigh ay nandoon ang pinsan nito at sa tuwina ay iniiwan siya nito kasama ang makulit na lalaki.

"Weeksary nina George at Leigh ngayon," sambit ni Arthur Lance na naging dahilan para bumaling siya dito.

Naka-itim na t-shirt lang ito at faded jeans pero ang pogi pa rin. Puyat pa si Arthur Lance sa lagay na yan. Galing pa ito sa 24-hour duty sa ospital. Bahagyang nangingitim ang ilalim ng mga mata nito.

Bakit hindi nalang kaya natulog si Arthur Lance?

"Hindi ka ba inaantok?" sa halip ay tanong niya.

Nabigla man ay natawa lang ang binata. Napakamot pa ito sa batok at balewalang ngumiti.

"Mukha na ba akong zombie?"

"Almost," sagot niya.

Ngumiti lang ulit ito at nagpatuloy na silang kumain. Magana itong kumain.

Buti nalang at nag-retiro na si Guinevere sa pagmo-modelo kaya hindi na niya kailangang maging masyadong strikto sa mga kinakain niya.

It was so hard to be on diet in this country! Sa sarap ba naman ng pagkain at sa nakakahawang appetite ng mga Pilipino.

"This is why.”

“Huh?”

Napalingon si Guinevere kay Arthur Lance sa bandang likuran niya. Mula sa paghatid ng tingin kina George at Leigh na umalis na para bumalik ng ospital ay bumaba ang tingin nito sa kanya. His eyes were suddenly filled with a different warmth. Like he was looking at someone dear to him.

It almost made her shiver just staring a second longer than necessary.

Pasimple niyang iniwas ang tingin at palihim na kinutusan ang sarili. She was getting crazier everyday.

“Di ba sabi mo kanina kulang ako sa tulog? Normally, umuuwi ako pagkatapos ng duty, natutulog at gabi na nagigising. Pero nang malaman ko na kasama ka sa lunch date nina Leigh at George, sumama na rin ako. Alam ko kasing may duty pa sila pagkatapos at maiiwan ka na namang mag-isa. Ang lungkot namang mamasyal sa mall mag-isa at ayoko namang umuwi ka sa condo ni Leigh at tumunganga dun buong maghapon. Nakaka-praning kaya yun.”

Pinigil ni Guinevere ang matawa sa huling sinabi ni Arthur Lance. Because she is already at it. Napa-praning na siya.

Well, at least may iba siyang pwedeng sisihin sa ka-praningan niya. Though, she highly doubt it.

Ano naman ang panama ng boredom kay Arthur Lance?

Nang muli niyang tingnan ang binata ay nakangiti na ito.

Damn his lips for effortlessly turning into a mouthwatering smile. It’s just so unfair.

“Hindi mo naman kailangang gawin iyon. I’m not your responsibility.” Nagkibit siya ng balikat. “Dalhin mo nalang ako sa mental kapag hazardous na ang ka-praningan ko,” aniya na hindi maiwasang magbiro.

Ayaw niyang aminin pero sa kabila ng nakakawindang na epekto nito sa kanya, magaan ang loob ni Guinevere sa binata.

Para din itong si Leigh minus the one night stand experience.

Kung sana lang talaga wala ang makasalanang gabing iyon, hindi sana nanganganib ang katinuan niya.

Pero in fairness naman kay Arthur Lance, wala itong binanggit kay Leigh tungkol sa nangyari sa kanila. He never mentioned it too. That somehow eases the awkwardness.

“Maawa ka naman sa mga pasyente sa mental kung makakasama ka nila,” anito sa boses na naaaliw dahil for once ay nagawa niyang magbiro at sumakay sa biro. Guinevere could almost peek at her old self.

“Hindi naman ako magiging bayolente ah,” pagtatanggol niya sa sarili.

“Its not that.”

Nagusot ang ilong niya. “Eh ano?”

“You’ll drive the male patients crazy. Or in their case, crazier.”

Pakiramdam ni Guinevere ay namula siya sa compliment na yun. Funny how a simple and unoriginal compliment could easily make her blush like a sixteen-year old girl.

Ridiculous.

Kung nandito ang mga kaibigan niya, malamang ay sumasakit na ang tiyan ng mga iyon sa kakatawa.

“Gusto mong manood ng pelikula?” tanong ni Arthur Lance. Huminto sila sa tapat ng isang movie poster. Hindi namalayan ni Guinevere na nasa cinema area na pala sila.

Tiningnan niya ang mga pelikulang ipinapalabas. Dalawang horror films na parehong foreign, isang action film na napanood na niya at… isang romantic movie tungkol sa mag-ex.

Dahan-dahan siyang napatingin sa flatscreen malapit sa entrance ng cinema. Ang teaser ng nasabing romantic movie ang ipinapalabas doon.

Napahawak si Guinevere sa kaliwang dibdib niya. Assessing her broken heart. Kaya na ba ng puso niya? Could she watch that film without breaking into tears?

Huminga siya ng malalim bago muling hinarap si Arthur Lance.

Kumunot ang noo niya nang magtama ang kanilang mga mata. Nagha-hallucinate ba siya o talagang tila naalarma si Arthur Lance at biglang nahaluan ng concern ang mukha?

Kinabahan si Guinevere nang sumulyap ang binata sa flatscreen na para bang alam nito ang dahilan sa likod ng kawalan niya ng imik.

Napalunok siya. May ideya ba ito tungkol sa kanila ni Frank? Sana naman wala. Nakakahiya kung sakali.

“Iyan nalang ang panoorin natin,” aniya na ikinabigla nito.

“Sigurado ka?” Itinuro nito ang poster ng isang horror film. “Iyan nalang kaya?” suhestyon ni Arthur Lance na agad naman niyang tinugon ng sunod-sunod na pag-iling. Horror movies would be the death of her.

Nag-aalangan man ay pumayag si Arthur Lance na ang pelikulang pinili niya ang panoorin nila.

No, she’s not being a masochist. Guinevere would like to consider this as a moving on test.

Kung hanggang saan na ang progress ng pagmo-move on niya o kung naka move on na nga ba talaga siya.

“Sure ka talaga dito? Pwede pa tayong lumabas kung gusto mo,” baling ni Arthur Lance sa kanya nang makaupo na sila sa pinakadulong upuan. Nagkaka-migraine kasi siya kapag nakaupo malapit sa screen.

Nag thumbs up sign si Guinevere. “Oo nga.” Pinagtaasan niya ito ng kilay. “Bakit ba tingin mo ayaw ko sa pelikulang to?”

Nagkibit lang ito ng balikat bago nito sinubo ang kinuhang pop corn mula sa kanya. Tahimik lang silang kumain ng pop corn habang hinihintay na magsimula ang pelikula. Maya-maya ay pinatay na ang ilaw pero advertisements pa rin ang ipinapalabas sa screen.

Napabuntong-hininga si Guinevere. Mauubos na ang pop corn at soda niya pero-

Napayuko siya sa kanyang balikat. Nakasandal doon si Arthur Lance.

Ilalayo sana ni Guinevere ang sarili nang mapansin niya ang regular at payapang paghinga ng katabi. Umangat ang kilay niya. Hindi naman mukhang feeling close masyado si Arthur Lance para basta-basta nalang sumandal sa kanya. Unless-

Dahan-dahan siyang gumalaw para silipin ang binata.

Pumalatak pa siya nang sa tulong ng ilaw mula sa screen ay nakita niya ang nakapikit na mga mata nito. Mukhang nainip at nakatulog na ito sa paghihintay ng pelikula. Or maybe this guy was just too tired and sleepy.

Kahit nagkaroon ng ibang reaksyon ang katawan ni Guinevere sa posisyon nilang iyon ni Arthur Lance at kung saan-saan na naman napupunta ang isip niya ay minabuti niyang hayaan nalang itong sumandal sa kanya habang natutulog.

May puso naman siya kahit papaano, medyo broken nga lang sa ngayon.

Speaking of broken hearts, nagsimula na ang pelikula ng mga pusong sawi.

Habang pinapanood ni Guinevere ang struggle ng bidang babae sa pelikula para mag move on mula sa ex nito na obviously ay mahal pa nito at makakatuluyan sa ending, naikumpara niya ang sitwasyon nila.

Iyong girl umalis para makalimot. Check. Ginawa rin niya iyon.

Panay ang tanong sa sarili kung bakit siya nagawang saktan ni guy. Check pa rin.

Got herself drunk and wasted. Check-

Napalunok si Guinevere sabay sulap sa lalaking natutulog sa balikat niya. She did worse. Hindi lang siya naglasing, nakipag-sex pa siya sa lalaking hindi naman niya gaanong kakilala.

She shrugged. Dali-dali niyang pinalis ang alaala sa kanyang isipan. Ayaw niyang mag-isip ng SPG!

Erase!

Ibinalik niya ang diwa sa pelikula at sa bidang babae.

Ang huling bagay na ginawa ng babae ay naghanap ng iba. Pero hindi nito nagawa kasi wala itong maramdamang attraction at spark sa ibang lalaki.

Darn.

Bumaba ulit ang tingin niya kay Arthur Lance at lihim na nag sign of the cross.

There’s no use denying it. Attracted siya kay Arthur Lance.

Kakabog ba naman ng ganito kalakas ang dibdib niya kung hindi?

Is her heart finally healing?

Sana naman.

Pero dyahe ang magkagusto kay Arthur Lance. Baka sipain talaga siya ni Leigh pabalik ng New York.

Besides, he was a playboy. And Guinevere is too old and tired to be playing the field.

Seryosong relasyon ang hanap niya. Someone who would ask her the magical question. Her clock is ticking at bago pa man magtampo ang obaryo niya, gusto na niyang banggitin ang salitang “I do.”

Hay, ang complicated pala ng attraction kung ang playboy na pinsan ng best friend mo ang involved at nasa edad ka na at gusto mo nang mag-settle down.

Napasandal siya habang nakatingin sa screen kung saan nagkabalikan na ang mag-ex at kasalukuyang naghahalikan.

Life. How can I survive you alive?

"I hope that doesn't happen to you."

Nagulat si Guinevere. Gising ba si Arthur Lance?

Sinilip niya ito. Nakapikit ito.

Did he sleep talk?

Maya-maya ay naramdaman niya ang paggalaw ng ulo ng binata sa kanyang balikat. Niyuko niya ito at nagtama ang kanilang mga mata.

"Don't get back with your ex okay?"

And just like that. He closed his eyes again.

----------------------------------------------------------------------

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.